Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
| |
---|---|
Watawat | |
Salawikain: "Isang Pananaw, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan" "10 Bansa, 1 Pagkakakilanlan" | |
Awitin: (The ASEAN Way)"Ang Paraan ng ASEAN" | |
Luklukan ng Kalihiman | Jakarta |
Pinakamalaking lungsod | Jakarta |
Wikang panggawain | Ingles[1] |
Katawagan | Timog-Silangang Asyano |
Bansang-kasapi | |
Pamahalaan | Kapisanang panrehiyon |
• Tagapangulo | Sonexay Siphandone |
• Kalihim | Kao Kim Hourn |
Pagtatag | |
8 Agosto 1967 | |
• Karta | 16 Disyembre 2008 |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,522,518 km2 (1,746,154 mi kuw) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 683,290,000 |
• Densidad | 144/km2 (373.0/mi kuw) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | US$ 12.007 trilyon |
• Bawat kapita | US$ 17,528 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | US$ 4.248 trilyon |
• Bawat kapita | $6,201 |
TKP (2022) | 0.736 mataas |
Salapi | |
Sona ng oras | UTC 9 hanggang 6:30 (Asean) |
Kodigong pantelepono | |
Internet TLD | |
Websayt www.asean.org | |
|
Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malaysia at Thailand na itinatag noong taóng 1960, at ang Maphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.
Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas – Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, at Thanat Khoman ng Thailand – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.
Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunei ay ang unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Vietnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat ang Cambodia sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Cambodia at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.
Mga Pangunahing layunin ng Asean
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):
- Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
- Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
- Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
- Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
- Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
- Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.
Mga kasapi ng Asean
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:
Mga kasaping nagtatag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967.
Mga estadong sumapi sa kalaunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Brunei (7 Enero 1984)
- Vietnam (28 Hulyo 1995)
- Laos (23 Hulyo 1997)
- Myanmar (23 Hulyo 1997)
- Cambodia (30 Abril 1999)
Timor-Leste
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 23 Hulyo 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Timor-Leste, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.
Papua New Guinea
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bansang Papua New Guinea ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.
Pagtitipon ng Asean
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.
Mga Pagtitipong Pormal ng Asean | |||
---|---|---|---|
Petsa | Bansa | Punung-abala | |
Ika-1 | Pebrero 23–24, 1976 | Indonesia | Jakarta |
Ika-2 | Agosto 4–5, 1977 | Malaysia | Kuala Lumpur |
Ika-3 | Disyembre 14–15, 1987 | Pilipinas | Maynila |
Ika-4 | Enero 27–29, 1992 | Singapore | Singapore |
Ika-5 | Disyembre 14–15, 1995 | Thailand | Bangkok |
Ika-6 | Disyembre 15–16, 1998 | Vietnam | Hanoi |
Ika-7 | Nobyembre 5–6, 2001 | Brunei | Bandar Seri Begawan |
Ika-8 | Nobyembre 4–5, 2002 | Cambodia | Phnom Penh |
Ika-9 | Oktubre 7–8, 2003 | Indonesia | Bali |
Ika-10 | Nobyembre 29–30, 2004 | Laos | Vientiane |
Ika-11 | Disyembre 12–14, 2005 | Malaysia | Kuala Lumpur |
Ika-12 | Enero 11–14, 20071 | Pilipinas | Cebu |
Ika-13 | Nobyembre 18–22, 2007 | Singapore | Singapore |
Ika-143 | 27 Pebrero – 1 Marso 2009 10–11 Abril 2009 |
Thailand | Cha Am, Hua Hin Pattaya |
Ika-15 | 23 Oktubre 2009 | Thailand | Cha Am, Hua Hin |
Ika-16 | 8–9 Abril 2010 | Vietnam | Hanoi |
Ika-17 | 28-31 Oktubre 2010 | Vietnam | Hanoi |
Ika-18 | 7–8 Mayo 2011 | Indonesia4 | Jakarta |
Ika-19 | 14–19 Nobyembre 2011 | Indonesia | Bali |
Ika-20 | 3–4 Abril 2012 | Cambodia | Phnom Penh |
Ika-21 | 17–20 Nobyembre 2012 | Cambodia | Phnom Penh |
Ika-22 | 24–25 Abril 2013 | Brunei | Bandar Seri Begawan |
Ika-23 | 9–10 Oktubre 2013 | Brunei | Bandar Seri Begawan |
Ika-24 | 10–11 Mayo 2014 | Myanmar | Naypyidaw |
Ika-25 | 12–13 Nobyembre 2014 | Myanmar | Naypyidaw |
Ika-26 | 26–27 Abril 2015 | Malaysia | Kuala Lumpur at Langkawi |
Ika-27 | 18–22 November 2015 | Malaysia | Kuala Lumpur |
Ika-28 | 6–8 Setyembre 2016 | Laos | Vientiane |
Ika-29 | 6–8 Setyembre 2016 | Laos | Vientiane |
Ika-30 | 28–29 Abril 2017 | Pilipinas | Pasay |
Ika-31 | 10–14 Nobyembre 2017 | Pilipinas | Pasay |
Ika-32 | 27–28 Abril 2018 | Singapore | Singapore |
Ika-33 | 11–15 Nobyembre 2018 | Singapore | Singapore |
Ika-34 | 20–23 Hunyo 2019 | Thailand | Bangkok |
Ika-35 | 31 Oktubre–4 Nobyembre 2019 | Thailand | Bangkok |
Ika-36 | 26 June 2020 | Vietnam | Hanoi |
Ika-37 | 11–15 Nobyembre 2020 | Vietnam | Hanoi |
Ika-38 | 26–28 Oktubre 2021 | Brunei | Bandar Seri Begawan |
Ika-39 | 26–28 Oktubre 2021 | Brunei | Bandar Seri Begawan |
Ika-40 | 10–13 Nobyembre 2022 | Cambodia | Phnom Penh |
Ika-41 | 10–13 Nobyembre 2022 | Cambodia | Phnom Penh |
Ika-42 | 9–11 Mayo 2023 | Indonesia | Labuan Bajo |
Ika-43 | 5–7 Setyembre 2023 | Indonesia | Jakarta |
Ika-44 | 6–11 Oktubre 2024 | Laos | Vientiane |
Ika-45 | 6–11 Oktubre 2024 | Laos | Vientiane |
1 Ipinagpaliban mula Disyembre 10–14, 2006. | |||
2 Nagpunong-abala ng pagtitipon nang lumiban ang Myanmar. | |||
3 Ang pagtitipon ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay nalipat mula 12–17 Disyembre 2008 dahil sa krisis pampolitika ng Thailand 2008. Ang ikalawang bahagi ay napigil noong Abril 11 dahil sa pagpasok ng mga demonstrador sa lugar ng pagdaraos ng pagtitipon. | |||
4 Nagmungkahi ang bansang Indonesia sa bansang Brunei ng palitan na magpupunong-abala sila sa APEC (at malamang ang pagpupulong ng G20) sa 2013. |
Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:
Mga Pagtitipong Di-pormal ng Asean | |||
---|---|---|---|
Petsa | Bansa | Punung-abala | |
Ika-1 | 30 Nobyembre 1996 | Indonesia | Jakarta |
Ika-2 | 14–16 Disyembre 1997 | Malaysia | Kuala Lumpur |
Ika-3 | 27–28 Nobyembre 1999 | Pilipinas | Maynila |
Ika-4 | 22–25 Nobyembre 2000 | Singapore | Singapore |
Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Organisasyon | Lawak km² |
Populasyon | GDP (PPP) sa EU$ |
GDP (PPP) bawat kapita sa EU$ |
Mga bansang- kasapi |
UE | 4,225,104 | 449,206,579 | 26.308 trilyon | 58,838 | 27 |
ASEAN | 4,522,518 | 683,290,000 | 12,007 trilyon | 17,528 | 10 |
CSN | 17,715,335 | 366,669,975 | 2,635,349 | 7,187 | 12 |
AU | 29,922,059 | 1,494,988,668 | 8.990 trilyon | 6,330 | 55 |
Malalaking bansa |
Hati ng politika | ||||
India | 3,287,263 | 1,428,627,663 | 14.863 trillion | 10,123 | 36 |
Tsina | 9,596,961 | 1,409,670,000 | 35.291 trillion | 25,015 | 34 |
EU1 | 9,833,520 | 334,914,895 | 28.781 trillion | 85,373 | 50 |
Canada1 | 9,984,670 | 41,288,599 | 2.472 trillion | 60,495 | 13 |
Russia | 17,098,246 | 143,679,916 | 5.473 trillion | 38,292 | 89 |
Itinaya sa taong 2024. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.
Katayuan ng ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na itinaya noong 2024.
Bansa | GDP (PPP) angaw sa EU$(Itinaya) |
GDP (PPP) bawat kapita sa EU$(Itinaya) |
Indonesia | 4.721 trilyon | 16,861 |
Thailand | 1.644 trilyon | 23,401 |
Vietnam | 1.559 trilyon | 15,470 |
Pilipinas | 1.392 trilyon | 12,192 |
Malaysia | 1.306 trilyon | 39,030 |
Singapore | 794.179 bilyon | 133,737 |
Myanmar | 283.572 bilyon | 5,200 |
Cambodia | 106.714 bilyon | 6,541 |
Laos | 74.205 bilyon | 9,787 |
Brunei | 33.875 bilyon | 76,864 |
Mga Lider ng ASEAN
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ASEAN 3
- Sona ng Malayang Kalakalan ng ASEAN {AFTA}
- BIMP-EAGA
- Pundasyong ASEAN
- ASEAN 6
- Awit ng Pagkakaisa ng ASEAN (Himno ng ASEAN)
- Sagisag ng ASEAN
- Palaro ng Timog Silangang Asya (SEA Games)
- Talaan ng mga lungsod sa ASEAN ayon sa populasyon
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ASEAN Charter (PDF). Association of Southeast Asian Nations. p. 29. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-11-09. Nakuha noong 2016-03-25.
Article 34. The working language of ASEAN shall be English.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang Saligang Batas ng ASEAN" (PDF). Association of Southeast Asian Nations. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Enero 2018. Nakuha noong 10 Enero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.gmanetwork.com/news/story/282707/ulatfilipino/balitangpinoy/pnoy-umalis-na-patungong-cambodia-para-sa-asean-summit-biyahe-gagastusan-ng-p11-m
- ↑ http://www.gmanetwork.com/news/story/266003/ulatfilipino/balitangpinoy/ilang-miyembro-ng-asean-dismayado-sa-di-paglabas-ng-summit-ng-pahayag-ukol-sa-west-phl-sea[patay na link]
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Pahina ng ASEAN
- YouTube: Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
- YouTube: ASEAN Community
- ASEAN Secretariat Related Sites
- ASEAN Regional Forum Naka-arkibo 2013-07-25 sa Wayback Machine.
- ASEAN Foundation
- ASEAN Focus Group
- ASEAN News Network Naka-arkibo 2005-04-27 sa Wayback Machine.
- ↑ "Selected Basic ASEAN Indicators" (PDF). 9, May 2015. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4, September 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
at|archive-date=
(tulong) - ↑ "Report for selected countries and subjects". 13, April 2023.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong)CS1 maint: url-status (link)
- Mga artikulo na may wikang Birmano na pinagmulan (my)
- Mga artikulo na may wikang Biyetnames na pinagmulan (vi)
- Mga artikulo na may wikang Indones na pinagmulan (id)
- Mga artikulo na may wikang Khmer na pinagmulan (km)
- Mga artikulo na may wikang Lao na pinagmulan (lo)
- Mga artikulo na may wikang Malay na pinagmulan (ms)
- Mga artikulo na may wikang Tamil na pinagmulan (ta)
- Mga artikulo na may wikang Thai na pinagmulan (th)
- ASEAN
- Timog-silangang Asya
- Asya
- Mga internasyonal na organisasyon