Pumunta sa nilalaman

Gusaling Chrysler

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gusaling Chrysler
Ang Gusaling Chrysler ang pinakamataas na (mga) gusali mula 27 Mayo 1930 - 1931.*
Hinalinhan nito ang 40 Wall Street
Nalampasan ito ng Gusaling Empire State
Kabatiran
Lokasyon 405 Lexington Avenue, New York, New York, U.S.
Kalagayan Kumpleto
Binuo 1929-1930
Taas
Antena/Sungay 318.9 m (1,046 tal)
Bubungan 282.0 m (925 tal)
Pang-itaas na palapag 274.0 m (899 tal)
Detalyeng teknikal
Bilang ng palapag 77
Lawak ng palapag 1,195,000 pi kuw (111,000 m2)
Bilang ng elebeytor 32
Mga kumpanya
Arkitekto William Van Alen

*Napapamahayan, sumusuporta sa sarili, mula sa punong-pasukan hanggang pinakamataas na pang-istruktura o pang-arkitektura na taluktok; tingnan ang talaan ng mga pinakamatataas na gusali sa daigdig para sa iba pang mga talaan.

Ang Gusaling Chrysler o Chrysler Building ay isang Art Deco na gusaling tukudlangit sa Lungsod ng New York, na matatagpuan sa gawing silangan ng Manhattan sa interseksiyon ng Kalye Ika-42 at Abenida Lexington. Tumatayo sa 319 metro (1,047 tal),[1] naging pinakamataas na gusali sa buong mundo ito sa loob ng maikling panahon bago ito malagpasan ng Gusaling Empire State noong 1931. Subalit, nananatili ang Gusaling Chrysler bilang pinakamataas na gusaling yari sa ladrilyo.[2][3] Makaraan ang pagbagsak ng World Trade Center, muli itong naging pangalawang pinakamataas na gusali sa Lungsod ng New York City hanggang Disyembre 2007, kung kailan itinaas ang 365.8-metro (1,200 tal) na espiro ng gusali ng Bank of America, kung kaya't naitulak ang Gusaling Chrysler sa ikatlong puwesto. Bilag karagdagan, ang Gusali ng New York Times, na nagbukas noong 2007, ay tuwirang katapat ng Gusaling Chrysler sa sukat ng kataasan.[4]

Isang klasikong halimbawa ang Gusaling Chrysler ng arkitekurang Art Deco at ibinibilang ng mga pangkasalakuyang mga arkitekto na isa sa mga pinakamahusay ang pagkakagawang gusali sa Lungsod ng New York (tingnan sa ibaba). Noong 2007, inihanay itong ika-siyam sa Talaan ng mga Paboritong Arkitektura ng Amerika ng Surian ng mga Arkitektong Amerikano.[5]

  1. The Chrysler Building – SkyscraperPage.com
  2. "The World's Tallest Brick Building – SkyscraperPicture.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-20. Nakuha noong 2012-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A view from Above – The Chrysler Building". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-30. Nakuha noong 2007-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Emporis Data – See Tallest buildings Ranking
  5. "FavoriteArchitecture.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-13. Nakuha noong 2008-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.