Fermion
Sa partikulong pisika, ang isang fermion (na ipinangalan kay Enrico Fermi) ay anumang partikulo na sumusunod sa estadistikang Fermi-Dirac(at sumusunod sa prinsipyong Pauli na ekslusyon). Ang mga fermion ay salungat sa mga boson na sumusunod sa estadistikang Bose-Einstein.
Ang isang fermion ay maaaring isang elementaryong partikulo gaya ng elektron o ito ay maaaring isang kompositong partikulo gaya ng proton. Ang teoremang ikot-estadistika ay nagsasaad na sa anumang makatwirang relatibistikong teoriyang quantum field, ang mga partikulong may intedyer na ikot ay mga boson, samantalang ang mga partikulo na may kalahating-intedyer na ikot ay mga fermion.
Salungat sa mga boson, isang fermion lamang ang maaaring umokupa ng isang partikular na estadong quantum sa anumang ibinigay na panahon. Kung ang higit sa isang fermion ay umookupa ng parehong pisikal na espasyo, ang hindi bababa sa isang katangian ng bawat fermion gaya ng ikot nito ay dapat iba. Ang mga fermion ay karaniwang inuugnay sa materya samantalang ang mga boson ay karaniwang mga tagadala ng pwersang mga partikulo, bagayam sa kasalukuyang estado ng pisikang quantum, ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang mga konsepto ay hindi maliwanag.
Ang Pamantayang Modelo ay kumikilala ng dalawang mga uri ng elementaryong mga fermion: mga quark at lepton. Sa lahat, ang modelo ay bumubukod sa 24 iba ibang mga fermion: 6 na quark at 6 na lepton na ang bawat isa ay may katugong anti-partikulo.