Polonya
Republika ng Polonya Rzeczpospolita Polska (Polako)
| |
---|---|
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Varsovia 52°13′N 21°02′E / 52.217°N 21.033°E |
Wikang opisyal | Polako |
Katawagan | Polako Polones |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo |
• Pangulo | Andrzej Duda |
Donald Tusk | |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Senado |
• Mababang Kapulungan | Sejm |
Formation | |
• Binyag | 14 Abril 966 |
• Kaharian | 18 Abril 1025 |
1 Hulyo 1569 | |
24 October 1795 | |
11 November 1918 | |
17 Setyembre 1939 | |
22 Hulyo 1944 | |
31 Disyembre 1989 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 312,700 km2 (120,700 mi kuw) (69th) |
• Katubigan (%) | 1.48 (2015) |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 38,036,118 (ika-38) |
• Densidad | 122/km2 (316.0/mi kuw) (ika-75) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $1.712 trillion (21st) |
• Bawat kapita | $45,538 (40th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $842.172 billion (21st) |
• Bawat kapita | $22,393 (44th) |
Gini (2020) | 27.2 mababa |
TKP (2021) | 0.876 napakataas · 34th |
Salapi | Złoty (PLN) |
Sona ng oras | UTC 1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC 2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | 48 |
Internet TLD | .pl |
Ang Polonya (Polako: Polska), opisyal na Republika ng Polonya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Litwanya at Rusya sa hilagang-silangan, Eslobakya at Tsekya sa timog, Biyelorusya at Ukranya sa silangan, at Alemanya sa kanluran; nagbabahagi rin ito ng mga hangganang pandagat sa Dinamarka at Suwesya. Sumasaklaw ito ng lawak na 312,696 km2 at may populasyon na humigit-kumulang 38 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Varsovia.
Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa Kristiyanisasyon nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 dantaon sa pagkatatag ng Sampamahalaan ng Polonya at Litwaniya hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng Imperyong Ruso, Awstriya-Unggriya at ang Kaharian ng Prusya noong ika-19 dantaon, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, na kilala bilang Ikalawang Republika ng Polonya.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring nagmula ang pangalang "Polonya" sa mga Polano (Polako: Polanie), isang liping Kanlurang Eslabo. Hindi alam ang etimolohiya nito, ngunit maaaring nagmula ito sa salitang "pole" (parang):[1] nagsisimula ang mga kaparangan sa mga lupaing Polako mula sa dalampasigan ng Dagat Baltiko hanggang sa paanan ng Carpatos sa timog.
Sa ibang mga wika, nagmula naman ang mga eksonimo para sa Polonya mula sa pangalan ng ibang tribo o lipi, ang mga Lekito (Polako: Lechici, Ingles: Lechites).
Maaari ring nagmula ang pangalang "Polonya" sa isang alamat ng mga Hudyo, kung saan naghanap sila ng isang ligtas na lugar kung saan maaari silang manirahan. Narinig nila umano ang salitang Ebreong "po-lin" ("dito kayo magpahinga") mula sa langit, at dito umano nagmula ang pangalan ng bansa.[2]
Politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang demokrasya ang Polonya, ayon sa saligang batas na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang pangulo bilang pinuno ng estado, ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang punong ministro (Polako: premier) bilang pinuno ng pamahalaan, na nakasentro sa Konseho ng mga Ministro bilang gabinete nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.
Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si Andrzej Duda, na inihalal noong 2015 matapos natalo sa halalan ang nanguna sa kaniya, si Bronisław Komorowski. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si Donald Tusk.
May dalawang kapulungan ang Asambleang Pambansa (Zgromadzenie Narodowe), ang tagapagbatas ng Polonya: ang Sejm, na may 460 kinatawan (poseł, literal na "sugo"), at ang Senado, na binubuo ng 100 senador. May mariskal (ispiker) na namumuno sa bawa't kapulungan ng Asamblea. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga pangunahing lungsod
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa Poland
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Ranggo | Voivodeship | Pop. | Ranggo | Voivodeship | Pop. | ||||
Varsovia Cracovia |
1 | Varsovia | Masovian | 1,777,972 | 11 | Katowice | Silesian | 294,510 | Łódź Breslavia |
2 | Cracovia | Lesser Poland | 771,069 | 12 | Gdynia | Pomeranian | 246,309 | ||
3 | Łódź | Łódź | 685,285 | 13 | Częstochowa | Silesian | 222,292 | ||
4 | Breslavia | Lower Silesian | 640,648 | 14 | Radom | Masovian | 213,029 | ||
5 | Poznań | Greater Poland | 536,438 | 15 | Toruń | Kuyavian-Pomeranian | 202,074 | ||
6 | Gdańsk | Pomeranian | 466,631 | 16 | Sosnowiec | Silesian | 202,036 | ||
7 | Szczecin | West Pomeranian | 402,465 | 17 | Kielce | Świętokrzyskie | 195,774 | ||
8 | Bydgoszcz | Kuyavian-Pomeranian | 350,178 | 18 | Rzeszów | Subcarpathian | 191,564 | ||
9 | Lublin | Lublin | 339,682 | 19 | Gliwice | Silesian | 179,806 | ||
10 | Białystok | Podlaskie | 297,459 | 20 | Zabrze | Silesian | 173,374 |
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "fr. pal, pele, altd. pal, pael, dn. pael, sw. pale, isl. pall, bre. pal, peul, it. polo, pole, pila, [in:] A dictionary of the Anglo-Saxon languages. Joseph Bosworth. S.275.; planus, plain, flat; from Indo- Germanic pele, flat, to spread, also the root of words like plan, floor, and field. [in:] John Hejduk. Soundings. 1993. p. 399"; "the root pele is the source of the English words "field" and "floor". The root "plak" is the source of the English word "flake" [in:] Loren Edward Meierding. Ace the Verbal on the SAT. 2005. p. 82
- ↑ The Museum of the History of Polish Jews: Asking, Exploring, Discovering (Ang Museo ng Kasaysayan ng mga Hudyong Polako: Nagtatanong, Naghahanap, Nagtutuklas)