Anne Sullivan
Anne Sullivan | |
---|---|
Kapanganakan | Johanna Mansfield Sullivan 14 Abril 1866 |
Kamatayan | 20 Oktobre 1936 | (edad 70)
Asawa | John Albert Macy (1905–1932) |
Si Johanna "Anne" Mansfield Sullivan Macy (14 Abril 1866 – 20 Oktubre 1936), na mas nakikilala bilang Anne Sullivan, ay isang Amerikanang Irlandesang guro, na pinaka nakikilala bilang instruktor at kasama ni Helen Keller.[1]
Maagang bahagi ng buhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Sullivan noong 14 Abril 1866 sa Feeding Hills, Agawam, Massachusetts. Ayon sa kaniyang katibayan ng pagbibinyag, ang kaniyang pangalan noong ipinganak ay Johanna Mansfield Sullivan; subalit siya ay tinawag na Anne magmula nang maipanganak.[2] Ang mga magulang niya ay sina Thomas at Alice (Cloesy ang apelyido noong dalaga) Sullivan, mga imigranteng Irlandes na naiulat na hindi nakakabasa at halos walang pera.[2] Namatay si Alice noong 1874, marahil dahil sa tuberkulosis;[3] at pagkaraan nito si Anne at ang kaniyang mas nakababatang kapatid na lalaking si James ("Jimmie" ang palayaw) ay ipinadala sa isang bahay-limusan na nasa Tewksbury, Massachusetts (na sa kasalukuyan ay kabahagi ng Ospital ng Tewksbury). Naglagi si Anne doon sa loob ng pitong mga taon.[2] Noong 1880, nang siya nabulag na dahil sa hindi nagamot na trakoma, ipinadala si Anne sa Paaralang Perkins para sa mga Bulag. Bukod pa sa kaniyang kapatid na lalaking si James (na ipinanganak noong 1869),[4] si Anne ay mayroong pang dalawang mga kapatid na babae, na sina Ellen (ipinanganak noong 1867)[3] at Mary.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Herrmann, Dorothy. Helen Keller: A Life, Alfred A. Knopf, New York, 1998, p. 35; ISBN 0-679-44354-1
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Anne Sullivan profile at www.afb.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-02. Nakuha noong 2013-05-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Nielsen, Kim E. (2009). Beyond the Miracle Worker: The Remarkable Life of Anne Sullivan Macy and Her Extraordinary Friendship with Helen Keller. Beacon Press. pp. 5, 7. ISBN 978-0-8070-5046-0.
1936 death of Alice Sullivan ... stories indicate she had tuberculosis
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 1870 United States Federal Census
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.