Pumunta sa nilalaman

Gigolo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawang Hapones mula sa Kitagawa Utamaro, The Pillow Book (Uta Makura), o "Aklat na Pang-unan", 1788. Ayon sa Museong Britaniko[1], natuklasan ng babaeng nasa kanan ang isang liham na nakatago sa robe o "bata de banyo" ng kaniyang nakababatang lalaking mangingibig (ang "gigolo" na nasa kaliwa).

Ang gigolo ay isang lalaking patutot na naglilingkod para sa mga babae.[2] Isa itong kaparehang lalaki o kasamang panlipunan na sinusuportahan ng isang babae habang nasa loob ng isang ugnayang nagpapatuloy,[3] na madalas na nakatira sa tahanan ng nasabing babae o pumaparoon sa tahanang iyon kapag sinabihan o tinawagan. Ang gigolo ay inaasahang maging kasama ng babae, magsilbi bilang isang pamalagiang eskorte na mayroong mabuting pagkilos at pag-asal at mga kasanayang panlipunan, at madalas, maglingkod bilang isang kasayawan ayon sa pangangailangan ng babae na ang kapalit ay suporta (na taliwas sa karaniwang pamantayan). Maaaring bigyan nang labis-labis na mga regalo ang gigolo, katulad ng mamahaling mga dami at isang kotseng mamanehuhin. Ang relasyon ay maaaring magsangkot din ng mga serbisyong seksuwal, kung saan maaaring tukuyin ang lalaking ito bilang isang "lalaking angkin o pag-aari (ng isang babae)".[4]

Ang katagang gigolo ay karaniwang nagpapahiwatig ng isang lalaki na umako ng isang estilo sa buhay na binubuo ng mga bilang ng mga serye ng relasyon, sa halip na magkaroon ng ibang anyo ng suporta o mapagkakakitaan.[5][6]

Ang salitang gigolo ay maaaring tuntunin sa isang paggamit bilang isang neolohismo noong dekada ng 1920 bilang isang back formation mula sa salitang Pranses na gigolette, isang babae na inuupahan bilang isang kapareha sa pagsasayaw.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Museong Britaniko
  2. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 560.
  3. Definition of gigolo Merriam-Webster Dictionary
  4. A man who is kept by a woman, Word Reference, napuntahan noong 2013.02.14
  5. Otterman, Sharon, ‘Swiss Gigolo’ Sentenced to Six Years, The Lede, Marso 9, 2009, News, The New York Times, 2013.02.14
  6. Dahlkamp,Jürgen, Röbel,Sven, and Smoltczyk, Alexander, Gigolo Trial: Trial to Begin for Man Who Duped Germany's Richest Woman, Spiegel Online International, napuntahan noong 2013.02.14
  7. back formation from gigolette, Word Reference, napuntahan noong 2013.02.14