Bagyong Paeng
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 1 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Oktubre 27, 2022 |
Nalusaw | Nobyembre 3, 2022 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 125 km/h (80 mph) Sa loob ng 1 minuto: 145 km/h (90 mph) |
Pinakamababang presyur | 970 hPa (mbar); 28.64 inHg |
Namatay | 155, nasawi 34, nawawala |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022 |
Ang Bagyong Paeng, (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Nalgae) ay isa sa mga malakas na bagyo sa Pilipinas ang ika 16 at ika-4 na bagyo sa buwan ng Oktubre 2022 sa bansa. Ay namataan bilang low pressure area (LPA) na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 30 knots (55 km/h; 35 mph), at bugso na aabot sa 45 knots (85 km/h; 50 mph), Ang sistema ay kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 6 kn (11 km/h; 6.9 mph).[1][2]Higit sa 900 diametro ang lawak ng sistema, At nanalasa sa malaking bahagi ng Timog Luzon partikular sa Kalakhang Maynila. Unang sinalo ng rehiyong Bicol ang bagsik ng bagyo, ay sunod na tinahak ang mga lalawigan sa Quezon, Marinduque, Batangas at Laguna, Oktubre 30 ng ito ay lumabas ng PAR sa bahagi ng Kanlurang Dagat Pilipinas at naging isang Category Typhoon 1 sa bahagi ng Timog Dagat Tsina.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika Oktubre 29 ng maging isang ganap na tropikal bagyo ang pinangalanang Paeng ng PAGASA ay huling namataan sa layong 510 kilometro sa silangan ng Borongan, Silangang Samar na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour (kph) at bugso na umaabot sa 80 kph,[3] At kumikilos sa direksyong kanluran-timog kanluran at tinatahak ang mga rehiyon ng Bicol, lalawigan ng Quezon at Gitnang Luzon sa mga susunod na araw, Inaasahang tatawirin ng bagyo ang kalupaang Luzon sa ika Oktubre 29 at 30.[4] Ika Oktubre 28, 8pm UTC 8 PST ay namataan ang sentro ng bagyong Paeng sa layong 75 km sa silangan ng Bulusan, Sorsogon at 80 km hilaga ng Catarman sa Hilagang Samar, na may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 45 knots (85 km/h; 50 mph) at bugso na 65 knots (120 km/h; 75 mph) at kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran ay tatawirin ang mga lalawigan sa Camarines sa rehiyon ng Bicol.[5] Ika Oktubre 29 ng sabado ng bayuhin ang Timog Luzon maging ang Kabisayaan, na may dalang malalakas na ulan at bugsong hangin ay naramdaman sa rehiyon ng Bicol at Calabarzon, Unang naglandfall ang bagyo sa Virac, Catanduanes, Caramoan, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol, 7am sa Santa Cruz, Marinduque, 9am ng umaga sa Buenavista, Quezon, tinawid ang baybayin ng Tayabas, At muling naglandfall 1pm ng hapon sa bayan ng Sariaya, Quezon, binaybay ang mga lalawigan sa Laguna-Batangas at lalabas sa Cavite-Bataan area, Ito ay huling namataan ika-Oktubre 31 sa timog bahagi sa Hong Kong sa Kategoryang 1 "typhoon".
Paghahanda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]As of 26, Oktubre sa layong 175 kilometro sa silangan ng Borongan sa Silangang Samar ay nakaantabay ang ilang ahensya (JMA, Japan at JTWC USA) dahil sa pabago-bagong galaw ng bagyo sa direksyong kanluran at hilagang kanluran ay pasubsob ang tahak mula sa Dagat Pilipinas, Naghahanda ang mga lokal ng gobyerno sa mga rehiyon sa Timog Katagalugan maging sa Gitnang Luzon na dadaanan ng bagyo[6]Ang mga residente sa lalawigan ng Albay, Sorsogon at ilang mga lalawigan ng Masbate at Camarines ay maagang nagsilikas sa mga evacuation centers, dahil sa banta ng unang pagtama ng bagyo, Ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa lalawigan ng Sorsogon ay inilikas sa tabing pang-pang. Nakaantabay ang rehiyon ng Calabarzon sa posibleng pangalawang pagdaan ng bagyo sa Rizal,Laguna at Batangas dahil sa paiba-iba ang tahak ng bagyo sanhi ng pagbaba ng direksyon bunsod ng shear line at hanging Amihan.[7]Sa kategoryang "Severe Tropical Storm" ay inaasahang lalakas ang sirkulasyon dahil sa maiinit na katubigan ng Karagatang Pasipiko.
Banta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika Oktubre 27 ng 3pm ng hapon, ay itinaas sa Signal No.#2 ang mga lalawigang nasa kanang bahagi ng Pilipinas sa mga; rehiyon ng Bicol, Gitnang Luzon, Calabarzon, Silangan Kabisayaan at Caraga dahil sa paglapit ng sentro ng bagyo.[8]Ay magdadala ng malalakas at mabibigat na ulan dahil sa lawak ng diametrong nasasakopan na dadaanan nito,[9] Itataas sa Signal #3 kung sakaling lalakas at lalapit ang sentro ng bagyo sa rehiyon ng Calabarzon at Kalakhang Maynila na nasa kategoryang "Severe Tropical Storm", Naghahanda ang mga Lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Taguig at Maynila sa posibleng pagtaas ng antas ng tubig sa Manila Bay dahil sa daluyong, Dike ng Wawa, Ilog Pasig at Ilog Marikina na manggaling mula sa mga kabundukan sa San Mateo at Rodriguez, Rizal.[10]
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagdulot ng mataas at malawakang pagbaha partikular sa Kanlurang Kabisayaan ay maraming kabahayan ang nalubog sa baha sa Balete, Aklan mahigit 915 na katao ang inilikas dahil sa mataas na baha[11]Maging ang lalawigan sa Capiz ay nakaranas ng malalakas na buhos ng ulan bunsod ng through ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha at pag-guho ng lupa sa probinsya, Nagdulot ng malawakang pagbaha ang Lungsod ng Cotabato at lalawigan ng Maguindanao sa Mindanao, Marami rin ang mga kabahayang nasira sa lalawigan ng Sarangani at lungsod sa Heneral Santos. Nakaranas ng mataas at malawakang baha ang Katimugang Luzon sa loob ng 24 oras na buhos ng ulan, na may kasamang pa-bugso bugsong hangin, Nagdulot rin ng kawalan ng suplay ng tubig at kuryente sa mga dinaanang lugar ng bagyo.
Pinsala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika Oktubre 28 ay nakapagtala ng 31 katao ang nasawi sa Maguindanao, 40 ang nasawi sa Luzon, At mahigit 80 milyon halagang napinsala ang iniwan ng bagyo sa Kanlurang Kabisayaan sa loob ng dalawang araw ika Oktubre 28, 29, Nasira ang tulay na nagdudugtong sa mga lalawigan ng Batangas-Quezon, Nagdeklara ang lalawigan mga ng Maguindanao, Negros Occidental, Aklan, Capiz at sa lungsod ng San Pablo, Laguna ang State of Calamity, dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo, na nagdulot ng paglubog ng mga kabahayan dahil sa pagbaha.
Cavite
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bayan nang Noveleta kung saan ang pinakanapuruhan nang Bagyong Paeng ay nag-iwan rin ito nang matinding pinsala sa mga ari-arian.
Typhoon Storm Warning Signal
[baguhin | baguhin ang wikitext]PSWS | LUZON | BISAYAS | MINDANAO |
---|---|---|---|
PSWS #3 | Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Kalakhang Maynila, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac, Zambales | WALA | WALA |
PSWS #2 | Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Nueva Ecija, Sorsogon | Hilagang Samar, Silangang Samar | WALA |
PSWS #1 | Abra, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Quirino, Romblon | Biliran, Leyte, Samar | Agusan del Norte, Kapuluang Dinagat, Surigao del Norte |
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://mb.com.ph/2022/10/27/tropical-cyclone-paeng-tracker
- ↑ https://www.philstar.com/headlines/2022/10/25/2219123/paeng-enters-seen-developing-typhoon
- ↑ https://mb.com.ph/2022/10/26/paeng-could-reach-typhoon-status-ahead-of-luzon-landfall-pagasa
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/849447/signal-no-1-up-over-6-areas-as-paeng-intensifies-into-tropical-storm/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/topstories/regions/849559/floods-hit-bicol-visayas-areas-due-to-paeng/story
- ↑ https://mb.com.ph/2022/10/27/tropical-cyclone-paeng-tracker
- ↑ https://newsinfo.inquirer.net/1686203/live-updates-tropical-storm-paeng
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/849573/13-areas-under-signal-no-2-as-paeng-accelerates-towards-catanduanes/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/849553/paeng-slightly-intensifies-signal-no-2-raised-of-six-areas/story
- ↑ https://brigadanews.ph/signal-no-2-nakataas-sa-ilang-lugar-dahil-sa-bagyong-paeng
- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/10/28/22/baha-sa-balete-aklan-lagpas-bubong-915-katao-inilikas
Sinundan: Obet |
Kapalitan Pilandok (unused) |
Susunod: Queenie |