Dibaryon
Ang mga Dibaryon ang isang malaking pamilya ng mga hipotetikal na partikulo na binubuo ng anim na quark ng anumang mga lasa. Ang mga ito ay hinulaan na medyo matatag kapag nabuo. Iminungkahi ng Robert Jaffe ang eksistensiya ng isang posibleng matatag na H dibaryon na may komposisyon ng quark na udsuds na ginawa sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang mga uds hyperon noong 1977.[1]
Ang isang bilang ng mga eksperimento ay iminungkahi upang madetekta ang mga pagkabulok ng dibaryon at mga interaksiyon. Ang ilang mga kandidatong pagkabulok ng dibaryon ay napagmasadan ngunit hindi nakompirma noong mga 1990.[2][3][4]
Mayroon isang teoriya na ang kakaibang mga partikulo gaya ng mga hyperon at H dibaryon ay maaaring mabuo sa loob ng isang bituing neutron na magbabago ng rasyong masa-radyus nito sa mga paraang madedetekta. Sa kabaligtaran, ang mga pagsukat ng mga bituing neutron ay nagtatakda ng mga pagtatakda(constraints) sa posibleng mga katangian ng dibaryon.[5][6] Ang isang teoriya ay nagmumungkahing ang isang malaking praksiyon ng mga neutron ay maaaring maging mga hyperon at magsama sa mga dibaryon sa simulang bahagi ng isang bituing neutron hanggang sa pagguho ng itim na butas. Ang mga dibaryon na ito ay mabilis na matutunaw sa isang quark-gluon plasma habang nangyayari ang pagguho o pumunta sa isang hindi alam sa kasalukuyan na estado ng materya.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
R.L. Jaffe (1977). "Perhaps a Stable Dihyperon?". Physical Review Letters. 38 (5): 195. Bibcode:1977PhRvL..38..195J. doi:10.1103/PhysRevLett.38.195.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BNL-E888 Collaboration (J. Belz et al.) "Search for the weak decay of an H dibaryon", Phys. Rev. Lett. 76:3277-3280 (1996) arXiv:hep-ex/9603002
- ↑ BNL E836 Collaboration (R.W. Stotzer et al.) "Search for H dibaryon in He-3 (K-, k ) Hn", Phys. Rev. Lett. 78:3646-3649 (1997)
- ↑ KTeV Collaboration (A. Alavi-Harati et al.) "Search for the weak decay of a lightly bound H0 dibaryon", Phys. Rev. Lett. 84:2593-2597 (2000), arXiv:/hep-ex/9910030
- ↑ A. Faessler, A. J. Buchmann, M. I. Krivoruchenko, Constraints to coupling constants of the ω- and σ-mesons with dibaryons, Phys. Rev. C56, 1576 (1997) arXiv:nucl-th/9706080
- ↑ F. Weber, R. Negreiros, P. Rosenfield, "Neutron Star Interiors and the Equation of State of Superdense Matter.", Invited review talk presented at "Neutron Stars and Pulsars: About 40 years after the discovery", Bad Honnef, Germany, 2006. To be published in Springer Lecture Notes arXiv:0705.2708