Tambo
Ang tambo (Ingles: reed, Kastila: caña ) ay isang uri ng talahib o mataas na damo na may butas na katawan na namumuhay sa mga basang lugar o tabing-ilog. Nagagamit sa paggawa ng mga walis (walis-tambo) ang mga ito.[1]
Pagkakaiba-iba
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasapi ang lahat ng mga ito sa orden na Poales na kinabibilangan ng:
Sa pamilyang damo na Poaceae
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Karaniwang tambo (Phragmites australis), ang orihinal na espesye
- Malaking tambo (Arundo donax)
- Burmang tambo (Neyraudia reynaudiana)
- Tambo na damong-kanaryo (Phalaris arundinacea)
- Tambo na damong-matamis(Glyceria maxima)
- Tambong maliit (Calamagrostis)
Sa pamilyang Cyperaceae
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Papyrus (Cyperus papyrus) na materyal na ginamit ng mga Sinaunang Ehipsiyo bilang sulatang materyal. at ginamit rin sa paggawa ng mga bangkang tambo
Sa pamilyang Typhaceae
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bur-reed (espesyeng Sparganium)
- Mace-reed (espesyeng Typha) na tinatawag ding bulrush o cattail
Sa pamilyang Restionaceae
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tambong panakip ng bubong (Elegia tectorum), isang restio na mula sa Timog Aprika
- Tambong pambubong (Thamnochortus insignis) isa pang restio sa parehong rehiyong pangheograpiko
Gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walis tambo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Pilipinas, ginagamit ang halamang tambo para makagawa ng walis. Ang walis tambo ay ang pinakaraniwang kagamitang panlinis sa bansa.[2] Thysaolaena maxima ang partikular na espesye ng tambo na ginagamit sa paggawa ng walis tambo.[2] Naging potensyal na kumikitang pangkabuhayan ang paggawa ng walis tambo sa mga magsasaka sa kabundukan dahil sa mataas na pangangailangan para sa mga walis na yari sa halamang tambo.[2] Naitampok ang walis tambo sa isang pagdiriwang ng pista ni San Antonio Abad sa isang bayan sa Nueva Ecija.[3]
Paggamit sa konstruksyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming iba't ibang kalinangan ang gumamit ng mga halamang tambo sa konstruksyon ng mga gusali ng iba't ibang uri sa nakalipas na hindi bababa sa mga libong taon. Isang halimbawang kontemporaryo ang Latiang Arabe.
Pag-aatip
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang Phragmites australis, ang karaniwang tambo, sa maraming lugar sa pag-aatip ng mga bubong. Sa Estados Unidos, kilala ang paggamit ng karaniwang tambo para sa layuning ito bilang Norfolk reed (tambong Norfolk) o water reed (tambong tubig).
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Phragmites australis o karaniwang tambo
-
Arundo donax
-
Neyraudia reynaudiana
-
Cyperus papyrus
-
Sparganium
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "An In-Depth Study of the Production Practices of Broom Reed Industry of the Philippines" (sa wikang Ingles). 2019. doi:10.2139/ssrn.3463599.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Galang, Armand (2012-01-16). "Nueva Ecija town features 'tambo' in patron saint's feast". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2022-05-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)