Rabinikong Hudaismo
Ang Rabinikong Hudaismo o Rabbinic Judaism o Rabbinism (Hebreo: "Yahadut Rabanit" - יהדות רבנית) ang nananaig na anyo ng Hudaismo mula ika-6 siglo CE pagkatapos ng kodipikasyon ng Talmud na Babilonian. Ito ay lumago mula sa Hudaismong Farisaiko at naging nananaig na anyo ng Hudaismo sa diasporang Hudyo sa pagitan ng ika-2 hanggang ika-6 siglo CE sa redaksiyon ng mishnah at talmud bilang autoritatibong interpretasyon ng Tanakh at paghikayat sa pagsasanay ng Hudaismo sa kawalan ng paghahandog sa Templo at ibang mga pagsasanay na hindi na posible. Ang Rabinikong Hudaismo ay batay sa paniniwala na sa Bundok Sinai, tinanggap ni Moises ng direkta ang pahayag mula sa diyos ng Torah gayundin ang karagdagang pambibig na paliwanag ng pahayag na "batas na pambibig"(oral law) na inihatid ni Moises sa mga tao sa anyong pambibig.
Ang nananaig na Rabinikong Hudaismo ay sumasalungat sa Hudaismong Karaite(Hebreo: יהדות קראית) na hindi kumikilala sa batas na pambibig bilang autoridad ng diyos o sa mga pamamaraang Rabiniko na ginamit sa pagbibigay kahulugan ng mga kasulatang Hudyo. Bagaman sa kasalukuyan ay may mga malalim na pagkakaiba sa iba't ibang mga sekta ng Rabinikong Hudaismo ayon sa nagtataling pwersa ng halakha at ang pagpayag na hamunin ang mga naunang interpretasyon, ang lahat ng mga sektang ito ay kumikilala sa kanilang mga sarili na nagmumula sa tradisyon ng batas pambibig at paraan ng analisis na Rabiniko. Ito ang nagtatangi sa kanila bilang mga Rabinikong Hudyo kung ikukumpara sa Hudaismong Karaite.