Belluno
Belluno | |
---|---|
Città di Belluno | |
Panorama ng Belluno | |
Mga koordinado: 46°08′25″N 12°13′00″E / 46.14028°N 12.21667°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Veneto |
Lalawigan | Belluno (BL) |
Mga frazione | see list |
Pamahalaan | |
• Mayor | Jacopo Massaro |
Lawak | |
• Kabuuan | 147.22 km2 (56.84 milya kuwadrado) |
Taas | 390 m (1,280 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 35,710 |
• Kapal | 240/km2 (630/milya kuwadrado) |
Demonym | Bellunesi |
Sona ng oras | UTC 1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC 2 (CEST) |
Kodigong Postal | 32100 |
Kodigo sa pagpihit | 0437 |
Santong Patron | San Martin |
Saint day | Nobyembre 11 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Belluno (bigkas sa Italyano: [belˈluːno]; Ladin: Belum; Benesiyano: Belùn), ay isang bayan at lalawigan sa rehiyon ng Veneto sa hilagang Italya. Matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) hilaga ng Venecia, ang Belluno ay ang kabesera ng lalawigan ng Belluno at ang pinakamahalagang lungsod sa rehiyon ng Silangan Dolomitas. Sa humigit-kumulang 36,000 mga naninirahan, ito ang pinakamalaking lugar na may populasyon ng Valbelluna. Ito ay isa sa 15 munisipalidad sa Pambansang Liwasang Dolomiti Bellunesi.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sinaunang lungsod ng Belluno ay pataas mula sa isang bangin na malapit sa pagtatagpo ng Torrente Ardo at ng Ilog Piave. Sa hilaga ay ang kahanga-hangang kabundukan ng Schiara ng Dolomitas, kasama ang sikat na Gusela del Vescovà (karayom ng Obispo), at ang Bundok Serva at Bundok Talvena na pataas mula sa lungsod. Sa timog, pinaghiwalay ng Prealpes Venetos ang Belluno mula sa kapataganng Veneciano. Sa timog din ay ang Nevegal, sa pook Castionese, isang skiing resort.
Ang teritoryo ng munisipyo ay inookupahan sa hilagang lugar ng Liwasang Pambansa ng Dolomiti Bellunesi, kung saan ang lungsod ay nagsisilbing "tarangkahan sa parke". Karamihan sa mga tinatahanang lugar ay nabubuo sa ilalim ng lambak.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)