Pumunta sa nilalaman

Bedrock

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang katangian ng lupa kasama ang bedrock nan nakatatak bilang R

Sa stratigrapiya (sangay ng heolohiya na nag-aaral sa pagkapatong-patong ng mga bato), ang bedrock ay pinagtibay na mga bato na matatagpuan sa ilaim ng natitirhang planeta, kadalasang tulad ng daigdig. Sa itaas ng bedrock ay ang basal subsoil na kadalasang binubuo ng mga bitak-bitak at marurupok na bato. ang ibabaw ng bedrock, na matatagpuan sa ilalim ng soil cover, ay tinatawag na rockhead sa inhinyeriyang heolohiya at ang pagtukoy nito sa pamamagitan ng paghukay, pagbutas o geophysical na pamamaraan ay isang mahalagang gawain sa halos lahat ng proyekto ng inhinyeriyang sibil. Superficial deposits (kilala rin sa tawag na drift) ay maaaring maging sobrang kapal hanggang sa umabot ito ng ilang daang metro sa ilalim ng lupa.

Ang bedrock ay maaaring makaranas ng subsurface weathering sa itaas na hangganan nito, na nakakabuo ng saprolite (mga batong nadurog sa ibabaw ng bedrock).

Ang mapa ng pang-heolohiyang solido ng isang lugar ay madalas nagpapakita ng pagbabahagi ng magkakaibang uri ng bedrock, halimbawa, ang bato ay mapapalitaw sa ibabaw kung lahat ng lupa at ang ibang mga superficial deposits ay naalis.