Certosa di San Martino
Ang Certosa di San Martino ("Cartuha ng San Martin") ay isang dating complex ng monasteryo, na ngayon ay isang museo, sa Napoles, timog ng Italya. Kasama ang Castel Sant'Elmo na nakatayo sa tabi nito, ito ang pinakanakikitang palatandaan ng lungsod, na matatagpuan sa tuktok ng burol ng Vomero na kung saan kita ang golpo. Isang monasteryo ng Cartuhano, natapos ito at pinasinayaan sa ilalim ng pamamahala ni Reyna Joan I noong 1368. Ito ay inialay kay San Martin ng Tours. Sa unang kalahati ng ika-16 na siglo ay pinalawak ito. Nang maglaon, noong 1623, pinalawak pa ito at naging, sa ilalim ng direksyon ng arkitekto na si Cosimo Fanzago, mahalagang estrukturang nakikita ngayon.
Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, sa ilalim ng pamamahala ng Pransiya, ang monasteryo ay sarado at inabandona ng orden ng relihiyon. Ngayon, sa mga gusali ay matatagpuan ang Pambansang Museo ng San Martino na may nagpapakita ng mga labi mula sa panahon ng Espanya at Bourbon, pati na rin ang mga pagpapakita ng presepe—Eksena ng Natividad—itinuturing na kabilang sa pinakamahusay sa buong mundo. 40°50′36″N 14°14′28″E / 40.843333°N 14.241240°E
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Certosa di San Martino (Naples) sa Wikimedia Commons
- Opisyal na website (sa Italyano)