Pumunta sa nilalaman

Íngrid Betancourt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Íngrid Betancourt
Senador ng Colombia
Nasa puwesto
20 Hulyo 1998 – 23 Pebrero 2002
Personal na detalye
Isinilang (1961-12-25) 25 Disyembre 1961 (edad 62)
Bogotá, Colombia
Partidong pampolitikaPartidong Oxygen Green
AsawaFabrice Delloye (m. 1983, div. 1990s)
Juan Carlos Lecompte[1]
AnakMelanie Delloye, Lorenzo Delloye
TahananBogotá
TrabahoSyentipikong Pampolitika, politiko

Si Íngrid Betancourt (ipisinilang noong 25 Disyembre 1961)[1] ay isang politikong sa Colombia, dating senador at aktibistang kalaban ng korupsiyon. Kinidnap ng mga Rebolusyonaryong Puwersadong Armado ng Kolombya (FARC) noong 23 Pebrero 2002 at naligtas mula sa pagkakabihag makaraan ang anim at kalahating taon, kasama ang 14 pang mga bihag panagot (tatlong Amerikano at 11 Kolombyanong pulis at sundalo). Isinagawa ang pagsagip ng lakas pangseguridad ng Colombia noong 2 Hulyo 2008 sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga FARC na napaniwalang sila ay mga makakaliwang di-pampamahalaang organisasyon.[2][3] Sa kabuoan, nanatiling bihag siya sa loob ng 2,321 mga araw matapos na dukutin habang nangangampanya para sa halalang pam-pangulo noong 2002, sa ilalim ng partidong Oxygen Green, matapos na magpasyang mangampanya sa isang pook na mas mataas na bilang mga gerilya bagaman binigyan siya ng mga babala ng gobyerno, pulis at militar. Tumanggap ang pagdukot sa kaniya ng malawakang pagtanaw ng midya sa Pransiya dahil sa kaniyang pagiging Pransesang nasyonal. Nakiisa ang pamahalaan ng Pransiya sa pagiging tagapamagitan at tagapagtulak ng paglaya niya at ng lahat ng mga prisonerong bihag mga gerilya ng FARC.

  1. 1.0 1.1 "Profile: Ingrid Betancourt". BBC News. 2008-02-28. Nakuha noong 2008-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Colombia: Betancourt, US hostages freed". The Associated Press. 2008-07-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-05. Nakuha noong 2008-07-02. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. "Colombia hostage Betancourt freed". BBC News. British Broadcasting Corporation. 2008-07-03. Nakuha noong 2008-07-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)