Work Text:
“Ay, sorry po!” Mabilis kong nasabi nang mapansin kong may ibang tao pa pala sa loob ng kwarto maliban sa akin. Agad ko naman siyang nakilala.
Sino ba namang makakalimot eh ex ko yung nasa loob? Yang gwapong mukhang yan na ilang taon kong kinabaliwan, basta basta kong makakalimutan?
“Magcha-charge lang ako,” paalam ko, bago pumasok na loob. Wala na akong choice, lahat ng kwarto okupado na ng mga haliparot kong kaibigan, ‘di rin naman ako pwedeng mag-charge sa baba baka mapagtripan pa tong selpon ko.
Tangina, lakad matatag.
Kunwari wala na lang akong nakikita, naririnig o naaamoy.
Tibayan mo loob mo, Tartaglia. Sa multo nga ‘di ka takot, h’wag mo sabihin sa ex mo ka matatakot?
Tama, tama, multo lang yang nasa likod ko.
Mabilisan akong nag-scroll sa selpon ko, kabado bente baka pinaulanan na ako ng tawag ng nanay ko. Paalam ko kasi dinner party lang, eh biglang naglabas ng alak yung kaibigan ko, sino ba naman ako para tumanggi?
Nagulat na lang ako sa tunog ng baso pagkalapag nito sa babasagin na lamesa na para bang sinadya upang makuha ang atensyon ko.
At tama nga siya.
Juskopo, sana talaga multo ka na lang nang tumalab man lang dasal ko sa’yo. Eh hindi eh, tangina 'di ka naman aalis kapag dinasalan kita diyan eh.
Napalingon ako sa kanya, ‘di naman sa pagmamayabang pero may taste naman ako sa mga nakakarelasyon ko. Pinagmasdan pa ng mata ko kung paano siya umupo doon sa sofa, may bote ng alak sa lamesa at katabi nito ang isang maliit na shot glass.
Itong kwartong ito kasi opisina ng tatay ng kaibigan ko kaya may pa-sala sa loob.
‘Di ko na lang ulit pinansin ‘yong multo.
Nang makita kong maayos naman nang nagcha-charge ang selpon ko, dahan dahan ko na tong binababa. Minsan kasi may topak to eh, iniwan kong nakacharge buong gabi, tapos pag gising ko lowbatt pa rin.
Muntik ko nang makalimutan na may multo pa pala sa likod ko nang may marinig akong pag-lock ng pinto sa likod ko, muli akong napalingon.
Ni-lock ni Zhongli ‘yong pintuan, bigla akong nakaramdam ng kaba, tangina ayoko sa lahat ‘yong gigitgitin ako sa isang sitwasyon na pilit kong tinatakasan.
“Mukhang nakamove-on ka na ah, ‘yong pagsayaw mo kanina sa baba, pati na rin kung paano ka asarin ng mga kaibigan mo sa lalaking ‘yon.” Rinig kong sambit niya na para bang inaakusahan niya akong may mali pa sa mga ginagawa ko, na para bang may karapatan pa siyang pakialaman ‘yong buhay ko.
Napakunot-noo ako. Gandang bungad sa’kin ah, matapos nang isang buwan naming ‘di pagkikita, iyon agad ang bati sa’kin. Alam ko na agad na walang maidudulot na maganda tong usapan na to. “Isang buwan na ‘yon, Zhongli. Paawat ka naman sa tono mo, kung makapagsalita ka akala mo pagloloko pa tong ginagawa ko. Saka ‘di naman ako ‘yong mayroong reserba ah, bakit sa’kin mo sinisisi to ngayon?” Sagot ko pabalik.
“Wala akong alam doon!” Pasigaw niyang salita. Nagulat pa ako kasi ‘di ko naman inaasahan na sasabog siya agad, kinabahan pa ako nang kaunti dahil baka may makarinig saamin sa labas." At hindi ko ginusto ‘yon,” dagdag pa niya. “Kaya anong rason mo para makipaghiwalay sa’kin?” Hindi ko magawang ibaling ang tingin ko nang makita ko ang mga mata niyang nangungusap sa akin, napilitan akong sumagot.
“Sa tingin mo kaya mong sumuway sa kagustuhan ng mga magulang mo para lang sa relasyon natin?” Pakikipagtalo ko sa kanya. “Ikaw pa, na tinaguriang munting heredero ng mga magulang mo, kung saan ni isang lamok ayaw ipadapo sa’yo, na para bang tuwing lalabas tayo instant demanda agad ako kapag naimpluwensiyahan man kita nang ‘di tama sa paningin nila. Ikaw na perpektong anak, kaya mong sumuway?” Dahan-dahan ko siyang nilapitan, punung-puno ng panghuhusga ang bawat yapak ko.
“Sana binigyan mo muna tayo ng pagkakataon para mag-usap, hindi ‘yong bigla-bigla ka na lang makikipaghiwalay na parang desisyon mo lang ang importante sa relasyong ito, at lalong hindi ‘yong basta-basta ka na lang mawawala ng isang buwan na parang ikaw lang ‘yong nasasaktan dito!” Sagot pa nya.
Nagpintig ‘yong tenga ko sa mga salitang binabato niya sa’kin na parang ako pa ‘yong walang puso sa amin. “Putangina! Usap? Gusto mong makipag-usap? Sige nga, paano? Makikipag-usap ako sa pamilya mo na pasensya na po hindi ako ‘yong hinangad niyong maging kasintahan ng anak niyo, pasensya na po hindi ako ‘yong mahinhin at ‘di makabasag-pinggan na babaeng kaya kayong bigyan ng apo? Hindi mo man lang ba naisip na kahit sabihin man ng iba na hindi dapat kita papiliin sa pagitan ko at ng pamilya mo, hinding-hindi pa rin maikakaila na kahit saan mang ruta tayong dumaan, hindi pa rin naman natin maiiwasan na ayaw talaga ako ng pamilya mo sa’yo! Na ako ‘yong kumakatawang kabaligtaran ng moralidad ng pamilya mo!” Pagsigaw ko, habang pilit kong h’wag ibaling ang tingin ko sa ngayo’y mata niyang nangungusap. Hindi ko na maiwasan pang hindi isumbong sa kanya lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko sa mga nakalipas na linggong akala ko may iba na siya, at kung kahit man wala, na baka may nirereto na naman sa kaniya ‘yong mga magulang niya. “Alam mo ‘yong nakakatawa pa roon? ‘Yong pagkatapos natin maghiwalay, mayroon na agad nakaabang sa’yo, mayroon ka nang nakaabang na kasal at hinihintay na lang ‘yang oo mo. Ang lambing ng pamilya mo, ano? Kapakanan pa rin ang iniintindi mo, ngayong wala na ang masamang impluwensiya sa’yo.” Mapait akong natawa. “Kaya h’wag na h’wag mo akong sisisihin sa mga ginagawa ko ngayon. Buti nga isang buwan ako naghintay eh, kumpara mo naman sa’yong isang araw lang—” Ni hindi ko man lang natapos ‘yong sinasabi ko nang bigla na lang siyang mabilis na humakbang papalapit sa akin, dali-daling kinulong ang mga pisngi ko sa kaniyang mga palad, at walang pasintabing hinalikan ako. Ang walang hiya, natulak pa ako hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko ang malaki at mabigat na lamesa sa opisinang to.
Sa biglaang pwersa niya, desperado akong humawak sa gilid ng lamesa para lang makahanap ng buwelo, hindi ko na binigyang pansin ang mga gamit na nahulog ko sa ibabaw ng lamesa.
Hindi ko rin alam kung bakit imbis na itulak ko siya sa marahas niyang pananakop sa labi ko ay nagawa ko pang pumikit at tugunan ito. Tangina mo, Tartaglia, diyan ka magaling.
Ramdam ko ang mga konting pagnginig ng mga labi niya na para bang desperadong-desperado na siyang gawin ito, nalalasahan ko rin sa bibig niya ang alak na mukhang kanina pa niya tinutungga. Hindi ko alam pero tinanggap ko ang lahat ng iyon, tinugunan ko ang lahat ng ibig niyang sabihin sa’kin na ‘di niya madaan sa salita.
Lasing man siya o hindi, alam kong walang bahid ng kasinungalingan ang lahat ng ito.
Isa pa, tangina naman lasing na siya sa lagay na ‘yan pero nagagawa niya pa rin akong patinuin.
Miss ko na talaga siya.
Alam kong nakainom din ako pero ramdam na ramdam ko ang bawat galaw ng labi niya sa labi ko, ang bawat galaw ng malikot niyang dila sa bibig ko, na para bang nang-aakin, na para bang alam niyang mayroon pa siyang aangkinin. Hindi ko rin magawang hindi pansinin kung paano bumaba ang mga kamay niya sa pisngi ko papunta sa mga damit ko, na para bang gusto na niyang tanggalin ito.
Putangina, Tartaglia.
Magcha-charge ka lang ‘di ba?
Bakit nakadikit na ‘yang labi mo sa ex mo? May balak ka pang magpahubad!
Ako ‘yong ‘di lasing sa aming dalawa ‘di ba? Ako pa ‘yong nasa wisyo pa. Pero bakit ‘di ko mapigilan ‘yong sarili ko? Bakit ‘di ko magawang tanggihan ‘to? Nasaan na ‘yong boses ko?
Inangat ko ang dalawa kong kamay nang itaas na ni Zhongli ang damit ko. Naputol ang paghahalikan namin nang ilang segundo pero agad ko rin namang ibinalik ang labi ko na parang bang ikakamamatay ko ang pag-alis nito. Putangina mo talaga. Dahan-dahan ko naman ipinalibot ang mga braso ko sa balikat niya, marahan ko ring sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya habang diniin ko pa ang sarili ko sa kaniya upang lumalim pa ang paghahalikan namin.
Pagsisisihan ko na talaga ‘to.
Ibubuhos ko lahat ng mura sa sarili ko kinabukasan.
Napadaing pa ako nang maramdaman ko ang paglalaro niya sa dibdib ko—at kung hindi pa iyon nakakahiya, naririnig ko rin ang mga munting pag-ungol ko sa labi niya at ang ingay ng paghahalikan namin sa katahimikan ng kwarto.
Naramdaman ko rin ang pagdiin ng katigasan siya sa maselan kong parte, na para bang inaasar niya ako dahil kaya niya pa ring patigasin ang akin. Habang abala ang labi niya sa labi ko, malayang nilalakbay ng mga kamay niya ang katawan ko, hanggang sa bumaba pa ito sa loob ng damit ko, at walang hiyang pinisil-pisil ang puwetan ko. Madali kong tinigil ang pakikipaghalikan ko sa kaniya.
“Zhongli…” Hingal kong sinabi, ‘di ko rin alam kung pinapagalitan ko ba siya o inuungol ko na ‘yong pangalan niya.
Hindi rin siya nag-atubiling ibaling ang labi niya sa ibang parte ng katawan ko, sa pisngi ko, hanggang sa leeg ko, ramdam ko ang mga munti niyang halik at pagsipsip doon, na para bang wala siyang balak itira sa parte ng katawan ko na hindi niya pa naaangkin.
Walang habas rin niyang binanat yung sweatpants ko para lang maiupo ako sa lamesa dahil yung kamay niya pinagsawaan na ‘yong puwet ko. Tangina ‘di pala sa akin tong damit.
Walang hiya-hiya ko ring tinulak lahat ng gamit sa lamesa na para bang gusto ko talagang matuloy na may mangyari sa amin.
Tanginang katwiran ‘yan, ‘di na uso ‘yan.
Wala lang ito. Isa lamang itong napakasaklap na pangyayari sa pamamagitan ng dalawang lasing na lalaki.
Hindi na rin ata siya makapaghintay at tinanggal na niya ang pang-ibaba kong suot, at basta na lang itong itinapon sa tabi. Hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin at hinila na siya papalapit sa akin habang pahiga na ako sa lamesa. Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang pagtagpo ng aming mga mata at walang hiya niya akong nginisian.
Tarantado.
Hindi pala lasing ang de puta.
“Manahimik ka, wala lang ‘to.” Mabilisang depensa ko sa sarili ko.
Bigla na lang siyang natawa, “sige, sabihin mo lang ‘yan sa sarili mo, paniniwalaan din kita.” Napairap na lang ako at muling sinakop ang mga labi niya. Kahit man lang sa paraan na ‘to, ‘di ko na marinig pa ang mga pang-aasar niya sa akin.
Tutal naman wala nang dahilan pa para magpanggap akong hindi ko to gusto, susulitin ko na.
Matapang ko na siyang hinubaran na para bang may namamagitan pa sa amin at pinakiramdaman ang init ng balat niya sa palad ko.
Wala pang ilang sandali, naramdaman ko ang mahahaba niyang daliri sa aking bukana, at dahan-dahan niya itong pinasok. “Ang sikip.” Bulong niya sa gitna ng aming paghahalikan. Nang bigla siyang humiwalay, napabuntong-hininga na lang ako at hinintay siyang maghanap ng pampadulas. Agad kong sinundan ang tingin niya sa hand santizer na pinandidirihan ko sa lagkit. Ito 'yong tipong tuwing nanghihingi ako ng alcohol tapos ito ‘yong binibigay sa akin.
May silbi rin pala to.
Napataas ‘yong kilay ko sa kaniya nang halos ibuhos niya ‘yong produkto sa buong daliri niya na para bang lima ang balak niyang ipasok sa akin. Hindi niya ako pinansin. hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpasok ng isa niyang daliri sa akin. Sinubukan kong iangat pa ang mga paa ko para mapadali at idinantay ito sa sandalan ng upuan sa gilid ng lamesa.
“Mukhang sasanayin ko ulit to sa’kin.” Biglang sabi niya. Napakunot-noo ako.
“Kung makapagsalita ka parang may susunod pa ah.” Pang-aasar ko.
“Talaga namang may kasunod to.” Sambit niya na para bang nanunumpa. Hindi ko na lang siya pinansin nang pinasok niya pa ang isa niyang daliri.
Dahan-dahan ko siyang hinila papalapit sa akin at muli siyang hinalikan. Ngayon, malumanay at nangungusap na halik ang pinalasap ko sa kaniya, ‘yong tipong nakakalibog at hinding-hindi niya makakalimutan. Sinigurado kong ito 'yong tipong matitigasan talaga siya. Hinayaan ko ring lumakbay ang kamay ko sa loob ng pambaba niya, at masinop na minasahe ang alaga niyang hindi niya pa inilalabas.
Nagpasok uli siya ng isa pang daliri sa loob ko.
“P’wede ko na bang ipasok?” Pagpapaalam niya nang humiwalay ulit siya sa akin.
Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at dinuraan ko na ang palad ko at ginamit itong pampadulas para masahiin ang maselan niyang parte. Nang magtagpo ulit ang mga mata namin, nakita ko sa mukha niya na mukhang hindi na niya kayang magpigil pa. Hanggang sa sapilitan na niyang itinaas ang mga kamay ko sa ulunan ko, at unti-unti niyang ibinaba ang ulo niya para paglaruan ang dibdib ko gamit ang dila niya.
Siguro dahil na rin sa mga nainom kong alak, pero halos mapatalon ako sa sensasyon na binibigay ng dila niya sa katawan ko. Muli kong naramdaman ang ngisi niya sa balat ko.
Malalim na ang paghinga ko, pero hindi niya pa rin pinapasok ‘yong kaniya, hanggang sa nainip na ako at pinagsabihan siya, “kapag hindi mo pa pinasok ‘yang ano mo sa’kin, uupuan ko na ‘yan.”
“Halikan mo muna ako.” Tinignan ko siya nang masama. Bakit naman siya manghihingi pa ng halik kung kanina pa kami nagpapalitan ng laway? Hanggang sa mapansin ko ang tingin niya sa’kin, na para bang namamalimos ng kasiguraduhan na talaga ngang nasa harap niya ako at sa akin niya ginagawa ito.
Agad kong pinitik ang noo niya, uupuan ko na talaga to. “Upo.” Utos ko.
“Mahal ko.” Muli kong narinig ulit ang tawag niya sa akin. Pinilit ko siyang hindi pansinin at hinintay na lang siya sumunod sa utos ko pero bigla na lamang niyang inangat ang mga paa ko at ipinasok ang ang maselan niyang parte sa akin. Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang biglaang niyang pagbayo sa isang buwang pagkabirhen ng kalooban ko, kung hindi lang talaga dahil sa mga tao sa labas.
Hindi na siya nakapaghintay at basta na lamang niyang binaluktot ang katawan ko para lang maisagad niya pa sa kaibuturan ko ang malahalimaw niyang alaga. Napilitan akong humawak sa gilid ng lamesa at sa sobrang pwersa niya ay baka bigla na lang akong dumulas sa lamesa.
Kalimitan akong maingay tuwing ginagawa namin to pero mukhang hindi na kakayanin pa ng dignidad ko ang isa pang kahihiyan lalo na’t ginagawa namin to sa bahay pa ng kaibigan ko at ang malala ay hindi pa kami.
Makalipas ang ilang sandali, kahit man gustuhin niya ang posisyon namin na ito, mukhang hindi pa rin siya nakukuntento hangga’t hindi niya naisasagad sa kaibuturan ko ang tanginang alaga niya.
“Mahal ko.” Tawag niya sa akin. Hindi ko na magawa pang sumagot sa sobrang libog na nalalasap ng katawan ko, hanggang sa hinila na niya ang katawan ko papalapit sa kaniya.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.
“Ikot ka.” Utos niya. Napairap na lang ako at sinunod ang gusto niya, tutal naman siya ang nagtatrabaho sa pagitan naming dalawa. Ngayong nakaharap na ang puwetan ko sa kaniya, marahas na niyang sinagad ang alaga niya sa akin, nang may may kontrol, nang mas malalim, at nang mas mabilis.
Napahawak ako nang mabuti sa lamesa sa sobrang rahas ng pagpasok niya, hanggang sa nakaarko na ang likod ko and tinutugunan ang galaw niya. Ramdam ko na ang pag-alog ng mesa. Tangina mabigat to ah.
Naramdaman ko nang lalabasan na ako nang marinig ko ang tunog ng isang selpon.
Hindi ito pinansin ni Zhongli.
Ramdam ko na ring malapit na siya dahil sa pagiging desperado na ng galaw niya. “Tangina…” Daing ko nang malapit na akong labasan dahil sa namumuong tensyon sa tiyan ko. Mas binilisan pa niya ang galaw niya hanggang sa ‘di ko na nakayanan at nauna na akong labasan. Pinilit kong takpan ang bibig ko at baka malasap din ng lahat ng tao sa bahay na to ang sarap na nangyayari sa kwartong to. Ganun pa man, tinuloy pa rin ng gagong to ang pagbayo kahit na sobrang sensitibo na ng katawan ko at nanghihina na ang mga paa ko.
Narinig ko ulit na tumunog ang selpon
Nagpatuloy lang ito sa pagtunong dahil wala na kaming ka-aber-aber na sagutin pa ito sa gitna ng aming pag-eehersisyo. Hanggang sa naramdaman ko na ang init at lapot ng katas niya sa kaibuturan ko. Nagtagal siyang nakasagad hanggang sa naramdaman kong nagpahinga na siya pero hindi niya pa rin inilalabas alaga niya.
“Zhongli, sa’yo ata ‘yon.” Sabi ko dahil alam kong hindi naman ganoon ang tunog ng selpon ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.
“Hayaan mo lang sila.”
Napakunot-noo ako. Bago ko pa man siya lingunin, bigla-bigla na lang ulit siya gumalaw sa loob ko.
“Zhongli!” Nasambit ko sa gulat.
“Dito lang ako sa’yo.” Rinig kong sabi niya sa matigas na tono. “Kahit sa anong paraan pa man, gustuhin man nila or hindi.” Panunumpa niya, na para bang hindi na niya kakayanin pang maiwala ulit ang isang bagay na nahanap na niya.