Analhesiko
Itsura
Ang mga analhesiko ay mga gamot na nagagamit bilang pampaalis ng hapdi, sakit (pananakit), o kirot ng sugat o bahagi ng katawan, katulad ng sakit ng ulo. Tinatawag na analhesya ang kalagayan ng pagkawala o kawalan ng pakiramdam o pamamanhid mula sa hapdi.[1][2] Nangyayari ang epekto ng mga analhesiko sa pamamagitan ng pagpapamanhid ng mga ito sa mga lundayan o sentro ng utak at mga ugat-pandama (mga nerbyong sensoryo). May kaugnayan ang mga analhesiko sa anestisya.
Ilan sa mga halimbawa ng mga analhesiko ang mga sumusunod: opyo, kloropormo, antipirino, penasetino, at beladona.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Analgesic, analgesia - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Analgesia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 30.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.