Pumunta sa nilalaman

Arsobispo ng Canterbury

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archbishop ng
Canterbury
Arms of the See of Canterbury
Incumbent
Justin Welby

mula 4 February 2013
IstiloThe Most Reverend
NagpasimulaAugustine of Canterbury
597
WebsaytArchbishop of Canterbury

Ang Arsobispo ng Canterbury ang nakatatandang obispo at pangunahing pinuno ng Simbahan ng Inglatera na simbolikong pinuno ng pandaigdigang Komunyong Anglikano at obispo ng diocese ng Diocese ng Canterbury. Ang kasalukuyang arsobispo ay si Justin Welby. Siya ang ika-105 sa linyang bumabalik pa ng higit sa 1400 taon kay Agustin ng Canterbury na "apostol sa Ingles" noong 597 CE.[1] Mula sa panahon ni Agustin hanggang ika-16 siglo CE, ang mga Arsobispo ng Canterbury ay may buong komunyon sa Sede ng Roma at kaya ay karaniwang tumatanggap ng pallium. Noong, Repormasyong Ingles, ang Simbahan ng Inglatera ay kumalas mula sa kapangyariahan ng Papa ng Simbahang Katoliko Romano. Ito ay temporaryo sa simula sa ilalim ni Henry VIII at Edward VI at kalaunang naging permanente noong pamumuno ni Reyna Elizabeth I.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Announcement of the 105th Archbishop of Canterbury". Archbishop of Canterbury Website. 9 Nobyembre 2012. Nakuha noong 14 Nobyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.