Healogo
Ang healogo (o heolohista) ay isang uri ng siyentista na nag-aaral sa mga bagay na bumubuo sa daigdig at iba pang mga planeta, at sa mga prosesong humuhubog sa kanila. Ang pagsasagawa ng pag-aaral sa kapaligiran (field work) ay mahalagang bahagi ng trabaho ng isang healogo bagaman maaari rin silang magtrabaho sa laboratoryo o gumamit ng kompyuter.
Ilan sa mga larangan kung saan maaaring magtrabaho ang mga healogo ay ang paghahanap ng likas-yaman tulad ng petrolyo, batong-hiyas, mineral, pagkukunan ng metal, at mga batong pangkonstruksyon; sa pagpapababa ng risgo at epekto ng mga likas na panganib tulad ng lindol, bulkan, tsunami, pagbaha, at pagguho; sa pag-aaral at pagtalakay ng pagbabago ng klima at iba pang mga problemang pangkalikasan; sa pagtuturo ng dignayan sa mga paaralan; sa pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig at buhay nito sa pamamagitan ng pagkalap ng mga posil at stratigrapiya; at sa komunikasyon ng agham sa publiko.[1][2][3][4]
Pagsasanay at pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang kailangang sumailalim sa pag-aaral ng mga asignaturang teoretikal at praktikal na sumasalamin sa iba't ibang sangay ng dignayan ang sinumang nagnanais na maging healogo.[1][5][6] llan sa mga kakayanang dapat taglayin ng isang healogo ay ang kakayanang maglarawan at tumukoy ng mga bato at mineral, suriin ang kabuluhan ng mga ito, ipahiwatig ang heolohikal na kasaysayan ng isang lugar, at magsulat ng mga kaakibat ulat.[3] Kailangan din nilang mag-aral at magsanay sa mga abanteng batayang asignatura ng agham tulad ng liknayan, sipnayan, kapnayan, at haynayan na may mga prinsipyong mahalaga rin sa pag-unawa ng mga penomenong heolohikal.[5][7][3] Dagdag pa rito, kailangan ding magsanay ang nagnanais na maging healogo sa mga kaparaanan ng pagmamapa at paggamit ng geographic information system (GIS).[6][8]
Espesyalisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagi ng isang serye sa |
Heolohiya |
---|
Mahahalagang bahagi |
Mga paksa
|
Pananaliksik |
|
Napakarami ng sangay ng dignayan kung saan maaaring magsilbing espesyalista ang isang healogo[9][10]. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Agham Earth system
- Ekonomikong heolohiya
- Heolohikal na Inhinyeriya
- Heolohiya pangkapaligiran
- Heoarkeolohiya
- Heokimika
- Heokronolohiya
- Heomorpolohiya
- Heopisika
- Glasyolohiya
- Kasaysayang pangheolohiya
- Hidroheolohiya
- Mineralohiya
- Heolohiyang pandagat
- Paleontolohiya
- Petrolohiya
- Heolohiyang pamplaneta
- Sedimentolohiya
- Pag-aaral ng mga lindol
- Agham ng lupa
- Agham pangkuweba
- Stratigrapiya
- Istruktural na heolohiya
- Bulkanolohiya
Empleyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga propesyunal na healogo ay nagtatrabaho para sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno, pribadong kumpanya, akademya, at mga organisasyong sibil-sosyedad o non-government organizations (NGOs).[11][12] Tulad ng iba pang mga manggagawa, maaari silang kontraktwal o regular.
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Dalawang babaeng healogo na nagsisiyasat ng bato sa Antarctica
-
Isang healogo na sinisiyasat ang isang silindro ng nabaraneng bato
-
Isang healogo na nagtitistis ng isang batong naglalaman ng posil
-
Isang healogo na gumagamit ng mikroskopyo sa pagsusuri ng mga bato
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "What do Geologists do". www.geolsoc.org.uk. Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Geologist". American Geosciences Institute (sa wikang Ingles). 2016-11-19. Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 https://www.prc.gov.ph/sites/default/files/Geologist_PRIMER.pdf
- ↑ https://guides.libraries.psu.edu/c.php?g=821826&p=5865067
- ↑ 5.0 5.1 https://our.upd.edu.ph/files/Checklist/UG/CS/CS_Bachelor of Science in Geology.pdf
- ↑ 6.0 6.1 "R53 | BSc (Hons) Geology | Open University". The Open University (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Adamson University". www.adamson.edu.ph. Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Freeman, Demetrius (2021-04-17). "The Application of Geographic Information Science in Earth Sciences". USC GIS Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Job Sectors". www.geolsoc.org.uk. Nakuha noong 2023-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.researchgate.net/publication/318602166_150_BRANCHES_OF_GEOLOGYEARTH_SCIENCES
- ↑ https://eps.ucdavis.edu/students/careers/where
- ↑ https://www.bls.gov/ooh/life-physical-and-social-science/geoscientists.htm#tab-3