Pumunta sa nilalaman

Bulebar Osmeña

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bulebar Osmeña
Osmeña Boulevard
Abenida Jones
Jones Avenue
Bulebar Osmeña, kasama ang drowing (artist's impression) ng Cebu Bus Rapid Transit System sa gitna nito.
Impormasyon sa ruta
Haba3.2 km (2.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timogAbenida Cuenco sa San Roque
 Kalye Colon
Natalio B. Bacalso South National Highway
Abenida Heneral Maxilom
Dulo sa hilagaKalye Escario sa Sityong Kapitolyo
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Bulebar Osmeña (Ingles: Osmeña Boulevard) ay isang pangunahing lansangang arteryal sa Lungsod ng Cebu, Pilipinas. Ito ang pangunahing lansangan ng lungsod na dumadaan sa oryentasyong hilagang-kanluran patimog-silangan at nag-uugnay ng San Roque malapit sa pantalan sa Sityong Kapitolyo. Nagsisimula ito sa Abenida Mariano Jesus Cuenco, at tutungo ito pahilagang-kanluran sa Liwasang Fuente Osmeña at tatapos sa Kalye Nicolas Escario. Sa hilagang dulo nito, ang Kapitolyong Panlalawigan ng Cebu ay nagsisilbing tanawing pangwakas. Ito ang kinaroroonan ng karamihan sa mga kilalang pook ng Cebu tulad ng Pamantasang Normal ng Cebu, Pambansang Paaralan ng Abellana, Cebu Doctors' University Hospital, Basilica Menor del Santo Niño, Crown Regency Hotel, Robinsons Place Cebu, at Gaisano Colon.

Itinayo ang Bulebar Osmeña noong panahon ng mga Amerikano upang iugnay ang lumang bayang kolonyal ng Cebu sa mga malayong pook na inuusbong ng pamahalaang Amerikano bilang bagong lungsod nito.[1] Dati itong ipinangalan na Jones Avenue, mula kay William Atkinson Jones, kinatawan ng Estados Unidos na nagpanukala ng panukalang-batas na kilala bilang Batas Jones o Philippine Autonomy Law ng 1916. Binigyan ito ng bagong pangalan na Sergio Osmeña Boulevard sa pamamagitan ng Ordinansang Panlungsod Blg. 284 noong Marso 29, 1960, sa karangalan nina Sergio Osmeña, ang ikatlong Pangulo ng Pilipinas, at Estefania Veloso Osmeña, kanyang unang asawa na nagmay-ari ng mansyon at ari-arian sa kahabaan ng bulebar.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Giving Cebu back its Main Street". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-19. Nakuha noong 12 Disyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The then Doña Pepang Avenue of Cebu City". Philippine Star. Nakuha noong 12 Disyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)