Pumunta sa nilalaman

Pinagbabawalang Lungsod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Forbidden City)
Mga Palasyong Imperyal ng mga Dinastiyang Ming at Qing sa Beijing at Shenyang
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
(殿) sa gitna ng Forbidden City
PamantayanPangkultura: i, ii, iii, iv
Sanggunian439
Inscription1987 (ika-11 sesyon)
Mga ekstensyon2004

Ang Pinagbabawalang Lungsod (Tsino: 故宫; pinyin: Gùgōng; Ingles: Forbidden City) ay kalipunan ng mga palasyo na matatagpuan sa sentro ng Beijing, Tsina. Ang dating imperyal na palasyo ng Tsina mula noong Dinastiyang Ming hanggang katapusan ng Dinastiyang Qing (sa mga taong 1420 hanggang 1912), at dito ngayon matatagpuan ang Museo ng Palasyo. Sa loob halos ng 500 taon, nagsilbi itong tahahan ng mga emperador at kasambahayan nito, pati na rin ng seremonyal at politikal na sentro ng pamahalaang Tsino.

Itinayo noong 1406 hanggang 1420, binubuo ang kalipunan ng 980 gusali at sumasakop sa lawak na 72 ektarya.[1] Ipinapakita ng kalipunan ng palasyo ang tradisyonal na arkitekturang pampalasyo ng Tsina,[2] na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng kultura at arkitektura sa Silangang Asya ay kung saan-saan pa. Idineklarang Pandaigdigang Pamanang Pook ang Forbidden City noong 1987,[2] at itinala ng UNESCO na naglalaman ng pinakamalaking koleksiyon ng napreserbang istrakturang kahoy sa buong daigdig.

Mula 1925, nasa ilalim ng pamamahala ng Museo ng Palasyo ang Pinagbabawalang Lungsod, na may malawak na koleksiyon ng mga likhang-sining at artepakto na nanggaling sa koleksiyon ng imperyo sa ilalim ng dinastiyang Ming at Qing. Ilan sa mga dating koleksiyon ng museo ay makikita na sa Pambansang Museo ng Palasyo sa Taipei. Nagmula sa iisang institusyon ang parehong museo, ngunit nahati matapos ang Digmaang Sibil ng Tsina. Magmula noong 2012, halos 15 milyon ang bisita ng Pinagbabawalang Lungsod taun-taon, at nakatanggap ng higit sa 16 milyon bisita noong 2016[3] at 2017.[4]

Ang karaniwang pangalan sa Ingles, "Forbidden City" ay pagsasalin ng pangalang Tsino Zijin Cheng (Tsino: ; pinyin: Zǐjìnchéng; lit.: "Lilang Pinagbabawalang Lungsod"). Unang lumitaw ang pangalang Zijin Cheng sa pormal na konteksto noong.[5] Isang pangalang Ingles na may magkatulad ng pinagmulan dito ay "Forbidden Palace" ("Pinagbabawalang Palasyo").[6]

Mahalaga ang pangalang "Zijin Cheng" sa maraming paraan. Tumutukoy ang Zi o "Lila" sa Hilagang Bituin, na Ziwei ang itinawag sa sinaunang Tsina, na naging langiting tirahan ng Makalangit na Emperador at sa tradisyonal na astrolohiyang Tsino. Ang pumapaligid na rehiyong makalangit, ang Bakurang Ziwei (Tsino: ; pinyin: Zǐwēiyuán), ay naging kaharian ng Makalangit na Emperador at ang kanyang pamilya. Ang Pinagbabawalang Lungsod, bilang paninirahan ng panlupang emperador, ay ang kanyang panlupang katapat. Tumutukoy ang jin o "Pinagbabawalan" sa katotohanan na walang makakapasok at makakalabas ng palasyo nang walang pahintulot mula sa emperador. Lungsod ang kahulugan ng cheng.[7]

Ngayon, pinakakilala ang lugar sa Tsino bilang Gùgōng (), na may kahulugang "Dating Palasyo".[8] Ang museo na nakabatay sa mga gusaling ito ay kilala bilang "Museo ng Palasyo" (Tsino: ; pinyin: Gùgōng Bówùyùan).

Isang paglalarawan ng Pinagbabawalang Lungsod sa isang pinta noong dinastiyang Ming
Isang paglalarawan ng Pinagbabawalang Lungsod sa Alemanyang aklat The Garden Arbor (1853)

Noong naging Emperador Yongle si Zhu Di, ang anak ni Emperador Hongwu, inilipat niya ang kabisera mula Nanjing papuntang Beijing, at nagsimula noong 1406 ang konstruksyon na magiging Pinagbabawalang Lungsod.[7]

Tumagal ng 14 na taon ang konstruksyon at nangailangan ng higit sa isang milyong manggagawa.[9] Kabilang sa mga materyales na ginamit ang mga buong troso ng mahahalagang kahoy ng Phoebe zhennan (Tsino: ; pinyin: nánmù) na nahanap mula sa mga gubat ng timog-kanlurang Tsina, at malalaking bloke ng marmol mula sa mga tibagan malapit sa Beijing.[10] Tinakpan ang mga sahig ng mga pangunahing bulwagan ng mga "gintong ladrilyo" (Tsino: ; pinyin: jīnzhuān) espesyal na inihurnong ladrilyo mula sa Suzhou.[9]

Mula noong 1420 hanggang 1644, ang Pinagbabawalang Lungsod ay naging sentro ng dinastiyang Ming. Noong Abril 1644, nabihag ito ng mga rebeldeng hukbo sa patnubay ni Li Zicheng, na ipinroklama ang kanyang sarili bilang emperador ng dinastiyang Shun.[11] Di nagtagal ay tumakas siya bago dumating ang mga pinagsamang hukbo ni dating heneral ng Ming, Wu Sangui at hukbo ng Manchu, na sinunog ang mga bahagi ng Pinagbabawalang Lungsod sa proseso.[12]

Noong dumating ang Oktubre, nakamit ng mga Manchu ang kataas-taasang kapangyarihan sa hilagang Tsina, at naganap ang isang seremonya sa Pinagbabawalang Lungsod para iproklama ang batang Emperador Shunzhi bilang hari ng buong Tsina sa ilalim ng dinastiyang Qing.[13] Pinalitan ng mga pinunong Qing ang mga pangalan sa mga ibang pangunahing gusali upang bigyang diin ang "Pagkakaisa" sa halip ng "Pangingibabaw",[14] ginawang bilingguwal ang mga plaka (Tsino at Manchu),[15] at ipinakilala ang mga Shamanistikong elemento sa palasyo.[16]

Noong 1860, sa panahon ng Ikalawang Digmaan ng Opyo, sinakop ng mga puwersang Anglo-Pranses ang Pinagbabawalang Lungsod at inokupahan ito hanggang dulo ng digmaan.[17] Noong 1900, tumakas si Inang Emperatris Cixi mula sa Pinagbabawalang Lungsod noong Himagsikang Bokser, na iniwang okupado ng mga puwersa ng mga kapangyarihan ng kasunduan hanggang sa susunod na taon.[17]

Ang Silangang Maringal na Tarangkahansa ilalim ng pagkukumpuni bilang bahagi ng proseso ng pagpapanumbalik ng 16 na taon

Pagkatapos maging tahanan ng 24 na emperador – 14 ng dinastiyang Ming at 10 ng dinastiyang Qing – tinigilan ang pagiging sentro ng Pinagbabawalang Lungsod ng pulitika sa Tsina sa 1912 sa pagbibitiw ni Puyi, ang huling Emperador ng Tsina. Sa ilalim ng isang kasunduan sa gobyerno ng bagong Republika ng Tsina, nanatili si Puyi sa Panloob na Hukuman habang ibinigay ang Panlabas na Hukuman sa pampublikong paggamit,[18] hanggang pinalayas siya pagkatapos ng isang kudeta noong 1924.[19] Pagkatapos ay itinatag ang Museo ng Palasyo sa Pinagbabawalang Lungsod noong 1925.[20] Noong 1933, pinilit ng pagsalakay ng Hapones sa Tsina ang ebakwasyon ng mga pambansang kayamanan sa Pinagbabawalang Lungsaod .[21] Ibinalik ang bahagi ng koleksyon sa wakas ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig,[22] ngunit nilisan ang natitirang bahagi sa Taiwan noong 1948 sa ilalim ng utos ni Chiang Kai-shek, noong natatalo ang kanyang Kuomintang sa Digmaang Sibil ng Tsina. Itinago ang koleksyon na medyo maliit ngunit dekalidad hanggang 1965, kung saan naging publiko ito, bilang kalagitnaan ng Pambansang Museo ng Palasyo sa Taipei.[23]

Pagkatapos ng pagtatatag ng Republikang Bayan ng Tsina noong 1949, nasira nang kaunti ang Pinagbabawalang Lungsod habang nabighani ang bansa sa rebolusyonaryong sigasig.[24] Noong Himagsikang Pangkalinangan, gayunman, naiwasan ang higit pang pagkawasak noong ipinadala ng Punong Ministrong Zhou Enlai ang isang batalyon ng hukbo para bantayan ang lungsod.[25]

Idineklarang Pandaigdigang Pamanang Pook ang Pinagbabawalang Lungsod noong 1987 ng UNESCO bilang "Imperial Palace of the Ming and Qing Dynasties ("Palasyong Imperyal ng mga Dinastiyang Ming at Qing")",[26] dahil sa kanyang kabuluhan sa pag-unlad ng arkitekturang Tsino at kultura. Kasalukuyang pinangangasiwaan ito ng Museo ng Palasyo, na nagsasagawa ng proyektong pagpapanumbalik upang kumpunihin ang lahat ng gusali sa Pinagbabawalang Lungsod sa kanilang kalagayan bago ng 1912.[27] Nagpaningas ng pagtutol ang pagbukas ng isang tindahan ng Starbucks noong 2000 at sa huli ay nasara noong 13 Hulyo 2007.[28][29] Napansin din ng midya ng Tsina ng dalawang tindahan ng mga pasalubong na hindi tumanggap sa mga mamamayang Tsino upang taasan ang mga presyo para sa mga banyagang mamimili noong 2006.[30]

Noong 8 Nobyembre 2017, si Donald Trump, Pangulo ng Estados Unidos, ang unang Amerikanong Pangulo na ipinagkaloob ng estadong hapunan sa Pinagbabawalang Lungsod magmula noong pagtatatag ng Republikang Bayan ng Tsina.[31]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "故宫到底有多少间房 (How many rooms in the Forbidden City)" (sa wikang Tsino). Singtao Net. 2006-09-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-18. Nakuha noong 2007-07-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "UNESCO World Heritage List: Imperial Palaces of the Ming and Qing Dynasties in Beijing and Shenyang". UNESCO. Nakuha noong 2007-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Visitors to Beijing Palace Museum Topped 16 Million in 2016, An Average of 40,000 Every Day". www.thebeijinger.com. 3 Enero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 故宫2017年接待观众逾1699万人次 创历史新纪录 (sa wikang Tsino). 31 Disyembre 2017. Nakuha noong 24 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. p26, Barmé, Geremie R (2008). The Forbidden City. Harvard University Press.
  6. See, e.g., Gan, Guo-hui (Abril 1990). "Perspective of urban land use in Beijing". GeoJournal. 20 (4): 359–364. doi:10.1007/bf00174975.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 p. 18, Yu, Zhuoyun (1984). Palaces of the Forbidden City. New York: Viking. ISBN 0-670-53721-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Gùgōng" in a generic sense also refers to all former palaces, another prominent example being the former Imperial Palaces (Mukden Palace) in Shenyang; see Gugong (disambiguation).
  9. 9.0 9.1 p. 15, Yang, Xiagui (2003). The Invisible Palace. Li, Shaobai (photography); Chen, Huang (translation). Beijing: Foreign Language Press. ISBN 7-119-03432-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. China Central Television, The Palace Museum (2005). Gugong: "I. Building the Forbidden City" (Documentary). China: CCTV.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. p. 69, Yang (2003)
  12. p. 3734, Wu, Han (1980). 朝鲜李朝实录中的中国史料 (Chinese historical material in the Annals of the Joseon Yi dynasty). Beijing: Zhonghua Book Company. CN / D829.312.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Guo, Muoruo (1944-03-20). "甲申三百年祭 (Commemorating 300th anniversary of the Jia-Sheng Year)". New China Daily (sa wikang Tsino).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. China Central Television, The Palace Museum (2005). Gugong: "II. Ridgeline of a Prosperous Age" (Documentary). China: CCTV.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "故宫外朝宫殿为何无满文? (Why is there no Manchu on the halls of the Outer Court?)". People Net (sa wikang Tsino). 16 Hunyo 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2008. Nakuha noong 2007-07-12. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Zhou Suqin. "坤宁宫 (Palace of Earthly Tranquility)" (sa wikang Tsino). The Palace Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Setyembre 2007. Nakuha noong 2007-07-12. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 China Central Television, The Palace Museum (2005). Gugong: "XI. Flight of the National Treasures" (Documentary). China: CCTV.{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. p. 137, Yang (2003)
  19. Yan, Chongnian (2004). "国民—战犯—公民 (National – War criminal – Citizen)". 正说清朝十二帝 (True Stories of the Twelve Qing Emperors) (sa wikang Tsino). Beijing: Zhonghua Book Company. ISBN 7-101-04445-X. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2019-05-27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Cao Kun (2005-10-06). "故宫X档案: 开院门票 掏五毛钱可劲逛 (Forbidden City X-Files: Opening admission 50 cents)". Beijing Legal Evening (sa wikang Tsino). People Net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-01. Nakuha noong 2007-07-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. See map of the evacuation routes at: "National Palace Museum – Tradition & Continuity". National Palace Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-20. Nakuha noong 2007-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "National Palace Museum – Tradition & Continuity". National Palace Museum. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-20. Nakuha noong 2007-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "三大院长南京说文物 (Three museum directors talk artefacts in Nanjing)". Jiangnan Times (sa wikang Tsino). People Net. 19 Oktubre 2003. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2008. Nakuha noong 5 Hulyo 2007. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Chen, Jie (2006-02-04). "故宫曾有多种可怕改造方案 (Several horrifying reconstruction proposals had been made for the Forbidden City)". Yangcheng Evening News (sa wikang Tsino). Eastday. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-27. Nakuha noong 2007-05-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Xie, Yinming; Qu, Wanlin (2006-11-07). ""文化大革命"中谁保护了故宫 (Who protected the Forbidden City in the Cultural Revolution?)". CPC Documents (sa wikang Tsino). People Net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-02. Nakuha noong 2007-07-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. The Forbidden City was listed as the "Imperial Palace of the Ming and Qing Dynasties" (Official Document). In 2004, Mukden Palace in Shenyang was added as an extension item to the property, which then became known as "Imperial Palaces of the Ming and Qing Dynasties in Beijing and Shenyang": "UNESCO World Heritage List: Imperial Palaces of the Ming and Qing Dynasties in Beijing and Shenyang". Nakuha noong 2007-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Palace Museum. "Forbidden City restoration project website". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2007. Nakuha noong 2007-05-03. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Mellissa Allison (2007-07-13). "Starbucks closes Forbidden City store". The Seattle Times. Nakuha noong 2007-07-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Reuters (11 Disyembre 2000). "Starbucks brews storm in China's Forbidden City". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2007. Nakuha noong 2007-05-01. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong); |author= has generic name (tulong); Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Two stores inside Forbidden City refuse entry to Chinese nationals" (sa wikang Tsino). Xinhua Net. 23 Agosto 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2009. Nakuha noong 1 Mayo 2007. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "President Trump granted rare dinner in China's Forbidden City". 8 Nobyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)