Pumunta sa nilalaman

Joakim Noah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Joakim Noah
Si Noah nung nasa Bulls pa siya noong 2014
No. 55 – Los Angeles Clippers
PositionCenter
LeagueNBA
Personal information
Born (1985-02-25) 25 Pebrero 1985 (edad 39)
New York City, New York
Listed height6 tal 11 pul (2.11 m)
Listed weight230 lb (104 kg)
Career information
High schoolUnited Nations International
(New York City, New York)
Poly Prep
(Brooklyn, New York)
Lawrenceville
(Lawrenceville, New Jersey)
CollegeFlorida (2004–2007)
NBA draft2007 / Round: 1 / Pick: ika-9 overall
Selected by the Chicago Bulls
Playing career2007–kasalukuyan
Career history
20072016Chicago Bulls
20162018New York Knicks
2017Westchester Knicks
2018–2019Memphis Grizzlies
2020–kasalukuyanLos Angeles Clippers
Career highlights and awards
Stats at NBA.com
Stats at Basketball-Reference.com

Si Joakim Simon Noah (pronunciation: JO-a-kim;[1] ipinanganak noong 25 Pebrero 1985, sa New York, New York) ay isang basketbolista para sa New York Knicks. Noong siya ay nasa kolehiyo pa, naglaro siya para sa University of Florida sa SEC ng NCAA mula 2004-2007.[2] Si Noah ay miyembro ng kuponan ng Gators na nagwagi sa 2006 at2007 NCAA Men's Division I Basketball Tournaments. Noong 28 Hunyo 2007, si Noah ay napili bilang 9th overall pick sa 2007 NBA Draft ng Chicago Bulls.

Si Noah ay may dugong Cameroonian (ang kanyang lolo na si Zacharie Noah ay dating Cameroonian na manlalaro ng soccer sa France), at dugong Swedish at Pranses, na siya ring nasyonalidad niya. Siya ang anak ng Pranses at dating propesyonal na manlalaro ng tennis na si Yannick Noah, at ng 1978 Miss Sweden na si Cecilia Rodhe.

Siya ay naglaro para sa ilang high schools, una, sa United Nations International School (UNIS) sa New York City. Siya din ay naglaro sa mga torneyo ng streetball at siya ay nabansagasn bilang "The Noble One" dahil pro tennis player ang kanyang ama. Sa kalaunan ay lumipat siya sa Poly Prep sa Brookly, New York, kung saan napailalim siya kay coach Bill McNally, at pagkatapos noon ay muli siyang lumipat sa The Lawrenceville School, sa labas ng Princeton, New Jersey. Sa UNIS, siya ay pumailaim kay coach Alsonso Shockley at Harry Muniz. Siya ay umabot sa champioships bilang kaisa-isang sophomore sa kanyang kuponan. Pagtapos noon ay umalis siya papuntang Lawrenceville upang palawigin ang kanyang karera sa basketball. Sa Lawrenceville, si Noah ay nagtala ng average na 24.0 puntos, at 12 rebounds kada laro upang pangunahan ang kanyang kuponan para makakuha ng New Jersey Prep 'A' State title.[2]

College career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kanyang unang taon sa kolehiyo sa Florida (2004-2005), limitado lamang ang kanyang paglalaro, na nakatala lamang sa 10.3 minutos kada laro, at nagtala lamang ng averade na 3.9 puntos at 2.7 rebounds kada laro. Sa dalawang NCAA Tournament games ng kanyang kuponan, tatlong minuto lamang ang suma total ng kanyang paglalaro.[2]

Noong tag-init ng 2005, malaki ang ginampanan nuya sa runner-up H3 team sa Entertainers Basketball Classic sa Bulgarmarsh Rec Courts.[2]

Malaki ang iginaling ni Noah noong kanyang sophomore year (2005-2006), at pinangunahan niya ang kanyang kuponan sa puntos (14.2) at blocks (2.4), habang pumapangalawa lamang sa rebounds (7.1 rpg) kay Al Halford sa rebounds na nagtala ng 7.6 rebounds kada laro. Tuloy-tuloy ang pagtaas ng draft stock ni Noah, na halos hindi kilala noong simula ng season. Nang malapit na magtapos ang season, marami ang may opinion na isa siya sa top college prospects sa bansa, at kung pipiliin niyang mag-declare para sa 2006 NBA Draft, ay malaki ang posibilidad na makuha siya bilang 1st or 2nd overall sa nasabing draft. Ganito man ang pananaw ng ilan, pinili ni Noah at mga kakamping sina Al Horford at Corey Brewer na bumalik para sa kanilang junior season at sinabi nila ito sa national championship celebration ng kuponan.[2] Muling kukunin ni Noah at ng Gators ang kampeonato ng sumunod na season.

2006 NCAA Tournament

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Noah ay napangalanan bilang Most Outstanding Player (MOP)[3] ng NCAA Tournament Minneapolis Regional matapos niyang pangunahan ang Gators upang manalo laban sa top-seeded na Villanova sa final game, kung saan nagtala siya ng 21 puntos, 15 rebounds, at 5 blocks. Noong 3 Abril 2006, pinangunahan ni Noah ang Gators sa isang 73-57 na panalo laban sa UCLA sa launa-unahang NCAA Basketball Championship, at napangalan siya bilang Most Outstanding Player ng Final FOur. Siya ay nagtala ng 16 puntos, 9 na rebounds, at 6 na blocks sa nasabing laro.[3]

Karerang pangpropesyonal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinili si Noah ng Chicago Bulls bilang ninth overall pick ng 2007 NBA Draft. Si Noah at ang mga dating kakampi na sina Corey Brewer at Al Horford, ang pinaka mataas na nakuhang trio mula sa iisang kolehiyo sa kasaysayan ng NBA. Si Horford ay nakuha bilang 3rd overall pick ng Atlanta Hawks, at si Brewer naman ang 7th overall matapos kunin ng Minnesota Timberwolves.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Noah ay maaring sumali sa mga international competitions tulad ng Olympics o World Basketball Championships sa pamamagitan ng pagsali sa mga national team Estados Unidos, Cameroon, o France. ngunit sa ngayon, tila mas kinikilingan niyang sumali sa French national team. Ayon kay Noah, "The French National team is definitely something that has been in my dreams for a while."[4] Siya'y naging opisyal na mamayan ng France noong 10 Agosto 2007.[5] Si Noah ay matatas magsalita sa wikang Pranses.

  • 2006 Associated Press (AP) All-SEC First Team[6]
  • Napangalanan bilang Honorable Mention All-American ng AP.
  • Isang local late night talk show, Late Night Gainesville with Zach,ay nagsimulang ikampanya noong Hunyo ng 2006 na palitan ang pangalan ang major throughway sa campus ng University of Florida ng "Joakin Noah Road."

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brady, Erik (2004-03-22). "Star high school athlete becomes his own man". USA TODAY. Nakuha noong 2007-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Joakim Noah Biography". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-28. Nakuha noong 2007-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Florida... brings home NCAA title". NCAASports.com. Nakuha noong Pebrero 13, 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Givony, Jonathanl (2007-05-21). "Joakim Noah: "I don't feel like there is another player like me"". DraftExpress.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2007-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "FIBA: Noah cleared to play for France". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-28. Nakuha noong 2007-09-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Newberry, Paul (Marso 15, 2006). "Tide's Steele selected to '06 All-SEC team". DecaturDaily.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 20, 2006. Nakuha noong Marso 8, 2007. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Sean May
NCAA Basketball Tournament
Most Outstanding Player
(men's)

2006
Susunod:
Corey Brewer

Padron:2007 NBA Draft