Actions

Work Header

Pretty when you cry

Summary:

The pretty and popular Kim Sunoo is so obsessed with the class outcast Park Sunghoon

Notes:

did not proof read this hehe
Enjoy!!!

Work Text:

Hindi na matandaan ni Sunoo kung kailan nag umpisa ang pagkahumaling niya sa binata ngunit hindi malilimutan ni Sunoo ang unang beses na nag tama ang kanilang mga mata ng nagpakilala ito sa harap ng buong klase nila noong unang araw nito mula ng nag transfer ito noong 2nd year sila. May hindi mawari sa pakiramdam ni Sunoo noong una niyang nakita ang binata. Crush? Love at first sight? Hindi rin niya alam.



“H-hello e-e-everyone m-my n-name is S-Sunghoon Park” utal utal niton pakilala sa harap

 

Hindi alintana ni Sunoo ang mga tawanan ng mga kaklase at tila ba boses lamang ni Sunghoon ang kanyang naririnig at para bang sila na lamang ang nasa loob ng klase. Napakalambing rin ng boses nito para kay Sunoo.

 

Tila natural lang sa binata ang pagiging mailap nito sa mga tao na kahit siya na tinaguriang social butterfly ay hindi nakaligtas dito at para lamang siyang hangin para dito. Wala rin itong kaibigan sa loob ng eskwelahan at hindi rin niya itong nakikitang nakikihalubilo sa iba at kung minsan ay mas pinipiling mag trabaho mag isa kapag may mga group projects sila. Kung kaya't binansagan siyang outcast ng mga ibang estudyante.



Curious lang naman si Sunoo kung bakit palaging tahimik at mag isa si Sunghoon. Nag umpisa sa paghahanap nito kung may social media ang binata o kung may part time ba ito o kung may iba pa ba itong extra curricular sa loob ng paaralan hanggang sa hindi na niya namalayan ay palagi na niya itong sinusundan. Kahit magka iba ang direksyon ng kanilang tinutuluyan ay sinusundan na muna niya ito. Iniisip kung ganito ba ang pakiramdam ng mga mag kasintahan na sabay umuuwi sa iisang bahay. Tila kabisado na rin  ni Sunoo lahat ng kilos ng binata tuwing pagkatapos ng klase at tila kalkulado niya ang mga galaw nito. Mula sa pag aayos ng mga gamit nito, ilan ang hakbang ang gagawin nito tungo sa gate at hanggang sa pag sakay nito sa sakayan ay alam niya.



Lumipas ang ilang araw at buwan at tila naging isang routine ito ni Sunoo at laking pasasalamat niya dahil walang nakaka pansin o nakaka halatang kakaiba ang binata o ang ibang tao sa kanyang ginagawa. Ngunit hanggang ngayon ay limitado pa rin ang alam niya sa binata at ito ay kanyang kinaka-frustate, hindi niya magawang mag tanong sa iba dahil ayaw niyang may ibang maka alam sa kanyang motibo. 



“Sunoo, may nagpapa bigay sa’yo” sabay abot ni Junhee ng isang bouquet ng bulaklak sa kanya

 

“Omg!! Iba talaga ang alindog mo girl” at tila kilig na kilig pa si Junhee at iba nitong mga kaklase dahil agaw atensyon ito.

 

Halos matakpan na ang buong mukha ni Sunoo ng tinanggap niya ang bulaklak at tiningnan ang card na nakalagay dito..

 

From ,S.H

 

S.H? Sunghoon? Galing ba ito sa kanya? Sabay tinignan niya ang binata na naka upo sa dulong parte ng kanilang silid aralan ngunit naka tingin lamang ito sa bintana sa labas, sa kawalan.

 

“Ahhh, salamat Junhee. Pero sino daw ang nagbigay?” Sana tama ang hinala niya. Ngunit hindi naman niya nakitang dumaan si Sunghoon ng flower shop. Pina deliver kaya niya ito? Kinikilig siya sa isipan.

 

“From one of our seniors daw”

 

Ahhhhh. Akala ko pa naman. Bigla akong nawalan ng gana ngunit pinilit kong ngumiti sa lahat at ipakita na masaya ako sa aking natanggap.



Lumipas ang mga araw at naging busy ang karamihan dahil sa sunod sunod na kanilang exam at mga activities sa school ngunit hindi ito naging sagabal kay Sunoo na hindi bigyan ng oras si Sunghoon. From what he meant by that ay ang kina ugaliaan nitong pag sunod sunod dito ng palihim. Ngunit may mga araw na nawawala ito sa paningin niya dahil sa makulit na kanilang senior na napag alaman niyang si SeungHee. 

 

Bilang kilala siya sa pagiging masayahin, mabait at sweet na tao ay kung minsan nahihirapan siyang iwasan ito dahil na rin sa mga tukso ng karamihan na kesyo ay bagay raw sila. Ngunit ikinabigla ng lahat ng may chismis na kumalat sa paaralan na nag aagaw buhay raw ito. Maraming haka haka ang karamihan na sangkot raw ito sa illegal na gawain at nagpag initan si SeungHee.

 

Lungkot dapat ang maramdaman ni Sunoo para dito ngunit mas umaapaw ang kasiyahan niya dahil wala ng asungot na kukulit sa kanya at mas mabibigyan niya ng atensyon si Sunghoon. Gusto niya ay nasa paningin lang ang binata.

 

“Sunoo, bibisita kami kay SeungHee mamaya, sasabay ka ba?” tumingin siya ng malungkot rito at ngumiti ng bahagya upang ipakita ang pagka lungkot.

 

“Pasensya na guys, kailangan ko kasi umuwi ng maaga. Pero bibisita ako kay SunHee bukas” sabay ngiti nito.

 

Habang nag aayos ng gamit ay hindi nakatakas kay Sunoo ang bulungan ng mga kaklase kung aayain ba nila si Sunghoon na bumisita dahil napansin ng mga ito na nakaupo pa rin ang binata sa pwesto nito at tila naka tingin na naman sa kawalan.

 

“Eww.. wag na. Baka mahawa pa tayo sa pagiging freak niya”

“He’s scary. Wag na kaya baka wala rin naman yan pake”

 

Hindi naka tiis si Sunoo sa mga narinig at padabog tumayo ito na ikana gulat ng ilan.

 

“ahh .. ehhh.. Tara na guys baka abutan rin kayo ng gabi sa daan” Sabay ngiti nito.

 

Habang palabas ng silid aralan ay pasimpleng tumingin si Sunoo kay Sunghoon at hindi nito inaasahang nakatingin rin ito sa kanya. Sa takot marinig ng mga kasama ang bilis ng tibok ng kanyang puso ay madaling naglakad si Sunoo. Ito ang unang beses na nahuli niya itong nakatingin at hindi niya maiwasang kiligin.

 

“Ikaw Sunoo may hindi ka sinasabi sa amin ha” biglang kinabahan si Sunoo ng biglang mag salita ang kasama. Nalaman ba nito ang ginagawa niya pag sunod sunod kay Sunghoon? Hindi pwede dahil alam niyang naging mainggat siya.

 

“H-ha?”

 

“May kikitain ka siguro no? Kaya hindi ka makakasama sa amin? Boyfriend mo ba yan? Ayiieeeeee” sabay tukso ng mga ito sa kanya.

 

Tila nabunutan si Sunoo ng tinik sa dibdib. Natawa na lamang siya at napa iling sa mga kasama.

 

“Dito na lang ako sa sakayan. Ingat kayo guys” nag paalam na rin siya sa mga kasama pagkarating sa sakayan. 

 

Nakasakay na kaya pauuwi si Sunghoon? Dahil nahuling lumabas si Sunghoon ay alam niyang maabutan niya pa ito kung kaya’t nag tungo siya sa medyo madilim na parte ng antayan at nag suot ng face mask. Ngunit halos 30 minutes na siyang nag aantay ni maski anino ng binata ay hindi niya nakita. Kung minamalas ka nga naman hindi na sana siya nakipag asaran sa mga kaklase at baka naabutan niya pa si Sunghoon.



Bagsak ang balikat ng maka uwi si Sunoo sa tinutuluyan dahil hindi niya naabutan si Sunghoon. Mabuti na lamang ay pasimple nitong nakuha ang ginagamit ng binata na ballpen na kanyang kinatuwa. Ito ang unang beses na may na angkin siya na gamit ng binata.

 

Nang maka higa si Sunoo sa kanyang kama pagkatapos maglinis ng katawan ay agad na niyang kinuha ang ballpen ni Sunghoon at inisip na ito ang mga daliri ng binata. Pinapasadahan niya ang kanyang tayong tayong utong gamit ang ballpen “Ahhh….. Sunghoon…. Ganyan nga” habang ang isang kamay naman ay nilalaro ang kanyang kaselanan. Libog na libog si Sunoo habang nilalaro ang kanyang sarili. Hindi niya na rin mapigilan at unti unting ipinasok ang ballpen sa kanyang butas at iniisip na kinakantot siya ng binata. “Sunghhooonnn… Ahhhh… Ang saraaappp… sigge paa….” hanggang inaabot niya ang rurok ng kasarapan ay tanging pangalan lamang ni Sunghoon ang kanyang nasambit.



Ilang araw ang lumipas at hindi na nakunteto si Sunoo sa simpleng pag sunod kay Sunghoon hanggang sa tinitirhan nito at ang mga pa simpleng pag kuha ng mga gamit nito na hindi kapansin pansin. May mga araw na nag dadahilan si Sunoo na may emergency sa kanila upang maka uwi ng maaga upang makita ng bahagya ang tinutuluyan ng binata dahil nalaman niya kamakailan ay mag isa lamang itong nanunuluyan. 

 

Laking bigo ni Sunoo na ang bahay nito ay code ang gamit at hindi ang usual na de susi kung kaya’t naging meaningless din ang panonood niya ng tutorial kung paano mag bukas ng pinto. Sa susunod na pag balik niya ay sisiguraduhin niyang makikita niya ang lugar ng binata.

 

Wala nang maisip si Sunoo na dahilan upang maka uwi ng maaga kung kaya’t naisipan niyang gawin na lamang ito tuwing sabado dahil alam niyang nag pupunta ng library ang binata pagdating ng hapon upang magbasa ng mga libro o kung kaya ay magpalipas lamang ng oras.

 

Limang attempt lamang ang pwedeng gawin ni Sunoo sa lock na meron si Sunghoon kung kaya’t hindi siya maaring lumagpas dito dahil maaring mahahalata nito na may nagbabalak pumasok dito.

 

“Iho.. kaano ano mo ang nakatira jan?” Tila na estatwa si Sunoo sa kinakatayuan ng may biglang may rumondang mga pulis sa lugar. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Kung kailan may pagkakataon siya ay ngayon naman siya na tsempuhan.

 

“P-pinsan ko ho ang naka tira rito. B-bakit ho?” na uutal na sagot niya.

 

“Ganun ba? Oh sige.. Pasensya na uso kasi ang mga akyat bahay ngayon” ilang minuto na lang ang meron siya bago bumalik si Sunghoon sa bahay nito.

 

Matalinong tao si Sunoo kung kaya’t kahit ilang araw na pagmamasid niya kay Sunghoon at konting pag research kung paano i-crack ang mga keypad door knob ay hindi siya gaano nahirapan buksan ito.



Beep



At sa wakas! Para siyang nanalo sa lotto ng bumukas ang pinto at tila ba ay nasa alapaap siya dahil pakiramdam niya ay malapit na malapit na siya kay Sunghoon. 

 

Napaka ganda ng tinutuluyan ng binata dahil hindi mo aakalain na napaka moderno ng loob nito malayong malayo sa labas nito. Dahil ang kinatatayuan ng bahay nito ay malayo na sa syudad at aakalain mong mga haunted house ang mga kalapit bahay sa katahimikan. Mukha rin luma ang labas nito at maliit malayong malayo sa loob ng bahay.

 

Sa tingin niya ay may dalawa lamang kwarto ang bahay base sa kanyang obserbasyon may common kitchen at CR rin ito ngunit malaki pa rin para sa isang tao. Wala rin ni isang mga palamuti ang bahay o picture frame dito. Nasaan kaya ang pamilya nito? 



25 minutes

 

25 minutes na lang ang meron siya bago dumating si Sunghoon kung kaya’t nag madali na si Sunoo upang hindi siya maabutan ng binata ngunit hindi siya aalis hanggat wala siyang nadadala na kahit anong pag mamay ari nito. Hindi naman siguro ito magtataka kung kukuha siya ng isang piraso ng damit nito diba.

 

Dali daling nagtungo si Sunoo sa isang kwarto at sa tingin niya ito ang kwarto ng binata dahil amoy na amoy niya ang binata rito. Dahan dahan siyang umupo sa higaan nito at pinakiramdaman ang tela at lambot nito. Fuck! Wala siyang oras para malibugan dahil baka abutan pa siya neto. 

 

Akmang lalabas na si Sunoo sa kwarto ng binata ng marinig niya ang malakas na pag lock ng pinto. Ngunit paano? May ilang minuto pa naman bago makauwi si Sunghoon. Malakas ang pandinig at maririnig niya kung may papasok sa bahay nito dahil napaka tahimik rin dito. Pero bakit? Ito ba yung sinasabi ng rumorondang pulis na may akyat bahay? Pero bakit mag la-lock ang pinto nito?

 

Hindi na alam ang gagawin ni Sunoo. Kinakabahan na siya. Mabilis siyang naghanap ng pag tataguan at naisipan na lamang ng magtago sa cabinet nito. Kakasya naman siguro siya rito.

 

Butil butil ng pawis na ang lumalabas sa noo ni Sunoo at rinig na rinig niya ang mabilis na pag tibok ng puso niya dahil narin sa sikip at dilim ng cabinet na pinag tataguan niya. Hindi niya makita ang labas ng kwarto mula sa pinagtataguan niya ngunit naririnig niya ang labas nito tulad na lamang ng munting pag bukas ng kwarto nito. Dinig niya rin na may taong umupo sa kama. Sa ilang buwan niyang pagmamasid sa binata wala siyang nakitang may dumalaw rito o may dinala sa pamamahay nito. Si Sunghoon na ba ang nasa labas? Pero paano at bakit? Kalkulado niya ang oras nito hindi siya pwedeng magkamali. Naiiyak na siya sa sitwasyon niya.



“shhhh .. why are you so scared now, sunshine?”

 

Siya ba ang kinakausap nito? Malalim ang boses nito at napaka cold. Nakaka takot.



“Don’t cry my sunshine….. You can go out now”



Inilagay ni Sunoo ang mga nanginginig niyang kamay sa kanyang bibig upang hindi marinig ang kanyang mga iyak.

 

Ilang minuto siyang nasa pwesto na tila estatwa at takot gumawa ng galaw. Pinakiramdaman niya ang lugar at wala na siyang narining na salita o galaw kung kaya’t nag lakas loob siyang lumabas sa cabinet. Ngunit laking gulat niya na parang walang nangyari. Kung ano ang itsura ng kama at pinto nung pumasok siya ay ganun parin. Hindi rin naka lock ang pinto nito. Is his mind tricking him? Baliw na ba talaga siya?

 

Sa takot ay dali dali siyang naglakad palabas patungo sa pinto ngunit bago niya mapihit ang door knob nito ay bigla siyang nakaramdam ng malakas na pag hampas sa kanyang bukong-bukong na sa kanyang paningin ay golf club ang pinang hampas sa kanya at bago siya maka lingon upang tingnan kung sino ang gumawa nito ay nakaramdam na naman siya ng isa pang hampas sa kanyang ulo upang mawalan siya ng malay.

 

Hindi maimulat ni Sunoo ang kanyang mga mata dala ng sakit ng ulo at katawan at takot na nararamdaman. Patay na ba siya? Ngunit bakit tila hinihele siya ng mga kamay na humahaplos sa kanyang mga buhok.



“I know you’re now awake, my sunshine”

 

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Sunoo sa narining at pilit inaalala ang mga nagyari. 

 

Bumungad sa kanya ang napaka gwapo at maamong mukha ni Sunghoon. Hindi ito ang kwartong pinasukan niya kanina. Ngunit nasaan siya? At bakit nasa harap na niya ang binata? Tinulungan ba siya nito?

 

Pero teka… hindi niya guni guni o kathang isipan lamang ang mga nangyari noong nag tago siya sa cabinet. Iisa ang boses ng lalaki sa labas ng cabinet at ni Sunghoon at pareho siyang tinawag na sunshine nito.

 

Pero bakit?

 

Ang Sunghoon na kilala niya ay may malambing na boses kahit na nauutal ito kapag nagsasalita. Pero bakit?

 

“Kung lumabas ka lang sana kanina sa cabinet edi sana hindi nadumihan yung golf club ko. Tsk tsk tsk”



Hindi niya na napigilan ang mga luha niya. Natatakot na siya. Hindi ito ang nasa plano niya. Gusto lang naman niyang mapalapit sa binata ngunit hindi ganito.

 

 

“I love it when you smile, my sunshine but you’re really pretty when you cry”