Habeas corpus
Ang habeas corpus[1] [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin] na mapasaiyo ang katawan"[2] o "nasa iyo ang katawan"[3] ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.[3]
Nagmula ito sa maagang batas na Ingles upang maiwasan ang hindi makabatas na pagpapakulong. Itinuturing itong isang haligi ng kalayaang sibil. Ayon sa Konstitusyon ng Estados Unidos, hindi ito matatanggihan maliban na lamang sa mga kaso ng rebelyon o panghihimagsik, ng paglusob, at kung nanganganib ang kaligtasan o seguridad ng publiko.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. habeas corpus - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Stone, Jon R., Latin for the Illiterati: Exorcizing the Ghosts of a Dead Language, Routledge 1996, p.39
- ↑ 3.0 3.1 3.2 "Habeas corpus, you have the body". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na H.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Batas at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.