Ekstasis ni Santa Teresa
Itsura
Ang ekstasis ni Santa Teresa (ibang pangalan: Si Santa Teresa sa Ekstasis o Transverberasyon ni Santa Teresa; sa Italyano: L'Estasi di Santa Teresa o Santa Teresa in estasi) ay ang sentral na eskultural na grupo sa puting marmol na pangkat sa nakaangat na aedicule sa Kapilya Cornaro, Santa Maria della Vittoria, Roma . Ito ay idinisenyo at kinumpleto ni Gian Lorenzo Bernini, ang nangungunang eskultor ng kaniyang panahon, na dinisenyo ang mismong Kapilya sa marmol, stucco, at pintura. Sa pangkalahatan, ito ay itinuturing na isa sa mga eskultural na obra maestra ng Mataas na Romanong Baroque. Inilalarawan nito si Teresa ng Ávila .