Elektrisidad na statiko
Elektromagnetismo |
---|
Ang Statikong elektrisidad o Static electricity ang labis na kargang elektriko na nabitag o nasilo sa ibabaw ng isang bagay. Ang karga ay nanatili hanggang ito ay payagang makatakas sa bagay na may isang mas mahina o kabaligtarang kargang elektriko gaya ng lupa sa pamamagitan ng kuryenteng elektriko o diskargang elektrikal. Ang statikong elektrisidad ay pinangalanan bilang pagsalungat sa kuryenteng elektriko na dumadaloy sa mga kawad o iba pang konduktor at mga nagpapadala ng enerhiya. [1] Ang isang statikong kargang elektriko ay nalilikha kapag ang dalawang mga surpasiyo o ibabaw ay nagkadikit at naghiwalay at ang isa sa mga surpasiyo ay may isang mataas na resistansiya sa kuryenteng elektriko at kaya ay isang insulador. Ang mga epekto ng statikong elektrisidad ay pamilyar sa karamihan ng mga tao dahil nararamdaman, naririnig at kahit nakikita ng mga tao ang kislap habang ang sobrang karga ay naneuneutralisa kapag nailapit sa isang malaking konduktor halimbawa ang isang landas sa lupa o isang rehiyon na may sobrang karga ng kabaligtarang polaridad na positibo o negatibo. Ang pamilyar na phenomenon ng isang statikong pagkabigla, na mas spesipiko ay isang elektrostatikong diskarga ay sanhi ng neutralisasyon ng karga.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Dhogal (1986). Basic Electrical Engineering, Volume 1. Tata McGraw-Hill. p. 41. ISBN 978-0-07-451586-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)