Pumunta sa nilalaman

Csesznek

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kastilyo sa Csesznek.

Csesznek (Aleman: Zeßnegg, Croatian: Česneg and Slovak: Česnek) ay isang nayon sa lalawigan ng Veszprém, Hungary. Bantog ito sa kaniyang kastilyong isinauna.

Itinayo ang kastilyong medyibal ng Csesznek noong bandang 1263 ng Barong si Jakab Cseszneky na siyang tagahawag-espada ng Haring Béla IV. Siya at ang kaniyang mga inanak, at mga inanak ng kaniyang mga inanak, ay pinangalan batay sa kastilyong Csesznek. Isa itong marangal na kastilyo noong inalok ito ng Haring Sigismund (ang Banal na Romanong Emperador) sa pamilyang Garai bilang kapalit Macsó Banate. Noong 1482, namatay at nawalan ng hanay ng mga kalalakihan ang pamilyang Garai, kung kaya't inambag ni Haring Matthias Corvinus ang kastilyo sa pamilyang Szapolyai. Noong 1527, kinuha ito ng Barong si Bálint Török. Noong ika-16 siglo, ang mga pamilyang Csábi, Szelestey at Wathay ay nasa pananakop ng Csesznek. Noong 1561, matagumpay na napaglabanan ni Lőrinc Wathay ang pagsalakay ng mga Ottoman. Subalit noong 1863, nakuha ng mga sundalong Turko, ngunit nabawing namang muli ng mga Hungaryo noong 1598. Noong 1635, binili ni Dániel Esterházy ang kastilyo at nayon. At mula sa panahong iyon, ang Csesznek ay naging pag-aari ng pamilyang Esterházy hanggang 1945.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]