Ang Best of Soul ay ang pangalawang kumpilasyong album sa wikang Hapones ng mang-aawit na si BoA na inilabas noong Pebrero 2, 2005 sa ilalim ng Avex Trax. Ito ang kanyang kauna-unahang kumpilasyong album na naglalaman ng kanyang mga awit sa Hapones, kabilang ang ilan mula sa mga album niya katulad ng Listen to My Heart, Valenti at Love & Honesty. Nilalaman din nito ang mga sensilyong , "Quincy / Kono Yo no Shirushi" and "Meri Kuri" para sa mismong album.
Inilabas sa dalawang bersyon ang album na ito; ang regular na bersyong CD at ang "perpektong" bersyon, na may kalakip na DVD na naglalaman ng ilang mga "music video" ni BoA.
Inilabas ang Best of Soul halos isang taong nakalipas pagkatapos ng kanyang ikatlong estudyong album na Love & Honesty. Upang maipakilala ang album, naglabas si BoA ng dalawang sensilyo, ang "Quincy / Kono Yo no Shirushi" na nagsimula sa ikaapat na puwesto, at ang "Meri Kuri" na nasa ikalima sa Oricon na tsart pang-sensilyo.[2][3] Sa pagkakalabas ng Best of Soul, nanguna ito sa Oricon album sa pagkaka-benta ng 489,067 kopya sa unang lingo nito.[4] Pagkalipas ay naibenta ang album ng higit kumulang na 1,003,000 kopya noong Mayo 2005, na nagtalaga kay BoA bilang mang-aawit na Asyatikong di-Haponesa na mayroong dalawang album na naibenta ng higit na milyong mga kopya sa Hapon. Ang una niyang album na naibenta rin ng higit milyong kopya ay ang Valenti na inilabas dalawang taong nakalipas bago ang Best of Soul.[5]
Sa katapusan ng taon, naibenta ang Best of Soul na may kabuuang 1,060,039 kopya na nagtalaga rito na ikasiyam na pinaka-tanyag na naibentang album ng 2005.[6]
↑Note: Paki-pindot ctrl A upang makita ang tala 2005年 年間アルバムチャート (sa wikang Hapones). Oricon. 2005-12-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-12-24. Nakuha noong 2009-04-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)