Pumunta sa nilalaman

Amyl nitrite

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang amyl nitrite ay isang langkapang pangkimika na may pormulang pangkimika na C5H11ONO. Isang kasamu't sarian ng mga isomer ang nakikilala, subalit lahat sila ay nagtatampok ng pangkat ng amy na nakadikit sa pangkat ng nitrite na may tungkulin. Ang pangkat na alkyl ay hindi reaktibo at ang mga katangiang kimikal at biyolohikal ay pangunahing dahil sa pangkat na nitrite. Katulad ng iba pang mga alkyl nitrite, ang amyl nitrite ay biyoaktibo sa mga mamalya, dahil sa pagiging vasodilator nito, na batayan ng paggamit nito bilang isang preskripsiyong pangmedisina. Bilang gamot na nalalanghap (inhalant), mayroon din itong isang epektong sikoaktibo, na humantong sa paggamit nito na pangrekreasyon.[1]

Bilang isang mahalagang gamot, ang amil nitrite ay isang pluwido na ang lasa ay katulad ng sa katas ng peras. Mayroon itong amoy na talagang nanunuot sa ilong at hindi rin mabaho. Matalab ito sa paggamot ng angina pectoris, ang pinaka malubhang pananakit ng puso. Paminsan-minsan itong ginagamit para sa hika, hemoptysis, epilepsy, at iba pang mga layunin. Nakapagpapababa ito ng presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagpapabuka ng maliliit na mga arterya, at ang paggamit nito ay nasusundan ng pamumula (flushing) ng mukha at ng katawan. Karaniwang makukuha ang amyl nitrite na nasa loob ng isang kapsulang salamin na binabasag sa loob ng isang panyo. Nilalanghap ang gamot kapag itinapat ang panyo sa ilong. Ang opisyal na dosahe sa pamamagitan ng inhalasyon (paglanghap) ay metriko, 0.2 cc.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Amyl nitrite". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 30.