Gens du pays
Ang awit na "Gens du pays" ay maituturing na di-opisyal na pambansang awit ng Quebec, Canda. Isinulat ito ng makata at kompositor at kilalang nasyonalista na si Gilles Vigneault. Kasama niya sa paggawa ng awit na ito ang isa pang nasyonalista na si Gaston Rochon.
Una itong inawit ni Vigneault noong ika-24 ng Hunyo 1975 sa kaniyang konsiyerto sa Mount Royal sa Montréal. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Quebec noon ang Fête nationale du Québec. Mabilis itong tinangkilik ng mga tao at halos naging katutubong awit pa sa kasikatan. Simula noon, palagi na itong tinutugtog sa lahat ng mga seremonya ng Fête nationale du Québec.
Ang chorus nito ang siyang pinakapopular na bahagi ng awitin kung saan sinasabing :
Pranses | Tagalog |
---|---|
Gens du pays, c'est a votre tour
De vous laisser parler d'amour |
Mga mamamayan ng bansa (Quebec), panahon na ninyo
Upang hayaan ang inyong mga sarili na magsalita ukol sa pag-ibig |
Nang malaon, nakilala ang awit na ito bilang isang awit na nagpapahayag ng masidhing pagmamahal para sa Quebec. Dahil dito, naging awitin ito ng mga nagnanais na magkaroon ng hiwalay at malayang Quebec mula sa Canada. Isa sa mga di malilimutang pagkakataon na ginamit ito sa nasabing pagpapahay ay noong ginamit ito matapos ang talumpati ni René Lévesque ukol sa pagkatalo ng mga Nasyonalista sa pinakahuling referendum kung hihiwalay nga ba ang nasabing lalawigan. Sa pagtatapos ng talumpati ni Levesque, biglang umawit ang mga manonood ng "Gens du Pays", na tinawag niyang "ang pinakamagandang awit para sa mga Quebecois".
Titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Original French | Translation |
---|---|
Les temps qu'on a pris pour se dire «je t'aime» C'est le seul qui reste au bout de nos jours |
Dumating na ang panahon upang sabihing "minamahal kita"
Ito na lamang ang nalalabi sa ating mga araw |
{refain}
Gens du pays, c'est votre tour |
{refain}
Mga mamamayan ng bansa, ito na ang panahon |
Les temps de s'aimer, le jour de le dire
Fond comme la neige aux doigts du printemps |
Ang panahon upang magmamhalan, ang araw upang ipahayag ito
[Ang pag-ibig] na kasinglalim ng niyebe sa papalapit na tagsibol |
{refain}
Gens du pays, c'est votre tour |
{refain}
Mga mamamayan ng bansa, ito na ang panahon |
Le ruisseau des jours aujourd'hui s'arrête
Et forme un étang où chacun peut voir |
Ang agos ng ating mga buhay, ngayon ay nagwakas na
At nag-iwan ng isang lawa kung saan mamamasdan |
{refain}
Gens du pays, c'est votre tour |
{refain}
Mga mamamayan ng bansa, ito na ang panahon |
Bilang Pamalit sa Happy Birthday
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Quebec, ginagamit rin ang chorus nito bilang pamalit sa awit na Happy Birthday to you. Minsan na rin itong ginamit ni Gilles Vigneault noong 1975. Sa halip na ang tradisyunal ka chorus ang ginagamit, pinapalitan ito ng :
- Mon cher ami (or Ma chère amie), c'est à ton tour
- De te laisser parler d'amour.
(Mahal kong kaibigan, ito na ang oras mo upang haayaan ang sariling magsalita ukol sa pag-ibig)
Minsan rin, ang "ami(e)" ay pinapalitan ng pangalan ng taong nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
Minsan na rin itong ginamit nang bigla na lamang umawit ang mga nakikiramay sa libing ni René Lévesque. Noong pagkakataong iyon, inawit nila :
- Mon cher René, c'est à ton tour,
- de te laisser parler d'amour
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |