Pumunta sa nilalaman

Bodybuilding.com

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Bodybuilding.com ay isang Amerikanong kumpanyang nagtitingi sa internet ng mga pampalakasang produktong suplemento at pangnutrisyon na nakabase sa Meridian, Idaho, United States. Mayroong itong 650 mga tauhan na nasa punong-tanggapan sa Boise at apat na mga bodega sa Idaho, Florida, Nevada, at Pennsylvania.[1] Noong 2005, ang Bodybuilding.com ay naranggo sa bilang na pang-230 sa Inc.'s 500, na isang listahan ng mabilis na lumalaking mga kumpanyang pribado sa bansang Amerika. Ang Bodybuilding.com ay nagkaroon ng mahigit sa 100,000 arawan at 3,100,000 buwanang mga bisita noong Nobyembre 2007.[2]

Bilang karagdagan sa website nitong gayon din ang pangalan, na isang pang-online na tindahan na mayroong nilalamang pinamamatnugutan at mga porong may kaugnayan sa industriya ng paghuhubog ng katawan at angkop na pangangatawan, pinatatakbo rin ng Bodybuilding.com ang Athletes.com at nagtitinda ng sarili nitong linya ng mga pang-isports na produktong pangnutrisyon sa ilalim ng tatak na Bodybuilding.com Platinum Series.

Ang Bodybuilding.com ay itinatag noong 1999 sa Boise, Idaho ng noon ay may 21 taong gulang na CEO na si Ryan R. DeLuca[1] Noong Hulyo 2006, nakakuha ang Milestone Partners ng malaking antas ng interes sa Bodybuilding.com, isang halagang hindi pa naibubunyag. Noong Enero 2008, nakabili ang Liberty Media Corporation ng malaking bahagi ng Bodybuilding.com upang maging tagakontrol ng kumpanya. Iniulat ng Wall Street Journal na ang halaga ng pagkakabili ay nasa mahigit sa US$100 milyon.[3] Ang Bodybuilding.com ay bahagi ng Liberty Interactive unit.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Catching Up with the 2006 30 Under 30 Alumni, Leading Your Company Article - Inc. Article". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-20. Nakuha noong 2007-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Liberty Media (LINTA) Acquires Bodybuilding.com for $100M". Nakuha noong 2008-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ando, Ritsuko (2008-01-07). "Liberty Media buying Bodybuilding.com stake: report". Reuters. Nakuha noong 2008-01-10.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)