He (titik)
Itsura
(Idinirekta mula sa ه)
He | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| |||||||||||
Pagkakatawan sa ponema | h | ||||||||||
Puwesto sa alpabeto | 5 | ||||||||||
Halaga sa bilang | 5 | ||||||||||
Mga alpabetong hango sa Penisyo | |||||||||||
|
Ang he ay ang ikalimang titik ng mga Semitikong abyad, kabilang dito ang Penisyong Hē , Ebreong Hē ה, Arameong Hē , Siriakong Hē ܗ, at Arabeng Hāʾ ه. Ang tunog nito ay walang-imik na paimpit na pasutsot (voiceless glottal fricative, [h]).
Ang proto-Kananitang titik ay umakay sa Epsilon ng Griyego Ε ε; 𐌄 ng Etruskano; E, Ë at Ɛ ng Latin; at Е, Ё, Є at Э ng Siriliko. Tulad ng lahat ng mga Penisyong titik, kumatawan ang he, sa isang katinig, ngunit kumakatawan naman ang mga katumbas nito sa Latin, Griyego, at Siriliko sa mga tunog-patinig.