Handulong
Ang handulong o agresyon ay isang pag-uugali na naglalayong sumalungat o umatake sa isang bagay o isang tao. Bagaman kadalasang ginagawa na may layuning magdulot ng pinsala, maaari itong mailabas sa paraang malikhain at praktikal para sa ilan.[1] Maaaring magkaroon ng agresyon dulot ng reaksyon o kahit walang dahilan. Sa mga tao, maaring magdulot ng handulong ang iba't ibang pag-udyok. Halimbawa, ang nabubuong pagkaunsyami dahil sa mga hinarang na layunin o inaakalang kabastusan.[2] Maaaring mauri ang handulong ng tao sa direkta at hindi direktang handulong; habang nailalarawan ang una sa pamamagitan ng kaasalang pisikal o kaasalan sa pagsasalita na naglalayong magdulot ng pinsala sa isang tao, at nailalarawan ang huli sa pamamagitan ng pag-uugali na naglalayong makapinsala sa mga relasyon sa lipunan ng isang indibidwal o pangkat.[3][4][5]
Sa mga kahulugang karaniwang ginagamit sa mga agham panlipunan at agham ng pag-uugali, ang handulong ay isang aksyon o tugon ng isang indibiduwal na naghahatid ng isang bagay na hindi kasiya-siya sa ibang tao. Kasama sa ilang mga kahulugan na dapat naglalayon ang indibiduwal na saktan ang ibang tao.[6]
Sa isang interdisiplinaryong pananaw, itinuturing ang agresyon na "isang grupo ng mekanismo na nabuo sa panahon ng ebolusyon upang igiit ang sarili, mga kamag-anak o kaibigan laban sa iba, upang makakuha o upang ipagtanggol ang mga yaman (panghuling dahilan) sa pamamagitan ng mga nakakapinsalang paraan. Madalas ang mga mekanismong ito na nauudyok ng mga emosyon tulad ng takot, pagkabigo, galit, damdamin ng istres, pangingibabaw o kasiyahan (mga malapit na dahilan), Nagsisilbi minsan ang agresibong pag-uugali bilang pampaginhawa sa istres o isang pansariling pakiramdam ng kapangyarihan."[7][8] Ang mapanghamak o nagtatanggol na pag-uugali sa pagitan ng mga miyembro ng iba't ibang espesye ay hindi maaaring ituring na agresyon sa parehong kahulugan.
Pangkalahatang-ideya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminungkahi ni Dollard et al. (1939) na ang handulong ay dahil sa pagkaunsyami, na inilarawan bilang isang hindi kasiya-siyang emosyon na nagreresulta mula sa anumang pagkagambala sa pagkamit ng isang kapakipakinabang na layunin.[9] Pinalawak ni Berkowitz[10] ang palagay na ito na tambalang pagkaunsyami-handulong at minugkahi na hindi ang pagkaunsyami kundi ang hindi kasiya-siyang emosyon ang pumupukaw ng mga agresibong tendensiya, at nagbubunga ang lahat ng walang-awang nagaganap ng negatibong apekto at sa gayon mayroong agresibong tendensiya, gayundin ang mga tendensya ng takot. Bukod sa nakakondisyon na estimulo, ikinategorya ni Archer ang pamukaw-agresyon (pati na rin ang pamukaw-takot) na estimulo sa tatlong pangkat; ito ang sakit, bagong bagay, at pagkabigo, bagamam inilarawan din niya ang "nagbabadya", na tumutukoy sa isang bagay na mabilis na gumagalaw patungo sa mga pandamdam ng paningin ng isang paksa, at maaaring ikategorya bilang "intensidad."[11]
Mga paliwanag sa ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad ng maraming pag-uugali, maaaring suriin ang handulong sa mga tuntunin ng kakayahan nitong tulungan ang isang hayop mismo na mabuhay at magparami, o kaya, sa panganib na mabuhay at magparami. Ang pagsusuri sa gastos-pakinabang na ito ay maaaring tingnan sa mga tuntunin ng ebolusyon. Gayunpaman, mayroong malalim na pagkakaiba sa lawak ng pagtanggap ng isang biyolohikal o ebolusyonaryong batayan para sa agresyon ng tao.[12]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Maremmani I., Avella M.T., Novi M., Bacciardi S., Maremmani A.G.I. Aggressive Behavior and Substance Use Disorder: The Heroin Use Disorder as a Case Study. Addict. Disord. Treat.. 2020;19(3):161-173. doi:10.1097/ADT.0000000000000199 (sa Ingles)
- ↑ DeBono, Amber; Muraven, Mark (1 Nobyembre 2014). "Rejection perceptions: feeling disrespected leads to greater aggression than feeling disliked". Journal of Experimental Social Psychology (sa wikang Ingles). 55: 43–52. doi:10.1016/j.jesp.2014.05.014. ISSN 0022-1031.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ De Almeida, Rosa Maria Martins; Cabral, João Carlos Centurion; Narvaes, Rodrigo (2015). "Behavioural, hormonal and neurobiological mechanisms of aggressive behaviour in human and nonhuman primates". Physiology & Behavior (sa wikang Ingles). 143: 121–35. doi:10.1016/j.physbeh.2015.02.053. PMID 25749197.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Miczek, Klaus A.; Almeida, Rosa M. M. de; Kravitz, Edward A.; Rissman, Emilie F.; Boer, Sietse F. de; Raine, Adrian (31 Oktubre 2007). "Neurobiology of Escalated Aggression and Violence". Journal of Neuroscience (sa wikang Ingles). 27 (44): 11803–11806. doi:10.1523/JNEUROSCI.3500-07.2007. ISSN 0270-6474. PMC 2667097. PMID 17978016.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hollowood, Lorna (2022). "Micro refers to its subtle delivery not its impact". rcn.org.uk (sa wikang Ingles). Royal College of Nursing.
Microaggressions are something that somebody says to you; they can be a way that you've been made to feel. They are often subtle behaviours, but their effects are far from subtle
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anderson, Craig A.; Bushman, Brad J. (2002). "Human Aggression". Annual Review of Psychology (sa wikang Ingles). 53: 27–51. doi:10.1146/annurev.psych.53.100901.135231. PMID 11752478.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wahl, Klaus (2020). The Radical Right. Biopsychosocial Roots and International Variations (sa wikang Ingles). London: Palgrave Macmillan. p. 47. ISBN 978-3-030-25130-7. OCLC 1126278982.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wahl, Klaus (2013). Aggression und Gewalt. Ein biologischer, psychologischer und sozialwissenschaftlicher Überblick (sa wikang Ingles). Heidelberg: Spektrum Akademischer Verlag. p. 2. ISBN 978-3-8274-3120-2. OCLC 471933605.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dollard, J.; Doob, L.W.; Miller, N.E.; Mowrer, O.H.; Sears, R.R. (1939). Frustration and Aggression (sa wikang Ingles). New Haven, CT: Yale University Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berkowitz, L. (1987). "Frustrations, appraisals, and aversively stimulated aggression". Aggressive Behavior (sa wikang Ingles). 14 (1): 3–11. doi:10.1037/0033-2909.106.1.59. PMID 2667009.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Archer, J. (1976). "The organization of aggression and fear in vertebrates". Sa Bateson, P.P.G.; Klopfer, P.H. (mga pat.). Perspectives in Ethology (Vol.2) (sa wikang Ingles). New York, NY: Plenum. pp. 231–298.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Somit, A. (1990). "Humans, Chimps, and Bonobos: The Biological Bases of Aggression, War, and Peacemaking". Journal of Conflict Resolution (sa wikang Ingles). 34 (3): 553–82. doi:10.1177/0022002790034003008. JSTOR 174228.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)