Pumunta sa nilalaman

Satanas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Diablo)

Ang salitang Satanas sa Hudaismo at Kristiyanismo ay isang entidad na nilalarawang ang pinagmumulan ng kasamaan sa mundo na kalaban ng Diyos at tumutukso sa mga tao upang gumawa ng masama. Ito ay kilala sa Kristiyanismo sa mga pangalang Lucifer, Diablo, Samael, Beliar, Belial, Melkira, Beelzebub at iba pa.

Isang klasikong depiksiyon ni Satanas

Si Satanas ay inalalarawan bilang isang magandang anghel at sa ibang mga modernong depiksiyon ay isang nakakatakot na pulang nilalang na may sungay at buntot na may hawak na pantuhog na tinidor.

Ang Henyo ng Kasamaan (1848) by Guillaume Geefs

Satanas sa Hudaismo at impluwensiyang Zoroastrianismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang napailalim ang mga Hudyo sa mga Persiyano at naging bahagi nito bilang Yehud Medinata sa loob nang dalawang siglo, napakilala sa mga Hudyo ang mga paniniwalang Persiyano at Zoroastrianismo gaya ng mga demonyo at dualistikong kosmolohiya kung saan ang uniberso ay nasa isang labanan sa pagitanng puwersa ng kabutihan at puwersa ng kasamaan. Sa eskatalohiya ng Zoroastriano, sa pagwawakas ng panahon ay mananaig ang kabutihan ni Ahura Mazda laban sa puwersa ng kasamaan ni Angra Mainyu.[1][2]. Bago nito, ang paniniwala ng mga Hudyo ay sa isang Diyos na parehong mabuti at masama.

"Ako ay bumubuo ng liwanag at lumilikha ng kadiliman, ako ay lumikha ng kapayapaan at ako ay lumilikha ng kasamaan, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat ng ito""[3] Aklat ni Isaias 45:7, Tingnan din ang Aklat ni Jeremias 4:6[4]; 18:11[5], 2 Hari 6:33[6], 1 Hari 14:10[7], Aklat ni Amos 3:6[8]

Mapapansin ito sa mga kalaunang mga Aklat ng Tanakh gaya ng 1 Cronica 21:1 kung saan lumitaw ang katagang Satanas bilang isang angkop na pangngalan nang walang artikulo. Ayon sa 2 Samuel 24:1, si Yahweh ang nagtulak kay David na bilangin ang Israel na nagpagalit kay Yahweh. Ito ay pinalitan sa mas huling isinulat na 1 Cronica 21:1 kung saan si Satanas ang nagtulak kay David na bilangin ang Israel.

Bago ang pagpapatapon sa Babilonya noong ika-6 siglo BCE ang satanas ay tumutukoy sa isang kalaban sa digmaan(1 Hari 5:18, 11:25), sa isang nag-aakusa sa hukuman(Awit 109: 6) at kalaban (1 Samuel 29:4). Ang salitang satanas ay isa ring tungkulin na inasagawa ng mga diyos o anak ng diyos na nagpapailalim kay Yahweh. Halimbawa, sa Aklat ng mga Bilang 22:22, si Yahweh bilang 'mal'ak Yahweh ay "isang satanas" para kay Balaam at kanyang asno.[9]

Si Lucifer sa pananampalatayang Kristiyano dahil sa pagkaunawa ni Jeronimo sa kanyang pagsasalin ng bibliyang Hebreo na binatay niya sa Septuagint ng salitang Griyegong heōsphoros na isinalin mula sa Hebreong hêlēl ng (Aklat ni Isaias 14:12) ay karaniwang ginagamit na isang pangngalan kay Satanas. Ang pangalang Latin na Lucifer ay ginamit sa saling King James Version noong 1611 ngunit hindi na matatagpuan sa mga modernong saling Ingles ng Bibliya Ang salitang Lucifer ay saling Latin ni Jeronimo ng salitang Hebreo na hêlēl na isinalin sa Septuagint ng Aklat ni Isaias 14:12 na heōsphoros na lumang baybay ng phosphoros. Ang pangalang Lucifer ay batay sa paniniwala ni Jeronimong si Lucifer ay katumbas ni Satanas. Ang salitang heylel ay umiral lamang ng isang beses sa Lumang Tipan sa Isaias 14:12 patungkol sa Hari ng Babilonya. Ayon sa Aklat ni Isaias 14:1,12 tungkol sa hari ng Babilonya,"Isaias 14:12 Ano't nahulog ka mula sa langit, isang nagliliwanag, anak ng bukang-liwayway!(Hebreo:hêlēl ben Shaḥar o hêlēl anak ni Shaḥar na diyos ng bukangliwayway sa relihiyong Ugarit) paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!" Ang hêlēl ay karaniwang pinapakahulugang "isang nagliliwanag" mula sa pandiwang yalal (magliwanag o purihin) o halal (humagulgol).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Skjærvø, Prods Oktor (2005). "Introduction to Zoroastrianism" (PDF). Iranian Studies at Harvard University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-12-24. Nakuha noong 2022-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "AHURA MAZDĀ – Encyclopaedia Iranica". Encyclopædia Iranica. Nakuha noong 2019-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/isa45.pdf
  4. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/jer4.pdf
  5. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/jer18.pdf
  6. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/2kg6.pdf
  7. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/jer18.pdf
  8. https://www.scripture4all.org/OnlineInterlinear/OTpdf/amo3.pdf
  9. G. von Rad, Theologisches Wörterbuch zum Neuen Testament, Vol. 2, p. 73.