Darren Mcfadden
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Pebrero 2008)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Darren McFadden | |
---|---|
College | Arkansas |
Conference | SEC |
Sport | Football |
Position | Tailback |
Class | Junior |
Career | 2005 – present |
Height | 6 tal 2 pul (1.88 m) |
Weight | 215 lb (98 kg) |
Nationality | USA |
Born | North Little Rock, Arkansas | 27 Agosto 1987
High school | Oak Grove HS, North Little Rock, Arkansas |
Awards | |
2006 Doak Walker Award 2006 SEC Player of the Year 2006 Heisman Trophy Runner-Up |
Si Darren McFadden (ipinanganak noong August 27, 1987 sa North Little Rock, Arkansas) ay ang 2006 All-American starting tailback Para sa University of Arkansas at ang nanalo ng 2006 Doak Walker Award bilang pinakamagaling na runningback ng bansa, ang kaunaunahang sophomore na nakakuha ng parangal. Natapos din niya ang season bilang runner-up sa 2006 Heisman Trophy. Meron siyang natitira pang dalawang taon na NCAA eligibility.
High school
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Mcfadden ay nag-aaral sa Oak Grove High School, kung saan siya ay naging Parade Magazine All-American noong 2004, at tinaguriang Arkansas High School player of the year ng Arkansas Democrat-Gazette. Noong mga panahon na yun sa Oak Grove, si Mcfadden ay paminsan-minsan ay naglalaro bilang quarterback, isang kaalaman na hindi niya inaasahang magagamit sa mga susunod niyang karera sa kopanan ng Arkansas para sa "Wildhog" formation.
Kolehiyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kanyang buong dalawang taon bilang kolehiyo, si Darren Mcfadden ay nagpataob ng maraming records sa University of Arkansas Razorback football, ang pinakamalaki o pinakamaraming yards sa isang season na tinapos niya sa kanyang taon bilang sophomore. Noong 2006, siya ay nanalo sa Doak Walker Award, at naging pangalawa naman sa Heisman award ng 2006.
Ang Freshman Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2005, sa kanyang freshman season, si McFadden ay nakagawa ng 1,113 yards at 11 touchdowns sa 176 attempts, at nanalong Southeastern Conference Freshman of the Year. SIya ay naging importanteng parte ng opensiba ng Arkansas, kahit pa sila ay nagkamit ng record na 4-7, at ang talo ay nanggaling sa magagling na koponan gaya ng Georgia at LSU sa huling segundo ng mga laro. bagamat siya ay naging back-up lamang sa unang dalawang laro ng season, at nagpakita intires kay defensive coordinator Reggie Herring na maging safety, isang posiyon na kanyang nilaruan noong nsas high school pa lamang, si McFadden ay na nanatili sa kanyang posiyon bilang running back.
Si McFadden ay unti-unting naging makinang na bituin, makailang beses din siyang gumawa ng long touchdowns sa mga laro. Si Mcfadden ay nakatapos ng season na may pinakamarming yards na nagawa ng isang freshman sa Arkansas, siya rin ay naging isa sa dalawang Southeastern Conference na manlalaro na nakatakbo sa 1,000 yards bilang freshman. Ang isa niyang kasama ay dating nanalo ng Heisman Trophy, ang running back ng University of Georgia na si Herschel Walker. Si McFadden ay nagpatuloy sa kanilang spring practice sa sumunod na taon bilang nangungunang running back sa Razorback depth chart, isang puwesto na ayaw niyang bitiwan habang nasa eskwelahan siya.
Ang Sophomore Season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2006, bagamat naging mabagal ang kanilang simula dahil sa kanyang injury na kanyang nakuha sa isang insidente sa night club sa Little Rock, si Mcfadden ay gumawa ng school-record na 1,647 yards, kasama ang 14 touchdowns, at gumwa ng 3 touchdowns galing sa pasa na may 9 na attempts, at naging first-team All-American. Dahil sa kanyang tiyaga, ang Arkansas ay gumawa ng sampung sunod-sunod na pagkapanalo sa SEC Western Division Championship, subalit natalo sa koponan ng Wisconsin sa 2007 Capital One Bowl noong January 1, 2007.
Noong December 6, 2006, si Mcfadden ang nanguna sa tatlong fnalist para sa Heisman Trophy, kasama niya dito Troy Smith (Ohio State University) at Brady Quinn (University of Notre Dame). Pagtapos ng isang araw, si Mcfadden ay naging unang sophomore na nanalo ng Doak Walker Award na ibinibigay kada taon sa pinakamagaling na running back ng bansa. Sa finale ng 2006 Heisman vote, si Mcfadden ang pumangalawa kela Smith at kaunting puntos sa una ni Quinn. Siya rin ang nangunang contender sa 2007 race, at itinuring ng marami bilang pinakapaboritong manlalaro maliban kela Steve Slaton at Pat White ng West Virginia University, at Ian Johnson ng Boise State University.
Siya ay may tangkad na 6 feet, 2 inches at tumtimbang ng 210 pounds, si Mcfadden kamakailan ay nilampasan si Madre Hill bilang record holder para sa most rushing yards sa buong season ng University of Arkansas. Siya rin ay naging centerpiece ng "Wildhog" formation, isang pangopensibang formation kung saan siya ay nakalinya sa mga quarterback. Simula ng si Mcfadden ay naglaro bilang quarterback sa kanyang high school, siya ay naging pangamba dahil sa kanyang kakayahan na pumasa (7 sa 9 na pasa at 3 touchdowns), o madalas itakbo ang bola. Sa ganitong formation, siya rin madalas na nkalayo sa kapwa manlalaro, madalas ay ang kasamahang running back na si felix Jones, sa ganitong paraan ang formation ay nagiging triple threat. Ang "Wildcat" formation, na sinanay ng Arkansas, ay kadalasan ding tinatawag ng madami na "501," ang numero ng kanyang telepono area code at tattoo sa kanyang braso. Ang mga formations ay opisyal na tinaguriang "WildHog" para sa 2007 season.
Trivia
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Si Darren ay maraming bansag gaya ng "Run DMC", "501", "D-Mac", "D-Dog", "Humanity Advanced" atmarami pang iba.
- Pagtapos ng 2007 NFL Draft, ang Sports Illustrated's website ay naglabas ng mga Photo Gallery Naka-arkibo 2007-05-06 sa Wayback Machine. ng mga posibleng kandidato sa Draft ng 2008. Si Mcfadden ang nangunguna sa pick kung siya ay papasok ng draft.
- Si Mcfadden ay nailathala sa mga covers ng regional editions ng Sports Illustrated at 'ESPN the Magazine.
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Official Darren McFadden Website Naka-arkibo 2008-12-04 sa Wayback Machine.
- McFadden for Heisman
- Darren McFadden News Greatsportsnews.com[patay na link]
- Hogwired Official Profile
- NCAA Statistics
- Feature on Darren McFadden by CSTV sa YouTube
- CSTV: How Does Darren McFadden Do It? sa YouTube
Sinundan: Reggie Bush |
Doak Walker Award Winner 2006 |
Susunod: Incumbent |