Pumunta sa nilalaman

Edinburgh

Mga koordinado: 55°57′12″N 3°11′21″W / 55.9533°N 3.1892°W / 55.9533; -3.1892
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Edinburgh
lungsod, college town, lieutenancy area of Scotland, Scottish county of city, big city, metropolitan county
Watawat ng Edinburgh
Watawat
Eskudo de armas ng Edinburgh
Eskudo de armas
Palayaw: 
Athens of the North
Map
Mga koordinado: 55°57′12″N 3°11′21″W / 55.9533°N 3.1892°W / 55.9533; -3.1892
Bansa United Kingdom
LokasyonCity of Edinburgh, Eskosya
Itinatag7th dantaon (Huliyano)
Lawak
 • Kabuuan259 km2 (100 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)
 • Kabuuan488,050
 • Kapal1,900/km2 (4,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC 01:00
Kodigo ng ISO 3166GB-EDH
Websaythttps://edinburgh.org/

Ang Edinburgh (Scottish: Dùn Èideann) ay ang kabisera at isa sa mga council areas ng Eskosya, sa United Kingdom. Ito ang 2nd pinakamataong lungsod sa Eskosya, at 7th sa buong Reyno Unido. Ito ay pinapaligiran ng mga council areas ng: Falkirk at West Lothian sa kanluran, Midlothian at Scottish Borders sa timog, East Lothian sa silangan, at Firth of Forth sa hilaga. Ito ay kinilalang kabisera ng Eskosya mula noong ika-15 na siglo. Ang Edinburgh ay ang luklukan ng Pamahalaang Eskoses, Parlamentong Eskoses at ang Hukuman ng Eskosya. Ang palasyo ng Holyroodhouse ay ang residensya ng monarkiya sa Eskosya. Ang lungsod ay dati nang sentro ng pag-aaral, tulad ng larangan ng gamot, Batasang Eskoses, panitikan, pilosopiya, agham at inhinyero. Ito ay ika-2 na pinakamalaking sentro ng pinansya pagkatapos ng London.

Ang Edinburgh ay nagmula sa isang tanggulan. Ang Castle Rock ay madaling ipagtanggol kaya ito ginawang isang tanggulan. Noong ika-7 siglo sinakop ng mga Ingles itong bahagi ng Eskosya at pinangalanang Eiden's burgh (ang ibig sabihin ng burgh ay tanggulan). Noong ika-10 siglo sinakop ulit ng mga Eskoses ang lugar na ito. Noong huling bahagi ng ika-11 siglo nagtayo si Haring Malcolm III ng isang kastilyo sa Castle Rock at may maliit na bayan ang lumaganap malapit mula sa kastilyo. Noong ika-12 siglo ang Edinburgh ay mayabong na bayan.

Ang Medyebal na Edinburgh ay sikat sa paggawa ng tela. Malapit mula sa Edinburgh ang bayan ng Leith na ginagamit bilang daungan. Ang pangunahing kalakal panluwas ay katad, ang baka at tupa ay binebenta sa isang pamilihan sa Cowgate. Kinakatay sila sa loob ng bayan. Pagkatapos ng 1477 mga butil at dayami ay binebenta sa Grassmarket.[1]

Mula noong 1500 humigit-kumulang 12,000 katao ang nakatira sa Edinburgh. Mabilis na tumaas ang bilang ng tao ilang taon lumipas. Pagkatapos ng Digmaan ng Flooden. Tinayo ng mga tao ang Flooden Wall upang ipagtanggol ang Edinburgh mula sa mga Ingles. Ngunit hindi epektibo ang pader at sinisira ito ng mga Ingles upang lumusob sa lungsod. Ang Edinburgh ay naging madumi at madalas itong tamaan ng mga sakit at mga sunog. Sa huling bahagi ng ika-17 siglo ang lungsod ay may populasyon ng 50,000. Noong 1767 ang balak na palakihin ang Edinburgh ay napanalunan ng arkitektong si James Craig. Ang arkitekto ay nagpakita ng plano ng malalaking kalye, kuwadrado at mga hardin. Noong gitnang bahagi ng ika-18 siglo ang Edinburgh ay sikat sa mga intelektwal na may kinalaman sa pilosopiya, kasaysayan, gamot, agham, at ekonomiks.

Mula ika 19 na siglo ang Edinburgh ay nilalaman ang industriya ng produksyon ng alak at pagpiprinta. Noong ika 20 na siglo naging sikat sa mga turista ang Edinburgh. Noong ika-1 ng Hulyo ng taong 1999. Itinatag ang Scottish Parliament. Kung saan maaaring gumawa ng kanilang mga batas ang mga Eskoses.[2]

Cityscape

Ang Edinburgh ay matatagpuan sa sentral na bahagi ng Eskosya, ito ay nakapaligid sa timog na baybayin ng Firth of Forth.

Mga Areas[3]

  • Abbeyhill
  • Alnwickhill
  • Ardmillan
  • Baberton
  • Balerno
  • Balgreen
  • Bankhead
  • Barnton
  • Bawsinch and Duddingston
  • Beechmount
  • Bingham
  • Blackford
  • Blackhall
  • Bonaly
  • Bonnington
  • Braepark
  • Braid Hills
  • Broomhouse
  • Broughton
  • Brunstane
  • Bruntsfield
  • Bruntsfield Links
  • Bughtlin
  • Burdiehouse
  • Burgh Muir
  • Burghmuirhead
  • The Calders
  • Calton Hill
  • Cammo
  • The Canongate
  • Canonmills
  • Carrick Knowe
  • Chesser
  • Church Hill
  • Clermiston
  • Clovenstone
  • Colinton
  • Comely Bank
  • Comiston
  • Corstorphine
  • Craigcrook
  • Craigentinny
  • Craigleith
  • Craiglockhart
  • Craigmillar
  • Craigour
  • Crewe Toll
  • Currie
  • Curriehill
  • Dalmeny
  • Dalry
  • Davidson's Mains
  • Dean Village
  • Drumbrae
  • Drylaw
  • Duddingston
  • Dumbiedykes
  • East Craigs
  • Easter Road (daanan)
  • Eastfield
  • Edinburgh Park
  • Fairmilehead
  • Ferniehill
  • Fernieside
  • Firrhill
  • Fountainbridge
  • Gilmerton
  • Gogarloch
  • Goldenacre
  • Gorgie
  • Gorgie-Dalry
  • The Grange
  • Granton
  • Grassmarket
  • Greenbank
  • Greendykes
  • Greenhill
  • Haymarket
  • Hermiston
  • Holy Corner
  • Holyrood
  • Ingliston
  • Inverleith
  • Jock's Lodge
  • Joppa
  • Juniper Green
  • Kaimes
  • Kingsknowe
  • Kirk o' Field
  • Lauriston
  • Liberton
  • Little France
  • Lochend
  • Lochrin
  • Longstone
  • Marchmont
  • Maybury
  • Mayfield
  • Meadowbank
  • Merchiston
  • Moray Estate
  • Moredun
  • Morningside
  • Mortonhall
  • Mountcastle
  • Muirhouse
  • Murrayfield
  • New Town
  • Newbridge
  • Newcraighall
  • Newington
  • Niddrie Mains
  • Niddrie
  • Northfield
  • Old Town
  • Oxgangs
  • Parkgrove
  • Parkhead
  • Piershill
  • Pilrig
  • Pilton
  • Platinum Point
  • Polwarth
  • Portobello
  • Portsburgh
  • Powderhall
  • Prestonfield
  • Quartermile
  • Raeburn Place
  • Ravelston
  • Redford
  • Restalrig
  • Riccarton
  • Roseburn
  • Saughton
  • Sciennes
  • Seafield
  • Shandon
  • Sighthill
  • Silverknowes
  • Slateford
  • South Gyle
  • Stenhouse
  • Stockbridge
  • Swanston
  • The Inch
  • Timber Bush
  • Tollcross
  • Torphin
  • Trinity
  • Turnhouse
  • Victoria Park
  • Warriston
  • Waterfront
  • West Coates
  • West Craigs
  • West End
  • West Pilton
  • Wester Broom
  • Wester Hailes
  • Western Harbour
  • Westfield

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Medyebal na Edinburgh http://www.localhistories.org/edinburgh.html
  2. https://www.introducingedinburgh.com/history
  3. Mga Areas ng Edinburgh https://en.wikipedia.org/wiki/Category:Areas_of_Edinburgh