Alfred Wegener
Alfred Wegener | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Nobyembre 1880[1]
|
Kamatayan | Nobyembre 1930
|
Mamamayan | Imperyong Aleman |
Nagtapos | Humboldt-Universität Berlin |
Trabaho | heologo,[3] eksplorador, astronomo, meteorologo, propesor ng unibersidad, pisiko, heograpo |
Opisina | propesor (1924–1930) |
Pirma | |
Si Alfred Lothar Wegener (1 Nobyembre 1880 – 2 Nobyembre 1930) ay isang Alemang mananaliksik ng polo, geopisiko, at meteorologo. Noong panahon ng kaniyang pamumuhay, pangunahin siyang nakikilala dahil sa kaniyang mga nagawa para sa larangan ng meteorolohiya at bilang isang tagapagsimula ng pananaliksik sa polo, subalit sa kasalukuyan siya ay pinaka naaalala dahil sa pagpapasulong ng teoriya ng pag-anod ng lupalop (continental drift sa Ingles, Kontinentalverschiebung sa Aleman) noong 1912, na nagpapalagay na ang mga lupalop (kontinente) ay mabagal na umaanod sa paligid ng daigdig. Ang kaniyang hipotesis ay kontrobersiyal at hindi malawakang tinanggap hanggang sa pagsapit ng dekada ng 1950, nang maraming mga pagkakatuklas na katulad ng paleomagnetismo na nagbigay ng matibay na suporta para sa pag-anod ng kontinente, at sa kung gayon ay naging isang matibay na batayan para sa pangkasalukuyang modelo para sa mga tektoniks ng plato.[4][5] Naging sangkot si Wegener sa ilang mga ekspedisyon sa Lupang-lunti (Greenland) upang pag-aralan ang sirkulasyon ng hangin sa polo bago pa man naging katanggap-tanggap ang pag-iral ng daloy ng sagitsit. Ang mga kalahok sa ekspedisyon ay nakagawa ng maraming mga pagmamasid na pangmeteorolohiya at nakapagsagawa ng pinaka unang pagpapalipas ng taglamig sa panloob na lupaing pilas ng yelo sa Lupang-lunti, pati na ang pinaka unang pagbutas ng kaibuturan ng yelo na nasa ibabaw ng isang gumagalaw na bundok ng yelo (namuong tubig o glacier) sa Arktiko.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb124287112; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑ "Alfred Wegener" (PDF).
- ↑ http://www.jstor.org/stable/2781668.
- ↑ Spaulding, Nancy E.; Namowitz, Samuel N. (2005). Earth Science. Boston: McDougal Littell. ISBN 0-618-11550-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McIntyre, Michael; Eilers, H. Peter; Mairs, John (1991). Physical geography. New York: Wiley. p. 273. ISBN 0-471-62017-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kabataan at antas ng edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Alfred Wegener sa Berlin noong Nobyembre 1,1880 bilang bunso sa limang magkakapatid sa pamilya ng isang tagasilbi ng simbahan. Ang kanyang ama na si Richard Wegener ay isang iskolar ng teolohiya at propesor ng mga klasikal na wika sa Berlinisches Gymnasium zum Grauen Kloster. Taong 1886 nang bumili ang kanyang pamilya ng isang sinaunag bahay na istilong manor na malapit sa Rheinsberg upang gamitin bilang bahay-bakasyunan. Sa kasalukuyan, mayroong itinayong Alfred Wegener Memorial Site at opisina ng Tourist Information sa isang malapit na gusali na minsang nagsilbing lokal na paaralan. Si Alfred Wegener ay pinsan ni Paul Wegener na isang tagapanguna sa larangan ng pelikula.
Si Wegener ay nag-aral sa Kӧllnisches Gymnasium na matatagpuan sa Wallstrasse sa Berlin (matatagpuan ang isang plakang may saad ng detalyeng ito sa nasabing protektadong gusali na ngayon ay paaralan na ng musika) kung saan siya ay nagtapos bilang pinakamagaling sa kanyang klase. Pagkatapos nito ay nag-aral siya ng pisika, meterolohiya, at astronomiya sa Berlin, Heidelberg at Innsbruck. Mula taong 1902 hanggang 1903, siya ay nagsilbing katuwang sa Urania Astronomical Observatory habang siya ay nag-aaral. Nakamit niya ang kanyang doctorate sa larangan ng Astronomiya taong 1905 dahil sa kanyang disertasyon na kanyang kinatha sa ilalim ng gabay ni Julius Bauschinger sa Friedrich Wilhelms University (ngayon ay kilala bilang Humboldt University) sa Berlin. Nanatili sa kalooban ni Wegener ang isang maalab na kagustuhan na paunlarin ang meterolohiya at klimatolohiya kung kaya’t ang mga larangang ito ang naging tuon ng kanyang pagsasaliksik.
Taong 1905 si Wegener ay naging katuwang sa Aeronautisches Observatorium Lindenburg na malapit sa Beeskow. Siya ay nagtrabaho doon kasama ng kanyang kapatid na si Kurt na dalawang taong ang tanda sa kanya at isa ring siyentipikong hilig ang meterolohiya at pananaliksik ukol sa mga polo (tumutukoy ito sa North Pole at South Pole). Pinangunahan nila ang paggamit ng mga weather balloon upang maobserbahan ang mga kabuuan ng hangin (air masses). Sa isang pagkakataon ng kanilang paglipad sakay ng lobo para sa pagsasagawa ng pagsusuring meterolohikal at pagsubok ng isang metodolohiya ng nabigasyong celestial sa pamamagitan ng paggamit ng partikular na uri ng kapatan (“Libellenquadrant”) ay nakamit ng magkapatid na Wegener ang isang bagong tala sa larangan ng tuluyang pagpapalipad ng lobo na umabot ng 52.5 na oras mula Abril 5 hanggang Abril 7, 1906.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.