Greko-Arabeng kilusan sa pagsasalin
Ang Greko-Arabeng kilusan sa pagsasalin ay isang malaki, napondohan, at napanatiling pagsisikap na responsable para sa pagsasalin ng makabuluhang bahagi ng sekular na tekstong Griyego patungo sa Arabe.[1] Naganap ang kilusan sa pagsasalin sa Baghdad mula kalagitnaan ng ikawalong dantaon hanggang hulihan ng ikasampung dantaon.[1][2]
Habang nakasalin mula sa maraming wika patungo sa Arabe sa kilusan, kabilang ang: Pahlavi, Sanskrito, Siriako, at Griyego, kadalasan itong tinutukoy bilang Greko-Arabeng kilusan sa pagsasalin dahil higit na nakatuon ito sa pagsasalin ng mga akda ng mga Helenistikong iskolar at mga iba pang sekular na tekstong Griyego patungo sa Arabe.[2]
Mga pangyayari bago ang panahong Abasi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pangyayaring pre-Islamiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ng ikasiyam na hari ng Imperyong Sasanida, Sapor II, ang Akademya ng Gondishapur, na magiging sentro ng medisina, aklatan, pati na ring kolehiyo kung saan mapag-aaralan ang mga iba't ibang asignatura gaya ng anatomiya, teolohiya, medisina, at pilosopiya.[3] Nang maglaon, itinatag ni Kosroes I ang isang obserbatoryo na makakapag-alok ng mga pag-aaral sa dentisteriya, arkitektura, agrikultura at patubig, pangunahing kaalaman sa pamumuno sa militar, astronomiya, at matematika. Dating itinuring ang Akademya ng Gondishapur bilang ang pinakadakilang kritikal na sentro ng medisina noong ikaanim pati noong ikapitong dantaon. Gayunman, noong ikapitong dantaon PK, nasakop ang imperyong Sasanida ng mga hukbong Muslim, ngunit pinreserba nila ang sentro.
Sa kanluran, ipinasara ni Bisantinong emperador Justiniano I ang Akademya ng Atenas noong 529 PK. Kasama sa paghinto sa pagpopondo ng mga pangunahing pampublikong institusyong pang-edukasyon, maraming iskolar ang tumakas mula sa rehiyon na bitbit ang kanilang kaalaman at mga materyales. Naghanap ang mga migranteng iskolar ng makakanlungan sa Persiya, na aktibong natiyak ng pinuno nito ang kanilang ligtas na daan mula sa Bisansyo at sinuportahan ang kanilang mga hangarin sa akademya.[4]
Maagang Imperyong Islamiko at Panahong Umayyad (632–750 PK)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Habang naging karaniwan ang mga salin mula sa Griyego patungo sa Arabe noong Panahong Umayyad dahil sa malalaking populasyon na nagsasalita ng Griyego sa imperyo, bihira ang pagsasalin ng mga Griyegong tekstong pang-agham.[1][5] Nagsimula ang Greko-Arabeng kilusan sa pagsasalin sa simula ng Panahong Abbasid.[1][6] Gayunman, maraming pangyayari at kalagayan noong pagsulong ng imperyong Islamiko ang nakatulong sa pagtatag ng kapaligiran at kalagayan kung saan namukadkad ang kilusan. Ang mga pananakop ng Arabe bago at noong panahong Umayyad na kumalat sa Timog-kanlurang Asya, Persiya, at Hilagang-silangang Aprika ay naglatag ng pundasyon para sa sibilisasyon na may kakayahang manggatong ng Greko-Arabeng kilusan sa pagsasalin. Ang mga pananakop na ito ang nagpakaisa ng isang napakalaking lugar sa ilalim ng Estadong Islamiko, na nagkonekta sa mga lipunan at tao na dating magkahiwalay, na nagpasigla sa mga ruta ng kalakal at agrikultura, at nagpabuti sa meteryal na kayamanan ng mga sakop.[1][2] Malamang na ang bagong-tuklas na katatagan sa rehiyon sa ilalim ng dinastiyang Umayyad ay nagtaguyod sa mas mataas na antas ng literasiya at mas malaking imprastraktura sa edukasyon.[4] Natanggap sa istraktura ng imperyo ang mga Kristiyanong nagsasalita ng Siriako at mga iba pang Helenistikong Kristiyanong komunidad sa Iraq at Iran.[1][2] Naging napakahalaga ang iyong mga Helenisadong taong sa pagsusuporta ng lumalaking interes sa mga institusyon para sa sekluar na Griyegong pag-aaral.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Gutas, Dimitri (1998). Greek Thought, Arabic Culture: The Graeco-Arabic Translation Movement in Baghdad and Early Abbasid Society (2nd-4th/8th-10th centuries) [Kaisipang Griyego, Kulturang Arabe: Ang Greko-Arabeng Kilusan sa Pagsasalin sa Baghdad at Lipunang Abasi Noon (Ika-2 - ika-4/ika-8 - ika-10 dantaon)] (sa wikang Ingles). Routledge. pp. 1–26.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Brentjes, Sonja; Morrison, Robert (2010). "The Sciences in Islamic Societies". Sa Irwin, Robert (pat.). The New Cambridge History of Islam, Volume 4: Islamic Cultures and Societies to the End of the Eighteenth Century. Cambridge: Cambridge University Press. pp. 564–569. ISBN 978-0-521-83824-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khalidi, Hala; Dajani, Basma Ahmad Sedki (2015-10-09). "Facets from the Translation Movement in Classic Arab Culture" [Mga pitak mula sa Kilusan sa Pagsasalin sa Klasikong Kulturang Arabe]. Procedia - Social and Behavioral Sciences. 6th World Conference on Psychology, Counseling and Guidance (WCPCG-2015) (sa wikang Ingles). 205: 569–576. doi:10.1016/j.sbspro.2015.09.080. ISSN 1877-0428.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Prince, Chris (2002). "The Historical Context of Arabic Translation, Learning, and the Libraries of Medieval Andalusia" [Ang Makasaysayang Konteksto ng Pagsasalin at Pag-aaral sa Arabe, at ang mga Aklatan ng Edad Medyang Andalusia]. Library History (sa wikang Ingles). 18 (2): 73–87. doi:10.1179/lib.2002.18.2.73.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sabra, A. I. (1987). "The Appropriation and Subsequent Naturalization of Greek Science in Medieval Islam: A Preliminary Statement" [Ang Pag-angkin at Kasunod na Naturalisasyon ng Griyegong Agham sa Edad Medyang Islam: Isang Paunang Pahayag]. History of Science (sa wikang Ingles). 25 (3): 223–243. Bibcode:1987HisSc..25..223S. doi:10.1177/007327538702500301. ISSN 0073-2753.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pormann, Peter; Savage-Smith, Emilie (2007). Medieval Islamic Medicine [Edad Medyang Islamikong Medisina] (sa wikang Ingles). Washington, D.C.: Georgetown University Press. pp. 24–26. ISBN 978-1-58901-161-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)