Pumunta sa nilalaman

Adam Lanza

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adam Lanza
KapanganakanAdam Peter Lanza
22 Abril 1992(1992-04-22)
Exeter, New Hampshire, USA
Kamatayan14 Disyembre 2012(2012-12-14) (edad 20)
Sandy Hook, Newtown, Connecticut, U.S.
IkinamatayNagpakamatay, (gamit ang kanyang baril)
HanapbuhayWala
Taas6 ft 0 in
MotiboHindi tiyak
Mga pagpatay
PetsaDisyembre 14, 2012
c. 9:35 a.m. – c. 9:40 a.m.
(Mga) LokasyonNewtown, Connecticut, U.S.
(Mga) TargetStaff at mga estudyante sa Paaralang Elementarya ng Sandy Hook
Napatay28 (kanyang sarili)
Nasaktan2


Si Adam Peter Lanza o Adam Lanza (Abril 22, 1992 – Disyembre 14, 2012), ay isinilang sa Exeter, New Hampshire, USA ay isang residente at mag-aaral sa Mataas na Paaralang Newtown sa Newtown, Connecticut ay ang salarin na kumitil sa mahigit 20 batang magaaral, 6 na kasapi ng paaralan at kabilang ang kanyang sariling ina na si Nancy Lanza.[1][2]

Paggamit ng baril

Siya ay wala pang naiitalang ulat na anumang kaso. Nagkaroon siya ng baril dahil sa kanyang ina, At kanya pang 2 kapatid na lalaki ay nagsasanay sa paggamit ng baril, Ayon sa kanyang ama hindi ito bilib sa asawang si Nancy sa paggamit ng baril, At wala man lang siyang takot kahit naka-bukas pa ang pinto, o kahit pa sa mga kapatid na babae at matalik nitong kaibigan.

Pagatake

Mula sa kanilang tahanan 8 kilometro hanggang sa elementarya ay una niyang pinaslang ang kanyang sariling ina habang natutulog sa silid nito, kalaunan siya ay pumunta sa elementarya upang puntiryahin ang kanyang mabibiktima, Una siyang pumasok sa main entrance at napatay niya ang Principal na si Dawn Hochsprung, 47 taon gulang at school psychologist na si Mary Sherlach, 56 taon gulang, sumunod ito ay namaril sa seksyon 8 na kung saan ay naroon ang substiyut na gurong si Lauren Rousseau at 14 na mga batang estudyante, at sa seksyon 10 na kung saan ay nagtuturo si Victoria Leigh Soto at 5 estudyante ang kanyang napaslang, Maging sina Rachel D'Avino isang behavior therapist at espesyal na gurong si Anne Marie Murphy na hawak si Dylan Hockley ay kabilang sa mga nasawi. Kalaunan bago siya mahuli ng pulis ay kinitil niya ang kanyang sarili sa silid 10.[3][4]

Siya ay nakapag-aral sa Paaralang Elementarya ng Sandy Hook, sa loob ng apat at kalahating taon, At nagpatuloy sa Newtown Middle School taong 2004, Ayon sa ina nito siya ay may anxiety, Sinabihan ito ng mga kaibigan na ang kanyang anak ay sa simula pa lang na pumasok sa paaralan ay nagiiba ang paguugali nito, Ang kilos galaw at ang ingay ay hindi makontrol ang kondisyon nito, Sa kabilang banda ng kanyang anxiety ay matindi, Siya ay dinala sa isang ospital sa Danbury, Ang kanyang ina ay inilipat siya sa simbahang paaralan sa St. Rose of Lima, siya ay umalis noong Hunyo 2005.

Pagaaral

Sa edad na 14 siya ay nakapag-aral sa Newtown High School at ginawaran taong 2007, Ang naging kanyang mga guro at kaklase ay alam ang kanyang talino at talento ngunit ito ay delikado't agresibo sa tuwing siya ay sinusumpong, Siya ay umiiwas sa atraksyon at atensyon at hindi komportable sa iba niyang nakakasalamuha, Siya ay hindi gaanong malapit sa kanyang kaklase.

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.