Fundraising 2010/Translation/tl
Updates | Testing | Translation | Messaging |
| |||||||||||||||||||||||
Maligayang bati mula sa Tahanang Pagsasalin-wika 2010[edit]Ito ay isang pahina na mag-uugnay sa iyo sa lahat ng mga hiling para sa pagsasalin-wika para sa paglilikom ng pera. Ang Paglilikom ng Pera 2010 ay inaasahang magiging isang pandaigdigang pangyayari. Gaya ng mga nakaraang Paglilikom, umaasa kami sa pangkat ng mga magsasalin para isalin ang mga bandera, mga porma, mga pahina ng impormasyon, atbp. sa iba't ibang mga wika. Sa tulong ng mga boluntaryong magsasalin mula sa lahat ng sulok ng daigdig ninanais naming maipadala ang mga punong mensahe namin sa napakadaming tao para ang lahat ng tao sa daigdig mayroong malayang abot sa lahat ng talino ng tao. Naghahanap kami ng mga magsasalin na maaaring makatulong sa proyektong ito sa pamamagitan ng pagsasalin-wika at paglolokala sa kanilang sariling wika. Alam naming mayroong mga mensaheng hindi maaaring maisalin ng mahusay, o umapela sa lahat ng mambabasa, kaya sa pagsasalin hindi ninyo kailang gumawa ng eksakto at literal na pagsasalin-wika kung naiisip ninyong maaari kayong gumawa ng pagsasalin na may parehong epekto, sa aspeto man ng wika o kultura. Kung walang pagsasalin na gagana, isaad lamang ito sa loob ng hiling sa pagsasalin at mag-iwan ng mensahe sa pahina para sa usapan. Tulungan ninyo kaming palakihin pa ang potensyal ng paglilikom ng taong ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga punong mensahe, mga bandera, at pahinang meta. Ninanais namin sa lahat ng miyembro ng komunidad na makisama para ang paglilikom na ito ay maging sagisag ng komunidad ng Wikimidya. Salamat sa inyong mga gawain sa pagsasalin at pagkukupkop ng mga mensaheng ito at pagbibigay sa pangmatagalang-buhay ng isang mahusay na bukal ng talinong tao – sa pagnanais na makapagbigay. Mga Karaniwang Gabay[edit]
Mga Hiling na Pagsasalin-wika[edit]Mga Pahinang Wiki (Meta-Wiki)[edit]Karamihan sa mga gamit paglilikom (gaya ng pahina ng impormasyon, pahina ng simula, bandera, atbp.) ay inasasalin dito sa Meta-Wiki.
Kung hindi pa kayo nakapagsasalin sa Meta-Wiki dati, basahin ang Translation FAQ at mag-iwan ng mga tanong sa Meta talk:Babylon. Mga Karugtong ng MediaWiki (Translatewiki)[edit]Isasalin natin ang mga karugtong ng MediaWiki na ginagamit para makalikom ng pera na nasa Translatewiki.net – ang wiki para sa pagsasalin ng sopwer ng MediaWiki. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang karugtong na dapat isalin:
Kung hindi pa kayo nakagamit ng Translatewiki dati, tingnan ang introduksyon para sa tulong. |