Pumunta sa nilalaman

Aquarius

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aquarius at the Wisconsin State Capitol.

Ang Aquarius ang ika labing-isang bahay ng sodyak at pinamumunuan ng buntalang Uranus. Ito ang signos ng bayanihan at pagkakaibigan. Tapat na mga kaibigan ang mga Aquarius.

Walang kapaguran ang mga Aquarius mag trabaho lalo na kapag ang ginagawa nila ay para sa kabutihan ng marami o ng sangkatauhan. Malaki ang kagustuhan nila ng mga materyal na bagay, pero hindi sila maramot. Magtatrabaho sila para makuha nila ang kanilang gusto, at hihingin nila ang talagang para sa kanila. Sa kadahilanang talagang seryoso silang magtrabaho, ayaw nilang may hahara-hara sa kanilang mga ginagawa. At dahil sa sobrang sipag, napapabayaan nila ang kanilang mga sarili, at nagkakasakit. Pero kung titingnan mo sila animo'y wala silang nararamdaman.

Kung titingnan mo ang mga Aquarius, kung ano ang nakikita mo, yun na talaga yun. Hindi sila gumagawa ng mga maskara para pagtakpan nila ang tunay nilang mga pagkatao. Galit na galit ang mga Aquarius ang mga taong doble-kara, o mga taong ipokrito.

Determinado ang mga Aquarius, kaya akala tuloy ng marami, matigas ang ulo ng mga ito, samahan pa ng pagiging palasagot, o minsan naman palaaway, marami tuloy ang nagagalit sa kanila.

Taklesa, o walang pigil kung magsalita ang mga Aquarius at walang silang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sasabihin nila ang gusto nilang sabihin. Ayaw din nila na may mga tao silang inaasahan. Parati silang nagrerebelde dahil malawak silang mag-isip sa mga bagay-bagay.

Ang mga interes ng mga Aquarius ay pagtulong sa kapwa, mga kaibigan, astrolohiya, katotohanan, at politika.

Kung ang Aquarius ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Aquarius, ang suliranin ng buntalang iyon, o ng Bahay na iyon, ay naiimpluwensiyahan ng pangangailangang makalaya, at pagsasarili, kakaibang pag-uugali o mga pamamaraan, pagiging makatao, paglalabas ng mga talento o iba pang kagalingan, mga kaibigan, biglaang pagbabago, marangyang mga kagustuhan, pagiging imbentor, at paggamit ng mga makabagong teknolohiya at mga pamamaraan.[1]

  1. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN 81-7021-1180-1