Vicipaedia:De orthographia/tl
- Ito ang salinwikang Tagalog ng pinagkuhanang pahina (ayon sa rebisyon bilang 3663496[diff]). Maaari mong mahanap ang mga pagkalahatang katanungan sa pag-edit sa Wikipedia sa Vicipaedia:De recensendo.
Gabay sa pag-edit at estilo
recensereSalvete usores! Pagbati sa inyong mga tagagamit!
Napakapayak lamang ang pagsulat ng mga artikulo sa Wikipedia. Sundin ang kawing sa inyong wika para sa pagkalahatang kabatiran sa pag-edit at estilo.
- Mga malimit itanong sa Tagalog Wikipedia
- The Style and How-to Directory of the English Wikipedia.
- Das Wikipedia-Handbuch der deutschsprachigen Wikipedia
- Les Wikipédia:FAQ de Wikipedia en français
- El FAQ de Wikipedia en Español
Pagkatapos ay bumalik at tingnan ang higit na munting tiyak o espesipiko:
Ang pamamaraang Latin Vicipaedia
recensereAng sumusunod ay talaan ng mga alituntuning naglalayong mabigyan ang Latin Wikipedia ng isang pangkaraniwang anyo.
Huwag gumamit ng mga titik J at j!
recensereMakatuwirang paliwanag: Ang mga makabagong titik J at j ay hindi naging bahagi ng abesedaryo o alpabetong Latin noong kapanahunang klasiko ng sinaunang Roma. Ginagamit man ang mga iyon ngayon, hindi naman sa Latin Wikipedia. Sa isang bahagi, nababawasan ang pagkakataong magkamali sa pagbaybay. At sa kabilang bahagi naman, ang madalasang paggamit o "pagkakatapon" (banishment) ay mahalaga para sa mga pangalang pang-artikulo higit na pinapa-payak ng hindi paggamit ng J at j ang anyo ng mga artikulo. Kung hindi ay dapat lumikha ng redirektang artikulo para sa mga ganoong artikulo upang mapunan ang iba't iba pang mga baryante ng pagkaka-baybay: hal. Ursa Major <-> Ursa Maior.
Bukod-tangi o eksepsyon naman ang mga apelyido. Maaaring gamitin ang titik J sa mga huling pangalan, katulad na lang ng Johnson.
Gamitin ang mga titik U, u at V, v!
recensereMakatuwirang paliwanag: Hindi rin man pang-klasiko ang mga titik U at u, madalas naman kinkilala ang mga iyon sa Latin Wikipedia. Ito ay dahil ito ang pangkaraniwang ginagamit sa mga limbag ng mga sinaunang may-akda at sa ibang aklat na ginagamit sa ating mga paaralan kagaya ng Wheelock's Latin o The Cambridge Latin Course. Kaya naman isulat ang verbum sa halip na uerbum o verbvm. Ang tanging nabubukod lang mula sa patakarang ito ay ang mga salitang binubuo lamang ng malalaking titik, lalo na sa mga panipi, hal. DIS DEABVSQVE.
Iwasang gumamit ng mga pang-angkop o ligadura katulad ng Æ at æ o Œ at œ
recensereMakatuwirang paliwanag: Malawakan mang lumilitaw ang mga pang-angkop sa epigrapiyang Romano (mga tatak o inskripsyon) at palyograpiya (mga sulat-kamay), nagiging mahirap o imposible ang makabagong buuang tekstong paghahanap; kaya aming iminumungkahing iwasan iyon. Isang disenteng web browser ang hahayaan kang makapaglapat ng nilalarawang tekstong ginagagamit sa pang-angkop kung iyong nanaisin.
Gabay pang-estilo
recenserePaggamit ng mga bilang o numero
recensere- Mga dami
- Maliliit na bilang: isulat ang mga iyon nang, hal. decem libri sa halip na 10 libri. Basahin ang artikulong Numerus para sa iba pang kabatiran sa mga numerong Romano.
- Malalaking bilang: gumamit ng numerong Arabigo kung ang Latin na katumbas (maaaring mga numerong Romano o sa salita) ay nagiging masagabal sa paggamit, hal. 20000.
- Oras:
- Taon lang bago ang kapanganakan ni Kristo
- 44 a.C.n.
- [[44 a.C.n.]]
- Taon lang pagkatapos ng panahon ni Kristo
- 44
- [[44]]
- Buong petsa bago ang kapanganakan ni Kristo
- 23 Septembris 63 a.C.n.
- [[23 Septembris]] [[63 a.C.n.]]
- Nota bene (tandaang maiigi): gamitin ang henitibo ng buwan!
- Buong petsa pagkatapos ng panahon ni Kristo
- Saklaw ng mga taon na may parehong petsa ng bago at pagkatapos ng kapanahunan ni Kristo:
- Saklaw ng mga taon (mga petsang bago pa ang kapanahunan ni Kristo):
- 149 a.C.n.–146 a.C.n.
- [[149 a.C.n.]]–[[146 a.C.n.]]
- Saklaw ng mga taon (mga petsang pagkatapos ng kapanahunan ni Kristo):
- Daantaon o siglo bago ang kapanahunan ni Kristo
- saeculum 1 a.C.n.
- [[saeculum 1 a.C.n.]]
- Daantaon pagkatapos ang kapanahunan ni Kristo
- saeculum 1
- [[saeculum 1]]
- Mga nakasanayang taon (kung ninanais)
- 234 ab urbe condita o 234 a.U.c.
- Wala dapat iperenlase (hyperlink) sapagkat dapat nating gamitin ang pagkakaayos sa bandang itaas upang ikawing sa mga kanya-kanyang artikulong pang-taon
- Taon lang bago ang kapanganakan ni Kristo
- Makatuwirang paliwanag: Maraming paraan ang maaari sa paglalarawan ng mga petsa. Ang isang tunay na pamamaraang Romano ng paggawa nito ay maaari ngunit parehong masagabal at hindi magandang tingnan: Ang Huwebes ika-18 ng Marso 2008 ay magiging DIES IOVIS A.D. XV KAL. APR. MMDCCLVII A.U.C. (kalendaryong pang-Hulyano, kina-kabilang ang ab urbe condita). Tingnan ang sityong ito para sa magandang kagamitang pang-konbersyon para sa mga petsa at bilang.
- Mga praksyong pang-desimal: gumamit ng tuldok "." bilang puntong pang-desimal sa halip na kuwit ",".
Mga tala
recensere- ↑ Quaeso respicias Disputatio Vicipaediae:Commendationes paginarum recte scribendarum