Pumunta sa nilalaman

Fushigi Yūgi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Fushigi Yugi)
Fushigi Yūgi
pabalat ng manga
ふしぎ遊戯
DyanraDrama, Fantasy, Romance
Manga
KuwentoYuu Watase
NaglathalaShogakukan
MagasinShōjo Comic
TakboMayo 1992Hulyo 1996
Bolyum18
Teleseryeng anime
DirektorHajime Kamegaki
EstudyoStudio Pierrot
Inere saTV Tokyo
 Portada ng Anime at Manga

Ang Fushigi Yūgi (ふしぎ遊戯; Wikang Filipino: Mahiwagang Larô o Mahiwagang Dulâ) ay isang manga Hapon at anime na inakdâ ni Yū Watase.

Nagsisimula ang kuwento sa pagpapakilala sa magkaibigang dalagang sina Miaka Yūki at Yui Hongo ("Julie" sa Pilipinong dub). Napunta sila isang araw sa pinagbabawal na bahagi ng Pambansang Aklatan, at mayroon silang nagtagpuang kakaibang aklat na pinamagatang "Ang Aklat ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang aklat at binasa ang unang pahina, nahigop sila ng aklat at napasok sa mundong nasa loob ng kuwento, na katulad sa sinaunang Tsina.

Itataguring "Katalonan ni Suzaku" si Miaka ng Imperyo ng Kōnan, at ang siyang itinadhanang magtitipon sa Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku upang maitawag ang diyos na si Suzaku at makamit ang tatlong kahilingan. Magiging kasintahan niya ang isa sa Pitong Mandirigma na si Tamahome, ang siyang nagtanggol sa kanila nina Julie nang pagtangkaan silang saktan ng mga salarin nang una silang mapadpad sa mundo ng aklat. Bunga nito, sa halip na naisin ni Miaka na gamitin ang isa sa tatlong hiling upang makapasa siya sa kaniyang pinupusuang mataas na paaralan, mas nagustuhan niyang gamitin ito upang magkasama sila nina Tamahome.

Ang kaniyang kaibigang si Yui Hongo naman ang tinaguriang Katalonan ni Seiryū, na ang siyang diyos naman ng bansa ng Kutō. Niloko siya ni Nakago, ang pianakamataas na heneral ng bayang iyon, upang maniwalang tinalikuran siya ni Miaka at nagahasa siya. Dahil dito at sa pinagseselosan niya si Tamahome, nagsikap si Yui na magkapaghiganti kay Miaka.

Sa kabuonan ng kuwento, inilalarawan ang mga pagsubok na hinaharap ng dalawang dalaga, mapatadhana man o personal. Magiging lubos silang magkatunggali at nag-uunahan sa kung sino ang makakapagtawag sa kani-kanilang diyos upang makahingi ng ipinangakong tatlong kahilingan.

Sa telebisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong limampu't dalawang (52) tagpò sa telebisyon ang Fushigi Yūgi na hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na tagpong pantelebisyon, at may kabuuang labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo)

Ang Fushigi Yugi anime ay nailathala sa Singapore sa ilalim ng Odex. At lumabas naman ito sa Hapan sa ilalim naman ng Shogakukan. Lumabas din ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika sa ilalim ng VIZ Media. Sa Singapore, lumabas ito sa wikang Ingles sa tulong ni Chuang Yi.

Ang pangunahing tauhang si, Miaka Yūki, ang Katalonan ng Suzaku, at ang Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku ay bahagi ng Imperyo ng Kōnan. Si Suzaku ang diyos ng bansang ito, hango sa pulang ibon na si Zhū Qué, ang tagapagbantay ng Katimugan sa astrolohiyang Tsino.

Mga maka-Suzaku

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Miaka Yūki
  • Miaka Yūki (夕城美朱 Yūki Miaka)
    • Ipinanganak noong: 12 Mayo taon 1980
    • Edad: 15 Taon Gulang
    • Taas: 1.58m
    • Bigat: 48 kilo
    • Bunso Kuya: Kesuke Yūki
    • Pag-uugali: Maingay, matakaw, emosyonal, positibong mag-isip
    • Nagboses Sa Wikang Hapon Kae Araki boses ng Usagi Tsukino Sailor Moon kasalukuyang boses Kotono Mitsuishi, Chibusa Tsukino,Black Lady, Sailor Chibi Moon at Super Sailor Chibi Moon sa Tagalog, Cebuano at Hiligaynon Rose Barin at sa Ingles Daphne Cezar
    • Ang gumawa na istorya na ito ay si Yuu Watase
    • Si Miaka ay ang Suzako no Miko o Priestess of Suzako. Napadpad sya sa kaharian ng Konan na pinamumunuan ni Emperor Hotohori ng makapasok sila sa loob ng libro ni Yui na ang pangalan ay (Universe of the Four Gods). Doon nya nakilala si Tamahome at kanyang pag-ibig at ang iba pang mga Suzako Warriors na sila Nuriko, Tasuki, Chichiri, Mitsukake, Chiriko.dito rin nasira ang pag kakaibigan nila Yui dahil sa pag mamahal din nito kay Tamahome.
Si Tamahome o Kishuku So
  • Tamahome (鬼宿)
    • Tunay na pangalan: So Kishuku (Xong Giu-Sui sa Wikang Tsino)
    • Ipinanganak noong: 28 Hunyo
    • Edad: 17
    • Taas: 1.80m
    • Armas: Kamao
    • Pag-uugali: Malakas, makisig, tapat, palabiro, at mahilig sa pera
    • Nagboses Sa Wikang Hapon Hikaru Midorikawa at sa Wikang Tagalog at Bisaya Lloyd Navera
Si Nuriko o Cho Ryūen
  • Nuriko (柳宿)
    • Tunay na pangalan: Chō Ryūen (Tiao Liuchuan sa Intsik)
    • Kilala rin bilang: Chō Koūrin (Tiao Kanglin sa Intsik)
    • Lugar ng kapanganakan: Eiyo, kapital ng Imperyo ng Konan
    • Ipinanganak noong: 10 Marso
    • Konstelasyon: Hydra
    • Edad: 18
    • Simbolo: Willow (柳宿 yanagi), sa may kaliwang bahagi ng dibdib
    • Taas: 1.66m~5'5
    • Libangan: Magdamit ng pambabae, tsismis,may pagtingin kay Hotohori
    • Tipo ng dugo: B
    • Abilidad: Di pangkaraniwang pisikal na lakas
    • Pamilya: Mga magulang, Rokou(nakatatandang kapatid na lalaki), Kourin(nakababatang kapatid na babae), Sonjun(tito), Fuyou(tita)
    • Armas: Mga armlet na nagdaragdag ng lakas
    • Nagboses Sa Wikang Hapon: Chika Sakamoto at sa Wikang Tagalog at Bisaya: Michiko Azarcon

Si Nuriko(柳宿), ipinanganak bilang si Chō Ryūen (o Tiao Liuchuan sa Intsik), ay isang tauhan sa anime na Fushigi Yuugi.

Si Hotohori o Saihitei Seishuku
  • Hotohori (星宿)
    • Tunay na pangalan: Saihitei Seishuku (Xing Shu sa Intsik)
    • Ipinanganak noong: 2 Abril
    • Edad: 18
    • Taas: 1.82m
    • Armas: Espada
    • Pag-uugali: Mapagbigay, maalaga, mabuti ang puso, iniidolo ang sarili,malungkot at naghihintay ng babaeng mamahalin/nangungulila
    • Nagboses Sa Wikang Hapon Takehito Koyasu at sa Wikang Tagalog at Bisaya Vincent Gutierrez
Si Tasuki o Kō Shun'u (Genro)
  • Tasuki (翼宿)
    • Tunay na pangalan: Kō Shun'u (Genro) (Hou Chun Yu sa Wikang Tsino)
    • Ipinanganak noong: 18 Abril
    • Edad: 17
    • Taas: 178 cm
    • Armas: Pamaypay na yari sa bakal
    • Pag-uugali: Maingay, mahilig sa apoy, tapat, mapagpatawa, takot sa tubig, ayaw sa babae maliban kay Miaka
Si Chichiri o Hōjin Ri
  • Chichiri (井宿)
    • Tunay na pangalan: Hōjin Ri
    • Ipinanganak noong: 21 Mayo
    • Edad: 24
    • Taas: 1.75m
    • Armas: Kulam, patpat, sumbrero, kapa
    • Pag-uugali: Payapa, mabait, tuso , matalino at masayahin
Si Mitsukake o Myo Juan
  • Mitsukake (軫宿)
    • Tunay na pangalan: Myo Juan (Miao Niu An sa Wikang Tsino)
    • Ipinanganak noong: 7 Mayo
    • Edad: 22
    • Taas: 1.99m
    • Armas: Nakakapagpagaling sa pamamagitan ng palad
    • Pag-uugali: Matangkad na tahimik
Si Chiriko o Ō Dōkun
  • Chiriko (張宿)
    • Tunay na pangalan: Ō Dōkun (Wong Tao Hui sa Wikang Tsino)
    • Edad: 13
    • Armas: Ang kanyang pambihirang katalinuhan
    • Pag-uugali: Matalino, tuso, at pinaka-bata sa grupo

Mga maka-Seiryū

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Yui Hongo ("Julie Hongo")
    • Ipinanganak noong: 26 Oktubre
    • Edad: 15
    • Taas: 162 cm
    • Pag-uugali: Matalino ngunit madaling manipulahin
Si Nakago o Gi Ayurhu
  • Nakago (Kinikilalang pinuno ng lahat na mandirigma ng Seiryu, ang kanyang malamig na pag-uugali at dating ay ang tumutulak kay Yui na magdesisyon ng masama noong bandang simula ng istorya. Lahat ng taga-Seiryū ay takot kay Nakago. Ang kanyang lakas ay higit pa sa pinagsama-samang lakas ng mga mandirigma ng Suzaku.)
    • Tunay na pangalan: Gi Ayuru
    • Ipinanganak noong: 17 Nobyembre
    • Edad: 25
    • Taas: 193 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Hindi pa alam, madaling magmanipula ng kanyang enerhiya o lakas
    • Pag-uugali: Malamig ang puso, hindi nagpapakita ng emosyon, galit sa mundo.
Si Soi o Haku Kaen
  • Soi
    • Tunay na pangalan: Haku Kaen (Bai Hua Wan sa Intsik)
    • Ipinanganak noong: 30 Oktubre
    • Edad: 19
    • Taas: 170 cm
    • Armas / Kapangyarihan: May kakayahang magmanipula ng kidlat, panahon, at elektrisidad. Isa ring bihasa sa iba't ibang istilo sa kama
    • Pag-uugali: Hindi nagmumungkahi kapag may napansin na pagkakamali, malapit ang loob kay Nakago at gagawin ang lahat para sa kanya.
Si Miboshi
  • Miboshi
    • Tunay na pangalan: Hindi pa alam
    • Ipinanganak noong: 4 Disyembre
    • Edad: Hindi pa alam
    • Taas: Hindi pa alam
    • Armas / Kapangyarihan: May kakayahang sumanib sa katawan ng ibang tao,at kayang magpalabas ng mga halimaw
    • Pag-uugali: Sobrang sama
Si Amiboshi
  • Amiboshi (Ang kakambal ni Suboshi, ang pagkawala niya noong unang bahagi ng istorya ang syang naging dahilan ng pagkabaliw ni Suboshi.)
    • Tunay na pangalan: Bu Koutoku
    • Alyas: Kaika
    • Ipinanganak noong: 26 August
    • Edad: 15
    • Taas: 168 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Gumagamit ng kapangyarihan gamit ang plawta
    • Pag-uugali: Walang hilig sa away o gulo.gustong maging suzaku wariors
  • Suboshi
    • Tunay na pangalan: Bu Shunkaku
    • Ipinanganak noong: 26 Agosto
    • Edad: 15
    • Taas: 168 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Pag-galaw ng bagay sa pamamagitan ng isip, may armas na Ryuuseisui
    • Pag-uugali: Umiibig kay Yui. Isang baliw.
Si Ashitare
  • Ashitare
    • Tunay na pangalang: Hindi pa alam
    • Ipinanganak noong: 21 Nobyembre
    • Edad: 35
    • Taas: 213 cm
Si Tomo
  • Tomo
    • Tunay na pangalan: Hindi pa alam
    • Alyas: Ragun (Ruo Chuin sa Intsik)
    • Ipinanganak noong: 13 Oktubre
    • Edad: 21
    • Taas: 184 cm
    • Armas/Kapangyarihan: Paggawa ng ilusyon gamit ang kabibeng "Shin"
    • Pag-uugali: Dahil pinabayaan siya ng kanyang mga magulang mula sa kanyang pagkabata ay lumaking masama si Tomo. May gusto siya kay Nakago, ngunit hindi niya ito masabi sa kanya nang harap-harapan. Dahil dito ay hindi sila nagkakasundo ni Soi, ngunit kaya nilang magtrabaho nang sabayan kung kinakailangan.

Mga Nagboses sa Wikang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Louver's Fushigi Yuugi Universe.