Pumunta sa nilalaman

DZBB-AM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
DZBB-AM
Pamayanan
ng lisensya
Quezon City, Philippines
Lugar na
pinagsisilbihan
Mega Manila, surrounding areas
Selected RGMA relay stations (nationwide)
Worldwide (online)
Frequency863 kHz
TatakGMA Super Radyo DZBB 863
Palatuntunan
FormatNews and Public Affairs, Entertainment, religious, Talk, Public service
AffiliationRGMA
Pagmamay-ari
May-ariGMA Network
DWLS
Kaysaysayn
Unang pag-ere
March 1, 1950, 1974 (as DZBB 580/Dobol B 580)
1979 (as DZBB 863/Dobol B 863)
July 17, 1989 (as DZBB Bisig Bayan 863)
January 4, 1999 (as Super Radyo DZBB 863)
Dating frequency
580 kHz (1950–72, 1974–79)
Kahulagan ng call sign
Bisig Bayan (former branding) or BoB Stewart (former owner)
Impormasyong teknikal
Power50,000 watts
Link
WebcastListen Live
Websitegmanetwork.com/radio/dzbb

Ang DZBB (maliwanag DZ-double-B; 863 kHz AM) brodkast bilang GMA Super Radyo DZBB 863 AM ay ang pangunahing himpilan ng radyo sa AM ng GMA Network sa Pilipinas. Ang kanilang studio ay matatagpuan sa loob ng GMA Network Center sa EDSA corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City, samantalang ang kanilang transmisor ay matatagpuan sa Barangay Panghulo Obando, Bulacan.

24 oras ang pagsasahimpapawid ng Super Radyo DZBB 863 AM maliban sa Linggo, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi hanggang 3:00 ng madaling araw, at maliban sa Semana Santa ng Bawat Taon, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi sa Huwebes Santo hanggang 4:00 ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay.

Sa kasalukuyan, Ang Super Radyo DZBB 863 AM ay isa sa mga nangungunang himpilan sa AM band sa Kalakhang Maynila at isa sa mga pinakapinaparangalang himpilan ng radyo sa Pilipinas.

Si Arman Roque habang isinasahimpapawid ang kanyang programa sa radyo noong unang bahagi ng dekada '90.

Bilang Dobol B 580/863 (1950–1989)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga brodkaster ng DZBB na sina Arnold Clavio (kanan) at Ali Sotto (malayong kaliwa) sa loob ng studio ng DZBB.

Itinatag ang DZBB noong 14 Hunyo 1950 ni Robert "Uncle Bob" Stewart, sa isang maliit na silid tanggapan sa Gusaling Calvo, Escolta, Maynila, gamit ang mga lumang kagamitan at isang lumang transmitter. Kahit na kulang sila sa bagong kagamitan, ang himpilan ay nakapuntos ng mga karangalan dahil sa kanilang pagsasahimpapawid sa mga balita, mga huling kaganapan, mga nangyayari sa Senado at sa Kapulungan ng mga Kinatawan, mga eksklusibo at blow-by-blow na pagtutok sa mga mahahalagang pangyayari sa bansa. Sila rin ang gumawa ng mga programang tumatak sa industriya tulad ng Camay Theater of the Air, Tawag ng Tanghalan, Newscoop, Kuwentong Kutsero at iba pa. Ang iba rito ay nasahimpapawid sa telebisyon.

Dahil sa pagiging matagumpay ng DZBB, napagpasyahan ni Bob Stewart na subukan ang telebisyon noong 23 Oktubre 1961 bilang RBS DZBB-TV Kanal 7 (na ngayo'y kilala na sa pangalang GMA-7 Maynila). Ang kanal 7 at ang DZBB ay naipagbili sa grupo nina Gilberto Duavit, Sr., Menandro Jimenez and Felipe Gozon noong 1974.

Bilang DZBB Bisig Bayan 863 (1989–1999)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong huling bahagi ng dekada '80 at unang bahagi ng Dekada 90, ang himpilan ay nakilala bilang "Radyo Bisig Bayan". Dahil dito mas naging kilala ang himpilan sa mga tagapagkinig ng radyo sa Kalakhang Maynila.

Bilang Super Radyo DZBB 863 (1999–kasalukuyan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Super Radyo DZBB main logo ginamit mula 2002 hanggang 2017.

Noong 4 Enero 1999, binago nila ang pangalan ng himpilan bilang "Super Radyo" at karamihan ng kanilang mga palatuntunan ay tungkol sa mga balita at kasalukuyang pangyayari sa bansa.

Noong 2017, opisyal na inilunsad ng DZBB ang kaunahunahang nitong Jingle para sa istasyon, maging na rin ang bagong ina-ayos na radio booth, maging na rin ang muling pag-lulunsad ng Dobol B sa News TV, matapos ang 5 taong pagka-wala sa telebisyon.

Dobol B sa News TV

[baguhin | baguhin ang wikitext]
DZBB-AM
HostMike Enriquez
Joel Reyes Zobel
Arnold Clavio
Ali Sotto
Bansang pinagmulanPhilippines
Paggawa
Oras ng pagpapalabas3 hours (2011-2012)
5 hours (2017-kasalukuyan)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA News TV
Picture formatNTSC 480i
Orihinal na pagsasapahimpapawid28 Pebrero 2011 (2011-02-28) –
kasalukuyan

Ang karamihan ng mga palatuntunan ng DZBB ay tungkol sa balita, mga kasalukuyang isyu at pagsusuri sa mga ito. Ang kanilang mga programa sa umaga ay tinatampukan ng mga kilalang mamamahayag sa telebisyon. Ang mga sikat na programa nila ay kinabibilangan ng "Saksi sa Dobol B" ni Mike Enriquez at "Dobol A sa Dobol B", nina Arnold Clavio at Ali Sotto. Ang programa ni Mike Enriquez ay nagmula sa Saksi, isang balitaan sa telebisyon ng GMA Network na dati niyang tinatampukan.

Ang himpilang ito ay may balitaan na pinamagatang "Super Balita", at ito ay sumasahimpapawid ng tatlong beses kada araw; umaga (sumasahimpapawid sa lahat ng himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas), hapon and gabi. Isinasa-ere din nila ang mga programa ng GMA Network at GMA News TV tulad ng 24 Oras, ang pangunahing balitaan ng GMA Network at "Dobol B sa News TV", kung saan mapapanood ang mga programa ng DZBB sa GMA News TV.

Mga personalidad ng radyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga dating personalidad ng radyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga himpilan ng Super Radyo sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Further information: Super Radyo stations

Mga kaugnay na artikulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Coordinates needed: you can help!