Pumunta sa nilalaman

Jor-El

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jor-El
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasSuperman
(Enero 1939)
TagapaglikhaJerry Siegel (panulat)
Joe Shuster (guhit)
Impormasyon sa loob ng kwento
Buong pangalanJor-El
EspesyeKryptoniyano
Lugar ng pinagmulanKrypton
Kasaping pangkatScience Council
Kilalang alyasJor-L (sa Ginuntuang Panahon)
Mister Oz (sa "DC Rebirth")
KakayahanSiyentipikong henyo na may kakayahang ng pag-imbento at paglapat ng labis na masulong na teknolohiya; likas na magaling na pilosopo at tagapayo, pisikal na lakas, liksi at bilis, hindi tinatablan ng kryptonite

Si Jor-El, orihinal na kilala bilang Jor-L, ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha nina Jerry Siegel (panulat) at Joe Shuster (guhit), unang lumabas si Jor-El sa istrip ng komiks sa pahayagan noong 1939 kasama si Superman.

Biyolohikal na ama ni Superman si Jor-El, ang asawa ni Lara, at ang pinunong siyentipiko sa planetang Krypton bago ito nalipol. Nakita niya ang kinahinatnan ng planeta subalit bigo siya na makumbinsi ang kanyang mga kasama na iligtas ang karamihan sa mga taga-Krypton sa takdang panahon. Naligtas ni Jor-El ang kanyang sanggol na anak na si Kal-El (Superman) sa pamamagitan ng paglunlunsad niya kay Kal-El tungo sa Daigdig sa isang sariling-gawang sasakyang-pangkalawakan noong bago ang mga sandali ng pagsabog ng Krypton. Nang ginawa ni Superman ang kanyang punong-himpilan, ang Fortress of Solitude, binigyan niya ng karangalan ang kanyang mga biyolohikal na magulang sa pagsasama ng isang bantayog nina Jor-El at Lara na hinahawak ang globo ng Krypton. Kadalasang sinasalarawan si Jor-El na malapit na kamukha ng karakter ni Superman.

Sa mga pelikula, gumanap si Marlon Brando bilang Jor-El sa mga pelikulang Superman, Superman II at Superman Returns. Ginampanan naman ni Russell Crowe ang karakter na ito sa pelikulang Man of Steel. Si Angus Macfadyen naman ang gumanap sa karakter sa seryeng telebisyon ng Arrowverse na Superman & Lois.

Sina Joe Shuster at Jerry Siegel, ang lumikha ng parehong Superman at Jor-L, ay unang ipinakilala ang karakter bilang "Jor-L" noong 1936, higit sa isang taon bago ang unang istoryang nailathala tungkol kay Superman.[1][2] Lumabas ang orihinal na "Jor-L" sa New Adventure Comics (nilabas noong 1936, naka-petsa ang pabalat: Enero 1937), at muling-pinamagatang isyu #12 ng nakaraang New Comics, na mapapalitan din muli ang pamagat, simula sa isyu #32, bilang ang 45-taong-habang Adventure Comics na serye.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cronin, Brian (16 Oktubre 2008). "Comic Book Urban Legends Revealed #177". Comics Should Be Good (sa wikang Ingles). Comic Book Resources. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2013. Nakuha noong 3 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jerry Siegel (w), Joe Shuster (p). "Federal Men" New Adventure Comics 12 (Enero 1937)
  3. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Manning, Matthew K.; McAvennie, Michael; Wallace, Daniel (2019). DC Comics Year By Year: A Visual Chronicle (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 16. ISBN 978-1-4654-8578-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)