Chapter Text
Years ago, Senior Year.
“HUGHE.”
Napatigil si Hughe sa pagkuha ng mayonnaise dahil sa boses na narinig niya. Talaga ba? Hanggang dito ba naman sa grocery maririnig niya pa rin si Levi?
Kiniling niya ang ulo saka kumuha ng dalawang pack ng pinakamamahal niyang mayonnaise. “Nabubuang na talaga ako,” bulong niya pa sa sarili.
Dapat talaga ialis niya na sa sistema ang taong gabi gabi na lang ginugulo ang isip at kaluluwa niya bago siya matulog. Hay, hindi pa naman siya sure pero feeling niya bading rin talaga siya.
“Bakit naman hindi ka namamansin dyan?”
Doon na napalingon si Hughe sa likod niya at gulat na gulat pa siya ng makita si Levi.
He quickly scan him, ang layo sa model student Levi kapag nakasuot ng school uniform kasi ang cute lang ng suot ni Levi ngayon. Pikachu t-shirt paired with black sweatpants and white sneakers.
‘Bakit mo ba pinapansin?!’ sigaw ng isang bahagi ng utak niya.
Natawa ito sa itsura niya. “Hi.”
Napakurap si Hughe. “Uy, hello..”
“Para namang takot na takot ka,” natatawang sabi nito saka kumuha ng isang sachet ng mayonnaise at nilagay sa cart nito. “May kasama ka ba?”
Umiling siya. “Wala naman.” Kasi mayonnaise lang naman dapat ang sadya niya pero dahil sumabay siya kanina sa Daddy niya ay nautusan na siya nitong mamili ng mga kailangan nila sa bahay.
It’s so awkward because Hughe doesn’t really know how to talk to Levi or if he really wants to.
Feeling niya may mga gusto pang sabihin si Levi pero—
“I see, sige na see you around,” he smiled pa bago ito naglakad palayo sa kanya.
Hindi na namalayan ni Hughe na halos hindi pala siya humihinga nung magkaharap sila.
‘Ano ba kasing ginagawa mo sa’kin, Levi?!’
That question was answered in the following days, weeks and months. Araw-araw na lang na ginawa ng langit, mas nagtutuos ang landas nila ni Levi at ramdam naman ni Hughe na may mga ibig sabihin ang bawat tingin ni Levi.
Assuming naman talaga siya sa lahat ng bagay pero gusto niyang makasiguro sa puntong ‘to kasi iba si Levi.
He can tame Hughe in one glance.
Kaya naman ng may nakita siyang kasama ni Levi kumain ngayong lunch break nila ay parang hindi mapakali sa kinauupuan si Hughe.
Parang naiinis ang buong pagkatao niya.
“Hoy baka naman mabasag mo na ‘yung plato.”
Naputol ang pagtingin niya sa likod ni Levi at sa kaharap nitong kung sino man iyon na ngiting-ngiti, mga tatlong table ang layo sa tapat nila
Napatingin siya kay Yixing. “Ano ba ‘yon?”
Nawalan na siya ng ganang kumain kahit nagugutom siya kanina. Akala niya kasi kasabay nila si Levi tapos biglang may kasabay naman itong iba. Bwiset.
“Bakit ba nakasimangot ka na naman?”
Ayaw niyang sumagot. “Wala, kumain ka na lang dyan.”
Natawa si Yixing, pati si Jaja. Yes. Kasabay nilang kumain ang kasintahan ng kaibigan niya kaya ang sama sama ng loob ni Hughe na hindi nila kasabay si Levi— kasi una sa lahat, bakit?
“Selos na selos ah,” natatawang sabi ni Yixing bago nilingon si Levi. “Sakit ba?”
Sumimangot siya. “Tantanan mo ako ah.”
He can’t even deny it because he’s so pissed. Parang gusto niyang umeksena and pull Levi away from whoever that guy he’s laughing with and make him sit beside him. Pero hindi pa naman siya nababaliw.
“Partner niya lang ‘yon sa presentation nila mamaya,” natatawang sabi rin ni Jaja. “Una kasi silang after this lunch break kaya nagsabi siya sa’kin na hindi siya makakasabay sa’tin kasi nga magpa-practice pa sila sa ipe-present nila.”
Kumain na lang si Hughe. “Hindi ko tinatanong.”
Pero at some point medyo na-relieve siya sa sinabi ni Jaja. Pero kahit na—
Natawa ang dalawa.
“Sobrang obvious mo, Sehun Hughe.”
Hindi siya sumagot pero tinitigan niya ng masama si Yixing bago tinuloy ang pagkain na hindi niya na malasahan dahil ang sama sama kasi talaga ng loob niya. Nakakainis!
“Bakit ba ganyan ka? Akala ko ba ayaw mo naman kay Levi? Bakit ang sama ng tingin mo sa kasama niya?”
Sasagot sana siya pero nakita niyang tumayo na sila Levi, as if tapos na silang kumain. Ang bilis naman?!
“Yixing tapos na ako—”
Tatayo na sana siya bitbit ang tray ng pagkain niya nang pigilan siya ni Yixing sa braso. “Hughe umupo ka lang nga. Para ka na namang baliw ah.”
“Tapos na akong kumain! May gagawin ako!” Hindi niya na alam kung anong sinasabi niya dahil nakasunod lang ang tingin niya kay Levi at sa kasama nitong unti-unti nang lumalapit sa exit door ng cafeteria.
“Ganyan ba ‘yung walang gusto sa best friend ko? Grabe ah,” sabi ni Jaja saka natawa.
That’s the cue for Hughe to look at the lovers in front of him. “Inaano ko ba kayo? Sabing may gagawin ako!”
Yixing smirk. “Ano? Susundan mo sila?”
Oo! “Hindi! As if! Bakit ko naman sila susundan?!”
“Lower your voice Hughe huy, pinagtitinginan na tayo,” saway ni Jaja.
Inirapan niya ang dalawa. “Let me na kasi. May gagawin pa ako! Hindi ko sila susundan!”
Sumeryoso na si Yixing. “Kumain ka dyan Hughe sinasabi ko sa’yo tatawagan ko Daddy mo ngayon din.”
Doon. Doon na siya napatigil kasi may point naman si Yixing at kapag ganitong nagpapaka-petty siya, talagang tatawagan nito ang Daddy niya tapos mapapagalitan na naman siya.
Hay.
Hughe can’t really have it all talaga.
“Hindi ko nga kasi susundan eh,” nakayukong sabi niya saka nilaro na lang ang pagkain.
Yixing sighed. “Sabi ko kasi sa’yo linawin mo kung anong gusto mong mangyari sa inyo ni Levi. Hindi ‘yung ayaw ka nang ayaw kapag nandyan siya tapos may makita ka lang na kasama niya galit na galit ka dyan.”
“Hindi ako galit,” pabalang na sagot na. “Wala akong pakialam kahit sino pang kasama niya.” Hmp!
‘Talaga ba, Hughe?’
“For the record, ikaw lang gusto non.”
Gulat siyang napatingin kay Jaja. “Ha?”
Ngumisi ito. “Aawayin niya ako kapag nalaman niyang sinabi ko ‘to sa’yo pero mukhang wala kasi kayong magiging pag-usad kung hindi kami makikisali. Para kayong mga bata.”
Sandali. Siya..? Gusto ni Levi..?
‘It’s not really surprising Hughe, right? Ramdam naman natin kaso dahil wala siyang sinasabi, wala rin tayong ginagawa.’ A part of his brain whispered.
“Gusto mo si Levi.” It’s not a question because Yixing is so sure. “Why not take the risk?”
Natigilan siya sa tanong nito.
Bakit nga ba?
Maraming rason ang pumasok sa isip niya.
Una, hindi niya alam kung paano aaminin sa Daddy niya na he’s.. you know, not straight. Pangalawa, he’s not sure if he can love someone as well because love always comes with the pain, right? Kaya nga silang dalawa lang ng Daddy niya ngayon eh. Pangatlo, hindi naman siya sure kung may gusto rin talaga ba talaga siya kay Levi o baka kasi lagi niya lang itong nakikita at baka dahil lagi na rin silang magkasama.
The list could go on but..
“Hindi ko naman talaga siya gusto,” sabi niya pero kahit yata ang puso niya tumatanggi.
‘My heart be still,’ bulong niya sa isip.
Tiningnan lang siya ng dalawa. “Baka nakukulitan na lang ako sa kanya or ewan ko. Kakausapin ko na lang siguro siya na kung totoo nga na may gusto siya sa’kin, dapat itigil niya na kasi wala naman kaming dapat simulan na kung ano man.”
He can see Jaja’s eyes filled with sadness. Maybe, hindi ito ang inaasahan mula sa kanya but Yixing, he doesn’t look pleased.
“Whatever helps you sleep at night, Hughe.” Umismid pa ito. “Kapag iyang sinasabi mo nag-backfire sa’yo, tatawanan talaga kita.”
“Ewan ko sa’yo,” sabi niya lang.
“Hughe..”
Napatingin siya kay Jaja. “Hm?”
“If you’re gonna break my friend’s heart, please do it now and make sure to tell him gently.”
Nagulat naman siya. “Huy ano bang sinasabi mo naman—”
“Kung ayaw mo talaga kay Levi tulad ng sinasabi mo, don’t lead him on,” putol sa kanya ni Yixing. “Do it now.”
Buong araw na naging laman iyon ng isip ni Hughe kaya hindi na siya nakapag-focus sa huling dalawang subject after lunch.
Hindi na rin siya sumabay kay Yixing kasi baka kasabay si Levi, sobrang awkward naman dahil kailangan pang i-process ni Hughe ang mga dapat niyang sabihin.
It’s not like makikipag-break siya kay Levi dahil please lang, hindi naman sila pero telling him that it will not lead to anything will surely make difference.
Hindi na sila sabay-sabay lagi sa lunch, umuwi at sa kung ano-ano pang ginagawa nilang apat. Madalas na nga silang nasasabihan na double date iyon na todo tanggi si Hughe pero tinatawanan lang ni Levi.
But the question is, kaya ba ni Hughe na magbago iyon?
“What do you mean?” kunot na kunot ang noo ni Levi habang nakatingin sa kanya.
Kabang kaba naman si Hughe dahil at this point, gusto niya na lang tumakbo at kalimutan na ginawa niya ‘to.
“This,” ulit niya saka g-ine-sture pa ang sitwasyon nila. “Parang this is not for me and I cannot offer anything to you other than friendship.”
Hindi ito sumagot. Nakatingin lang sa kanya.
“I don’t know why I’m saying this kasi una sa lahat, wala ka naman ding sinasabi sa’kin pero I really don’t feel good about this. It confuses me in so many ways at ayoko nitong ganitong pakiramdam,” patuloy niya. “Sorry kung ang kapal ng mukha ko to say all these things pero sana nagme-make sense pa ako. Ayoko lang kasing bigla na lang umiwas or baka magtaka if ever I did.”
“Oh.”
Hinintay pa ni Hughe kung may sasabihin pa si Levi pero wala na itong sinabi ulit kaya tinuloy niya na.
“I love the little friendship that we’re building with Yixing and Jaja but knowing that my heart is troubled for overthinking so many things that could happen between us, parang hindi ko siya kayang i-endure in the long run,” paliwanag niya. “Sorry Levi. I really can’t do this.”
Wala pa rin itong sinasabi kaya napaangat na ng tingin si Hughe dito. Levi was just looking at his cup of coffee. Nasa Meeting Place sila ngayon, Saturday afternoon kasi niyaya niya talaga ito so he can clarify everything up days after siyang pagsabihan nila Yixing at Jaja.
“Okay,” Levi said after a while.
“Hm?” takang sabi niya.
“Okay,” ulit nito saka tipid na ngumiti. “Thank you for being honest.”
“Wait Levi..”
Anong okay? Wait lang? Hindi ito ang inaasahan ni Hughe!
Inayos nito ang sarili saka uminom ulit sa tasa nito. “Whatever you want to happen, Hughe. Kung ayaw mo na akong kausapin o kung gusto mong maging casual friends lang tayo or being strangers na lang. Okay lang.”
“Teka Levi—”
“Okay lang,” putol nito saka tumayo na. “Sige na, mauuna na rin ako. Thank you for today.”
Bago pa siya makasagot, naglakad na paalis si Levi.
Naiwan na lang si Hughe doon na gulong-gulo ang isip.
Kung ano mang magiging resulta nitong ginawa niya, sana ay makabuti lang.
Sana.
———
MONTHS HAD PAST.
Hughe did the right thing.
Or not.
Because the moment he pushed Levi away, that’s the time his heart admits that he’s really into him.
Hindi niya lang maamin dahil sa bukod sa mga rason niya, duwag talaga si Hughe.
Ngayon ay isang linggo na lang at graduation na nila sa Senior High. Kung tatanungin kung kumusta siya?
Ito, mukhang tanga.
Life was never the same after Levi.
Or rather, it still is but Hughe refused to look at it that way again. After having Levi in most parts of it, even if it’s just a brief moment, his heart refuses to believe that everything is still the same.
Madalas niya pa rin kasama si Yixing dahil wala naman siyang ibang best friend. Minsan kasama nila si Junmyeon pero never, not even once na naulit na nagkasama ulit silang apat.
It was never Hughe’s intention to completely break the friendship they built— but it was Levi who refused to accept their invites. He can be casual and okay with it ‘cause sometimes, he will really admit that he’s silently wishing that Levi can still join them but no.
Minsan si Levi ang kasama nila Yixing.
Naipit pa nga ang dalawa sa sitwasyon nila ni Levi na wala naman talaga— hindi na lang talaga sila pwede sa isang lugar ulit.
Kasi hindi na siya pinapansin ni Levi at kahit makasalubong niya pa ito at ngitian, he just looks at him like nothing. Na parang hindi siya kakilala at doon.
Mas na-realize lang ni Hughe na gusto niya nga si Levi. And since he cannot say this thing to his father, sa Ninong Nathan niya siya nagsabi ngayon.
“Ninong, mali ba ‘yung ginawa ko?” tanong niya pagtapos niyang ikwento dito ang lahat.
He didn’t say that Levi is a guy. He didn’t even say his name and just referred to him as “siya” or “niya” sa buong kwento. Pero sa pagkakataong ‘to, parang Hughe is not afraid naman na to come out and tell his Ninong that yes, he’s attracted to a guy.
Maybe because he’s with his Ninong Soo?
Ewan niya. Basta coming out to his Dad is not really on his plate pa sa ngayon.
“I can’t really say kasi kung kinausap mo naman siya ng maayos at naintindihan niya naman, para sa’kin okay lang naman ‘yon dahil hindi ka naman nang-ghost lang,” sabi nito. “Pero bakit bothered ka pa rin?”
“Kasi hindi niya ako pinapansin.”
Iyon. Iyon lang din talaga ang pinaka dahilan kung bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin si Hughe kasi Levi talks to anyone, even to everyone except him. Parang nakalimutan na nga nitong nag-eexist siya.
Natawa ito. “Seryoso ba?”
Tumango siya. “Ninong huwag mo naman akong tawanan.”
Pero natawa ulit ito. “Sorry.” Tumikhim ito. “Kids. Hay.”
“Pero Ninong, mali ba talaga ‘yung ginawa ko?” ulit niya.
Gusto kasi talagang malaman ni Hughe before making another step ulit. Hindi siya matatahimik kung hindi niya ulit makakausap si Levi lalo na ngayon na nabanggit ni Yixing na baka umuwi na ito sa probinsya at doon na ituloy ang pag-aaral.
Just imagining that he will no longer see Levi feels like a horror to Hughe. Ayaw niya ‘yon.
“What do you think?” balik tanong nito. “Pwede kong sabihing walang mali sa ginawa mo but you will still be bothered. At kung sasabihin kong oo, ano namang gagawin mo?”
The question appealed to Hughe as an intricate one.
Ano nga bang gagawin niya kung mali siya?
Run after Levi? Tell him he’s wrong? Beg him not to go? Ugh, this is so frustrating.
“Baka pwede ko siyang kausapin? Tapos bahala na,” wala sa sariling sagot niya kasi wala naman talaga siyang plano.
Ang gusto niya lang ngayon ay si Levi.
“Hindi dapat ganyan ang mindset anak,” sabi nito.
Ninong Nathan rarely calls him “anak” kaya sure si Hughe na seryosong usapan ‘to.
“Ano po ba dapat?”
“You were right in the part of being honest nung sinabihan mo siyang hindi ka handa sa kung anong pwedeng mangyari at pagtigil right there and then bago mo pa siya ma-lead into something na who knows kung anong pwedeng mangyari?” simula nito.
Nakinig lang si Hughe.
“But you should know that he is responsible for taking actions on how he’s gonna react to what you did,” sabi pa nito. “For you.. pwedeng hindi ka pa kasi sure kaya kapag may sagot ka na, either gusto mo siya or wala at all, may pwede kang gawin. If it’s the former, then you can make a way to win him back. But if it’s the latter, you can move on with your life because you will just continue to do whatever there is, with or without him.”
Napatango si Hughe dahil tama naman.
“For him.. it’s really something. Kailangan niyang gumawa ng isang hakbang para umusad kasi ikaw na rin naman ang nagsabi na hindi mo alam. It’s up to him kung maghihintay ba siyang magustuhan mo siya o kung may gagawin ba siya but based on your stories, lumayo siya ganyan hindi ka na pinapansin so maybe that’s his counter. He’s moving forward and accepting whatever there is din, without you, of course.” Ninong Nathan smiled. “Tandaan mo Hughe, we are the ones making our own decisions even how we treat people so let’s also accept the fact that people we hurt, even unintentionally, can make actions too, without apologies. We should learn how to accept that it’s how they repair what we broke.”
Parang nag-react ang puso ni Hughe.
“So if it’s really his decision not to talk to you again after saying he’s okay with what you told him, then so be it.” He shrugged. “Wala naman na tayong magagawa sa ganon, unless you will do something to win him over if you really want to.”
Somehow, naiintindihan na ni Hughe but wait—
“How do you know he’s a guy, Ninong?” tanong niya.
Kasi he was really careful! Hindi niya sinabi talaga so paano nito nalaman?
Ninong Nathan grinned. “Sa kwento mo Hughe, he doesn’t sound like a girl.”
Nanlaki ang mga maya niya. “Ninong!”
Natawa na naman ito. “It’s fine, anak. Your secrets are safe with me. Kahit kay Ninong Gerald mo hindi ko sasabihin.”
Parang nawalan ng isang tinik si Hughe. “Thank you, Ninong..”
Ganon pala ‘yung pakiramdam. It’s so freeing to come out and you won’t feel rejected.
Alam naman ni Hughe na his father would always understand pero hindi pa sa ngayon talaga…
“Alam mo na ba gagawin?” tanong ni Ninong Nathan makalipas ang ilang minuto.
Tumango siya. “Yes po, Ninong. Thank you ulit.”
For listening, for accepting him, and for all the things he just told him.
Mas nalinawan si Hughe sa mga bagay na dapat niyang gawin ngayon.
Kakausapin niya si Levi.
Nevermind if the latter does not want to talk to him or whatsoever but Hughe knows one thing.
He likes Levi, too.
Sisiguraduhin niyang hindi niya na sasayangin ang pagkakataon na ‘to. Kakausapin niya si Levi at kung papalarin, he will ask if they can continue where they left off.
O baka magsumula sila ng bago?
Bahala na.
Basta isa lang ang nasa isip ni Hughe ngayon.
Gusto niya si Levi.
He may realize it late because the latter seem to ignore him these days but now that he’s sure of what his heart wants, he will give it a try.
For once… Hughe wants to risk it.
Loving someone.
Maybe it’s not that scary and now that he’s very willing to, he only wants it to be with Levi.
Only.
Hughe will only love Levi.
Yixing was right. He’s not gonna love girls because this is what he’s destined for. To love and be loved by a man.
Hughe hopes that it’s Levi.
———
Present.
“BLOOMING KA AH.”
Napalingon si Hughe sa kaibigang si Yixing. “Pinagsasasabi mo.”
Nandito sila sa condo nito dahil magkasama ang mga nobyo nila sa mall ngayon at hindi sila sinama pareho dahil daw ang dami nilang reklamo kapag nagsha-shopping.
“Parang may iba talaga simula nung nakauwi kayo ni Levi,” sabi pa nito saka ngumisi.
Sumimangot siya. “Hindi ko gusto ‘yang itsura mo Yixing ha.”
Sumipol ito. “May nangyari na sa inyo ‘no?”
Nanlaki ang mga mata niya saka lumingon sa paligid kahit silang dalawa lang naman ang nandon. “Yixing gago ka ba ang ingay mo!”
Natawa lalo ang kaibigan niya. “Legit nga? Meron na?”
Natigilan si Hughe nang ma-realize na hinuhuli lang pala siya nito. Patay siya talaga kay Levi.
“Tanga ka,” sabi niya saka nag-cellphone na lang. “Manahimik ka nga.”
Hindi na nila ‘yon pag-uusapan at hindi na rin uulitin. Pero baka naman—
“Congrats, pre! Hindi ka na virgin!” asar ni Yixing saka siya pinagtawanan.
Hinampas niya ito ng throw pillow. “Tanga ka kapag narinig ka ni Levi dyan!”
Tawa lang ito nang tawa kaya mas napikon si Hughe. Wala talaga siyang maitatagong sikreto kahit kanino, ano ba naman ‘to.
“So worth it ba ang paghihintay ng five years?” Tumaas taas pa ang kilay nito. “Ginalingan mo ba?”
“Yixing isa pa sasapakin na kita,” banta niya sana kaso napalunok siya.
Guilty na talaga siya kaya dapat umuwi na sina Levi at Junmyeon dahil kapag nagpatuloy pa ‘tong si Yixing sa pagtatanong ay malamang maisisiwalat na ni Hughe lahat. Parang tanga kasi talaga haynako.
“Masarap ba?” Nakangising tanong nito. “Ano? Mahal na mahal mo lalo ‘no?”
With that, naalala na naman ni Hughe.
NAGISING SI HUGHE dahil parang may nakadagan sa kanya. Hindi siya makagalaw para bumaling sana sa kabila kaya nagbukas siya ng isang mata.
Disoriented pa siya, halos hindi pa makadilat sa sobrang antok pero nang makitang nakayakap si Levi sa kanya at wala itong suot na pang-itaas, parang binuhusan siya ng malamig na tubig.
Babangon sana siya pero mas humigpit ang yakap ng natutulog na nobyo nang maramdaman siguro nito ang pagkilos niya.
“Ano bang nangyari…” bulong niya sa sarili pero alam na alam na ni Hughe ang nangyari.
Bumabalik na ang katinuang tinakasan ang utak niya kagabi. Potek naman, bakit siya nagpatukso?!
‘Huwag tayong hugas kamay Hughe, ginusto nating angkinin si Levi kagabi,’ bulong ng isip niya kaya napapikit siya.
Pinakiramdaman niya ang sarili.
Walang kahit anong masakit sa kanya pero nangangalay na siya sa pwesto niya ngayon dahil nakapatong si Levi sa kanya at buong bigat nito ang iniinda niya ngayon. He can feel everything.
Alam niya nakatulog na sila pero nagising siya after a while at nilinisan niya si Levi. He can’t let him sleep just like that. Nag-halfbath pa nga siya para maiayos ang sarili niya at makalimutan niya ang mga naiisip niya pang gawin tapos.. kumalong din naman si Levi sa kanya pagsampa niya sa kama.
Wala rin, talagang timpi timpi na lang dahil tulog na ito tapos alam niyang masakit talaga kasi ‘yung iyak ni Levi, jusko. Masasapak na yata ni Hughe ang sarili niya.
Sinubukan niyang ialis ang nobyo at iayos ito sa kama pero nagising naman ito kaya natakot siya.
Ano bang sasabihin niya?!
“G-good morning,” alangang bati niya. “Tulog ka pa po..”
Nakatitig lang si Levi hanggang sa ngumiti na ito. “Good morning mahal kong pogi.”
Nanlaki ang nga mata niya. “Levi ayos ka lang?”
Parang biglang nag-malfunction ang utak ni Hughe dahil talaga bang tinawag siyang ‘pogi’ at ‘mahal’ ni Levi sa isang sentence?!
Natawa ito saka pumikit. “Hmm. Ang likot likot mo po kasi, natutulog ‘yung tao,” sabi nito saka humikab. “Anong oras na ba?”
Walang ideya si Hughe kaya napalingon siya sa bedside table. “Mag-7 am na pala..”
Levi groaned. “Ang aga pa!” sabi nito saka tumingin sa kanya.
Napakamot na lang siya sa batok. “Naiihi na kasi ako..”
“Oki,” sabi nito saka pumikit ulit. “Pakuha po akong water please.”
Tumango si Hughe kahit hindi siya nito nakikita. Humalik siya sa noo ng nobyo bago bumaba ng kama. Naka-boxers lang pala siya tapos si Levi rin. Buti na lang at may saplot na sila kahit papaano dahil kung wala, baka ulitin nila ‘yung nangyari kaga—
‘Bwiset talagang utak ‘to ang aga aga pa,’ bulong niya sa sarili.
Dumiretso si Hughe sa banyo at umihi. He brushes his teeth too and gets Levi’s water before returning back to bed.
“Babe..” tawag niya. “Here’s your water.”
Levi just hummed. “Laters.”
Inayos niya ito ng higa dahil nakadapa na ito ulit. “Magtubig ka na,” sabi niya saka inilapit dito ang baso.
Tamad na tamad naman itong bumangon saka ininom ang ang tubig sa basong hawak niya. Nakalahati nito iyon bago ito humiga ulit.
“Okay na?” paninigurado niya pa bago binaba ang baso sa bedside table.
Levi just hummed and went back to sleep.
Si Hughe naman, hindi na talaga alam ang gagawin dahil sobrang tempting makita ng itsura ni Levi ngayon kaya bago pa siya maunahan ng kung ano pa man, kumuha na siya ng damit saka siya nagbihis tapos ay kumuha siya ng hoodie niya at iyon ang sinuot niya sa nobyo. Levi whines because he’s disturbing his sleep but if Hughe won’t do this, his brain will make him do something ridiculous.
Ilang mga pagrarason pa ang pumasok sa utak niya bago niya napigil ang sarili sa pag-iisip ng kung ano-ano hanggang sa nagising na ulit si Levi. Nagulat pa ito sa suot nito kaya nagkibit balikat na lang siya.
“Malamig, baka magkasakit ka pa,” sabi niya. “Anong gusto mong kainin pala?”
Kung magtanong si Hughe, akala mo ang normal lang ng umaga nila. Akala mo hindi siya nagpa-panic sa utak niya pero paninindigan na lang siguro niya ‘tong ginagawa niya. Kunwari na lang wala siyang naaalala–
“Ang sakit ng buong katawan ko,” sabi ni Levi bigla.
Napatingin siya rito at nakitang nakalabi ito. Walang mahanap na salita si Hughe kaya hindi siya nakasagot agad..
“Bakit naman kasi ang harsh mo po?” tanong pa nito saka tumingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Hughe. “Levi!” saway niya.
Siya talaga ang top sa kanila pero you won’t believe na siya rin ang ayaw pag-usapan ‘tong nangyari dahil ewan niya ba. Naeeskandalo siya– pakiramdam niya ay parang may makakarinig sa kanila kahit silang dalawa lang naman ang tao sa kwarto nila.
Natawa lang ito. “Maliligo na muna ako. Magpa-room service ka na lang.”
Napatango na lang si Hughe. “Okay. Saan mo gustong pumunta pala?”
Pilit niyang inilalayo ang usapan talaga pero–
“Parang gusto ko na lang muna mag-stay dito sa hotel. Ang sakit talaga ng buong katawan ko,” sagot ni Levi. “Ikaw kasi eh.”
“Anong ako?” pero sa totoo lang, nangangatog na ang mga tuhod niya kahit nakaupo pa siya sa kama.
“Sinagad mo naman masyado,” inirapan siya ni Levi. “Parang inipon mo ‘yung energy mo sa buong five years na behave ka lang tas nilabas mo lahat kagabi. Grabe ka, isang beses lang ‘yon pero feeling ko we did it more than that.”
Nanlaki na naman ang mga mata niya. “Levi ano ba!”
“Ano?!” sinamaan siya nito ng tingin. “Saway ka nang saway dyan sinasabi ko lang naman!”
“Shh,” saway niya. “Huwag na nating pag-usapan please.”
Hindi talaga komportable si Hughe. Parang feeling niya he’ll end up telling anyone na makakausap niya na may nangyari sa kanila kapag hindi pa tumigil ‘tong si Levi ngayon at nababaliw na talaga si Hughe. Hindi na kaya ng utak niyang i-keep up ‘tong conversation na ‘to.
Umirap lang ulit si Levi saka ito bumangon na. Niligpit nito ang kumot bago bumaba sa kama pero muntik na itong mabuway sa pagkakatayo kung hindi lang ito napahawak agad sa bedside table. Nagmamadaling umalalay naman si Hughe.
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya. “May masakit ba?”
Umiling si Levi. “Okay lang. Medyo masakit lang talaga katawan ko.”
Humawak ito sa braso niya pero hindi agad kumilos. Pumikit pa ito ng ilang segundo bago humakbang. Mabagal ang naging lakad ni Levi papunta ng comfort room at ang masasabi lang talaga ni Hughe ay– shet.
“Ika-ika siya baliw ka talaga Hughe,” bulong niya sa sarili niya.
Hindi na rin siya papayag na lumabas pa sila ngayon. Kahit pa i-spend na lang nila sa loob ng hotel ‘tong anniversary nila, who cares? Ayaw niyang may makakita kay Levi sa ganitong estado nito at saka mukhang hirap talaga itong maglakad.
Did he really go that far last night?
Ikiniling niya ang ulo. Please, happy thoughts. Ang aga aga pa. Dapat productive ang araw nila ni Levi at kung hindi sila lalabas, wala naman silang ibang gagawin kundi ang manood ng movie. Ayaw na pag-usapan ni Hughe ang nangyari kasi baka maulit na naman at ayaw niyang ‘yong maging common thing to do dahil sabi niya, he can’t just enjoy Levi without proper credit.
Siguro kung pag-uusapan nila ‘to mamaya, Hughe will just promise to not do it again and they will not let anyone know about this. Pwera na lang talaga kapag nahuli siya ni Yixing o ng Daddy niya or ni Baba. They know him very well.
Because aside from his fear about this matter, Hughe also feels wonderful today. It’s like something inside him feels so special because of what happened last night. It feels like a dream come true.
Kasi sure, lagi naman silang magkatabi ni Levi matulog kapag weekends. They always kiss each other, hold hands, share the same utensils.. make out. But that’s just about it.
They just did the real thing last night and it was beyond Hughe’s expectation and imagination.
Kasi he’s been dreaming to do that with Levi— as he mentioned, when they’re already married to each other because he does believe that love making is sacred. That’s why only married people should do the deed but then, ayaw niyang maging hipokrito.
Sabi ng Daddy niya, do what you preach kaya nga ni minsan, hindi niya naman ito naringgan na huwag muna nilang gawin ‘yon ni Levi or what. Ang lagi lang nitong sinasabi sa kanya noon pa ay be safe at always think about the consequences of his actions kaya nga na-adapt niya na.
Role model niya talaga ang Daddy niya sa lahat kaya if you will call him Daddy’s boy even at his age right now, Hughe won’t be offended because it’s true.
He will always work hard to be like his father. Na kahit hindi niya talaga magagawa dahil magkaiba naman sila, at least he will learn from his mistakes. Kaya nga ayaw niyang gawin nila ni Levi for the longest time kasi… he does not want to repeat history.
Though everything is good naman na right now, ayaw pa rin ni Hughe na maranasan ng magiging anak niya lahat ng pinagdaanan niya kasi masakit ‘yon. Ayaw niya ngang mangyari sa kapatid niya, eh. Kaya advance na kung advance pero nag-iingat lang talaga siya.
He’ll make sure to marry Levi before having a child with him.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo.”
Napalingon siya kay Levi. Tapos na itong maligo and Hughe can confirm na hindi talaga sila lalabas ngayon dahil naka-pajama lang ito.
“Okay ka lang?” tanong pa nito saka lumapit sa tabi niya at umupo na rin.
Hughe extends his hand to reach Levi’s. “Bakit naman po ako hindi magiging okay?”
“Baka nagsisisi ka na sa nangyari,” sagot nito.
Nagulat naman siyang napatingin dito. “Hey. Saan galing?”
For Pete’s sake, he was just scared but never, not even once niyang pinagsisisihan at hinding hindi niya pagsisisihan ang nangyari sa kanila ni Levi kagabi.
“Para kasing problemadong problemado ka about that,” sabi nito saka nagkibit balikat. “Sorry if it feels like pinilit kita or what.”
Kumunot ang noo niya. “Does my performance last night feel like I’m “forced” to do it?”
Hindi ito kumibo pero nakatingin lang sa kanya.
“We made love, Levi. That’s what I’m sure of.’”
His boyfriend looks surprised with what he just said.
Natahimik silang pareho ng ilang minuto habang nakatingin lang sa isa’t-isa.
Levi smiles a bit. “We sure did.”
Marahang hinatak ni Hughe ang nobyo para mas mapalapit ito sa kanya.
“It was love,” sabi nito. “I felt it in every fiber of my being.”
Hughe shyly smiled. “Hindi ko naman kasi ‘to ayaw pag-usapan dahil lang nahihiya ako o ayaw ko lang talagang gawin. Ayaw kong pag-usapan kasi nasabi ko naman na sa’yo noon pa na wala pa akong karapatan sa katawan mo but look at me,” natawa siya. “Kinain ko lang lahat ng sinabi ko. I was too embarrassed because–”
“Shh,” saway nito. “It’s okay, I love you anyway.”
Natigilan si Hughe, napatitig sandali rito bago nag-iwas ng tingin at napangiti.
Masyado na talaga ‘tong si Levi magpakilig dahil kahit yata anong agam agam ang meron siya, mapapangiti pa rin siya kapag si Levi ang kausap niya. Hay, ang sarap magmahal.
“You worry too much, Hughe. Hayaan mo lang kung anong mangyayari sa’tin sa mga susunod kasi we don’t have to control everything naman as mas nakakapagod mabuhay sa pattern na we should do this, we shouldn’t do that or what-so-ever kaya hayaan mo na,” dugtong pa nito. “If you really don’t want to do this again, then it’s okay. There’s so many ways to prove that we love each other and that’s what we’ve been doing for years na nga, ‘di ba?”
Tumango siya saka napayuko.
“Don’t feel sorry if you feel like you’ve broken your own rule for me because I will do the same for you,” Levi firmly said. “Over and over.”
“Levi..” tanging nasabi niya.
“I don’t mind being imperfect as long as I can have you. Perfection is boring anyways,” nginitian siya nito. “It will make me proud to the point I might feel like I don’t need you anymore and that’s not good.”
There’s a long pause after that. Mas hinigpitan lang ni Levi ang pagkakahawak sa kamay niya.
“Ending a day without you is just no good.”
Hindi talaga alam ni Hughe kung anong nagawa niya to deserve the love Levi’s giving him. Niyakap niya nang mahigpit ang nobyo habang paulit-ulit na bumubulong na mahal niya ito.
“Don’t overthink, okay? Hindi naman mababawasan ang pagmamahal ko sa’yo dahil lang may hindi ka nagawa sa mga naipangako mo sa’kin dahil si Hughe ka pa rin naman. Mahal pa rin kita despite all the “kahit na” na pwede mong gawin kasi we’re all trying to be the better version of ourselves naman. As long as na nandyan ka pa rin naman saka hindi mo naman ako iiwan, then I’ll be okay. We’ll be okay.”
Lumabi siya saka humarap dito. “I love you.”
“I love you too.” Levi gently kissed him. “I will always love you kahit galit ako, okay?”
Napatango naman si Hughe. Naiiyak talaga siya lagi kapag ganito mga sinasabi ng nobyo sa kanya. Parang sobrang importante niya, parang lagi ay may kwenta siya. Basta kapag kasama si Levi, parang lagi siyang ligtas kahit pa gumunaw ang paligid nila.
Nanatili lang siyang nakasandig sa nobyo niya at ilang minuto, nagsalita na rin siya.
“Can we not tell anyone about this?”
“Alin?” tanong nito.
“Na ‘you know’,” alangang sabi niya.
Parang nag-loading pa si Levi pero maya maya lang din ay natawa na ito sa kanya.
“Hughe omg ka naman,” natawa ito ulit. “You can’t just tell anyone na ‘uy alam mo ba nag-sex kami ng boyfriend ko, share ko lang ganon’ ano ka ba naman!”
Nanlaki ang mga mata niya. “No! Hindi naman ganon.”
Of course, hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin teka lang naman!
“Eh ano ba?” Natatawa pa rin ito.
“I know naman na nagkukwento si Jaja sa’yo kasi ganon din naman si Yixing sa’kin but ito.. Can we not tell them?” maingat niyang sabi.
“Oh, they will know..” makahulugang sabi nito. “You know that they will, my love.”
Napakamot siya sa batok. “Oo nga pero alam mo ‘yon? Let’s just not confirm nor deny. We can just let them make conclusions because what happened between us is a very private matter and I don’t feel like telling anyone about it because it’s between you and me. It’s us.”
Ilang saglit siyang tinitigan ni Levi bago ito nag-iwas ng tingin. “Alam mo gets kita pero sana aware ka talagang sobrang gwapo mo tapos mahal na mahal kita. Huwag sanang gumagawa ng mga bagay na ikaka-turn on ko lalo sa’yo, Sehun Hughe naman!”
Natawa lang si Hughe bago hinawakan ang magkabilang pisngi nito. “I promise to marry you, okay? Kahit anong mangyari. Magpapakasal tayo.”
“As you should po kasi lagot ka talaga sa Papa ko kapag iniwan mo pa ako,” natatawang sabi pa nito.
Natawa lang din siya. “Never my love, never.”
“Kiss?”
Ngumiti lang si Hughe bago hinalikan ang nobyo. In the purest form he can.
“Happy fifth anniversary, Hughe ko..” bulong ni Levi pagkatapos ng halik.
Napangiti siya saka pinaglapat ang noo nila. “Happy fifth anniversary, Levi..”
To Hughe, that was the most wholesome anniversary they ever spent.
Sisikapin niyang mas marami pa silang ise-celebrate ni Levi. Sisiguraduhin nila iyon.
“ANO? ILANG PANGARAP nabuo mo?”
Napalingon ulit si Levi sa kaibigan. “Ano ba ‘yon Yixing? Masusuntok na kita sobrang daldal mo pa rin ha.”
Natawa ito. “Bakit ka nagagalit? Tinatanong ka lang eh.”
“Mahal na mahal ko talaga,” nakangiting sabi niya para matigil na ito. “Ikaw ba kay Jaja, hindi ka ganon?”
“Mahal ko ‘yon kahit baliw siya,” natatawang sagot nito.
“Ay isusumbong kita. Baliw pala ah!”
Ngumisi lang si Yixing. “Sige lang, mahal ako non.”
Natawa na lang din siya saka kinuha ang cellphone at nag-text kay Levi.
To: my favorite human <3
Kailan ka po uuwi?
I miss you.
Yakaaaaap :(
“Pero seryoso, nag-break na ba kayo ni Jaja?” tanong niya out of nowhere.
Mukhang matagal pa sina Levi dahil hindi pa rin ito nagre-reply sa kanya.
Umiling si Yixing. “Hindi kami naghihiwalay pero may mga pagkakataon talaga na parang nakakasawa na, ganon. Lalo kapag parang puro mali na lang ng isa’t isa nakikita namin.”
“Paano kayo nagkakaayos?”
“Lagi akong bumabalik kung bakit kami nagsimula, kung bakit ako nanatili at kung bakit ko siya minahal,” nakangiting sagot ni Yixing habang nakatingin sa cellphone nito.
Nang silipin iyon ni Hughe iyon, nakatitig ang kaibigan niya sa nakangiting picture iyon ng nobyo bilang lockscreen nito.
“Ang daming beses na talaga na pwede kaming maghiwalay na lang eh,” kwento pa nito. “Kasi nakakapagod na talaga, nakakasawa… tapos parang pauli-ulit lang naman. Parang ayaw na rin namin pareho sa ginagawa namin tapos isang beses non pinag-usapan na namin nang masinsinan talaga. Sabi ko kung pagod na siya, I will let him go.”
Nagulat si Hughe. Hindi niya alam ang kwento na ‘yon. “Anong sabi niya?”
“Sabi niya pagod na nga siya pero hindi siya umalis,” napangiti lang si Yixing. “Kasi ‘yung pagod naman daw, pwedeng ipahinga pero ‘yung mga pangarap na binuo naming magkasama, ayaw niyang tuparin ‘yon kung wala na kaming dalawa.”
“Hala sana all,” nasabi niya dahil out of habit pa rin talaga.
Natawa si Yixing. “Siraulo ka talaga.”
“Pero hindi ba mahirap ‘yon? Kasi paano kapag pareho na kayong pagod?” tanong niya ulit.
Nagkibit balikat lang si Yixing. “Love is a commitment. Hindi naman ako pumasok sa relasyon kasi gusto ko lang. Mahal ko talaga talaga si Jah kaya kahit parang nakakasuko na, hindi ako umaalis. Kasi hindi naman nakakahanap ng partner na makakasundo mo sa lahat ng aspeto ng buhay. ‘Yung ang hirap hirap mabuhay pero dahil kasama mo ‘yung tao, nagiging bearable na.. alam mo ‘yon?” Nilingon pa siya nito.
Tumango si Hughe. Ganon na ganon kasi ang nararamdaman niya kay Levi.
“If you were given the love that put up with you despite your worst episode, then you should protect that. To me, that’s Jah. He will always be the love that I’ll protect as long as I live.” Then Yixing smiled lovingly while still staring at his boyfriend’s picture. “Kasi looking back, pangarap ko lang siya ‘di ba?”
Napatango si Hughe. Saksi silang dalawa ni Levi kung paano nagsimula ‘tong mga kaibigan nila. Si Yixing at Jaja pa nga ang dahilan kung bakit sila nagkakilalang dalawa, eh. He can save the story some other time but for now.. hayaan niya munang magkwento si Yixing dahil minsan lang ito.
“Nung nakuha ko siya non pinangako ko talaga sa sarili ko na hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasira naming dalawa pero syempre, hindi naman maiiwasan sa buhay na magkamali at magkasakitan pero matiyaga kasi si Jaja, eh,” kwento ni Yixing. “Ilang beses akong nagkamali pero hindi niya rin ako sinukuan.”
“Don’t tell me nagloko ka?”
Ngumisi ito. “Tanga ka ba? Eh ‘di sana nagpasuntok na ‘ko sa’yo dati pa.”
“Susuntukin talaga kita sinasabi ko sa’yo,” sagot niya rin. “Ano ba kasi?”
“Seloso talaga ako. Mapa-lalaki o babae man na nakakausap niya pinagseselosan ko kaya lagi kaming nag-aaway. Tapos hanggang sa iyon na ‘yung dahilan ng mga matinding away namin minsan. Pinapalaki ko lagi.”
“Ang petty ha,” side comment ni Hughe.
“You can say that again,” natawa ito. “Hanggang sa feeling ko gumaganti na talaga ako kasi pinagseselos ko rin siya tapos sabi niya sa’kin, hindi naman daw dapat ganon kapag nagmamahal. Hindi mo maiisip gumanti kasi kakampi mo ‘yung partner mo. You were committed to be a team, hindi para magbilangan ng mali tapos magsumbatan pagkatapos. Iyon talaga naging wake up call sa’kin kasi nung time na ‘yon, iniyakan ako ni Jah, eh.”
“Siraulo ka.”
Hindi palakwento si Yixing kapag tungkol sa problema nito at ng nobyo. Though nalalaman nila ni Levi kapag magkaaway ang dalawa, hindi naman nila alam ang rason niyon kaya bago kay Hughe ‘tong mga naririnig niya ngayon.
“Doon ko na-realize na hindi ko dapat sinasayang kung anong meron ako— hindi ko dapat sayangin si Junmyeon kasi binigay na siya sa’kin kahit hindi ko deserve. Kaya dapat magpakatino na lang ako.” Ngumiti ito ulit. “I can’t say things are perfect between us but I can proudly say na alam namin na walang makakasira sa tiwalang meron kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa kasi iyon ‘yung iningatan naming dalawa. We’re still protecting the love that we have for each other and we will always do.”
Hindi namalayan ni Hughe na napangiti siya. May bago siyang natutunan sa kaibigan niya.
“Thank you, Yixing.”
“For what?” Parang nagulat pa ito.
Umiling lang siya saka binalik ang tingin sa cellphone. Picture nila ni Levi ang nasa wallpaper niya.
Nag-text siya ulit dito.
To: my favorite human <3
I learned something today, love.
Sabi ni Yixing, “if you were given the love that put up with you despite your worst episode, then you should protect that.”
Ikaw lang naisip ko, Levi. Sa five years natin, laging ikaw lang meron ako eh. Laging ikaw lang at wala naman akong planong mapalitan ka pa.
Alam kong hindi pa oras ng pagdadrama ngayon pero Levi ha! Iingatan kita lagi :)
I love you! <3
Ang haba pa ng buhay. Ang dami pang pwedeng mangyari. Pero ayos lang.
As long as Hughe can spend the rest of it with Levi, then he can endure what it will offer regardless.
As long as they’re together.
———
ANG SAMA SAMA ng gising ni Levi. Pang-ilang beses na ‘to ngayong week at buti na lang ay sabado ngayon kaya wala siyang pasok. Buti na lang din at nandito si Jaja dahil hindi umuwi si Hughe sa kanya kagabi kasi hinahanap daw ito ng kapatid nito.
Gusto niya sanang mapangiti ng maalala si Beewy pero hindi niya na nagawa dahil napatakbo siya sa banyo kasi nasusuka na naman siya.
Wala naman siyang nakaing kahit ano kagabi at itong sinusuka niya ay halos puro laway lang pero parang binabaliktad talaga ang sikmura niya.
Ilang minuto pang nagtagal ang pagsusuka niya bago niya maikalma ang sarili. Nag-toothbrush na lang siya saka naghilamos bago lumabas sa sala.
Naabutan niyang nagluluto ang kaibigan.
“Ang aga aga naman nakasimangot ka,” bungad nito nang makaupo siya sa dining.
Nangalumbaba lang siya. “Ang sama ng gising ko kasi. Napipikon na ‘ko.”
Napatingin ito sa kanya. “Pang-ilang araw ka nang ganyan ha. Kada uuwi ako ganyan ka simula last week pa. Ayaw mo ba akong nandito?” Natatawang sabi nito.
“Tanga ka ba?” Inirapan niya ito saka lumapit sa pwesto nito. “Anong niluluto mo?”
Natawa na lang ito at hindi pinansin ang pagsusungit niya bago sumagot.
“Sinangag ko lang ‘yung natirang kanin saka nagprito ako ng bacon at hotdog,” sagot nito. “May gusto ka bang iba?”
Umiling siya. “May mayonnaise ba tayo? Parang gusto kong iyon na lang ulamin ko.”
Gulat na napatingin ito sa kanya. “Anong mayonnaise?”
“Gusto kong ulamin ‘yon,” sagot niya saka sumimangot. “Naiinis ako kasi nahawaan na yata ako ni Hughe. Nanggigigil talaga ako sa kanya.”
Natawa ito. “Inaano ka ba ng jowa mo? Nag-away ba kayo?”
“Hindi,” sagot niya. “Naiinis lang ako sa kanya.”
“Sus, nami-miss mo lang eh!” asar nito. “Hiramin mo na sa Daddy niya. Isama mo si Beewy tapos igala niyo na lang.”
Nang marinig ang pangalan ng bata, napangiti siya nang bahagya. Baka nga kailangan niya nang makita ang kapatid ng nobyo niya dahil lately din, lagi na lang siyang naiinis kay Hughe kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.
“Minsan ba naiinis ka kay Yixing? ‘Yung parang ayaw mo siyang makita? Tapos kapag hindi ka naman talaga kinita mas maiinis ka?” wala sa sariling tanong niya.
Kasi five days ago pa sila nagkita ni Hughe dahil nga ayaw niya itong makita kahit araw-araw siyang kinukulit na magkita sila tapos dahil sinusunod siya ng nobyo, naiinis naman siya dahil hindi niya ito nakikita.
Haynako, nababaliw na yata siya.
“Naiinis ako sa kanya minsan pero hindi naman ako baliw,” natatawang sagot nito saka hinain na ang pagkain nila. “You’ll come around. Hayaan mo na lang kasi kapag na-miss mo siya, hahanapin mo rin ‘yan.”
Hindi niya na lang ito pinansin. Ewan ba ni Levi kasi mag-iisang buwan na talagang paiba iba ang ugali niya. Madalas nga si Hughe ang inaaway niya at buti na lang talaga ay hindi siya nito pinapatulan.
Kumuha lang siya ng fresh milk sa ref pero parang feeling niya ay sira na ‘yon kaya tinapon niya agad sa lababo ‘yung nasa baso niya.
“Kailan ba natin binili ‘tong fresh milk Myeonnie? Ang panget ng lasa,” nakasimangot na sabi niya.
Sa lahat naman ng maiinom niya, bakit expired pa yata. Bwiset sana nagtubig na lang siya.
“Kabibili ko lang niyan kagabi. Bakit anong lasa ba?”
Kumuha ito ng baso at nagsalin saka tinikman iyon.
“Okay naman lasa ah?” sabi nito. “Ano bang panlasa mo?”
Umiling lang siya saka nagmumog sa lababo. Uminom siya ng tubig saka umupo na ulit sa dining.
“Saan mayonnaise ko?” tanong niya habang kumukuha ng pagkain.
Kumuha ng mayonnaise ang kaibigan sa ref.
“Ito na lang meron tayo eh,” sabi nito saka inabot sa kanya.
Natuwa naman si Levi ng makitang lady’s choice iyon kaya agad siyang naglagay sa plato niya saka maganang kumain.
Ang weird ng tingin sa kanya ni Junmyeon.
“Nami-miss ko na si Hughe, oo na.”
Umirap pa siya kaya natawa ito.
“Ang sungit mo naman,” sabi nito. “Wala naman akong sinasabi.”
“Eh,” sabi niya saka pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi talaga maintindihan ni Levi ang sarili niya pero siguro nga, dala lang ‘to ng stress niya sa trabaho at nami-miss niya si Hughe.
Sana talaga magpakita na sa kanya ang nobyo niya bukas dahil mababaliw na siya kung hindi.
Isang linggo na naman ang lumipas at pikon na pikon na naman si Levi. This time, kasama niya si Hughe pero maghapon niya lang itong sinungitan.
“Do you want to go out?” tanong nito sa kanya.
Kahit ayaw niya ay umirap siya. “Mukha bang gusto kong lumabas? Ang sama sama nga sabi ng pakiramdam ko.”
Okay, that’s too harsh. But he didn’t mean to—
Mabait na ngumiti ang nobyo niya. “You can politely say no if you don’t want to.”
Hindi siya kumibo pero naramdaman niyang nasa tabi niya na ito.
“What’s wrong, love? Nung nakaraan ka pa ganyan. May masakit ba sa’yo?” malambing na tanong nito.
Hindi niya talaga alam kaya hindi siya sumagot.
“Ayaw mo ba ako rito?”
Agad siyang umiling. Kahit naman bwisit na bwisit siya kay Hughe sa hindi niya malamang kadahilanan, ayaw niya namang umalis ito.
It’s too weird to say na ayaw niya itong makita pero ayaw niya ring hindi ito nakikita at the same time.
Isang buwan mahigit nang ganito si Levi at naiirita na talaga siya sa sarili niya. Huling maayos niyang nakakausap ang nobyo ay noong monthsary nila last month, a month after their 5th year tapos weeks after that, sinusumpong na siya madalas.
Ewan niya na talaga.
Hughe kissed his forehead. “Sleep na ikaw. I’ll wake you up later na lang kapag dumating na ‘yung pizza natin.”
Lumabi siya saka nagsumiksik kay Hughe.
Naiiyak na siya kasi hindi niya talaga maintindihan ang sarili niya most of the time. May mga araw na ayos naman siya tapos may mga araw din na halos hindi siya makausap nang maayos dahil sa sobrang sungit niya. Haynako.
Nagpatuloy pa ang pagiging moody ni Levi ng ilang araw hanggang sa kinausap na siya ni Jaja.
“May nangyari na ba sa inyo ni Hughe?” diretsang tanong nito.
Mula sa pagkakasimangot ay natigilan siya.
Parang napipikon na sa kanya ang kaibigan niya dahil kahit ito talaga, nasusungitan niya na.
“Ano ba namang tanong ‘yan?” iritang sabi niya.
Umismid ang kaibigan niya. “Kung sa boyfriend mo pwede ‘yang ugali mo, huwag mong gawin sa’kin. Naiinis na rin ako sa’yo Levi ha.”
Hindi siya sumagot kasi tama naman ito. Aware si Levi na sumosobra na siya pero ano bang gagawin niya eh hindi niya rin naman gusto ‘tong inaakto niya?
“Sorry,” sabi niya maya maya. “Ang sama lang talaga lagi ng pakiramdam ko.”
“Ano, may nangyari na nga sa inyo ni Hughe?” ulit nito.
“Ano ba? Bakit mo ba tinatanong?”
Usapan nila ni Hughe, they won’t tell anyone. They will not confirm nor deny it so—
“I’m thinking na baka buntis ka dahil ang lala mo na talaga,” sagot nito. “So ano?”
Natigilan si Levi.
Biglang nag-flashback sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Hughe noong anniversary nila. That was only one time!
But they did not use any protection at all…
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Feeling niya tumigil ang pag-ikot ng mundo niya.
Siya.. buntis?
“Myeonnie..” there’s horror in his voice.
“Ano?” Lumapit pa ito. “Did you do it?”
Hindi siya makatango kasi literal na parang hindi siya makagalaw ngayon.
Ang dami daming pumapasok sa utak niya pero kailangan niya munang makasiguro.
“Levi?” untag ng kaibigan sa kanya. “Ano na?”
Helpless na napaangat siya ng tingin. “Get me a kit now…”
Napabuntong hininga ang kaibigan niya. “Hintayin mo ‘ko. Bibili lang ako sa baba.”
Nang umalis ang kaibigan niya, hindi na lalo napakali si Levi. Parang napaka tagal ng bawat minuto. Paano kung tama si Jaja? Paano na ‘to?
Sabi ni Hughe ‘di ba? Dapat daw walang makaalam tapos paano kung buntis nga siya?
Paano kapag may nabuo nga nung isang beses nilang ginawa? Posible ba ‘yon? Na isang beses pero.. pwede ba?
Yes, they did not use any protection but is there any instance that one can get pregnant even just doing it once?
Kasi hindi naman na ‘yon naulit—
“Try mo na.”
Nagulat pa siya nang magsalita ang kaibigan at nilapag nito ang isang maliit na paper bag sa tapat niya. Hindi niya man lang namalayan na nakabalik na pala ito.
“Anong gagawin ko kapag..” halos hindi niya matuloy.
Ano ba kasing gagawin niya?
“Go try now, Levi.” There’s a hint of encouragement in his voice. “I’m here.”
Mabagal ang naging pagkilos ni Levi. Nanginginig ang kamay niyang binuksan at kinuha ang PT sa loob ng paper bag. Sinunod niya maigi kung paano iyon gagamitin. Nang matapos, naghintay na lang siya.
Ni hindi niya nga kayang makita dahil—
“Levi?” Katok ni Jaja sa labas. “Are you okay? Kanina ka pa dyan..”
Hindi niya na rin alam kung ilang minuto na siyang nasa loob ng banyo pero.. kinuha niya ang isa sa mga nakataob na kit.
Umupo siya sa nakatakip na toilet bowl dahil baka bumuway ang pagkakatayo niya kapag nakita niya ang resulta.
One.
Two.
Huminga siya nang malalim.
Two lines. Positive.
Tatlong kit ang gamit niya pero lahat ay ganon.
“Hughe..” tanging nasabi niya lang.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya.
Ilang minuto pa siyang natulala bago siya lumabas. Agad naman siyang sinalubong ng kaibigan niya.
“Anong resulta?” Nag-aalala ang boses nito.
“J-Jah..” nanginig ang boses niya.
Inabot niya rito ang mga hawak na kit at dinig niya ang mahinang pagsinghap nito.
“Levi—”
Umiyak na siya.
Hindi niya alam pero basta. Halo halo ang emosyon niya kasi hindi niya inaasahan lahat nang ‘to. Natatakot siya. Kinakabahan. Lahat na!
“Hughe..” hikbi niya. “Please call Hughe.. I need him here..”
Hindi niya alam kung ilang beses niyang sinabi iyon habang hinahagod ng kaibigan ang likod niya hanggang sa narinig niyang may kausap na ito sa kabilang linya at pinapapunta iyon. Malamang, nobyo niya na iyon.
Hindi na natahan si Levi dahil halo halo talaga ang nararamdaman niya. Unti-unti na ring nagsi-sink in sa kanya lahat ng mga nangyayari nitong mga nakakaraang linggo at dahil iyon sa isang rason.
Buntis siya.
Magkakaanak na sila ni Hughe.
Akala niya pa naman.. walang makakaalam ng nangyari sa kanila ni Hughe pero may nabuo naman sila…
So now, what?