Pumunta sa nilalaman

Yuri Gagarin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Yuri Gagarin sa Helsinki, 1961

Si Yuri Alekseyevich Gagarin (Ruso: Ю́рий Алексе́евич Гага́рин, 9 Marso 1934 - 27 Marso 1968) ay isang piloto at cosmonaut. Siya ang kauna-unahang tao na naglakbay sa kalawakan, nang ang kaniyang lulang Vostok spacecraft ay nakompleto ang pag-ikot sa mundo noong Abril 12, 1961.[1] Dahil dito, naging tanyag siya sa iba't ibang bansa at ginawaran ng maraming karangalan at pamagat tulad ng "Hero of the Soviet Union" (Bayani ng Unyong Sobyet).

Si Yuri Gagarin ay isinilang sa nayon ng Klushino na malapit sa Gzhatsk (ipinangalang Gagarin noong 1968 pagkatapos niyang mamatay) sa bansang Rusya. Si Alexey Ivanovich Gagarin ang kaniyang ama na isang anlowage at si Anna Timofeyevna Gagarina naman ang kaniyang ina na tagapaggatas ng baka. Si Yuri ay ikatlo sa apat niyang mga kapatid na sina Valentin (isinilang 1924), na panganay na lalaki, Zoya (isinilang 1927), na panganay na babae, at Boris (isinilang 1936), na bunso, at ang pinakamatanda niyang ate ang tumulong sa pagpapalaki sa kaniya habang ang kaniyang mga magulang ay nagtatrabaho.

Sa kaniyang kabataan ay interesado na si Yuri sa kalawakan at mga planeta. Bago siya mag-aral sa vocational technical school sa Lyubertsy, si Gagarin ay napili para sa mas malakaing pagsasanay sa isang technical high school sa Saratov. Habang nandoon, sumali siya sa "AeroClub" at natutong lumipad ng magaan na kotseng panghimpapawid.

Noong 1955, matapos ang kaniyang pag-aaral ng technical, pumasok siya sa military flight training sa Orenburg Pilot's School. Nang nandoon, nakilala niya si Valentina Goryacheva na kaniyang ikinasal noong 1957, pagkatapos niya makamit ang pilot's wings. Nagkaroon sila ng dalawang babaeng anak na si Elena, ang panganay na anak at si Galina, ang bunsong anak.

Noong ika-27 ng Marso 1968, habang nasa training flight sa Chkalovsky Air Base, siya at ang flight instructor na si Vladimir Seryogin ay namatay sa pagbagsak ng kanilang nilululang MiG-15UTI malapit sa bayang Kirzhach. 34 taong gulang siya nang mamatay. Ang katawan ni Yuri at Vladimir ay isinaabo at ang mga abo ay nilagay sa walls of the Kremlin sa Red Square. Si Elena, ang panganay niyang anak na babae ay naging isang historyador ng sining na nagtratrabaho bilang director-general ng Moscow Kremlin Museums mula ng 2001. Ang kaniyang babaeng bunsong anak, Si Galina ay naging isang department chair sa Plekhanov Russian Economic University sa Moscow, Rusya.

Philately at numismatics

[baguhin | baguhin ang wikitext]


AstronomiyaTaoRusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Tao at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Wilson, Jim (2011-04-13). "Yuri Gagarin: First Man in Space" (sa wikang Ingles). NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-14. Nakuha noong 2023-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)