Pumunta sa nilalaman

Aerodinamika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pag-aaral ukol sa wake turbulence na isinagawa ng NASA sa Wallops Island noong 1990. Ang mga vortice ay isa sa maraming phenomena na nauugnay sa pag-aaral ng aerodinamika.

Ang aerodinamika, mula sa Sinaunang Griyego: ἀήρ aero (hangin) Sinaunang Griyego: δυναμική (dinamika), ay ang pag-aaral ng paggalaw ng hangin, partikular na kapag naapektuhan ng isang solidong bagay, tulad ng pakpak ng eroplano. Kabilang dito ang mga paksang sakop sa larangan ng dinamika ng pluwido gayundin sa disiplinang ilalim nito na pag-aaral ng dinamika ng gas. Ang terminong aerodinamika ay kadalasang ginagamit na kasingkahulugan ng dinamika ng gas, ang pagkakaiba ay ang "dinamika ng gas" ay nalalapat sa pag-aaral ng paggalaw ng lahat ng mga gas habang ang aerodinamika naman ay limitado sa iilang gas na may kaugnayan sa pagdaloy ng hangin. Ang pormal na pag-aaral ng aerodinamika ay nagsimula sa modernong kahulugan noong ikalabing walong siglo, kahit na ang mga obserbasyon ng mga pangunahing konsepto tulad ng aerodinamikong paghila ay naitala nang mas maaga. Karamihan sa mga unang pagsisikap sa aerodinamika ay nakadirekta sa pagkamit ng mas mabigat kaysa sa hangin na paglipad, na unang ipinakita ni Otto Lilienthal noong 1891.[1] Simula noon, ang paggamit ng aerodinamuka sa pamamagitan ng analitikong matematikal, empirikong aproksimasyon, pag-eeksperimento sa mga wind tunnel, at computer simulation ay nakabuo ng isang makatwirang batayan para sa pagbuo ng mas mabigat kaysa sa hanging panlipad at ilang iba pang mga teknolohiya. Ang kamakailang trabaho sa aerodinamika ay nakatuon sa mga isyung nauugnay sa iniipunang daloy, kaguluhan sa paglipad, at patong sa boundary. Ito rin ay naging mas likas ang pagbibilang o pagkakalkula ng mga bagay-bagay pagdating sa gayong pag-aaral.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "How the Stork Inspired Human Flight". flyingmag.com.[patay na link]

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.