Actions

Work Header

Gagawin Ko Ang Lahat Para Makapiling Ka

Summary:

Ayaw ni Chanyeol mag-college sa FEU but he might reconsider nang malamang doon nag-aaral si Baekhyun. (O, ang kwento kung saan to-be-continued pala ang nasimulan nila, kung mayroon man, noong high school.)

Notes:

To my mama,

thank you for supporting me throughout! Char, drama. Sana magustuhan mo, sana nagawa ko naman nang maayos huhu sorry na kung may lacking

before reading, please note na walang SHS sa setting nila :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

 

Napakainit sa ilalim ng tirik na araw. Sinong mag-eexpect na hindi? Basta ayun lang ang masasabi ni Baekhyun kaya nga mas pinili niya at ng mga kaibigan niyang sina Jongdae, Kyungsoo, Junmyeon, at iba pa nilang mga kaklase na sumama sa kanila ngayong araw na mag-stay sa canteen dahil kahit papaano, may electric fan doon at syempre, bubong.

 

Wala kasing ibang lugar na matambayan. Third day ngayon ng Intramurals at lahat ay hinihikayat manood ng games at iba pang activities kaya nakalock ang lahat ng classroom na malamig-lamig sana dahil kahit walang aircon, bukas na bukas naman ang bintana kaya presko. Wala tuloy silang choice kundi kung saan-saan sila mag-stay dahil bukod sa hindi sila interesado sa paulit-ulit na palaro taon-taon, mas trip na lang nilang sumilong dahil crowded kung manonood. Karamihan ng mga nandoon ay mga freshmen at sophomore. Ganun siguro talaga, kapag seniors na, hindi senior citizen ha, pang-ilang taon na kasi kaya wala ng excitement pero hindi naman lahat. Pakiramdam nga ng grupo nila Baekhyun ay sila lang ‘yung ganon. Hindi naman nila magawang umabsent kahit ang dami nilang reklamo, na itinatago lang naman sa grupo nila, dahil ang one week attendance ay equivalent to 5 quizzes sa Physics at Statistics. Ang math and science ng fourth year. 

 

Oh, aayaw pa ba sila? Aattend lang at tatambay, mainit nga lang pero pwede na kung ang kapalit naman ay 100 na grade. 

 

Binubuksan naman ang classroom. Kapag umaga nga lang, doon ang attendance. Wala naman kasing makakapag-cut dahil sobrang higpit ng security sa Gate 1 and Gate 2. Lahat ng levels ay sabay-sabay ng uwian. Half day ang preschool at hanggang 3PM naman ang elementary habang ang high school ay hanggang alas kwatro ng hapon. 

 

Nakaupo lang si Baekhyun, nakikipagtawanan sa mga kaklase nila along with Junmyeon. Ang ingay-ingay sa table nila habang nakikinig lang ang pangiti-ngiting si Kyungsoo kahit na binuburautan ni Jongdae na katabi niya at hinahatian sa Nova na kinakain nang biglang umirit si Jongdae.

 

“Huy! Nagchat si Jenna!” Pabulong na sabi nito.

 

“Nagdala kayo pareho ng cellphone kahit bawal pata magchat? Iba na ‘yan ah.” Komento ni Kyungsoo.

 

“Hindi kasi! Hindi ko siya type ‘no! Ayoko sa mga babaeng CR nang CR at hindi kami talo!” Depensa ni Jongdae na patay na patay sa isa nilang kaklase na si Minseok. “Friends lang kami talaga sa Facebook. Siguro kasi ako lang nakitang online sa section natin. Malay ko bang may dala rin siya.”



“Sana may inspection para maconfiscate.” Baekhyun says at halos hilahin ni Jongdae ang buhok. 

 

“Ang sama mo! Bakla ka!” 

 

Baekhyun only sticks his tongue out. 

 

“Pero bakit nga nag-chat?” Ang tanong ni Junmyeon. 

 

Tinago naman ni Jongdae ang cellphone na pasimpleng ginamit mula sa loob ng bag.

 

“Nag-CR daw siya para sabihan tayong pumunta na ron kasi natatalo na ang seniors!”

 

“Napakashunga naman nila.” Ang sabi ni Baekhyun. “Natatalo sila ng juniors? Ano ba ‘yan.

 

“Gaga ‘to ang sama mo! Pero pumunta na tayo ron. Tara na.”

 

Tumayo si Jongdae pero walang sumunod dito. Nakangiwi si Baekhyun at si Kyungsoo ang nagsabi ng saloobin niya.

 

“Bakit? Maipapanalo ba nila ‘yung game kapag nandoon tayo?”

 

“Kaya nga.” Pagsang-ayon ni Junmyeon. Baekhyun nods along with their other classmates na feeling tropa nila, charot.

 

“Hindi, pero pag pumunta tayo ron, tuloy ang 100 natin ngayong araw. Nandoon na raw si Ma’am Rodriguez at tatanggalin sa attendance ‘yung mga wala sa game ngayon.”

 

Mas mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Baekhyun pagkarinig ‘non. Pati na rin sina Junmyeon, Kyungsoo, at ang iba nilang kasama

 

Si Ma’am Rodriguez ang adviser nila at alam nilang kapag sinabi nito, gagawin talaga.

 

“Hindi mo naman sinabi kaagad, friend.” Ang sabi ni Baekhyun habang naglalakad sila palabas ng canteen. Konti lang ang mga estudyanteng naroon. Sayang. Ang sarap sanang tumambay. “Edi sana kanina pa tayo nandoon.”

 

Buti nalang nang makarating sila ay may bakanteng mga upuan pa. Talagang ‘yung mga malalapit pa dahil nagsiksikan ang mga tao sa bandang likuran. Yun naman palagi ang unang naooccupy. 

 

Naupo na sila. Sa second row. Natamaan pa ni Baekhyun ‘yung isa sa mga kaklase nila na nadaanan niya at nag-utter nalang siya ng mahinang, “Sorry.” bago nag-peace sign at naupo na nang maayos. 

 

Mabuti nalang at maraming puno sa field. Saktong nalililiman sila kaya hindi direktang nakatapat sa araw. Mahangin-hangin din.

 

Malaki kasi ang field nila roon. Designed for big programs at isa na sa mga pinaghahandaan taon-taon ay ang baseball game kapag intramurals. Sa eskwelahan na ito, hindi gaanong pinapansin ang basketball unlike the others na ayun ang pinakainaabangan ng lahat.

 

Specialty ng institusyong ito ang baseball. 

 

“Hala, natatalo na nga.” Ang bulong ni Jongdae na nagsusuot ng headband. Tradition na kasi sakanila ‘yung magsuot ng either headband or wristband tuwing intramurals at may corresponding colors ‘yon. Green for freshmen, yellow for sophomore, blue for junior, and red for seniors. Tinatahi ‘yon ng mga batchmates nila at pinamimigay kapag sportsfest. “Hindi pwede! Nakakahiya naman tayong mga senior!” Niyugyog pa nito ang katabing si Kyungsoo na inalis ang pagkakahawak.

 

“Hindi ako bola, pwede ba?” Pag-irap nito.

 

“Ay, akala ko kasi.” He says then pinasa na sa mga kaibigan ang inabot na headband ng mga kaklase. Lahat sila ay nagsuot para hindi masabihang KJ. Cute din naman kasi.

 

Hindi naman pinansin ni Kyungsoo ang sinabi ni Jongdae. Naging kaabang-abang na rin kasi ang mga pangyayari para sa kanilang lahat.

 

Yung kaklase nilang si Taejoon ‘yung catcher ng team. Iba’t-ibang section kasi ang magkakampi, iisang level, kaya ito ang pinag-initan ng mga mata ni Jongdae hanggang sa may masulyapan ito.

 

“Huy, Baekhyun!” Talagang inabot nito si Baekhyun na medyo natetense na rin. 

 

Parang normal naman kasi ‘yon na kapag kayo ‘yung ahead na year level, parang apak pride kapag natalo sa mas mga nakakabata.

 

“Huy!”

 

“Ano ba?!”

 

Nasa gitna nilang dalawa si Kyungsoo na pinagsisisihang doon siya umupo. Konti nalang, makikipagpalit na ito.

 

“Diba ayun ‘yung crush mo?” Tapos ay may itinuro ito sa mga players. “Yung third year na crush mo!”

 

Nakita naman kaagad ni Baekhyun ang tinutukoy ng kaibigan. Si Chanyeol Park. Ang pitcher ng kalaban nilang team.

 

“Hoy!” Pagdedeny ni Baekhyun. “Dati lang ‘yon! Last year pa. Mag-move on ka.”

 

“But now is not the time to move on. Gumawa ka ng paraan para manalo tayo!”

 

Baekhyun frowns. Ano bang pinagsasasabi ni Jongdae? “Hindi naman ako kasali sa game nila. Gutom ka ba?” 

 

“Alam ko! Pero hindi ko naman sinabing sumali ka sa kanila.” Yumuko ito upang walang makarinig na ibang tao bukod sa kanilang magkakaibigan. Nakikichismis na rin si Junmyeon sa tabi ni Baekhyun.

 

Nagkakandahaba ang leeg ni Jongdae para lang maiparating ang gustong sabihin.

 

“Idistract mo ‘yung Chanyeol! Kailangan ‘yung tipong hindi na siya makakapaglaro nang maayos!”

 

Halos batukan ni Baekhyun si Jongdae dahil sa narinig. 

 

“Loko ka ba? Paano ko naman gagawin ‘yon?”

 

Bago pa makasagot si Jongdae, may nagsalita mula sa likuran nila.

 

Kahit ano palang paghina ng boses ang gawin ni Jongdae, maririnig at maririnig pa rin talaga. Bukod sa naturally ay malakas ang boses nito, chismoso’t chismosa rin kasi ang mga kaklase nila.

 

Halos lahat sa section nila ay alam na dating crush ni Baekhyun ang pitcher na si Chanyeol Park kaya naman nang marinig ang ideya ni Jongdae ay hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at kaagad nag-agree sa huli

 

“Oo nga, Baek! Para champion na tayo!” Ang sabi ni Minhyun, isa sa mga kaklase nila. “Gusto mo bang last year na natin dito tapos matatalo pa? Pangit na memory ‘yon!”

 

“Oo nga.” Pagsang-ayon ng iba.

 

Yung inaasahan ni Baekhyun na mga kakampi sa kanya, sina Junmyeon at Kyungsoo na pinagigitnaan siya ay nakisali na rin. “There’s no harm in trying.”

 

Wala na. Naipit na si Baekhyun. Nakisali na ang halos lahat.

 

“Ano namang gagawin ko?! Tumakbo ako papunta ron at halikan ‘yang pitcher na ‘yan?”

 

“Ang advance mo naman!” Siniko siya ni Junmyeon sa braso. “Halik agad? Agad-agad talaga?”

 

“Syempre, crush niya!” Panunukso ng mga kaklase nila.

 

“Dati lang ‘yon!” Pag-deny ni Baekhyun. “Sige nga, sige. Crucial na oh. Paano? Sabihin niyo sakin kung paano gagawin. Diba? Wala naman din kayong mga maisip? So, huwag nalang. Tanggapin nalang natin na natatalo na talaga—”

 

Hindi niya natuloy ang sinasabi dahil mabilis gumana ang brilliant mind ni Jongdae. Brilliant pagdating sa kalokohan.

 

“Sumigaw ka.”

 

“Ng?” Curious na tanong niya. “Tingin mo kapag tumili ako rito, madidistract na ‘yan?”

 

“Hindi ko naman sinabing ayun ang gawin mo! Magkaiba ang sigaw sa tili!” Ang sagot ni Jongdae. “Magconfess ka! Isigaw mo sa lahat na patay na patay ka sa kanya!”

 

“No way!” Ang sagot ni Baekhyun pero pinagkaisahan na siya. 

 

Para bang may komosyon na sa side ng section nila. Imbes na ang i-cheer ay ‘yung mga player ng team nila, si Baekhyun ang pinagkaabalahan. Ang sabi pa nga ni Jongdae siya raw ang pag-asa ng batch nila .

 

Nacucurious na ‘yung mga nakakapansin dahil medyo agaw eksena. Mabuti nalang at ang iniisip ng adviser nila ay nagkakagulo lang sila sa pag-cheer dahil kung sakaling mapansin ang plano nila, baka pagalitan sila.

 

“Sige, Baek.” Ang sabi ni Jongdae. “Tapos upo ka nalang agad para di niya makita.”

 

“Anong hindi agad makita? Ang lapit-lapit natin sa diamond field at malamang kakalat ‘yan. Gagawan mo pa akong issue.”

 

Sumimangot si Jongdae pati na ang iba. May mga nagsabi pang, “Ito talaga si Baekhyun, ang KJ.”

 

Wow, ha? Siya pa ang naging KJ.

 

“Baka ayaw kasi totoong may crush.” Biglang sabi ni Kyungsoo na sinang-ayunan ng lahat.

 

“Ano?”

 

“Defensive ka.” Kyungsoo shrugs. “Kaya ayaw mo kasi hindi ka pa talaga nakakamove-on.”

 

Napapangiwi si Baekhyun. Move on? Crush lang ‘yon at sobrang saglit lang. 

 

Napairap siya. Ang ayaw niya sa lahat ay ‘yung sinasabing may hindi siya kayang gawin. Excuse me?

 

“Fine.” He says at nagsigawan ‘yung mga kaklase niya.

 

“Huy, guys! Sshh!” Pagsaway ni Junmyeon. “Moment niya ‘to.” Excited na sabi nito habang nakikipag-apir naman si Kyungsoo kay Jongdae nang pasimple. Nag-bulungan kasi sila kanina upang mapapayag si Baekhyun.

 

Effective naman. Alam nilang hinding-hindi ito papayag na maapakan ang pride niya.

 

“Ito na!” Ang sabi ni Jongdae na akala mo ba’y nasa loob lang ng sinehan at magpplay na ang movie-ng sinadya roon.

 

Baekhyun bit his lower lip before exhaling. 

 

Gagawin niya ‘to dahil hindi naman totoo. Kung totoo, hindi niya magagawa. Kaya niya kayang gawin dahil hindi nga totoo. 

 

Naghintay lang siya ng tamang pagkakataon dahil nga kailangang maidistract ni Chanyeol. Kanina pa nila napapansin kasi ang bawat bato nito. Puro surveball. Saktong-sakto lagi papunta sa catcher. Para bang professional ang naglalaro kaya sinakto ni Baekhyun tumayo nang muli nang titira si Chanyeol.

 

Hindi siya na sabihin ng mga kaibigan niyang crush niya pa rin ito, isa pa, ayaw niya rin namang matalo sila. Last inning na. Dito na malalaman kung sino ang mananalo. 

 

He clears his throat. Sinigurado niyang maaagaw niya talaga ang atensyon nito.

 

Kung palakasan lang naman ng boses ang usapan, panalo na si ni Jongdae dyan. Suki kaya sila sa pagalit ng mga teachers dahil sa kadaldalan.

 

Muli siyang huminga nang malalim bago isuko ang dignidad niya ngayong araw. “Go, Chanyeol! Galingan mo!” He shouts at the top of his lungs. Tutal, nakagawa na rin naman siya ng eksena, nilubos-lubos na niya para talaga madistract si Chanyeol. Saktong tumingin ito sa kanya. Their eyes met at cue niya na ‘yon para ituro ito sabay sigaw pang, “Crush ko ‘yan!”

 

Kitang-kita at ng lahat ang naging reaksyon ng player na sinigawan.

 

Natawa si Chanyeol at dahil doon ay nagtilian ang mga kaibigan at kaklase ni Baekhyun dahil sa naging reaksyon nito.

 

Nginitian pa kasi siya bago ibato ang bola and once again, it is a success pero hindi na ‘yon napansin nila Jongdae kasi sobra na silang kinikilig. 

 

Baekhyun smiled back at diretsong naupo na parang walang nangyari, taas noo pa rin ito habang pinagkakaguluhan ng mga kaklase niya at iba nilang batchmates. May mga kaibigan din kasi sila mula sa ibang section. 

 

“Huy, grabe ‘yon! Sandali kinilig ako! Tumingin siya rito! Ngumiti siya sayo!” Parang bulateng inaasinan si Jongdae dahil sa sobrang kilig. Kawawang-kawawa na si Kyungsoo na pinagyuyugyog nito na surprisingly hindi nagagalit at tumatawa lang dahil pati ito ay kinikilig. Syempre, si Junmyeon din.

 

Dinumog na talaga si Baekhyun. Biglang nawala ang focus nila sa game. Wala ng pakialam kahit natatalo na sila. 

 

Sorry nalang sa batchmates nila pero si Baekhyun ang panalo ngayong araw.

 

“Kuya Baek!” Meron namang mga nanggaling pa mula sa likod since nasa bandang harap nga sila Baekhyun. Hindi niya kilala kung sino ang mga ‘yon so he assumes na lower level, lalo pa Kuya ang tinawag. 

 

Wow, sikat din pala siya.

 

“Crush mo po ‘yon si Chanyeol?” 

 

Kung hindi kabatch lang, siguro ay mga kaklase ni Chanyeol. Junior kasi si Chanyeol. He’s ahead ng isang taon.

 

“Hindi ah. Dati lang ‘yon.” Mabilis naman niyang sagot. Sabay-sabay nag- weh ang mga kaklase niya kasi kalat sa batch nila noong nagkacrush si Baekhyun dati kay Chanyeol.

 

Sikat na kasi talaga ang huli ever since. Parang expected naman na talaga sa isang good-looking varsity player na maging sikat sa paaralan.

 

Sino bang hindi?

 

Kaya nakilala ito ni Baekhyun. Isa siya sa mga nangungunang manood ng intrams kapag naglalaro si Chanyeol pero tapos na siya sa phase na ‘yon. Kaya nga siya hindi nanood kanina, eh. Kasi nga moved on na siya.

 

Wala rin naman sila dapat doon kung hindi lang tinawag ng kaklase nilang si Jenna at para sa attendance na rin.

 

“Hindi ko nga siya crush! Kaya ko ginawa ‘yon kasi sabi niyo magagawa ko kung hindi na, diba?” Tumaas ang boses niya na ikinatawa lang ng mga nakarinig.

 

“Eh, bakit defensive ka?”

 

“Kapag hindi ko gawin, defensive ako. Ngayong nagawa ko na, defensive pa rin?” Ang sagot niya kay Junmyeon na nagkibit balikat.

 

“Tunog defensive ka kasi, friend. Huwag masyadong high blood. Sige ka. Mainit pa naman.”

 

He makes a face. Natawa ang mga kasama niya at naagaw lang ang atensyon nilang muli nang magsigawan ‘yung mga nasa kabilang side. Lower year ‘yung nandoon. 

 

Malinaw na malinaw ang resulta. Talo ang seniors. Napakamot nalang sa ulo ‘yung kaklase nilang si Taejoon. 

 

“Sayang, hindi pa rin nadistract si pogi.” Sabi ni Jongdae habang paalis sila ng field. Nagsitayuan na kasi matapos ‘non. Sa last day pa ang awarding at ano pa bang aabangan nila?

 

Katulad nga ng sabi kanina, baseball ang kumbaga biggest game nila rito kaya kahit panalo pa ang batch nila sa ibang sports, malaking kawalan pa rin kasi talo sila sa baseball.

 

Nakakapanghinayang lang. Lahat naman ay gustong manalo.

 

“Hindi ka siguro type ‘non kaya hindi nadistract.” Ang sabi naman ni Junmyeon. “Sayang.”

 

Umismid naman si Baekhyun. Ano ngayon kung hindi siya type ni Chanyeol? Hindi na rin naman niya gusto ‘yon. Sus, simpleng crush lang naman ‘yung dati. Marami naman siyang naging crush.

 

Chanyeol is not special.

 

“So what?” Ang sagot niya habang taas noong naglalakad. “Hindi ko rin naman siya type.”

 

“Hindi type pero naging crush. May ganun ba?”

 

“Eh, kung tinatahimik mo ang bibig mo.”

 

Jongdae acts as if he is zipping his mouth. Natawa si Kyungsoo. “Ano? Sasagot ka pa? Galit na ‘yan.”

 

“Magbiro ka na sa lasing at bagong gising..” Ang sagot ni Jongdae na umiiling. “Huwag lang sa taong kinoconvince ang sarili niyang he has moved on.”

 

Narinig ni Baekhyun pero hindi nalang niya pinansin kasi parang tanga lang itong mga kaibigan niya. Crush lang naman ‘yon. Akala mo naman ay mag- ex sila ni Chanyeol. 

 

And speaking of ex and Chanyeol in one sentence, may nakasalubong silang grupo, mga babae at lalaki na ang sama ng tingin sa kanya. Napansin ‘yon ni Jongdae at kung wala lang sila sa school ay pinatulan na sila ni Jongdae.

 

Actually, hindi naman sa pagiging chismoso at stalker or whatever pero ang alam kasi ni Baekhyun ay ‘yung isa ron, Mackenyu ang pangalan, ‘yung naging ka- eme ni Chanyeol.

 

Ka- eme means ka- something. Hindi official naging sila. M.U. lang. Since sikat nga si Chanyeol ay kumalat ‘yon so kung hindi naman pala sila mag-ex or whatever , bakit nagmamaganda itong Macken na ‘to? 

 

Umismid siya at nilagpasan na nila ang mga ito na hindi pa rin siya inaalisan ng tingin. If only looks could kill. Ni hindi nga niya kilala ang mga ito, ‘yung Mackenyu lang dahil sumikat ang pangalan nito because of Chanyeol. Isa pa, mga nakakabata ‘yon sa kanila. Akala mo naman talaga mga papalag.

 

At sorry kasi hindi si Baekhyun ‘yung tipo na makikisangkot sa isang eskandalo. Lalo na for a very shallow reason? No, thanks.

 

Payapa na ang isip ni Baekhyun kahit pa patuloy pa rin ang mga kaibigan niya sa pang-aasar sa kanya. Akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya hanggang sa may nagsigawan sa likuran nila, ‘yung sigaw na ang saya-saya at nagcecelebrate kaya napahinto sila at naabutan sila ng mga ito.

 

Yung mga players pala ng kalabang team. In short, sila Chanyeol.

 

Umakto ng normal si Baekhyun. Wala lang, kasi wala lang naman talaga. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Nakatingin si Chanyeol sa kanya na sinisiko ng mga kaibigan at binubulungan ng, “Uy, diba ‘yan ‘yung may crush daw sayo?” at “Yeol, si Baekhyun oh.”

 

Hindi marunong maghina ng volume ang mga kaibigan ni Chanyeol. Narinig ‘yon nila Baekhyun pero syempre tulad kanina, wala lang ulit para sa kanya. Diretso pa nga niyang tinignan ang mga ‘to with a straight face, talagang pinapakita niyang hindi siya apektado dahil una sa lahat, hindi naman talaga .

 

Nginitian siya ni Chanyeol at tinaasan niya naman ito ng dalawang kilay to show na he acknowledged the younger. 

 

Ganun talaga ang mga reaksyon. Tulad nga ng sinabi ni Jongdae nang makita ang tinginan nila, “Ganda siya.” Walang papalag don. Dagdag pang may suot pa itong red na telang headband. 

 

Hindi na niya tinignan pa nang matagal si Chanyeol at nauna nang umalis kaysa sa mga kaibigan niya. Sumunod naman ang mga ito at habang papalayo sila Baekhyun ay tinanggal na rin ni Chanyeol ang headband na sinuot sa kanya ng mga kaklase niya after the game.

 

Mainit kasi. Napapawisan lang. Tho, mas nakadagdag ‘yon sa looks niya.

 

“Crush pala, eh.” Hindi pa rin matapos na pangangatyaw ni Sehun.

 

Napailing siya bago inakbayan si Jongin na nasa kabilang side. May bat pa siyang dala sa isang kamay. 

 

Hindi siya nagsalita tungkol sa sinabi ni Sehun pero hindi naman ibig sabihin ‘non ay wala siyang reaksyon.

 

Ang cute ni little red riding hood.









Kinahapunan ng araw na ‘yon, sabay-sabay na umuwi si Baekhyun at ang mga kaibigan niya. Dumaan pa muna sila ng ministop at bumili si Jongdae ng pizza kariman. Sinabihan pa nito si Kyungsoo na bumili rin daw para hindi lang ito ang gagastos. Nilait naman ni Kyungsoo ang matigas daw na tinapay na sa gitna lang ang laman.

 

“Ang sama mo, baka marinig ka nung sa cashier.”

 

Nag-ice cream nalang ito along with Junmyeon and Baekhyun. Naupo sila sa pang-apat na mesa. Sakto.

 

“Parang tinatamad na akong umattend bukas.”

 

“Awarding na. Doon ka pa tatamarin. Sayang naman ‘yung naipon mong points.” Ang sagot ni Junmyeon kay Baekhyun.

 

“Kaya nga. Baka naman hindi ka talaga tinatamad. Nahihiya ka lang kasi instant sumikat ka kanina.”

 

“Nahihiya?” He rolls his eyes. “Kanino naman? Doon? Kay Chanyeol?” He shakes his head and continues to lick his ice cream. “Never in this lifetime.”

 

“Ang taray ng sagot ha? Parang hindi naging crush.”

 

“Magmove-on na kayo, seriously. It was just a happy crush.” Ang sabi niya. “Hindi rin naman siya kagwapuhan para pagtuunan ng pansin.” 

 

Saktong pagkasabi ‘non ni Baekhyun, tumunog ang pinto, simbolo na may lumabas o pumasok pero this time ay ‘yung huli ang nangyari.

 

Muntik pang mabilaukan si Jongdae. “Sila Chanyeol!” Ang lakas ng pagkakasabi nito kaya hindi na nagtaka ang tatlo na naagaw nila ang atensyon ng mga nakakabata. 

 

Kumaway ito. Yung friendly na kaway at hindi ‘yung parang feel na feel ang kasikatan. Jongdae waved back. Ngumiti lang sina Kyungsoo at Junmyeon. Kasama ni Chanyeol ang dalawang kaibigan. If Baekhyun is not mistaken, their names are Sehun and Jongin.

 

Hindi naman niya ito pinansin, tinignan lang, unlike ng mga kaibigan niyang inacknowledged ang presence nila Chanyeol.

 

“Ang taray mo ron ah?”

 

“Pag ganon mataray agad, eh hindi naman kami close. Diba normal naman ‘yon? Or sayo hindi, Mr. Congeniality.

 

“Sus, ito naman. Eh, parang applicable lang ‘yan sa mga wala pa talagang interaction. Oh, don’t try telling us na wala. Yung ginawa mo kanina.”

 

“As if ginawa ko ‘yon dahil gusto ko.. Sino ba nagsabi?” 

 

Bago pa masabi ni Jongdae na kung ayaw talaga ay hindi gagawin kahit anong pilit pa nila, may nagsalita sa likuran ni Baekhyun.

 

“Excuse me lang po.”

 

Malalim ang boses. Hindi sobra pero for a high school student, parang medyo mature na. 

 

It’s Chanyeol, na may hawak na toppers at Pepsi in can sa kamay.

 

Nakadikit kasi ang upuan ni Baekhyun sa bakanteng mesa na tabi nung kanila, sa likuran niya to be exact. Typical na masikip na pwestuhan sa isang convenience store.

 

Umurong si Baekhyun pero hindi pa rin talaga makadaan si Chanyeol.

 

“Hindi po kasya ‘yung legs ko. Pwede po paurong pa?” Malumanay ang tono nito. 

 

Poker face pa rin si Baekhyun na sinusunod ang bawat sinasabi nito habang hindi mapigilan ng mga kasama niyang mapangiti.

 

Bakit ba, eh, sa kinikilig sila? Paganda kasi itong kaibigan nila. Kitang-kita ‘yon sa ikinikilos ni Baekhyun.

 

“Ayan?” Ang tanong niya sabay lingon pataas kay Chanyeol na nasa likuran niya’t nakatayo pa rin. “Okay ka na dyan?” Hindi naman niya intensyon kaya lang naging mataray ang tono niya. 

 

The younger nods. “Okay na po. Salamat po.” Ang sagot nito tapos ay naupo na. Sa wakas kasya na ‘yung legs niya.

 

Nasa kabilang side sa harap ni Chanyeol nakapwesto sina Sehun at Jongin. Sinadya talaga ng mga ito.

 

“Ayos ka na dyan, Yeol?” Malakas na tanong ni Sehun. “Mukhang nasisikipan ka pa, eh. Lipat nalang kaya tayo.”

 

“San naman tayo lilipat? Walang ibang pwesto. Gutom na ‘yan si Chanyeol. Di pa naglalunch ‘yan, diba, Yeol?”

 

Napapairap naman si Baekhyun sa naririnig. He stands up. Tumama pa nga ‘yung sandalan ng upuan niya sa likuran ni Chanyeol. Napa- Oh ito. He didn’t bother apologizing. 

 

“Ano kayo? Hindi pa kayo uuwi?” Ang tanong niya sa mga kaibigan niya. “ Ikaw, Jongdae?” Sila kasi ni Jongdae ang sabay since iisang jeep lang ang sasakyan nila. 

 

Sakto rin namang ubos na ang mga kinakain nila.

 

“Tinatamad pa ako. Uutusan lang ako don sa bahay.”

 

“Sus, akala mo naman sinusunod mo. Sabi nga ni tita palagi kang pagod sa school.” Junmyeon says. Close kasi sila sa magulang ng isa’t-isa. “Awang-awa sayo. Mukhang lagi raw maraming ginagawa sa school.”

 

Kyungsoo agrees. “Ang hindi alam ng nanay mo, patawa-tawa ka lang naman sa eskwelahan.”

 

“Parang kayo hindi ah!”

 

Para talagang nakaspeaker volume palagi si Jongdae.

 

Baekhyun sighs. “Ano? Mauna na ako. Bahala kayo.”

 

“Baek, bat ka ba kasi nagmamadali?” Jongdae asks at dahil umiiral ang pagiging maldito ni Baekhyun, sinagot niya ito. “Eh, kasi pampasikip lang tayo dito. Nakakahiya sa mga kumakain. Wala tayong karapatan dahil ice cream at kariman lang ang binili natin. Pwede lang dito ‘yung mga bumili ng rice meals.”

 

Napatigil sa pagkain ‘yung tatlo, sina Sehun, Jongin, at Chanyeol. Hindi naman sila tanga. Alam nilang sila ‘yung pinariringgan.

 

Jongin scratches his nape. “Kuya, wala naman kaming sinasabing ganyan—”

 

Baekhyun promptly looks at them. “Baekhyun. Hindi pa ako ganun katanda.”

 

“Okay, sorry, Baekhyun.” Ang sabi ni Jongin. “Pero hindi naman ‘yon ang ibig sabihin namin. Wala kaming sinasabing ganun.”

 

“Sinabi ko ba na sabi niyo? Narinig mo ba akong nagsabi ng according to the juniors… wala naman diba?” 

 

Hindi nakasagot si Jongin. Grabe, ang taray.

 

“Wala. Sabi ko nga.” Ang sabi na lang nito tapos ay nagpatuloy na sa pagkain.

 

Tumayo naman na ang mga kaibigan ni Baekhyun bago kung saan pa mapunta ang usapan.

 

“Tara na nga. Ang init ng ulo mo, eh.” Jongdae says at inakbayan siya pero bago pa nito maitalikod ang kaibigan, nagkatinginan pa muna sina Baekhyun at Chanyeol.

 

The latter took the chance and mouthed, “Sorry.”

 

Hindi nalang niya pinansin. For what? Hindi naman kasi talaga siya nagpaparinig.

 

Sabing hindi nga kasi.








Kinabukasan sa awarding, kanya-kanyang dala ng pagkain sina Baekhyun. Makiki-award lang naman sila kasi wala silang sport. Meron sa section nila ang nanalo sa swimming at ‘yung isa naman nilang kaibigan from other section na si Yixing ay champion ng chess kaya makikicelebrate nalang sila.

 

Sobrang saya ng juniors for winning baseball. Napapangiwi nalang sila lalong-lalo na si Baekhyun dahil bukod sa hindi na nga sila nanalo last year, natalo sila ng higher level ng batch nila, pinag-uusapan pa ng mga tao ang ginawa niya kahapon. Well, hindi naman siya apektado pero nakakaewan pa rin sa pakiramdam, hindi niya maintindihan. Hindi siya nahihiya o ano. Siguro ang sama lang sa loob niya na nag-effort pa siyang sumigaw-sigaw at mang-agaw ng eksena tapos ay hindi pa rin sila nanalo.

 

Nagfi-feeling tuloy ang Chanyeol na ‘yon. Oo nga, hindi nito sinasabi at hindi rin nagpapapansin sa kanya pero malakas ang kutob niyang nagfifeeling si Chanyeol.

 

Sigurado siya ron. Halata din naman sa kinikilos ng mga kaibigan. Pasimple pa sila. Kahapon sa ministop, sus, alam na alam niya ‘yung ganoong galawan.

 

G̶a̶w̶a̶i̶n̶ ̶n̶i̶y̶a̶ ̶'̶y̶o̶n̶.

 

Nagpatuloy nalang siya sa pag-ngata ng ice candy na unti-unting natutunaw. Boring tuloy ng last intrams nila.

 

“Puntahan natin si Yixing!” Junmyeon says nang makita ang kaibigan nila. Nagsisunuran naman sila to take a picture with their friend. Nakisuyo sila sa isang kaklase nito at pinag-agawan ang medal. 

 

Sinuot nila ‘yon apat isa-isa. Ayos lang naman kay Yixing. He knows wala siyang magagawa.

 

Palabas sila ng gym kasi ang init-init at wala naman na silang iba pang gagawin doon nang may tumawag kay Baekhyun. Siya lang ang tinawag pero pati mga kaibigan niya ay nagsilingon.

 

Yung iba ‘yon sa mga kabatch nila.

 

“Bakit?” Baekhyun asks, finishing his ice candy pop.

 

Lumapit sa kanya ang isa, si Sooyoung, at kumapit pa sa braso niya. Medyo ka-close naman kasi niya ‘yon. Both of them were from the same elementary school. “Picture kayo ni Park Pitcher!” Ang sabi nito na sinang-ayunan ng iba pang kasama.

 

So ayun pala ang dahilan? No way.

 

“Ayoko nga!” 

 

“Dali na, Baek!” Ayan na nga. Nakakuha na ng ideya sila Jongdae. “May naisip din maganda ‘tong si Sooyoung.” Pang-aasar ni Jongdae. Nagmake face lang ang babae.

 

“Ayoko.” Baekhyun answers firmly pero hinila na siya ng mga kaibigan at iba nilang kaklase. 

 

“Huy, ayoko nga! Ano ba kasi ‘yan!” Pero wala na siyang nagawa nang itinulak siya ng mga ito sa isang likuran ng tao. Nagulat din ito. Sabay silang humarap sa isa’t-isa at kaagad niyang inayos ang damit sabay sabing, “Sorry” at umiwas ng tingin. 

 

Akmang aalis na siya nang hilahin siya ni Kyungsoo sa braso and Jongdae did the talking.

 

“Hi, Chanyeol! Chanyeol, right?” Tumango naman ang bida ng Sportsfest 2020. “Pwede kayo mag-picture nitong kaibigan kong si Baekhyun?”

 

Pinanlakihan ni Baekhyun ng mga mata si Jongdae. Hindi siya makaalis gustuhin man niya dahil n̶a̶p̶a̶p̶a̶p̶i̶g̶i̶l̶ ̶t̶a̶l̶a̶g̶a̶ ̶s̶i̶y̶a̶  mahigpit ang hawak sa kanya nina Junmyeon at Kyungsoo. Akala mo’y kriminal siyang may ginawang kalokohan.

 

Jusko, wala po siyang ninanakaw. 

 

Pero hindi tumalab ang pagbabanta niya. Lagot talaga itong tatlo sa kanya mamaya.

 

“Opo, bakit naman po hindi?” Ang sagot naman ni Chanyeol.

 

Halatang kinilig ang lahat. Kinunot ni Baekhyun ang noo niya. “Hindi, nagbibiro lang sila. Hindi tayo magpipicture.” Pero saktong pagkasabi niya ‘non ay hinila siya ni Junmyeon at tinulak sa dibdib ni Chanyeol.

 

Walanghiya.

 

“Ayan. Ang cute! Ang tangkad mo pala masyado, Chanyeol.”

 

Tinapatan na sila ng camera at wala ng nagawa si Baekhyun. Baka isipin pa ni Chanyeol ay nagpapabebe siya, edi mas lalong aakalain nito na may gusto siya.

 

Excuse me?

 

May konting space sa pagitan nila. Nasa bandang likod niya si Chanyeol at ang mga kamay nito ay nasa likuran din. 

 

They both smiled at the camera. Tipid na tipid ‘yung kanya habang labas naman ang dimple ni Chanyeol. 

 

“Oh, isa pa!” Sabi ni Sooyoung sa gilid. “Akbayan mo naman, Chanyeol.”

 

Hindi pa nakakapagsalita si Baekhyun ay naunahan na siya ni Chanyeol. 

 

“Okay lang po ba?”

 

Si Jongdae na ang sumagot, “Okay lang ‘yan, jusko. Bat naman hindi?” At ito na mismo ang naglagay ng braso ni Chanyeol sa balikat ni Baekhyun.

 

“Ayan! Perfect!” 

 

Bumuntong hininga si Baekhyun at muling ngumiti sa camera. Mabuti at wala ng sumunod dahil hindi na talaga siya makakapayag.

 

“Okay na? Happy na kayo?” He asks at lumayo kay Chanyeol. Ni hindi man lang niya ito kinausap at tumalikod na kaagad. Hindi niya tuloy nakita kung paano siya nito sinundan ng tingin habang tinutukso ng mga kaibigan sa pangunguna ng dalawang best friend na sina Sehun at Jongin.

 

“Ito naman ang sungit-sungit. Bagay kaya kayo. Sesend ko ‘yung picture sayo!” 

 

Ngayon kasi ay allowed silang magdala ng cellphone since awarding at half day lang sila kaya freely nailalabas ang cellphone.

 

“Kahit huwag na. Hindi ko naman gustong makita.” Baekhyun says, labas sa ilong.













After that day, back to normal na ang lahat. Tapos na ang maliligayang araw ng mga estudyante. May klase nanaman. 

 

It is just a typical day at school except that Baekhyun can tell that something has changed. Ano ‘yon? Ang tinginan ng mga tao sa kanya. Hindi siya jinajudge or what. Hindi lang niya alam kung saan ilalagay. Is it positive or negative? He really can’t tell. 

 

Paano ba naman kasi, sa tuwing may mga nakakasalubong siyang he is sure na present that day sa diamond field, nakakatanggap siya ng isang meaningful na ngiti.

 

Seriously? Ganoon ba ka-big deal?

 

Dumiretso na siya sa classroom nila. Please lang, ang aga pa. Sana ay tigilan na siya ng mga tao.

 

Naupo na siya sa proper seat niya at sinubsob doon ang mukha. Inaantok pa siya. Hindi talaga siya morning person kaya ayaw niyang kinukulit siya sa umaga pero may exemption. Ayun ay walang iba kundi si Jongdae na ang aga-aga pa ay ang daldal daldal na.

 

“Grabe, nastress ako sa jeep. Ayaw ibigay ni kuya ‘yung sukli ko. Nakailang sigaw ako.” Hindi siya nagsasalita pero nakikinig siya. Hindi sila magkatabi sa seating arrangement pero madalas ay lumilipat si Jongdae kapag hindi strict ang teacher dahil mas masarap makipagdaldalan kaysa makinig. “50 ‘yung binigay ko, eh. Sayang ang 40 ko kung hindi ako nagpaulit-ulit.”

 

Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy naman si Jongdae sa pagdaldal about random things hanggang sa dumating na sina Kyungsoo at Junmyeon at ang mga ito ang dinaldal hanggang sa dumating ang teacher nila for the first subject na English.

 

Nothing special. Normal na pangyayari until mag-break time. May mga naiwan sa classroom. Lumabas ang grupo ni Baekhyun. Papunta silang canteen habang nagkukwentuhan nang may makasalubong.

 

Sila Chanyeol . Inaasar nanaman ang huli ng mga kaibigan. May hawak pang chichirya si Sehun sa isang kamay. Sinisiko nito si Chanyeol.

 

“Yan nanaman ‘yung may crush sayo, Yeol.” Ang sabi nito.

 

Hindi naman nagpapahalata si Chanyeol. Tatarayan nanaman kasi siya ni Baekhyun.

 

Oo, kilala niya ito. Hindi man niya ito kasing sikat sa eskwelahan, kilala naman niya si Baekhyun. Malaking contribution ng mutual friends sa Facebook, tho they are not friends.

 

He reminds himself to add Baekhyun. Wala namang masama. They are schoolmates.

 

Dumaan na sila. Masyadong maluwag ang corridor. Malaya silang nakagalaw pero bago niya ito malagpasan ay nasanggi na siya.

 

Kitang-kita niyang bahagya itong tinulak ng isang kaibigan.

 

“Sorry.” Ang sabi ni Baekhyun sa kanya tapos ay nagmadali nang lumayo at nilapitan ang kaibigang Jongdae ang pangalan at saka ito mahinang pinagsusuntok sa braso. Narinig niya pang nagmura ito. “Gago ka!”

 

Natatawang nilapitan siya ni Jongin na may dalang C2 red. “Patay na patay ‘yun sayo, ‘no?”

 

“Inaasar lang ng mga kaibigan niya.”

 

“Sa kanya na mismo nanggaling ‘nung intrams. Crush ka niya.”

 

“Malay niyo dare lang.” Ang sagot niya habang papasok sila sa classroom.

 

“Engot.” Ang sabi ni Sehun. “Gusto ‘non magpapansin sayo. Baka nga inutusan pa ang mga kaibigan niyang magpicture kayo.” 

 

Nagkibit balikat lang siya at naupo na. Malapit nang matapos ang break nila. Nauuna kasi ang lower levels kaya kalalabas lang nila Baekhyun. “Okay lang. Cute naman siya, eh.

 

Nagkatinginan sina Sehun at Jongin sabay sabing, “Gusto rin pala.” 

 

Tagal nilang hindi narinig ‘yon mula kay Chanyeol na hindi na lang kumibo.














15 minutes after that, naglalakad na sila Baekhyun pabalik sa classroom at hindi niya naiwasang sumulyap nang madaanan ang classroom nila Chanyeol.

 

Alam niyang ‘yun ‘yon. Dati-rati niyang sinisilip si Chanyeol mula ron. Open kasi ang bintana.

 

Nakita niya itong nagsusulat sa notebook. May teacher sa harap.

 

Hindi niya namalayang nangingiti pala siya habang naglalakad sila kung hindi lang ‘yon napansin ni Jongdae. Ang talas talaga ng mata at tenga.

 

“Gusto rin pala. Pakipot ka talaga.”

 

Kaagad naging seryoso ang mukha niya. “Anong sinasabi mo dyan?” then binilisan na niya ang paglalakad. 












Kinahapunan ng araw na ‘yon, naiwan si Chanyeol along with his other classmates dahil isa siya sa mga cleaners. Usually tumatakas siya kaso nandoon pa ang adviser nila kaya wala no choice. Malas kasi natapat na wala itong meeting ngayong araw sa oras ng tapos ng klase. Inaantay siya nila Jongin at Sehun sa labas.

 

May nagbubura na ng mga sulat sa board at nag-aayos ng upuan. Isa na lang ang hindi pa nagagawa. Pumunta siya sa likod ng pintuan at nakitang wala doon ang walis kaya tinanong niya ang adviser nila.

 

“Ay, may humiram sa 4th year kahapon.” Ang sabi nito. “Hindi talaga marunong magsauli ang mga ‘yon. Paki-kuha mo nalang nga.”

 

Nautusan pa nga. “Anong section, ma’am?” 

 

“Hindi ko maalala, iho.” Ang sagot naman nito. “Pakitanong-tanong mo nalang sa taas.”

 

Walang nagawa si Chanyeol. Kung pwede lang niyang itakbo na ‘yung bag niya tapos hindi na bumalik pero lagot siya. Minsan na niya ‘yon ginawa. Pinadala niya kela Sehun ang bag niya kaya ang ginawa ng adviser nila ngayon ay pinalagay ang mga bag ng cleaners sa tabi ng teacher’s table at makukuha lang kapag maayos nang iiwan ang classroom.

 

Wise.

 

“San punta?” Tanong ni Sehun nang makitang lumabas si Chanyeol. Nakikipagkwentuhan ito sa iba nilang mga kaibigan kasama si Jongin. Marami talagang pakalat-kalat sa corridor kapag uwian na.

 

“Hihiram ng walis.” Ang sagot niya tapos ay pumanhik na sa taas.

 

Malapit kasi sa hagdanan ang classroom nila. The higher the year level, the higher the floor level.

 

Apat ang section kada year level kay nag-umpisa siya sa pinakamalapit. May gumagamit ng walis sa classroom na una niyang pinagtanungan. Nasungitan pa nga siya ng teacher na nandoon at sinabing hindi raw sila nanghihiram ng walis. Meron daw silang sarili.

 

Grabe, nagtatanong lang naman siya.

 

Sa pangalawa ay ganoon din. Hindi naman nagalit pero pinakita sa kanya ang section na nakasulat sa walis gamit ang marker kaya pumunta na siya sa sunod na classroom at nakitang hindi pa pala nagdidismiss doon. Mukhang may inaannounce pa ang adviser. Hindi niya alam kung matatagalan ba kung sakaling antayin niyang matapos kaya kumatok nalang siya kahit bukas naman ang pinto, normal na ‘yon sa kanila para presko dahil hindi airconditioned, at nag-excuse.

 

“Yes, iho? Anong kailangan?” Ang tanong ng teacher. Kilala niya ‘yon. Teacher nila sa Math. Si Ma’am Rodriguez. Ang adviser ng 4-Jupiter. 

 

Napatingin naman ang lahat sa kanya. Sinulyapan niya rin ang mga estudyante at hindi sinasadyang mahuli si Baekhyun na nakatingin sa kanya.

 

Ngumiti na lang siya ng tipid at mabilis nang lumingon muli kay Ma’am Rodriguez.

 

“Tanong ko lang po, ma’am, kung may nanghiram po dito ng walis sa 3rd year. Sabi po kasi ni Ms. Lopez sa 4th year daw po ‘yung may nanghiram.”

 

Tumingin si Ms. Rodriguez sa klase niya.

 

“Oh, may nanghiram daw ba sa inyo?”

 

May mga umiling. Yung iba naman ay walang reaksyon kasi hindi nila alam at wala silang pakialam.

 

Naisip ni Baekhyun na sana pati ang mga kaibigan niya ganun pero hindi, eh. Nagtaas si Junmyeon ng kamay sabay sabing, “Si Baekhyun po! Kahapon!” na ikinagulat niya.

 

Actually pagkakita kay Chanyeol ay pasimple na siyang inasar ng iba sa mga kaklase niya, ‘yung mga malalapit. Nasa third row kasi siya.

 

Mabilis siyang umiling pagkatapos tignan nang masama si Junmyeon na natatawa. 

 

“Ma’am, hindi po ako cleaner kahapon.”

 

“Pero sabi nila ikaw raw ang nanghiram.” Ang sagot ni Ms. Rodriguez. Para siyang pinagkaisahan dahil halos lahat ay nag-agree sa sinabi ni Junmyeon.

 

Ang galing.

 

Alam na alam din niyang even Ms. Rodriguez ay nakikisakay lang. Mabait naman kasi ito at bagets ang ugali. Syempre, except kapag usapang academics na kasi seryoso ito. Kapag tapos naman na, para na nilang tropa. Isa pa, the teacher was present when he shouted in front of everyone that he has a crush on Chanyeol kaya mas lalo itong nakisabay.

 

“Paki-check mo nalang, Baekhyun, para madismiss ko na rin sayo at para makapaglinis na itong si Chanyeol.” Then she glances at Chanyeol. “May walis dyan sa tabi ng basurahan.”

 

“Ma’am, bakit ako?” Hindi niya napigilang tanungin. Halatang-halata kasi sila.

 

Tahimik lang naman si Chanyeol na nag-aantay.

 

“Bakit hindi ikaw? Ikaw ang gusto kong utusan.” Dinaan ni Ms. Rodriguez sa pagiging strikta kaya wala nang nagawa pa si Baekhyun kundi tumayo at lapitan ‘yung walis. 

 

Inangat niya ‘yon at nakitang hindi nga sakanila. May sulat kasi sa gilid.

 

3-Mars.

 

Kinuha na niya ‘yon at sa back door sana iaabot kay Chanyeol dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang dumaan sa front door lalo na kapag may teacher dahil para lang daw iyon sa faculty members and admin nang tawagin siya ni Ms. Rodriguez.

 

“Dito ka na, Baek. Nandito si Chanyeol. Huwag mo nang paikutin.”

 

Sasagot pa sana si Chanyeol na ayos lang naman nang tignan siya ng guro at tumango na sinasabing ayos lang.

 

Ang totoo niyan, ginawa ‘yon nito upang makita ng lahat.

 

Inabot ni Baekhyun ang walis nang hindi nagsasalita. Ni hindi rin siya nakangiti. Casual lang.

 

Well, he did his best.

 

Kaso sadyang mapang-asar ang mga kaklase niya.

 

Sumigaw si Minhyun na nasa pinakadulo. Katabi nito ang pader at nasa last row pa.

 

“Ang sungit mo naman! Ngiti ka naman dyan!”

 

Hindi niya pinansin kahit pa malakas na nag- yie ang mga kaklase niya. Pinakita niyang hindi siya apektado habang nahihiya namang kinuha na ni Chanyeol ang walis mula sa kamay niya sabay sabing, “Salamat.”

 

Nag-tama ‘yung mga daliri nila. Saglit lang ‘yon pero parang may nagkagulo sa loob ng tiyan niya.

 

Gutom lang ‘yan. He told himself.

 

Akmang babalik na siya sa pwesto nang magsalita si Ms. Rodriguez.

 

“Yan ba ‘yon? Inyo ba ‘yan, Chanyeol? Hindi man lang chineck ni Baekhyun. Basta-basta nagbibigay.”

 

“Ayan ‘yon, ma’am.” Kaagad naman siyang lumingon at sumagot. “Mars po nakalagay.”

 

At muling nagkagulo ang mga kaklase niya. Uso talaga ang loveteams sa high school at hindi maipagkakaila na mabilis sumikat ‘yung kanila.

 

All because of what he did noong intrams.  

 

“Alam na alam ‘yung section, ha?” Ang sabi ni Jenna na katabi ni Kyungsoo na tawa nang tawa.

 

Konti nalang ay uusok na ang ilong ni Baekhyun.

 

Umirap siya. He hisses at naglakad na pabalik sa upuan.

 

Awkward na napapangiti nalang si Chanyeol.

 

“Thank you po.” Ang sabi nito.

 

Tumango naman ang guro. “Thank you raw, Baekhyun.”

 

Syempre, para mapatunayang hindi siya affected kahit anong kantyaw ang gawin ng mga kaklase niya, sumagot siya without showing any emotion. “You’re welcome.”

 

Tapos ‘non ay umalis na si Chanyeol at pinagpapalo siya ng mga kaklase niya.

 

“Grabe ‘yon! Sobrang saglit lang naman ng interaction pero sobrang kinilig ako!” Ang sabi ni Jongdae na hindi niya pinansin.

 

Ano kayang nakakakilig don? Corny nila.

 

Isa pa ‘tong si Ma’am Rodriguez na pasimpleng natatawa bago tinuloy ang announcement kanina about their graduation pictorial na gaganapin next week. 

 

Ang bilis. Konting buwan nalang at gagraduate na sila.

 

Hindi na rin gaanong nagtagal pa at dinismiss na sila. As usual, iwan ang cleaners. Binitbit na ni Baekhyun ang bag at sabay-sabay silang lumabas ng mga kaibigan niya. Ganon talaga, hintayan. Mineet nila si Yixing at ang iba pa sa corridor. Marami kasi sila Baekhyun kung buong tropa ang pag-uusapan.

 

Nagkayayaan mag-merienda sa hepa lane. Ang favorite ng lahat.

 

Doon sila dumiretso pagkalabas ng gate. Hindi naman malaman ni Baekhyun ang mararamdaman nang may makita habang papalapit sila sa cart na palaging kinakainan.

 

Kung sabagay, marami naman kasi talagang nagpupunta ron. Iniisip niya lang kasi ay pauulanan nanaman siya ng tuksuhan.

 

Well, madali lang naman iignore ‘yon. Hindi naman siya affected kahit pang sabihin nila.

 

“Mukhang meron talagang pinagtatagpo ang tadhana.”

 

He pretends na hindi niya narinig si Jongdae. Tadhana? Corny. He proceeds to choose what to eat. Kumuha siya ng kwek kwek at isaw. His favorites. 

 

Nag-abot siya ng bayad sa tindero pero hindi nito kinuha.

 

“Pakibigay mo sa kanya.” Ang sabi nito tapos ay tinignan ‘yung matangkad na lalaking malapit sa kanya. “Boy, sukli mo.”

 

Pagtingin ni Baekhyun, katabi na niya pala si Chanyeol na may hawak na halo-halong fishball, kikiam, chicken and squid balls sa isang cup.

 

Inabot niya ang bente pesos kay Chanyeol pero umiling ito.

 

“Okay na po, kuya. Yung sukli ko sa kinuha na lang niya po.” Tapos ay tiningnan siya nito. “Tago mo na. Bayad na.” Dagdag pa nito bago mabilis na umalis.

 

Hindi na siya nakatanggi pa.

 

Napatingin si Baekhyun sa mga kaibigan niya at makahulugan ang mga tingin nito.

 

“Huy! Teka, Chanyeol! Hindi lang naman si Baekhyun ang senior mo rito! Baka naman!” Sigaw ni Jongdae.

 

Hindi pa rin nakakapagreact si Baekhyun.

 

Binayaran ‘yung pagkain niya? For what?

 

Nilingon ni Chanyeol ang eskandalosong si Jongdae. Kasama nitong naglalakad ang dalawang kaibigan.

 

“Next time po!” Natatawang sagot nito.

 

“Iba rin. Nilibre. Sa susunod manliligaw na ‘yon.” Komento ni Kyungsoo na may hawak na cheesesticks.

 

Baekhyun frowns. 

 

Bat naman manliligaw? Hindi naman siya gusto. If he knows, ginawa lang ‘yon ni Chanyeol dahil akala nito ay kikiligin siya. 

 

Pwes, manigas siya.

 

“Kainin mo ‘yan, ha? Baka ipaframe mo ‘yan.” Ang sabi ni Junmyeon na naging dahilan ng tawanan at lalong panunuksuhan dahil may mga hindi nakakita kaya tinanong kung ano ba ang nangyari.

 

Ang bilis talagang kumalat ng chismis.

 

Kumain na lang siya at nanahimik. Alangan namang itapon. Sayang .

 

Isa pa, kahit ano pala talaga masarap kapag libre. Hindi naman si Chanyeol ang unang beses nanlibre sa kanya pero….. ngayon niya lang ‘yon narealize.














Meanwhile, habang sinasarili ni Baekhyun ang saloobin, mahinang pinagsasapak nina Jongin at Sehun si Chanyeol na nasa gitna nilang pareho.

 

“Iba ka rin, ‘no? Nalaman mo lang na may gusto sayo, pinapatulan mo na rin.”

 

Nagsalubong ang kilay niya. Nasa abangan na sila ng jeep. “Huh? Sino may sabi sa inyong ginagawa ko ‘to dahil don sa sinigaw niya?” Saktong may huminto sa harapan nila. Yun na ‘yung byaheng sasakyan niya. Hindi niya kasabay ‘yung dalawa. “Bukas nalang ulit. Ingat kayo.” He says dahil naspeechless na ang mga kaibigan niya.























Mabilis lumipas ang mga araw pero hindi pa rin humuhupa ang pangangantyaw kay Baekhyun. He guessed na nakatatak na talaga sa kanya ‘yon.

 

Ang 4th year student na nag-confess kay Chanyeol Park sa diamond field.  

 

What a description. 

 

Hinahayaan lang naman siya. Again, for the nth time, hindi naman siya affected.

 

A̶n̶g̶ ̶d̶a̶m̶i̶ ̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶p̶i̶n̶a̶g̶l̶a̶l̶a̶b̶a̶n̶ ̶p̶a̶r̶a̶ ̶s̶a̶ ̶i̶s̶a̶n̶g̶ ̶h̶i̶n̶d̶i̶ ̶a̶f̶f̶e̶c̶t̶e̶d.

 

“Tingin mo, okay na ba itsura ko?” Junmyeon asks. 

 

Ayun na nga. The graduation pictorial has come kaya aligaga ang lahat ngayon sa pag-aayos. Syempre, isang beses lang sa buhay ang high school graduation picture kaya dapat bukod sa maganda ang smile, presentable naman ang hitsura.

 

Yung mga girls, ayun, halos lahat iisa ang hairstyle. Kulot. Yung iba naman sa boys, kung anong hitsura pagdating, ganun pa rin ngayong isa-isa nang nagtatawag. Meron namang mga nag-makeup din. Allowed naman ang seniors to wear makeup this time of the day kasi nga pictorial basta tatanggalin din after kasi may klase pa sila.

 

Inayos ni Baekhyun ang buhok ni Junmyeon. “Yan, okay na.”

 

Naglagay lang sila ng foundation and lip balm para buhay ang hitsura. Ang sabi nga ni Baekhyun, effortless naman daw. 

 

Confident siya.

 

Isa siya sa mga naunang tinawag dahil sa B nagsstart ang surname. By section ito. Mabilis lang naman kasi walang creative shot. KJ.

 

After niya, hinintay niyang matapos ang mga kaibigan niya bago sila bumalik sa classroom. Saktong lunch time nila kaya mahaba-haba pa ang oras. Nagpunta silang canteen to buy food. May baon si Kyungsoo at as usual, hinatian nila sa ulam pero hindi lang naman ito ‘yung nakuhaan. Nagbuburautan lang sila sa pangunguna ni Jongdae na halos makipagpalit ng pagkain kay Kyungsoo.

 

Nang matapos, inayos ni Baekhyun ang pinagkainan nila para ibalik at itapon kung disposable. Bawal kasi ‘yung iiwanan lang sa mesa. Disciplined ang students pagdating sa ganitong bagay. 

 

Siya na nagprisinta kasi bibili siya ng Piattos cheese nang may makasabay siya. Nag-uunahan pa nga kasama ang mga kaklase nito at dahil malaking advantage ang pagkakaroon ng mahabang legs, ito ang nag-tagumpay.

 

Pambihira.  

 

Ngayon na lang niya ulit ito nakita nang malapitan simula noong isang linggo sa hepa lane.

 

Hindi niya sinisilip kapag napapadaan siya sa classroom nito, ha! Napapasulyap lang siya kaya nakikita niya. Matangkad kasi kaya madaling makita. Basta, hindi talaga niya hinahanap .

 

Bigla siyang may naalala pagkakuha ng sukli niya after magbayad for the Piattos cheese.

 

Hinarap niya ito. Nakita niyang nakangiti sakaniya.

 

Wow, friendly? Close sila?

 

Inabutan niya ng bente pesos. “Ano po ‘yan?” Ang tanong naman nito, tinititigan lang ‘yung pera.

 

“Bayad ko. May utang ako sayo sa hepa lane, remember?”

 

Naalala naman kaagad ni Chanyeol. Umiling ito. “Hindi naman ‘yon utang. Libre ‘yon.”

 

He shakes his head at kinuha ang kamay nito. Natahimik ‘yung mga kasama ni Chanyeol pati na ang ibang nakakita.

 

Taray, holding hands sa pila sa canteen.

 

Nilagay niya ron ‘yung 20 pesos. 

 

“Hindi naman kailangan kasi afford ko. Ayokong may utang na loob.” Hindi siya nagtataray. Casual lang. Not frowning, hindi rin nakangiti. Ganun niya normal kausapin si Chanyeol. 

 

Kinuha na nito. Wala namang choice. “Sige po. Sorry if it made you uncomfortable.” Ang sabi ni Chanyeol bago siya makaalis.

 

Umiling naman siya. “Alam mo kung saan ako hindi komportable?”

 

“San po?”

 

“Dyan. Sa paggamit mo ng po at opo .” He says. “Hindi naman malayo ang agwat natin sa isa’t-isa. Mas mukha ka pa ngang matanda yata sakin, eh, kaya huwag ka nang magtangka kung binabalak mo akong tawaging kuya. ” He adds then sashays out of the line. Hindi tuloy niya narinig ang binulong, na malakas-lakas talaga, ni Sehun kay Chanyeol.

 

“Ayaw niya ng kuya, alam mo kung bakit?”

 

“Bakit?” 

 

Si Jongin ang sumagot sa tanong ni Chanyeol. “Ang gusto niya kasi baby.


























Pagkatapos ng araw na ‘yon, mas bumilis ang pagdaan ng lahat. Nakahinga na nang maluwag si Baekhyun nang matapos ang finals nila.

 

Yes, fourth year lang kasi graduating. Palagi namang nauuna kapag graduating. Same as grade six students. 

 

Clearance nalang ang aasikasuhin at graduation practice tapos ay makakalaya na sila. Yun lang nakakalungkot kasi iba talaga ang high school life. It can never be compared. Well, ayun ‘yon kay Baekhyun at sa mga kaibigan nito. Isa pa, nakakakaba ring pasukin ang panibagong chapter ng mga buhay nila. College life.  

 

Naasikaso na nila ang lahat at nakapagtake na rin ng entrance exam sa iba’t-ibang university. Isa nalang ang inaantay na resulta bago makapili kung saan mag-eenroll. 

 

Industrial engineering ang first choice ni Baekhyun at so far ay naipasa naman niya ang entrance test na nakukuha ang first choice niya sa tatlong university na nakapaglabas na ng resulta.

 

Kung siya ang tatanungin, he is not yet ready for college life but he has to. Gusto na rin  naman niyang makapagtrabaho at kumita ng sariling pera.

 

Hindi ba parang ang saya ‘non?

 

“Hindi ko alam kung matutuwa akong pinapasok tayo para lang magbantay sa lower levels. May baon kasi pero nakakatamad din. Nakatayo lang tayo ng ilang oras.” Reklamo ni Jongdae habang papunta sila sa assigned classrooms.

 

Ayun kasi ang trabaho ng seniors after finals. Since nauuna sila, kagaya ng sinabi ni Jongdae ay naka-assign silang mag-proctor sa lower years. Tag-aapat o kaya tatlo per section. Nakabase sa apelyido. Ang kasama ni Baekhyun sa mga kaibigan ay si Kyungsoo samantalang magkasama naman sina Jongdae at Junmyeon.

 

“Anong section nga kayo ulit?” Tanong ni Junmyeon habang naglalakad sila sa hallway.

“3-Venus.” Ang sagot ni Baekhyun.

 

Nagpatuloy sila sa kwentuhan hanggang sa makarating sa mga nasa babang classroom. Nagpaalam na sila Jongdae at sinabing magkita-kita nalang sila mamaya dahil sa second year sila.

 

Pumasok naman na sina Baekhyun at Kyungsoo sa classroom ng third year Venus. May teacher pa ron na aalis din after silang kausapin about rules and regulations during the proctoring. 

 

Maaga-aga pa naman kaya naupo na muna sila sa bakanteng seats. Tahimik lang silang nag-uusap ni Kyungsoo nang biglang may dumating sa may pinto at tinawag si Baekhyun.

 

Isa sa mga kaklase nila. Si Hyesung.

 

“Bakit?” Ang tanong niya habang papalapit. Alangan naman kasing magsigawan sila ron.

 

“Ilan kayo dito?”

 

“Tatlo.” Sagot niya kaagad.

 

“Absent si Daeun.” Ang sabi nito. “Mag-isa lang ako don. Sabi Ms. Rodriguez ikaw daw tawagin ko para by surname pa rin tayo.”

 

Napatingin si Baekhyun kay Kyungsoo na naririnig ang usapan nila. Tumango ito.

 

Medyo nanghinayang siya . Bat pa kasi umabsent-absent ‘yang si Daeun? Wala tuloy siyang kasamang friend. 

 

“Kita nalang tayo sa labas mamaya, Soo. antayin mo ako bago tayo pumunta kela Jongdae, ha?”

 

“Oo.” Ang sagot lang nito.

 

Sumama naman na siya kay Hyesung.

 

“Anong section ka pala?”

 

“Dito lang sa kabila.” Ang sagot nito sa tanong niya. “3-Mars.”

 

Hindi siya kaagad nakapagreact dahil sa narinig. 

 

3-Mars. Taga doon si Chanyeol.

 

Hindi siya nagsalita. Hindi na nga niya binanggit ang naisip niya, eh, kaso echosero itong kasama niya.

 

“Uy, wait! Nakita ko pala ron si Chanyeol Park! Yung crush mo!”

 

Grabe. Hanggang ngayon ayan pa rin. Tumatak na talaga sa kanya.

 

“Hindi ko naman crush ‘yon.” P̶a̶g̶d̶e̶d̶e̶n̶y̶ ̶n̶i̶y̶a̶. Sabi niya bago pumasok sa classroom ng 3-Mars. 

 

At ayun nga, agaw pansin talaga dahil matangkad. Sakto ring napatingin ito sa kanya dahil sa harap siya pumasok.

 

Syempre, bilang proctor sila, panahon na para umaktong superior sa mga nakakabata. Minsan lang ito. Tatlong araw lang sa buong high school life niya.

 

Dinaanan niya lang ito ng tingin kahit pa nakita niya kung paano sipain ng nasa likuran nitong sa pagkakatanda niya ay Sehun ang pangalan nang makita siya. Mukhang inasar-asar pa si Chanyeol.

 

The hell he cares.

 

Dumiretso sila ni Hyesung sa harap ng teacher’s table kung saan ito naghihintay upang makausap na sila.

 

Sinabi nito ang mga bawal na common naman na sa mga student kahit pa hindi mag-bantay. 

 

“Babalik ako dito mamaya sa uwian para makuha ‘yung papers so make sure to collect on time. Bawal lumagpas sa time limit. Maging strict kayo sa kanila. Tandaan niyong kayo ang nakakatanda. Ayokong malalaman na kayo pa ang pasimuno ng mga kalokohan.” Paalala pero mas tunog pagbabanta nito.

 

Pagkatapos sabihin sa kanila ang pagkakasunod-sunod ng subjects ay umalis na ito.

 

“Ako mag-distribute dito sa half, Baek. dun ka sa kabila.” Ang sabi ni Hyesung. Wala na siyang nagawa. Doon siya sa kabilang dulo. Sa side kung nasaan si Park. 

 

Nasa bandang likuran naman ito kaya keme lang. At kahit nasa harap si Chanyeol, ano naman?

 

Nagpamigay na sila ng mga papel. “Get one and pass.” Ang sabi niya nang makumpletong bigyan ang mga nasa harapan.

 

“You have 1 hour to finish your exams. Goodluck.” Tumingin siya sa relo niya. “Timer starts now.”

 

Nag-simula silang umikot sa buong classroom ng kasama niyang si Hyesung upang bantayan ang kilos ng lahat. After ‘non, tumayo siya kung saan kita ang lahat. Nasa magkabilang dulo sila ni Hyesung. May hawak siyang envelope na ginagawa niyang pamaypay. Nagsimula siya ulit maglakad-lakad, mabagal lang naman hanggang sa tawagin siya ng nasa likuran ni Chanyeol.

 

Makes sense. Park and Oh. Magkasunod lang kaya magkalapit ang dalawa.

 

“Yes?” Ang tanong niya.

 

“Tanong ko lang, kuya, kung paano sasagutan ‘to? Wala kasi sa choices ‘yung sagot.”

 

Tinignan niya ‘yung sinasabi ni Sehun habang patuloy na nagpapaypay. “Edi ilagay mo nalang ‘yung sagot tapos settle niyo with your teacher sa checking. Hindi ko masasagot ‘yung tanong mo kasi hindi naman ako teacher.”

 

Napakamot si Sehun sa ulo. “Sige po, thank you.”

 

Tinaasan niya lang ito ng isang kilay at pinanood kung paanong nilaktawan ‘yung blank. Hindi siguro alam ‘yung sagot, naisip niya. Hinayaan niya lang hanggang sa napatingin siya sa nasa harapan nitong si Chanyeol, maski ito ay napapakamot sa ulo.

 

Medyo yumuko siya to check the subject on Sehun’s paper na mas malapit sa kanya.

 

Science. Third year, chemistry ‘yon.

 

He steps forward, mabagal lang at pasimpleng tinignan kung nasaang number na si Chanyeol. Halos kasabayan nito si Sehun. Yung wala daw sa choices ang sagot. Binasa niya ang tanong at kaagad niya ‘yun nasagutan.

 

Mukhang naramdaman ni Chanyeol ang presence niya kaya tumingala ito at nagkatinginan sila. Nginitian siya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at sumandal sa pader katapat nito.

 

Maya-maya lang ay inabot niya extra ballpen sa desk ni Chanyeol na ikinagulat nito pero wala namang violent reaction. Sadyang hindi lang expected ‘yung kinilos niya. Hindi niya ito pinansin at may sinulat sa likuran ng brown envelope na hawak. 

 

Lahat sila ay may dalang ganon. Hindi rin nila sigurado kung bakit nga ba sila binibigyan ng ganon ng adviser bago ipadala sa assigned rooms.

 

Siguro to determine na proctor sila . Weird lang kasi bakit envelope? Ang sabi naman ni Kyungsoo noon, sa dati raw nitong school ay ganon din at sa envelope na ‘yon ilalagay ang papel na macoconfiscate in case may mandaya. Kung wala, kanila na ‘yon. Siguro ganun din. If ever, wala naman yatang makukuhang papel at nakakahiya kung ibabalik niya pa. Medyo lukot kasi. Ginawa na niyang pamaypay.

 

After writing, ibinalik niya ang ballpen ni Chanyeol sa desk nito dahilan upang mapatingin ito ulit sa kanya kaya hinarap niya rito ‘yung side ng envelope kung saan may nakasulat.

 

Halatang nagulat si Chanyeol. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay. Lately, napapadalas niyang gawin ‘yon. Ayaw niya kasing ngitian ang huli. Baka kung ano ang isipin.

 

Excuse him?

 

Napatagal ang titig ni Chanyeol don. Sumimangot siya’t umirap at saka iwinagayway nang bahagya ang envelope para kunyare nagpapaypay pa rin pero ang ibig sabihin talaga ay kopyahin na ang sagot at huwag nang umarte pa.

 

Sinulat naman ni Chanyeol. He secretly smiles.

 

Maya-maya lang ay ay nakita niyang muling sinipa ni Sehun ang likuran ng upuan ni Chanyeol. When the latter looks at his friend, he sees how a goofy and meaningful smile flashed on Sehun’s face.

 

Hindi niya napigilan at napairap nanaman siya. Nakita ‘yon ng dalawa. Nang muli niyang tignan, he sees Chanyeol smiling.

 

He shakes his head at lumayo na sa pwesto na ‘yon.

 

Wala namang ibang nakakita ng ginawa niya. Si Sehun na kasi ang dulo sa column na ‘yon.

 

Hanggang sa matapos ang oras ay hindi na siya bumalik sa side kung nasaan ‘yung dalawa.

 

“Break muna. Balik kayo after 20 minutes.” Ang sabi ni Baekhyun. 

 

Ganun kasi sa kanila kapag exam. Tatlong subject per day at may 20 minute break after the first one tapos 10 naman mamaya pagkatapos ng pangalawa.

 

Lumabas na sila ni Hyesung dala ang mga paper na may sagot na upang ilagay sa faculty. May mga naiwan sa classroom at piniling mag-review kaysa kumain, meron namang mga kumakain habang nag-aaral, at syempre hindi mawawala ‘yung mga lalabas upang makapunta sa canteen o di kaya makipagchismisan, magcompare ng sagot, at rant sa mga kaibigan sa ibang section tungkol sa subject na tinake.

 

Paakyat sila ni Hyesung papuntang faculty lounge nang may tumawag sa kanya. Kahit si Kyungsoo na saktong paakyat din ay napahinto nang makita at marinig ang may-ari ng boses.

 

Nilingon niya si Chanyeol. Oo, alam na alam niya na kahit pa hindi niya makita.

 

Nagprisinta si Hyesung na ito na raw ang magdadala at huwag na siyang umakyat. Mahinang tinusok pa ‘yung tagiliran niya, inaasar siya.

 

“Bakit?” He asks.

 

Kyungsoo gives him a meaningful look, nangingiti rin habang paakyat. “Antayin mo ko dito. Sabay tayong bumaba.”

 

He nods sa sinabi ng kaibigan.

 

Lumapit naman si Chanyeol sa kanya. Pareho silang nasa hagdanan ngayon. Nakatayo siya isang baitang na mas mataas kaysa kung nasaan si Chanyeol pero dahil matangkad ito, halos magkapantay lang sila.

 

“Salamat kanina.” Mahinang sabi nito, medyo lumapit pa nga kasi bawal may makarinig.

 

Si Sehun ay nakasandal sa balcony part ng hallway, kunyare pang hindi sila pinapansin at nagpapahangin lang pero sumisipol-sipol naman.

 

“No need to mention.” Ang sagot niya.

 

Lumayo na si Chanyeol. Akala niya ay doon na matatapos ang usapan nila pero hindi.

 

“Pero tulad mo…” Ang sabi nito. “Ayoko rin ng utang na loob.”

 

Tumaas ang kilay niya. “So… what are you trying to say?”

 

Imbes na sumagot, kinuha ni Chanyeol ang kamay niya at tumakbo sila.

 

Nagulat siya. Pinagtitinginan sila.

 

Napapatakbo na rin siya. “Huy! Bitawan mo nga ako!” Pero kahit anong pilit niyang hila sa kamay niya ay panalo pa rin si Chanyeol. 

 

Halos lahat ng atensyon ay nasa kanila na.

 

Binitawan lang siya nito nang makarating sila sa canteen, sa tapat ng tindahan ng snacks to be exact.

 

“Pili ka na. Sagot ko merienda mo ngayong araw.”

 

Hindi siya nakapagsalita. Ano raw?

 

Totoo bang ayaw lang ni Chanyeol ng utang na loob katulad ng sinabi niya rito o pumaparaan?

 

“Hindi naman talaga kailangan. Sobrang liit na bagay ‘non.” Ang sabi niya.

 

“Pa-thank you ko lang.” Ang sagot naman nito. “Sige na.”

 

Hindi niya alam ang gagawin at sasabihin.

 

Pabebe na kung pabebe, maarte na kung maarte, pero ayaw niya.

 

He shakes his head and says, “No.” Saktong nakita niya sina Junmyeon at Jongdae na confused dahil bakit magkahawak sila ng kamay papasok ng canteen kanina but nevertheless ay kinikilig.

 

Kasama na rin ng mga ito si Kyungsoo na kararating lang at mukhang sinasabi sa dalawa na sinabihan siyang antayin ito pero hindi niya ginawa.

 

Tinalikuran na niya si Chanyeol upang puntahan ang mga kaibigan pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay may sumigaw na. Kilala rin niya kung sino ‘yon. Isa sa mga kaklase niyang alaskador.

 

“Grabe ‘yon, Baekhyun! Binasted mo talaga sa harap ng maraming tao!”

 

Malakas at mahabang Ohhh ang reaksyon ng mga tao. Natatawa sila Junmyeon dahil sa kalokohan ng kaklase nilang si Minhyun.

 

Mga fourth year talaga mga agaw eksena.

 

Nilingon niya si Minhyun and made a face tapos ay muling napatingin kay Chanyeol na mukhang nahihiya kasi nagkagulo na ‘yung mga senior na nasa canteen.

 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago ito balikan at this time, siya naman ang humawak sa kamay.

 

“Ayoko kasi hindi ako gutom. Sabay nalang tayo pauwi mamaya. Okay na?” Hindi nakasagot si Chanyeol, nabigla kasi, hanggang sa hilahin niya na ito. “Tara na. Matatapos na ‘yung 20 minutes.” Tapos ay dire-diretso silang naglakad palabas ng canteen.

 

Ang daming kilig na kilig. Nangunguna na ron si Jongdae na binubugbog na sina Kyungsoo at Junmyeon. Grabe ‘yon! Meron din namang mga walang pakialam at naiinis. Kabilang doon ang dating ka-M.U. ni Chanyeol na si Mackenyu na hindi nga ito tinapunan ni isang tingin man lang habang parang batang nakasunod kay Baekhyun na mabilis naglalakad.

 

Nang makalayo sila sa canteen, binitawan na ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol.

 

Hinabol pa ni Chanyeol ‘yon. Tapos na? Hindi pa nga sila nakaakyat papunta sa classroom, eh. 

 

Ang lambot kasi ng kamay ni Baekhyun. Masarap hawakan.

 

“Baka kung ano-anong iniisip mo ah?” Biglang sabi nito. “At sorry rin. Nakita ko kasi parang uncomfortable ka sa sinabi ni Minhyun kaya—”

 

Hindi niya ito pinatapos. Masyado siyang naexcite sa thought. He wouldn’t deny it because the first time he saw Baekhyun, he was immediately attracted kaya lang nagkaroon ng Mackenyu at nito lang, noong intrams, bumalik ang interes niya.

 

Sino ba namang hindi? Sigawan ba naman siya ng ganon ng taong he thinks is attractive .

 

“Kaya sinabi mo na sabay tayo mamayang uwian?” Napatigil si Baekhyun. “Pero hindi naman ‘yon sabi lang, diba? Totoo ‘yon, diba?”

 

Nagulat si Baekhyun sa biglaan niyang pagiging bold. Kitang-kita iyon sa reaksyon nito.

 

Wala itong nasabi kundi, “Huh?”

 

He sighs. “Na…” Bigla siyang nahiya. Si Chanyeol kasi ‘yung tipo na sikat but he doesn’t let it go to his head. He remains humble. Bakit nga daw ba siya magyayabang? Dahil magaling siya sa baseball? That reason is not enough. Actually, wala namang tamang rason para maging, eh. May mga weakness din naman siya.

 

He’s actually a very nice guy.

 

“Na sabay pa rin tayong uuwi.”

 

Baekhyun crosses his arms. Malapit sila sa field ngayon. “And what makes you think na pwede talaga tayong magsabay? Baka nga opposite pa tayo ng way.”

 

Umiling siya na mas ikinabigla ni Baekhyun. “Same lang.”

 

“Stalker ka ‘no?!”

 

Unti-unti nang nagbabalikan ang mga estudyante. Matatapos na ang 20 minutes.

 

“Hindi ah!” Napakamot siya sa ulo. Hindi naman kasi talaga. “Madalas tayong magkasabay sa iisang jeep. Hindi mo lang ako nakikita kasi sa harap ko palagi gustong sumakay pero ikaw nakikita kita mula sa salamin.” 

 

Tinitignan kita.

 

Lumipas ang ilang saglit at hindi pa rin nagsasalita si Baekhyun. Awkward siyang napakamot sa batok. Mukhang wala itong pakialam.

 

Sasabihin na niya sanang bumalik na sila dahil malelate na nang sumagot ito.

 

“Okay.”

 

“Huh?”

 

“Ang sabi ko okay. Edi magsabay mamayang uwian.” Tapos ‘non ay naglakad na ito palayo, nauna na sakaniya. Nang mapansing hindi pa rin siya sumusunod ay nilingon siya. “Ano? Excited nang umuwi? May dalawang exam ka pa.” Kaya nag-jog palapit dito at sabay silang bumalik pero may distansya pa rin.

 

Ayaw niyang sobrang lumapit. Baka masabihan siyang hindi naman sila close kaya binagalan niya ang lakad niya para hindi sila sabay na sabay. 

 

Nasa likuran siya ni Baekhyun. Hindi tuloy niya nakita ang maliit na ngiti nito sa labi.





Pagdating sa classroom, nandoon na ang halos lahat. Iilan nalang silang inaantay.

 

“Sabay pala uuwi ah?” Ang bulong ni Hyesung kay Baekhyun pagkapasok. Narinig ‘yon ni Chanyeol pero nag-kunyare nalang itong hindi at dumiretso sa upuan.

 

Siniko naman ni Baekhyun ang kaklase. “Ewan ko sayo.”

 

Nang mag-start na muli ang exam, hindi na siya lumapit kela Chanyeol. 

 

Aba, sinuswerte na.

 

After an hour, konti na lang ang lumabas. 10 minutes lang kasi. Mostly mga nagpahangin at chikahan or nag-CR lang.

 

“Last na, guys, bilisan.” Sabi ni Hyesung. “Para makauwi na kayo at kami rin.”

 

Mas mabilis natapos ‘yung last subject dahil minor lang. Yung iba mukhang nag-shotgun nalang. 

 

After collecting the paper, nagprisinta si Baekhyun na siya na ang mag-akyat ng mga papel dahil si Hyesung na kanina. Sinabay na rin ‘yung pangalawang subject para hindi na sila alis nang alis.

 

Unang hakbang palang ang ginagawa niya nang may nagmamadaling Chanyeol na humabol sa kanya. Muntikan pang sumabit ang strap ng bag nito sa hamba ng pintuan.

 

Hinarap niya ito. “Huwag kang mag-alala. Sabay nga tayo, oo na. Hintayin mo nalang ako dito.” 

 

Pero umiling si Chanyeol at kinuha ang mga dala niya. Nagulat siya kaya hindi niya napigilan. “Ako nalang din ang magdadala para sayo.” Tapos ay mas nauna pa ito sa kanyang umakyat.

 

Nang mag-sink in sa kanya ang nangyari, hinabol niya ito pero sadyang mabilis si Chanyeol. Hindi na niya nagawang makipag-agawan dahil nabuksan na nito ang faculty lounge. Mapapagalitan sila.

 

Iniwanan lang ni Chanyeol sa table ng teacher nila for the certain subject tapos ay lumabas na agad. Wala pa kasi ang guro.

 

Naiwan si Baekhyun sa labas. “Ano, uwi na tayo?” Chanyeol asks nang magtama ang mga mata nila.

 

Napataas ang isang kilay ni Baekhyun at hindi napigilang magsalita. “Close?”

 

Napakamot si Chanyeol sa batok. “Diba sabi mo okay na?”

 

Baekhyun shakes his head pero taliwas ang lumabas sa bibig niya. “Oo nga, okay na.”

 

“Edi ano pang inaantay natin? Tara na.”

 

Nagsimula na siyang maglakad. Chanyeol follows. 

 

“Nakakapanibago lang kasi hindi naman tayo close tapos ganyan mo ako kausapin.” He admits tapos ay saglit na nilingon ang nakababata na nasa likod pa rin. Mabagal lang ang lakad nila. “Hindi ka ba naiilang sakin?”

 

Nagkasabay sila nang pababa na sa hagdan, nakahawak pa si Chanyeol sa magkabilang strap ng backpack na dala. Pinagtitinginan sila ng ibang tao pero hindi nila pinapansin.

 

Jusko, ano sila? Artista?

 

“Bakit naman?”

 

Baekhyun shrugs. Napadaan sila sa classroom kung saan nag-proctor si Kyungsoo kanina. Wala ng tao ron.

 

Iniwan na yata siya ng mga kaibigan niya.

 

“Kasi…” At first, medyo hesitant siya kung sasabihin ba niya pero hindi naisip niya, why not? Gusto niya rin naman maging malinaw ang lahat. Why is Chanyeol suddenly acting like this? “Kasi diba.. Ang sabi nila crush daw kita, pero hindi ‘yon totoo ah!” Inunahan na niya. Baka kasi mag-assume. “Yun lang. I think that rumor is enough para mailang ka sakin? I mean personally, siguro ako, maiilang akong dumikit-dikit sa taong may gusto raw sakin kahit na wala naman. ” Paulit-ulit niya talagang inemphasize na wala siyang gusto.

 

Well, wala naman d̶a̶w̶ kasi talaga.

 

“Wala naman akong nakikitang dahilan para mailang. Sayo na rin naman nanggaling, eh, wala.” Tinignan siya ni Chanyeol. Pababa na sila sa ground floor. “Kaya bakit ako maiilang kung pwede naman makipagkaibigan nalang?”

 

Doon napatigil si Baekhyun. “Wait… akala ko ba sabay lang tayong uuwi? Bakit ngayon road to being friends na bigla? Hindi ako nakikipagkaibigan sa kung sino-sino lang ha.”

 

Pinigilan ni Chanyeol ang mapangiti. Bakit ang cute?

 

“Ang high maintenance mo naman.”

 

Tumango si Baekhyun nang walang pag-aalinlangan. “Talaga.”

 

Palabas na sila. Hindi na talaga nakita ni Baekhyun ang mga kaibigan niya. Talagang hindi siya inantay. Ayos.

 

Mukhang sinabihan din ni Chanyeol ang mga kaibigan dahil hindi niya nakita. Prepared. Hindi naman sa inoobserve niyang kasabay nito laging umuwi sina Sehun at Jongin pero diba gets naman na talaga ‘yon. Ganun naman ang magkakaibigan.

 

Nakalabas na sila. Mauuna sanang tumawid si Baekhyun kasi doon ang sakayan pauwi sa kanila nang tawagin siya ni Chanyeol.

 

“Wait lang!” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Huwag mong sabihing mag-aaya ka pang kumain.”

 

“Hindi.” Ang sagot ni Chanyeol. “Pero meron bang sabay uuwi na hindi sabay naglalakad?”

 

Tumawid na silang magkasabay dahil nasaktuhang konti ang dumadaan. Malayo pa ‘yung papalapit na sasakyan.

 

“Oo, tayo.

 

Saktong may jeep na nagpupuno kaya doon sila sumakay. Nauna si Baekhyun, sumunod si Chanyeol na yukong-yuko dahil matangkad. Ang laki din ng bukas ng mga hita nito nang makaupo.

 

Napansin ‘yon ni Baekhyun pero hindi siya nagsalita at kumuha nalang ng pamasahe sa coin wallet niya pero nauna nang makapag-abot si Chanyeol ng bente pesos at sinabing dalawa raw.

 

Binalewala niya ‘yon at nagsabi rin ng bayad kaya tinignan siya ni Chanyeol nang kunot ang noo.

 

“Hindi mo ba ako narinig? Dalawa na ‘yung binayaran ko.”

 

Tinago niya ang pera niya. As if may magagawa pa siya. He is sure Chanyeol will not accept kung bayaran niya. 

 

“Ah…” Ang sabi niya tapos ay tinignan ‘yung kuko niya. “Akala ko para sayo lang ‘yon. Tignan mo naman kasi ‘yang upo mo.”

 

Medyo nahiya tuloy si Chanyeol at bahagyang sinara ang dalawang hita pero hindi sobra.

 

Kita ni Baekhyun ‘yon from his peripheral vision pero pilit niyang hindi pinapansin.

 

“Sorry… ganito talaga ako umupo.”

 

“Hindi naman ako ang may-ari ng jeep.” He says nang hindi man lang pinakikita ang totoong emosyon.

 

Tumango nalang si Chanyeol at nagstart ng conversation. “Kayo pa rin ba bukas magbabantay samin?”

 

“Si Hyesung pa rin.” Ang sagot niya. “Yung kasama ko.”

 

Medyo nalito si Chanyeol don. “Bat ikaw? Hindi na?”

 

Baekhyun shakes his head. Huminto ang jeep at may sumakay sa tabi niya kaya wala siyang nagawa kundi umusog palapit kay Chanyeol.

 

Nagtama ang mga balikat nila.

 

Nakaramdam siya ng parang kuryente sa buong braso niya na umabot pa sa dulo ng daliri niya pero pinilit niyang huwag magreact.

 

What was that?

 

Ang lapit-lapit nila ngayon sa isa’t-isa. Gusto man niyang tumawa dahil sa itsura nito ngayon, halata kasing nahihirapan si Chanyeol dahil masikip na at yukong-yuko pa, ngayon alam na niya kung bakit sa harap nitong gustong sumasakay, hindi niya magawa kasi para siyang kinakabahan na ewan.

 

Hindi siya mapakali simula nang maglapit sila.

 

“Hindi naman kasi talaga ako dapat doon sainyo. Sa Venus ako. Absent lang ‘yung partner ni Hyesung kaya kung papasok na ‘yon bukas, sa Venus na ako magbabantay.”

 

Dahil nga malapit sila sa isa’t-isa at malakas ang pandinig niya, ganun talaga kapag chismoso, well trained siya ni Jongdae, narinig niya ‘yung binulong nito.

 

“Sana absent pa rin.” 

 

Napatingin siya sa may pasukan at labasan ng jeep at pinigilan ang kung anumang emosyon ang namumuo sa kaloob-looban niya.

 

Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa matapos ‘non hanggang sa matanaw na ni Baekhyun ang subdivision nila.

 

“Sa tabi lang po.” Ang sabi niya nang makalapit.

 

Hindi naman na nagulat pa si Chanyeol. Bukod sa sino bang hindi bumababa sa jeep , alam din kasi nito kung saan siya bumababa.

 

Sa ilang beses ba naman silang nagkasabay nang hindi nalalaman ni Baekhyun.

 

“Bye.” Ang sabi ni Chanyeol.

 

Tumango lang si Baekhyun bago tuluyang makababa.

 

Ang mahal naman ng ngiti.















Katulad ng sinabi ni Baekhyun, hindi na nga siya ang kasama ni Hyesung magbantay sa section nila Chanyeol dahil pumasok na ‘yung totoong partner nito. Ganun ang naging setup hanggang sa huling araw ng final exams.

 

“Grabe, natapos din!” Ang sabi ni Jongin nang makalabas sila ng classroom. “Last day na pala ngayon, ‘no?”

 

“Hala, oo nga.” Ang sagot ni Sehun nang marealize. 

 

Since hindi naman sila graduating at wala na silang gagawin tulad ng crucial na clearance paper signing at practice, ngayon na ang last day nila.

 

Hindi rin napansin ni Chanyeol. Dati-rati ayun ang inaabangan niya pero ngayon parang ayaw niya pa.

 

Sa susunod kasi na school year, may hindi na siya makikita.

 

“Gala tayo ngayon. Mahihirapan na ako ngayong summer kasi uutusan nanaman. Pagbabantayin ako ng shop.” Jongin says. May bike shop business kasi ang parents nito.

 

“Wala ka nanamang kawala.” Pangangatyaw ni Sehun na nasa ibang bansa ang both parents at lola ang kasama. Sobrang spoiled at binibigay ang lahat ng gusto kaya madaling nakukuha ang lahat.

 

“San tayo?’ Tanong naman ni Chanyeol habang naglalakad sila.

 

Saktong pababa sila nang makasabay ang tropa naman ni Baekhyun. Makahulugang nag-ngitian ang mga kasama nito at medyo nahiya si Chanyeol lalo pa nang sikuhin siya ng dalawang kasama. Nakwento kasi ni Sehun kay Jongin ‘yung nangyari sa pwesto nila noong first day ng exam habang kalat naman sa buong school ‘yung ganap sa canteen noong kaparehong araw rin. 

 

“Sabay kayo ulit uuwi?” Walang prenong tanong ni Jongdae na siniko ni Baekhyun.

 

“Pangbawi lang ‘yon.”

 

“Pangbawi saan, aber?” Akala mo’y nanay na tanong ni Kyungsoo.

 

Doon lang naman narealize ni Baekhyun na hindi pala dapat sabihin. Kilala kasi ito ng mga kaibigan bilang hindi talaga nagpapakopya unless kaibigan niya. Knowing his friends, siguradong bibigyan ng malisya k̶a̶h̶i̶t̶ ̶w̶a̶l̶a̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶, ang pagbigay niya ng sagot kay Chanyeol noong nakaraan.

 

Hindi niya alam kung bakit niya ginawa. Siguro kasi huli naman na ‘yon, bakit pa nga ba siya magdadamot?

 

Hindi siya makaisip ng sagot kaya tinikom niya ang bibig niya kaso sadyang honest yata talaga si Chanyeol at sinagot nito ang tanong ni Kyungsoo. Mabuti nalang at mabilis siya. Kaagad niya itong nilapitan, muntik pa nga siyang sumubsob sa dibdib nito, nacontrol lang niya at hinila palayo sa lahat.

 

Nagulat ‘yung mga kaibigan nila.

 

Kailan pa naging ganon kalapit?

 

“Bakit?” Gulat at confused na tanong ni Chanyeol.

 

“Huwag mong sabihin!”

 

“Bakit?” Nagkamot ito ng ulo. “Bawal ba?”

 

“Oo!” Sagot niya na parang sinasabi na obvious naman na ‘yon. Bakit nagtatanong pa? “Gusto mo bang isumbong nila tayo? Hindi pa ako makakagraduate at mazezero ka pa sa exam mo.”

 

Mukhang narealize naman ni Chanyeol na hindi talaga dapat ipagsabi ang bagay na ‘yon pero hindi confusing pa rin kasi diba bakit naman ilalaglag ng mga kaibigan niya si Baekhyun pero since iyon ang sabi niya, hinayaan nalang nito.

 

“Okay.”

 

Nakahinga naman nang maluwag si Baekhyun. Dahil don, narealize niyang hawak pala niya ang kamay ni Chanyeol. Binitawan niya ‘yon.

 

“Ay, sorry.”

 

Doon lang din napansin ni Chanyeol. Ang komportable kasi sa pakiramdam. Para bang dapat ay normal lang ‘yon.

 

Hindi nila maipaliwanag pero ganun ‘yung pakiramdam. 

 

“Okay lang..” Mahinang sagot ni Chanyeol na hindi na niya sinagot at muling lumapit sa mga kaibigan niyang halos mapunit na ang mga labi.

 

“Ano?” Pagmamaang-maangan niya.

 

“So, meron na pala kayong little secret.”

 

“Pinagsasasabi mo dyan?” Ang sagot niya kay Junmyeon na nagkibit balikat.

 

“Ewan ko sayo. Denial. Dapat ang kausap mo si Tito Boy.”

 

“Ayan oh, si Kyungsoo.” Sabi naman ni Jongdae na ito ang napag-initan kaya muntikan pang makatanggap ng sapok kung hindi lang nakatakbo palayo.

 

Sabay-sabay silang nakalabas sa gate at magpapaalam palang sana si Chanyeol nang dire-diretso nang tumawid sila Baekhyun. Napasunod na lamang siya ng tingin.

 

Jongin pats his shoulder. “ Hindi mo na ulit makikita ‘yan . Sayang . ” 

 

Pero mali ito dahil dalawang linggo matapos ang Biyernes na ‘yon, pumunta si Chanyeol ng school.

 

Wala pa siyang summer training for baseball dahil latter part ng April ang start ‘non pero pumunta pa rin siya dahil alam niyang ito ang schedule ng graduation practice. Nasa school calendar ‘yon.

 

Mag-isa lang siya. Hindi siya nagsabi kay Sehun na pupunta siya samantalang si Jongin naman ay busy nga sa shop, tulad ng sinabi nito noong nakaraan.

 

Nakatambay lang si Chanyeol sa tahimik na field sa ilalim ng puno. Walang katao-tao. Tahimik, hindi katulad kapag may pasok. 

 

Nasa gym ang practice ng graduation kaya hindi niya nasasagap mula roon ang ingay dahil malayo-layo. 

 

Payapa lang siyang nag-iisa habang nakikinig ng music sa cellphone niya at may nakasaksak na earphones sa tenga niya. Mga ilang saglit din niyang inenjoy ang katahimikan hanggang sa unti-unting umingay sa paligid.

 

Mukhang tapos na ang practice at dismissal na. Ang alam niya ay pangalawang araw ngayon at bukas ang last day.

 

Tinanggal niya ‘yung nakasalpak sa tenga niya at may hinanap ang mga mata. Muntik pa siyang mapatayo nang makita ang mga kaibigan nito pero hindi natuloy nang mapansing hindi ito kasama.

 

Kumunot ang noo niya. Nag-CR? Hindi pumasok?

 

Sinundan niya ng tingin ang mga ito at kaagad nasagot ang tanong niya sa nakita niya sa may gate.

 

Pinagkaguluhan pa nga ito.

 

Kitang-kita niya kasi malapit ang diamond field sa main gate kung nasaan ito.

 

“Hala, napakacute naman!”

 

“Anong pangalan?”

 

“Anong breed? Akin nalang!”

 

Ilan lang ‘yon sa mga naririnig niya habang pinepet ng mga kaklase nito ‘yung asong dala.

 

Hindi na kailangang magtanong pa. Sobrang obvious naman na. Hindi umattend si Baekhyun ng practice at pumunta lang ngayong uwian na, dala pa ang alaga nitong aso na bichon frise. Alam niya ‘yung breed kasi bukod sa he extremely loves animals, Sehun owns the same breed of dog.

 

“Lottie.”

 

“Hi, Lottie!” Lalong nagkagulo ang mga ito at ‘yung iba ay nagsisigaw pa sa tuwa kung hindi lang sinita ng guard.

 

Natawa si Chanyeol kasi nilayo ni Baekhyun ‘yung aso sa mga kaklase. Medyo lumapit na siya kaya narinig ang tawa niya since tumahik ang paligid dahil kay Kuya Guard. Napatingin si Baekhyun sa direksyon kung nasaan siya at pati na rin ang iba.

 

Wala siyang nagawa kundi itikom ang bibig at kagatin ang ibabang labi.

 

Si Jongdae ang unang nagreact.

 

“Uy, hello!” Bati nito na parang close sila. Kumaway pa kaya he waved back. 

 

Napatingin si Baekhyun sa kanya pero as usual, hindi man lang ito ngumiti unlike his friends, Kyungsoo and Junmyeon na ginaya si Jongdae, pero tinignan naman siya at tinanguan.

 

“Ibaba mo nga, Baek!” Ang sabi ng isa sa mga kaklase nito. Nananahimik lang si Chanyeol at kunwaring may sariling mundo. “Oo nga, nakatali naman.”

 

Hindi nakatali ang aso kapag nasa bahay, kapag umaalis lang na kasama ito ni Baekhyun pero loose para hindi masakal. To secure lang na hindi tatakas dahil malikot ito.

 

Noong una ay ayaw nito pero kalaunan ay napilit din. Pinagkaguluhan ng lahat ang cute na si Lottie hanggang sa sobra rin itong natuwa. Sobrang clingy kasi nito at maligalig kapag may nakakalaro kaya naman hindi nila namalayan na sumobrang luwag na pala ng tali nito at bigla nalang nagtatakbo palayo.

 

Nakawala na.

 

Napasigaw si Baekhyun at ang iba.

 

“Hala, Baek!”

 

Nataranta si Baekhyun kasi mahirap hulihin si Lottie. Sa laki ng eskwelahan, mapapagod muna siya at baka malupaypay pa bago ito makuha. Kahit ganoon, he tried chasing his dog kaso sadyang napakabilis ni Lottie.

 

Kahit anong tawag ang gawin dito ni Baekhyun ay hindi talaga mahabol hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

 

“Hala…” Nanlulumo niyang sabi. Baka kasi makalabas ito sa mga maliliit na siwang o di kaya sa back gate. 

 

Tinulungan na rin siya ng mga kaibigan at ibang kaklase pero ni isa sa kanila ay hindi nakita si Lottie. Inabot sila ng kalahating oras katatawag at kahahanap dito hanggang sa makarinig sila ng isang tahol at mabilis na sinundan ni Baekhyun kung saan nanggagaling ang tunog at nakahinga siya nang maluwag nang makita ang aso niya na buhat ni Chanyeol.

 

Kaagad niyang nilapitan ang dalawa at kinuha sa mga bisig ni Chanyeol.

 

“Ano ka ba!” Sermon niya kahit na niyayakap naman ang aso at hinahalikan sa ulo. “Akala ko hindi na kita makikita. Nakakainis ka! Paano kung nawala ka! Kukunin ka ng pulis, sige ka.” 

 

Natawa ‘yung mga nakarinig kasi akala mo ba’y bata lang ‘yung pinagsasabihan. Tuluyan siyang naluha kasi sobra talaga siyang nag-alala. Muntik pa nga niyang makalimutan si Chanyeol kung hindi lang humarap si Lottie dito at mahinang tumahol.

 

Alam ni Baekhyun ‘yung tunog na ‘yon ni Lottie. Yun ‘yung tahol na ginagawa nito kapag gusto ni Lottie magpabuhat o magpapet sa isang tao.

 

He looks at Chanyeol na pinapanood lang sila habang may maliit na ngiti sa labi, labas ang dimples nito.

 

For the first time, he smiled at Chanyeol.

 

Mas lumapad ang ngiti nito sa labi lalo pa nang marinig ang mga salitang, “Thank you.” mula sa kanya.

 

“Wala ‘yon.” 

 

Baekhyun can see kung gaano kagustong hawakan ni Chanyeol si Lottie kaya nilapit niya ito.

 

“Gusto niya sayo.”

 

Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Chanyeol at naliwanag pa ang mga mata bago pinat ang ulo ni Lottie.. Surprisingly, nag-behave si Lottie which she never did kapag ibang tao ang kaharap.

 

Napatingin si Baekhyun sa mga kaibigan niyang gulat din. Never tumahimik si Lottie around them.

 

“Hala…” Reaksyon ni Jongdae. “Hala, Chanyeol, gusto niya sayo!”

 

Inangat ni Chanyeol ang tingin ngunit hindi kay Jongdae, kay Baekhyun. Tumango ito sa kanya, sang-ayon na sinasabi ni Jongdae.

 

“Sakin lang siya ganyan. Kahit sa mga kasama ko sa bahay, hindi. Ikaw ‘yung una niyang nagustuhan na hindi ako.”

 

Hindi siya nakasagot. Napatitig kasi siya rito. His heart warms nang marinig din iyon mula kay Baekhyun na nilabanan ang mga tingin niya. No one from the two of them wants to break the eye contact. Nakakadala, nakakalunod.  

 

Kaya lang umentra ‘yung mga kaibigan ni Baekhyun.

 

“Mukha kayong pamilya.” Junmyeon says kaya kaagad itong umiwas ng tingin habang napaubo nalang siya para mabawasan ang awkwardness kahit papano.

 

“Ah…” Baekhyun smiles again. Pangalawa na ‘yon ah. “Salamat ulit.” Ang sabi nito. “Mauna na kami.”

 

Tumango siya, sa isip isip ay dapat siya pa nga ang magpasalamat… kay Lottie. Papalayo si Baekhyun habang buhat ang aso nang tawagin niya ito, for the first time sa pangalan.

 

Baekhyun turns around and looks at him. “Hm?”

 

“Congratulations in advance.” Ang sabi niya at napakamot sa ulo. “Sa graduation niyo sa katapusan.”

 

Muling ngumiti si Baekhyun. Pangatlo na. Parang hindi kinakaya ni Chanyeol. “Thank you ulit.” Ang sabi nito na sinagot niya ng, “Welcome.” Bago tuluyang umalis.








Iyon na ang huli nilang pagkikita dahil hindi nakapunta si Chanyeol sa graduation kahit pa pinlano niya.

 

There are things that are not meant to happen, ika nga.

































“Ano ba naman ‘yan, ate! Ngayon na nga lang ako tanghali gigising ulit, eh.” Ang bungad ni Chanyeol sa tawag matapos tingnan ang caller ID sa screen ng cellphone niya. Ilang beses na niya kasing binaba pero paulit-ulit pa ring tumunog. Hindi tumigil ‘yung tumatawag hanggang sa sagutin niya. “Ano ba ‘yon?”

 

“May nakalimutan ako.” Malambing ang tono ni Yoora, ang ate niya, tunog may kailangan. Lalong nabugnot si Chanyeol sa narinig.

 

It has been three months kasi nang mag-start ang panibagong school year. Ang bilis . Parang dati lang pinagsuot pa siya ng mama niya ng bestida pagkatapos tuliin tapos ngayon ay fourth year na siya, ilang buwan nalang ay gagraduate na siya ng high school at tutungo na ng college. Syempre, maaga pa rin ang pasok kaya every weekend nalang niya nagagawang gumising ng maaga pero sadyang panira ang ate niya.

 

“Anong gusto mong gawin ko?” Ang tanong niya kahit na alam na alam naman na niya ang dahilan ng pagtawag ni Yoora.

 

“Ito naman ang sungit-sungit. Hindi ko naman pwedeng iwanan ang mga estudyante ko.” 

 

Yoora is a professor kasi. She teaches college students in FEU.. Statistics ang specialty niya at katulad lang din niya, magaling din si Chanyeol sa Math. Iyon ang paborito nilang subject pareho.

 

“Tapos?” Nakahiga pa rin si Chanyeol, nakapikit.

 

“Chanyeol!” Napikon na si Yoora. Sumama naman ang mukha ni Chanyeol. Hindi ba dapat ay siya ang mainis? Sinira na ng ate niya ang Sabado niya.

 

Tumayo na siya. Nakakainis talaga. 8 AM palang. Alas tres na siya nakatulog kanina dahil naglaro pa sila nina Sehun at Jongin.

 

“Oo na! Maliligo na ako!”

 

“Huwag ka nang maligo!”

 

Dumiretso pa rin siya ng CR na parang zombie kung maglakad. “Ano ka? Ayoko nga! Nakakahiya! Siguradong papapasukin mo ako sa loob tapos ano? Hindi ako maliligo? Kung ayaw mo maghintay, hindi ko dadalhin ‘yung pinapadala mo.”

 

Ilang beses na kasing nangyari ang bagay na ‘yon alam na alam na niyang papapasukin siya nito at ipahahatid ang kung ano namang nakalimutan this time sa kung nasaan mismo ito, mapa-classroom or faculty lounge.

 

Makakalimutin talaga si Yoora at madalas ay sa kanya talaga inuutos. Kanino pa ba? Bukod sa hindi naman ganun kalayo ang bahay nila mula sa unibersidad, wala kasing natitira sa bahay nila from Monday to Saturday dahil may mga trabaho bukod kay Chanyeol kapag weekend. Sunday lang sila nakukumpletong pamilya. Madalas pa ay tuwing weekend may nakakalimutan si Yoora kaya mas napipikon si Chanyeol kasi raw sinasadya na pero hindi, ganun lang talaga ang nangyayari. 

 

“Oo na, maligo ka na.” Ang sagot nito.

 

“Ano nga ba ‘yung ipapadala mo?” He asks in the middle of yawning kaya he had to repeat kasi hindi naintindihan ni Yoora.

 

“Yung notebook ko sa kwarto. That’s color white. A4 ‘yon. Super need ko today kasi andyan ‘yung groupings and lahat ng plans ng first years ko para sa project nila.”

 

He hisses bago sabihing, “Sige, saglit lang.” Tapos ay hindi na hinintay pang makasagot ang ate at binabaan na ng tawag.

 

Kung iniinis siya ni Yoora, kaya niya rin itong inisin. Sus, pero masunurin pa rin naman sa ate.

 

Hindi na rin siya nagtagal. Mabilis lang din naman kasi talaga siyang maligo. Nagbihis lang siya ng simpleng black shirt, ripped denim jeans, at cap. Tatambay na lang siguro siya sa shop nila Jongin dahil wala naman siyang gagawin pagkatapos ‘non.

 

Ang sarap ng high school life.





He rode a UV papunta don. Gustuhin man niyang mag-drive, wala pa siyang lisensya since he is just turning 16 sa birthday niya sa November. Isa pa, wala rin naman siyang sarili pang kotse kahit pa marunong na siya kaya anong gagamitin niya kung sakali?

 

Around 20 minutes din ang byahe. Nang makababa siya, dumiretso na siya sa mismong institusyon. Nakabisado na niya sa sobrang palautos ng ate niya. Sa totoo lang ay inaaya siya nitong doon daw mag-college pero hindi nagtatagumpay si Yoora. Ayaw nga niya. Basta, ayaw lang niya.

 

Tamaraw na nga ‘yung ate niya, eh. Sa iba naman siya.

 

Binigyan siya ng visitor’s pass sa gate after he surrendered his school ID na mababawi lang niya paglabas. Pagkatapos ‘non ay dumiretso na siya sa lugar na sinabi ni Yoora. Nagtext kasi siya rito na dumating na siya.

 

Ang galing talaga, eh. Imbes na pinupuntahan nalang siya sa gate. Paglalakarin pa siya nang malayo.

 

Nang makarating sa labas ng silid na sinasabi ng ate niya, tinext niya itong nandoon na siya dahil hindi naman siya pwedeng pumasok agad-agad lalo pa’t ongoing ang klase. 

 

Mabilis lang din at lumabas na si Yoora. 

 

“Ayan na ah.” 

 

“Thank you.” His sister says pagkakuha. “Pakiss nga. Good boy ka talaga, baby!”

 

Tumingkayad na ito at hinawakan na ang pisngi niya. Akmang hahalikan na siya sa cheeks nang umiwas siya.

 

“Kadiri ka naman, ate!” 

 

“Anong kadiri? Napakaarte mo!”

 

Pinilit pa rin nang pinilit ni Yoora pero sadyang maarte siya at sa huling piglas niya ay may natamaan siyang dumadaan sa hallway.

 

“Aray!” 

 

Shit, sorry!”

 

Kinurot siya ni Yoora. “Bibig mo ah.” Pero hindi na niya ‘yon inintindi dahil nagulat siya sa nakita niya.

 

Actually, tatlo silang nagkagulatan. May kasama kasi ‘yung nasanggi niya at ito ang unang nagreact habang gulat pa rin silang magkatitigan ‘nung taong sinabihan niyang sorry.

 

“Chanyeol?” 

 

Tumango siya sa sinabi ni Jongdae habang ang mga mata ay na kay Baekhyun pa rin na mukhang hindi makapaniwala na nakita siya all of a sudden.

 

Well, ganun din naman siya.

 

“Uy, grabe! Dito ka rin magkacollege ‘no? Nandito ka for application?”

 

Bago pa man siya makasahot, nagsalita na si Yoora sa tabi niya.

 

“Magkakakilala kayo?”

 

Doon lang ito narecognize nina Baekhyun at Jongdae. Kaagad nilang binati si Yoora.

 

“Good morning, ma’am.”

 

Tumango naman si Yoora, smiling. “Kilala mo sila, ate?” Ang tanong naman ni Chanyeol at saka hinarap ang ate niya. 

 

“Mga students ko sila. First years din. Bukas ang klase ko sa block nila.” 

 

Napatango-tango si Chanyeol. “Kayo? Paano kayo mga nagkakilala?”

 

Si Jongdae na ang sumagot. Isa kasi si Yoora sa mga bagets na professor. Close ito sa mga estudyante. Hindi naman sa lahat pero syempre kasali ron si Jongdae aka Mr. Congeniality.

 

“Schoolmate po namin siya noong high school, ma’am.”

 

Yoora knows. “That’s why.”

 

Tahimik na napapaisip naman si Baekhyun.

 

Ate daw... Kaya pala parang may kamukha si Ms. Park pero hindi niya madetermine kung sino. How could he not think about Chanyeol when they have the same surname? Napailing siya. Nakaka-shunga talaga ang college.

 

Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ngayon ang tatlo kaya tinanong siya ni yoora. “Bakit ka umiiling? Hindi mo ba kilala si Chanyeol?” Curious na tanong nito.

 

Sasagot palang siya na kilala niya at iba ‘yung iniisip niya nang maunahan nanaman siya ni Jongdae.

 

“Nako, ma’am! Kilalang-kilala nila ang isa’t-isa. Nagka-something pa nga—Aray!” Inapakan ni Baekhyun ang paa ng kaibigan tapos ay awkward na tumawa.

 

“Kilalang-kilala po ang isa’t-isa kasi sikat ‘tong si Chanyeol, eh. Wala yatang estudyante doon na hindi siya kilala. Magaling kasi sa baseball. Yun po ang ibig sabihin ni Jongdae.”

 

Tumango naman si Yoora. She knows about his brother’s popularity. Palagi itong nasa Facebook page ng school kapag usapang sports na ang pinopost.

 

“Okay, sige, maiwan ko muna kayo kasi may ongoing class pa ako. Napatagal na ‘tong kwentuhan na ‘to.” Yoora says tapos ay pumasok na matapo biglain halikan si Chanyeol sa cheeks na pinunasan naman pagpasok ng ate.

 

Natawa si Jongdae. “Sweet niyo.”

 

Napakamot nalang si Chanyeol sa ulo at muling tumingin kay Baekhyun. Ayaw pa niyang magpaalam.

 

Ngayon nalang ulit sila nagkita.  

 

Ang last pa noong hinuli niya si Lottie sa field. Ang tagal na ‘non. March pa. September na ngayon.

 

Pero wala naman siyang masabi at may dahilan ba for them to catch up samantalang hindi naman nila maitutukoy na friend ang isa’t-isa?

 

Sasabihin niya sanang mauna na siya dahil mukhang may klase pa rin ang mga ito nang again magsalita si Jongdae.

 

“Uy, diba Baek, nagpapasama ka sa Starbucks?” Tumango si Baekhyun. Hindi alam ni Chanyeol kung dapat na ba siyang umalis dahil labas naman na siya sa usapan nang marinig niya ang pangalan niya sa sunod na sinabi ni Jongdae. “Hindi pala kita masasamahan kasi kailangan kong pumila sa registrar. Alam mo na kasi mag-peprelim exams. Mahaba nanaman ang pila don ngayon. Kay Chanyeol ka nalang magpasama.”

 

Napatingin si Baekhyunn sa kanya bago muli kay Jongdae. “Ay, sasama nalang ako don.”

 

“Ay, hindi na. Mahaba ‘yon. Maiinip ka. Sige na, mag-Starbucks ka na.”

 

“Okay… pero ako nalang. Kaya ko namang mag-isa.” Mahinang sabi nito at parang mamamato na si Jongdae ng libro kahit may ngiti pa rin sa labi nang tignan si Chanyeol. 

 

“Eh, parang wala din naman yatang gagawin si Chanyeol, eh. Diba, no, Chanyeol?”

 

Kahit si Baekhyun ay napatingin sa kanya. He knows pwedeng-pwede nitong sabihing huwag na siyang abalahin and he doesn’t like that thought kaya mabilis na siyang sumagot.

 

“Oo, wala. Actually, gusto ko nga rin ng kape, eh. Tsaka magpalamig na rin sa Starbucks. Init kasi ngayon.” Ang sabi nito. “So, ano?” Buong tapang niyang tinignan si Baekhyun bago tanungin ng, “Tara?” 

 

Naghintay siya ng sagot. Medyo natagalan pa nga. Nakita niya kung paanong inirapan ni Baekhyun ang kaibigan bago sagutin ang tanong niya. 

 

“Okay.” Baekhyun says, mahina ang boses at parang nahihiya. “Tara.”

 

Pasimpleng napangiti si Chanyeol habang binalandra naman ni Jongdae ang kanyang ngiting tagumpay bago naglakad palayo.

 

“Sige, take your time. 11 pa ang klase nyan ni Baekhyun. Enjoy your coffee date .” Pagkatapos ‘non ay nagtatakbo na ito palayo para hindi na masita pa ni Baekhyun na bumuntong hininga bago tingnan si Chanyeol muli.

 

“Pasensya ka na don ah? Hindi mo naman ako talaga kailangan samahan kasi—”

 

Hindi na ito pinatapos ni Chanyeol. Binigyan na siya ng pagkakataon . Bakit pa niya sasayangin?

 

“Okay lang talaga. Gusto ko rin naman.”

 

Napatigil silang dalawa dahil sa sinabi niya kaya dinugtungan niya para hindi awkward. “Ng kape.”

 

“Ah.” Baekhyun smiles a little. “Sige, halika na.”

 

Naglakad na sila. May space sa pagitan nila pero hindi naman sobrang laki. Nang matagal at hindi na kinaya ni Chanyeol ang awkward na katahimikan, nagsalita siya kaso ay nagkasabay sila. 

 

Baekhyun wanted to break the silence, too.

 

“Kamusta?” Pareho pa sila ng sinabi kaya hindi maiwasang parehong matawa.

 

“Ikaw muna ang sumagot.” Chanyeol says.

 

Nagpatuloy sila sa paglalakad palabas. Napakalawak kasi ng institusyon.

 

“Ayos naman. Still adjusting. Sobrang ibang-iba ng high school sa college. Pakiramdam ko hindi ako grumaduate ng with honors.” Ang sagot nito.

 

Parang natakot naman si Chanyeol don.

 

“Pero naniniwala akong kayang-kaya mo ‘yan. Si Baekhyun ka, eh.”

 

Since nakatingin siya rito, nakita niya kung paano ito napangiti sa sinabi niya.

 

“Eh, ikaw? Kamusta naman ang pagiging graduating?”

 

“Ayun, research naman ang focus. Medyo naguguluhan lang kami kasi kakabigay lang ng groupings tapos napakagulo magpaliwanag ni Ma’am Villamor.” 

 

Baekhyun laughs. Teacher din nila ‘yon sa Research noong fourth year and he can attest na magulo talaga mag-turo ang gurong ‘yon.

 

“Kaya magtulong-tulong kayo. Kaya niyo ‘yan. Kaya mo rin ‘yon.” He tells Chanyeol. “Si Chanyeol ka, eh.” Paggaya niya sa sinabi nito at muli ay pareho silang natawa. 

 

Nakalabas na sila at naglakad papunta sa Starbucks na malapit lang. 

 

Nang makarating doon, nilapag muna ni Baekhyun ang mga gamit bago sila sabay tumayo ni Chanyeol.

 

“Ako nalang bibili.” Ang sabi nito. “Sabihin mo nalang order mo.”

 

“Eh, pipili ako.” He says. “Dalawa nalang tayo don.”

 

Kaya dalawa silang pumunta sa may counter. Si Baekhyun ang nakapila habang nasa tabi niya lang si Chanyeol na nakatingala din sa menu. 

 

Nang turn na nila para bumili, sinabi na ni Baekhyun ang order niya tapos ay tinignan si Chanyeol. 

 

“Ano sayo?”

 

“Ah, tulad na lang din sayo.”

 

“Dalawa na palang Cold Brew, Venti, and Ham and Cheese Croissant.” 

 

“Name po?” 

 

“Loey.”

 

Napakunot ang noo ni Chanyeol sa narinig habang sinasabi ni Baekhyun ang spelling since hindi rin alam nung crew. 

 

Nag-abot na ito ng bayad tapos ay bumalik na sila sa table pagkakuha ng receipt.

 

Inabot ni Chanyeol dito ‘yung bayad na kinuha naman ni Baekhyun. Of course, from allowance ‘yon, eh.

 

“Ano nga pala ‘yung Loey?” Chanyeol asks nang maupo sila. 

 

Inaayos ni Baekhyun ang bag. “ Binaliktad lang, galing sa pangalan ng crush ko .” Ang sagot nito nang hindi siya tinitingnan.

 

Napakunot ang noo niya. May bago ng crush… sabagay, hindi naman yata talaga siya nito naging crush. Kalokohan lang ‘yung sa intrams last year.

 

Tumango siya at sinabing, “Ah.” Then decided to change the topic while waiting for their order. “Bakit nga pala ang aga mong pumasok? Sabi ni Jongdae 11 pa ang class mo.”

 

Umayos na si Baekhyun ng upo. Konti palang ang tao sa coffee shop. Payapa ang buhay nila don. Narerelax si Baekhyun.

 

“May pinasa kasi akong output sa isa naming prof na hindi ko nagawa kahapon. Late  submission. Sabi niya hindi siya magdededuct basta mapasa ko by 8 AM kaya maaga akong pumasok. Ayokong mabawasan.”

 

He nods. Kaya pala. Buti nalang.

 

“Prof mo pala si ate ‘no?”

 

Si Baekhyun naman ang tumango this time. “Oo, mabait ‘yon. Magaling pa.”

 

“Huwag kang naniniwala. Hindi ‘yon mabait sa totoong buhay. Pakitang tao niya lang ‘yon.”

 

“Loko ka.” 

 

Kung makapag-usap sila ay parang matagal nang magkakilala. Well, technically, totoo naman pero hindi naman kasi sila super close pero ulit magrereklamo pa ba si Chanyeol? Mabuti nga at ganito. Walang ilangan. Tsaka isa pa, bakit naman sila maiilang sa isa’t-isa?

 

Hindi naman nagkaroon ng something.

 

After a while, tinawag na ‘yung Loey . Akmang tatayo si Baekhyun nang pigilan niya ito.

 

“Ako na.” He says tapos ay pumunta na ron. 

 

Pagkakuha ng order, nagsimula na ring kumain si Baekhyun. Hindi pa kasi nag-aalmusal.

 

“Kamusta pala si ano… Lottie?” Chanyeol asks while munching his croissant. 

 

Paborito niya ang ham and cheese. Siguro si Baekhyun din. The thought of them liking the same food makes him smile. 

 

Napansin naman ni Baekhyun ‘yon. Smiling because of Lottie?

 

“Ayun, napakakulit pa rin. Mas lumaki na siya. Ang taba-taba. How about you? Do you have a dog?”

 

“Meron pero family dog siya. Hindi sakin lang. Si Cloud. Golden retriever.”

 

“Cute naman ng name, Cloud.

 

“Si ate ang nagpangalan. Pinag-awayan pa naman ‘yon. Gusto ko kasi Beethoven pero ayaw niya. Syempre, siya ang nanalo. Hindi naman nagpapatalo ‘yon, eh.”

 

“Adopt ka na lang ng sarili mong dog.” Baekhyun says, sipping from his cold brew.

 

“Balak ko nga rin pero sa susunod nalang. Baka magselos si Cloud.”

 

“In case lang, you can contact me on Facebook. I have a friend na nagbebenta ng dogs with legal papers.”

 

Hearing that, saka lang narealize ni Chanyeol na hindi pa nga pala sila Facebook friends kaya naman nagawan niya ng paraan upang ipasok ‘yon.

 

Buti Baekhyun mentioned.

 

“Sige, add kita para in case.”

 

Baekhyun nods, wiping his mouth using a tissue paper. “Okay, go.”

 

Patagong napangiti si Chanyeol. Yes. Nagkaroon siya ng dahilan.

 

Kinuha niya ang cellphone niya to add Baekhyun. Gusto man niyang sabihin dito na i-accept na siya, baka mahalata namang naexcite siya kaya aantayin niya nalang. Sabi niya nalang na, “Okay na.”

 

Tumango lang si Baekhyun at sinabing, “Sige, wait lang.” 

 

Lumipas ang oras with them talking about random things but not the whole time kasi naglabas si Baekhyun ng gawain kaya nanahimik nalang si Chanyeol hanggang sa it is time para umalis ito.

 

Around 10 AM palang ‘non. Nagpaalam na si Baekhyun.

 

Syempre, wala naman siyang magagawa. 

 

“Sige. Ako dito nalang muna. Wala naman akong ibang gagawin. Tambay lang.”

 

Baekhyun nods. Ayaw sana ni Chanyeol matapos lang ng ganun pero ano bang magagawa niya? He mentally noted nalang na magtanong-tanong about sa aso kapag inaccept na siya nito sa Facebook.

 

“Sige, Chanyeol..” Ang sabi nito, suot na ang bag at dala ang isang pina-bookbin na notes. “Una na ako.”

 

He nods. “Bye. Goodluck sa class today.”

 

After ‘non, lumabas na si Baekhyun. Hindi rin nagtagal ay may nareceive si Chanyeol na notification and napangiti siya nang makita ang nakasaad dito.

 

Baekhyun Byun accepted your friend request.  

 

Cinlick niya ‘yung profile niya para sana magpalit ng DP, ‘yung mas pogi siya nang may marealize siya when he looked at his name.

 

Chanyeol Park. Chanyeol… Yeol…. Loey.

 

Napapalo siya sa mesa nang may marealize, muntikan pa siyang mapatayo dahil naalala niya ‘yung sagot ni Baekhyun nang tanungin niya kanina kung ano ba ‘yung Loey.

 

Binaliktad lang, galing sa pangalan ng crush ko .”

 

Pinagtitinginan na siya. Alam niyang mukha siyang tanga na mag-isang ngumingiti-ngiti pero wala siyang pakialam. Basta ang alam niya, kinikilig siya.

 

Tumingin siya sa labas, sa may pinto exactly kung saan niya huling nakita si Baekhyun nang iwanan siya nito. He giggles as he is reminded of something.

 

Palagi niyang sinasabi sa ate niya na ayaw niyang sa FEU mag-college but he might reconsider it.


















Meanwhile, habang kinikilig pa rin si Chanyeol sa loob ng Starbucks, Baekhyun is biting his lower lip habang naglalakad sa loob ng campus, papuntang library.

 

Iba pala ‘yung kilig kapag nakita mo ‘yung taong matagal mong hindi nakita. Oo na, hindi naman nawala ‘yung attraction niya kay Chanyeol. Syempre, noon dinedeny lang niya kasi there is no way na aaminin niya ‘yon sa mga tao pero ngayong hindi na sila magkasama sa iisang school, parang ang sarap ulit magkaroon ng happy crush.

 

He silently chuckles. Salamat, Ham and Cheese croissant. Salamat, Jongdae.



















Pagkatapos ng araw na ‘yon, dumalas ang pagpunta-punta ni Chanyeol sa FEU. Nang minsang mahuli siya ng ate niya, sinabi niya rito na finafamiliarize niya lang ang lugar dahil syempre magkacollege na siya next year. Mabuti nalang at hindi nagsuspetsa si Yoora ng ibang bagay at sinabi lang na aarte-arte pa siya noon, icoconsider din naman pala.

 

Kung saan-saan siya tumatambay na fast food at cafe na malapit doon na pwedeng puntahan ni Baekhyun pero hindi siya sinuswerte hanggang sa isang Sabado ng yayain niya sa Starbucks kung saan sila huling nagkita ni Baekhyun ang mga kagrupo sa baby thesis para doon nalang daw gumawa, bigla niya itong nakita. 

 

Sa totoo lang ay kanina pa siya antay nang antay sa isang Baekhyun na papasok and he thinks this is his lucky day dahil sa ilang linggo pabalik-balik, ngayon ay natyempuhan siya nito.

 

Baekhyun is not alone. May mga kasama ito pero hindi niya mga kakilala. Apat sila. Malamang ay college friends. 

 

Sinundan niya ng tingin si Baekhyun na hindi siya napapansin at syempre, hindi naman siya papayag na hindi kaya magpapapansin siya.

 

After mag-order ng grupo nila Baekhyun, naupo sila sa kabilang dulo mula sa kung nasaan sila Chanyeol.

 

Patuloy na nag-uusap usap ang groupmates niya, actually ‘yung leader nga lang at taga-tango lang ‘yung ibang members nang mapatingin sa kanya ang mga ito nang bigla siyang tumayo.

 

“Ah, may bibilhin lang.”

 

“Sige, go.” Ang sabi nung isa na si Sejeong tapos ay hinayaan na siya ng mga ito. Hindi niya kagrupo ang mga kaibigan niya. Sinadya ni Ms. Villamor na hindi sila pagsama-samahin para raw hindi magulo. 

 

Pumunta na siya sa counter. Pagkatapos umorder, hindi muna siya bumalik sa table nila at talagang inantay ‘yung order until tawagin ‘yung pangalan niya. 

 

Kinuha niya ‘yon at nagpasalamat sa crew. Nilabas niya ang cellphone niya and decided to send Baekhyun a message.

 

Their first chat. Hindi pa kasi siya nakakahanap ng tyempo para makapagtanong about sa dogs kahit na tatlong linggo na ang nakalipas mula noon.

 

Lagi siyang natatameme, walang maisip sa tuwing susubukan niya. Ewan ba niya. Pero siguro nga kaya hindi matuloy-tuloy dahil ngayon ang perfect timing. Sakto din kasing nakikita niya sa kung nasaan siya ngayon na gamit nito ang cellphone.

 

He typed a message. “Hi, may ibibigay lang po.”

 

Kaagad na-seen ni Baekhyun at tumingin-tingin ito sa paligid para hanapin siya dahil sa chat niya. Nang hindi siya makita, nagreply ito.

 

“Wrong send?”

 

Kaagad siyang nagreply. “Hindi, may ibibigay ako talaga sayo. Pwede bang magpunta dyan sa table niyo?”

 

Mabuti nalang at mabilis ding magreply si Baekhyun. “Since hindi kita makita, edi okay.”

 

Tinago na niya ‘yung cellphone niya after ‘non at naglakad papunta sa kung nasaan si Baekhyun. Nakatalikod ito sa kanya. Hindi na niya tinawag basta ay nilapag nalang niya ‘yung maliit na paper bag. Pina-takeout niya kasi sa crew. 

 

Napatingin ang mga kasama nito sa kanya kasabay ng paglingon ni Baekhyun.

 

“Ano ‘to?” Ang tanong nito. “Ito ‘yung sinasabi mong ibibigay mo?” 

 

Tumango siya kay Baekhyun habang napapakamot sa batok. Ganun siya kapag nahihiya. “Oo.” Ang sagot niya dito habang awkward na nakangiti.

 

Bigla namang tinukso si Baekhyun ng mga kasama. Umiling ito. “Nako, we’re just…” then he looks at Chanyeol. “Friends.” 

 

“Sana all may friend na magbibigay ng takeout. Friend lang ah? Takot ako sa commitment, eh.”

 

Nagtawanan sila dahil sa sinabi ng isang blockmate ni Baekhyun na inirapan nito.

 

“Ano ba kasi ‘to?” Ang tanong nito sa kanya.

 

“Check mo nalang.” Ang sagot niya. “Sige, una na ‘ko. Inaantay din ako ng groupmates ko.”

 

Hindi na niya hinintay pang makapag-thank you ito at umalis na siya. Pagbalik sa pwesto niya kung saan hindi siya pinansin ng mga kagrupo niya ay saka niya ito muling binalikan ng tingin at nakitang sinilip ni Baekhyun ‘yung laman ng paper bag.

 

Napangiti ito. Ilang sandali matapos ‘non, he receives a chat.

 

“You didn’t have to but still thank you. Alam mo na ang favorite ko ah? Bawi ako soon :)”

 

He cannot wait for that soon.















Magmula ng araw na ‘yon, hindi na nag-iba ng lugar si Chanyeol na pupuntahan kundi sa Starbucks lang every Saturday. Kahit wala namang napag-uusapan, para naging schedule nila ni Baekhyun ang magkita sa Starbucks tuwing 8-9 ng Sabado ng umaga. They started to get along at sa bawat araw na lumilipas, hindi nila parehong namamalayan na unti-unti, hindi na lang simpleng crush at attraction ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.

 

“Huy, anong ginagawa mo rito, ha?” Ang tanong ni Yoora kay Chanyeol nang isang Sabado ng umaga ay magpunta rin ito sa coffee shop dahil nacancel ang morning classes. “Diba weekend ngayon? Bakit ang aga mong tumambay sa labas?”

 

May ibang kasama na faculty member ang ate niya. Napakamot siya sa ulo. Inaantay niya si Baekhyun. Kagabi kasi ay pinag-usapan nila through chat ‘yung tungkol sa asong nagustuhan ni Chanyeol at balak na niyang kunin at bilhin mula sa kaibigan ni Baekhyun. Tho, kahit naman wala pa siyang balak, magkikita talaga sila pero ngayon lang ay masasabing may specific na dahilan. 

 

Hirap lang din kasi talagang magpalusot minsan sa tuwing tinatanong siya ni Baekhyun. Sus, kunyare pa, eh, inaanticipate din naman nito every week ang dating ayaw kasi weekend nga ‘yon, wala dapat pasok.

 

Ang Saturday morning.

 

“Wala lang. Gusto ko lang mag-kape, masama ba?”

 

Tumaas ang kilay ni Yoora. “Gusto magkape? Ang dami-dami sa bahay. Bumyahe ka pa talaga papunta rito.”

 

Ginulo ni Chanyeol ang buhok niya. Daming tanong. Kailangan mapaalis niya ang ate niya bago pa dumating si Baekhyun. “Dun ka na nga, ate! Huwag ka nang chismosa! May trabaho ka, eh, kaya ikaw ang dapat tanungin kung bakit ka nandito kasi ako walang pasok.”

 

“Marunong ka na gumanyan-ganyan, baby boy , ah?”

 

“Ate!” 

 

Nagtawanan ‘yung mga kasama ni Yoora kasi ang laking tao ng tinatawag nitong baby boy. Lalo namang kumunot ang noo ni Chanyeol at halatang nandidiri ang hitsura nang lumapit ang ate to kiss him sana sa cheek.

 

“Ate, isa. Subukan mo. Aalis ako dito talaga para sumubsob ka.” Ang sabi niya pero hindi naman siya ganun kasama. Hindi niya ‘yun gagawin.

 

Pinalo siya ni Yoora sa braso. “Hoy! Ang sama mo!” 

 

“Bahala ka. Tigilan mo ‘yan.”

 

“Oo na.” Umirap si Yoora. “May ka-date ka lang yata, eh.”

 

“Wala ‘no.” Umiwas siya ng tingin. Wala naman talaga, eh. Unless… “Dun ka na nga! Iwanan mo na ako! Pinag-aantay mo mga kasama mo. Mahiya ka naman. Paimportante ka talaga.”

 

“Nyenyenye.” Pang-iinis pa ni Yoora na papunta sa counter. 

 

Inabot naman ni Chanyeol ang cellphone na nasa mesa at sasabihan na sana si Baekhyun na sa iba nalang sila magkita dahil baka bigla itong dumating nang ito na nga, totoong dumating na.

 

Paupo palang ito ay tumayo na siya.

 

“Bakit?” Baekhyun asks, frowning.

 

Sasabihin palang niya sana na sawa na siya sa Starbucks at mag-try naman sila sa iba nang may muling tumawag sa kanya at nagulat ito pati na rin si Baekhyun nang makita ang isa’t-isa.

 

It is Yoora, inaabutan siya ng bacon and egg croissant bun. Sabi pa nitong, “Oh, favorite mo.” Bago napatigil at binanggit ang pangalan ng nakitang kasama niya.

 

“Baekhyun?”

 

Wala na siyang nagawa. Kaunting nag-bow si Baekhyun upang batiin ang professor. “Good morning po, ma’am.”

 

Halatang nahiya si Baekhyun habang siya naman ay mariing napapikit nalang at napakamot sa batok nang unti-unti ay nagform ang isang makahulugang ngiti sa labi ni Yoora.

 

“Ah.. nakakaistorbo ba ako? Sige, sorry. Enjoy kayo. Akin nalang ‘tong croissant bun.” Tapos ay itinago na ang sandwich sa paper bag pero bago sila nito tuluyang nilagpasan ay huminto pa sa tabi ni Chanyeol at bumulong. “Kape pala, huh? Pinopormahan mo lang pala ang estudyante ko. Mag-usap tayo mamaya sa bahay.”

 

Sinundan niya ng tingin ang ate niyang halos buhatin niya palabas ng Starbucks dahil ilang beses pa itong sumulyap sakanila bago tuluyang makalabas.

 

Naupo siya sa tabi ni Baekhyun. “Sorry kay ate.” Ang una niyang sinabi rito.

 

“Sorry for what?” Baekhyun asks na tinugunan niya ng kibit balikat. 

 

Ewan din niya. Unless narinig nito ‘yung sinabi ng ate niya.

 

Sana hindi.

 

Parang ngayon nalang sila muli naging awkward. Kasi naman, Ate! “Uhm, gusto mo na makita ‘yung mga puppy? Kaka-send lang sakin ng friend ko kaninang umaga ‘yung mga pictures. Ang cucute nilang lahat.” Biglang sabi ni Baekhyun to break the ice.

 

“Sige.” Tumango siya. “Pero bili muna ako ng breakfast natin.”

 

Sabay talaga sila nag-aalmusal every Saturday morning. 

 

“The usual?” Chanyeol asks to which Baekhyun answers with a smile, “Alam mo na.”

 

Nagbigay si Baekhyun ng pera. That’s one thing about them. Ayaw nilang nagpapalibre sa isa’t-isa kaya kahit gusto man ni Chanyeol, he respects Baekhyun’s decision. Ang dahilan naman ng huli ay dahil hindi pa naman sa kanilang pera ‘yon. Sa mga magulang nila ‘yon.

 

Mabuti na lang at mabilis lang ang pila kapag ganung oras. Nakabili kaagad si Chanyeol at habang naghihintay matawag ‘yung pangalan ay tumabi na muna ulit kay Baekhyun.

 

“Asan na? Gusto ko na silang makita.”

 

“Excited ka ah?”

 

“Para magselos na si Cloud.”

 

“Bully ka.” Natatawang sabi ni Baekhyun habang binubuksan ang phone.

 

Hindi naman sa sinisilip ni Chanyeol pero napatingin siya sa lockscreen nito. “Ang laki na ni Lottie ah?”

 

Iyong aso kasi ang nasa lockscreen.

 

“Super! Ang bigat-bigat niya rin. Kapag nakabili ka na ng aso mo, sama kayo samin ni Lottie mag-jog every morning.”

 

“Hindi ako tatanggi dyan.”

 

Makalipas ang ilang sandali ay tinawag ang Yeol na pangalan kaya sumaglit muna si Chanyeol sa counter to get their orders. Napaiwas si Baekhyun ng tingin nang marinig ‘yon. Actually, kapag si Chanyeol ang nag-oorder, palaging Yeol ang ibinibigay na name kaya naaawkward si Baekhyun kapag ganon kasi sana nakalimutan na ni Chanyeol ‘yung Loey.

 

Kung bakit ba naman kasi niya sinabi ‘yun noong unang araw ng muli nilang pagkikita. Ewan din niya kung ano bang nakain niya ‘non at sinabi niya ‘yon.

 

Not that he was lying but he eventually realized na ang risky ‘non. Sana lang talaga binalewala ni Chanyeol at hindi narealize.

 

That was a stupid and impulsive move.

 

Nang muling dumating si Chanyeol, nilapag nito ang order nilang as usual, ham and cheese croissant at tea for Baekhyun habang iced coffee naman for Chanyeol.

 

“Mali ba ako or bacon and egg ‘yung inabot sayo ni ma’am kanina? Yung sabi niyang favorite mo raw.”

 

“Ah..” Halatang suki si Baekhyun sa Starbucks ah? Napakamot si Chanyeol sa ulo. “Sawa na ako ron. Ham and cheese na ‘yung gusto ko. Ewan ko ron kay ate. Nakalimutan ata.”

 

Napataas naman ng kilay si Baekhyun. “Sus.. hindi naman kailangan pareho tayo palagi ng order. Kainin mo ‘yung gusto mo. ako kasi hindi ako nauumay dyan pero baka ikaw, oo.”

 

“Hindi ah!” Chanyeol says. “Ang sarap kaya nitong ham and cheese. Bacon and egg, kaumay.”

 

Baekhyun only shrugs sabay kuha noong kanya. “Sabi mo, eh.” Tapos ay tinuloy na ang pagcecellphone.

 

Napangiti lang naman si Chanyeol. Totong favorite niya ang bacon and egg croissant pero mukhang may swerte siya sa ham and cheese.

 

“Ito ‘yung puppies oh. Tignan mo na.” 

 

Inabot ni Baekhyun ang cellphone sa kanya para siya ang mag-scroll. “Ang dami, diba? Magkakapatid ‘yan pero hindi ang kulay.”

 

“Toy poodle ba sila?”

 

“Portuguese water dog. They don’t shed fur kaya sabi ng friend ko, perfect daw sa mga may allergy.”

 

Napatango-tango si Chanyeol. “Ang hirap namang mamili. Lahat cute.”

 

“Edi pag-isipan mo muna.” Baekhyun says, munching his croissant. “HUwag lang masyadong matagal kasi baka maunahan ka ng iba. Pag nabenta sila lahat, sorry ka na lang.”

 

Sumimangot si Chanyeol. Totoong nagustuhan niya ‘yung puppies. Hindi pwedeng maubusan siya.

 

“Siguro ‘yung pure black na lang. Ang cute niya, sobra. Parang laruan.”

 

“Ikaw bahala kasi ako personally, gusto ko rin pure ‘yung color, eh. Tignan mo si Lottie, pure white.”

 

Napatango si Chanyeol. May narealize siya. Black and white dogs. Pasimple siyang napangiti. “Sige ‘yan nalang. sasabihin ko kay Ate. Iyan ang ipapabili ko sa kanya ngayong birthday ko”

 

That’s when Baekhyun remembers his birthday. Of course, the latter knows. Sikat nga si Chanyeol, diba?

 

“Naeexcite ako. Ano kayang magandang ipangalan?”

 

“Cloud ‘yung family dog niyo. How about name naman this one sky ?”

 

“Pwede, pero too common.” then may naisip nanaman siya. “Paano kung itunog natin sa Lottie kasi ang cute ‘non, eh?”

 

“Cute kasi ako ang nakaisip. Ano bang gusto mo? Witty?

 

“Witty na name or witty ‘yung mismong pangalan?”

 

“Mismong pangalan.”

 

“Weird naman ‘non.”

 

Natawa si Baekhyun, “Joke lang.” Then nag-isip ito. “Hm, wala akong maisip. Cutie. ” Natatawang suggestion pa nito.

 

Napailing si Chanyeol at bago pa man mapigilan ang sarili ay nasabi na ang mga katagang, “Ikaw ‘yon.”

 

He panicked when he realised what he said. Mabuti na lang at walang negative reaction siyang natanggap mula kay Baekhyun.

 

Sobrang positive pa nga kung iisipin.

 

“You think I am cute?”

 

Walang pag-aalinlangan siyang tumango. Tapang. “Oo, matagal na.”

 

Baekhyun tried his best to hide his smile but he couldn’t. “Edi thank you.”

 

“You’re welcome.”













Sobrang pakipot lang talaga nila sa isa’t-isa. After that day, Chanyeol ended up adopting the black puppy and named it “Bennie”. Talagang sinunod niyang dapat ay ka-rhyme ng Lottie.

 

Now , they look like a cute and little family walking around sa subdivision nila Baekhyun.

 

Natuloy na nga ang sinasabi nitong jogging daw. Chanyeol traveled all the way papunta kela Baekhyun. Tho, hindi pa siya nakakapunta sa bahay nito dahil sa labas sila nagkita, doon sa ice cream house sa gate 2 ng subdivision to be exact.

 

“Ayaw mo bang dumalaw sa school? Hindi mo ba namimiss doon?” Chanyeol asks nang makaupo sila. It has been an hour since they started. He learnt na palagi pala itong ginagawa ni Baekhyun to maintain being fit tsaka para mabigyan na rin ng quality time si Lottie. 

 

Si Lottie na hindi nakalimutan si Chanyeol at kaagad lumapit dito nang makita. Ngayon nga ay magkasundo na ito pati si Bennie. Kasalukuyang nakasabit ‘yung tali nila ngayon sa bakal na parte ng bench. Nasa labas sila ng clubhouse.

 

“Pwede naman. Pag may time.”

 

“Huling kita ko sayo ron, noong hinuli ko pa ‘to.” Then he caresses Lottie’s head. “Bakit ka nga pala nasa labas ‘non at hindi ka nag-practice?” Naitanong niya, naalala niya kasi.

 

“Galing akong dentist ‘non. Hindi ko na namove ‘yung schedule, eh, kaya ayun umabsent nalang ako. Tsaka nakakatamad din kasi ‘yung practice. Puro lakad at upo, taos kanta, may actions pa. Umay.” 

 

Natawa si Chanyeol. “Ako naman a few months from now.”

 

“Oo, then magkacollege ka na rin.” Nagpunas si Baekhyun ng pawis. May mga water silang dalawa. “Saan mo pala balak?”

 

“Edi saan pa?” Ang sagot niya. “Bakit pa ako lalayo, diba? Alumni na ron ‘yung ate ko, don pa nagtatrabaho.”

 

Napatango at ngiti si Baekhyun. “Isa nanamang Tamaraw.” Ang sabi nito. He cannot wait na makita si Chanyeol in a green org shirt.

 

Ang gwapo ‘non.

 

“Ganun na nga.”

 

Marami pa silang napag-usapan bukod sa topic na ‘yon. Napasarap nga ang kwentuhan. Masasabi nila pareho na they have found a friend in each other. 

 

That Sunday was one of Chanyeol’s happiest days with Baekhyun hanggang sa may tumawag dito at completely inagaw ang atensyon nito.

 

Para tuloy siyang naging hangin sa mga sandaling ‘yon. Mabuti nalang at gusto sa kanya ni Lottie kaya kahit kasama ni Baekhyun ‘yung kung sinumang lalaking ‘yon, nagtatawanan pa sila, medyo ayos na rin kasi hindi pinansin ni Lottie si Baekhyun nang dapat ipapakilala ron sa whoever.

 

Makailang sandali, bumalik na rin si Baekhyun na may malaking ngiti sa labi. Pinipigilang tuluyang kumunot ang noo, he asks, “Sino ‘yon?”

 

“Blockmate ko. Gulat lang siya kasi taga-dito ako. Taga-dito raw ‘yung lola niya.” Ang sagot ni Baekhyun. “Loko nga kasi ngayong nalaman niyang taga-dito ako, mapapadalas daw dalaw niya sa lola niya.”

 

Natatawa si Baekhyun pero siya hindi. “Ah.” Ang naging sagot niya.

 

Mukhang hindi naman nahalata ni Baekhyun ang sudden mood drop niya at nagpatuloy ito muli sa pagdaldal na parang walang nangyari. Sinabayan niya na lang.

 

Maya-maya rin, they decided na umalis na kasi masakit na sa balat ang tirik ng araw. Baekhyun invited him na kumain muna sakanila pero tumanggi siya.

 

Isang jeep lang naman ang pagitan ng mga subdivision nila.

 

“Hindi na. Gusto kasi nila mama sabay-sabay kami sa bahay kasi Sunday na lang kami nakukumpleto.” Ang sabi niya rito kaya nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Parang ginawa pa ngang baby ang mga aso noong ipinagpaalam din sa isa’t-isa.

 

Ang sumunod na beses na pareho sila ng lugar na hinihingahan pagkatapos ng linggong ‘yon ay hindi sa FEU Starbucks kundi sa school. Hindi nagpasabi si Baekhyun na dadalaw ito sa alma mater along with his other friends, Jongdae, Junmyeon, and Kyungsoo.

 

Nagkataon kasi na sabay-sabay silang mga walang klase at hindi busy that Friday kaya kinahapunan after gala, they decided to visit their former school.

 

Sa totoo lang, Baekhyun tried telling Chanyeol pero hindi ito nagrereply sa chat kaya hinayaan na niya.

 

Maybe Chanyeol is busy? Training? Research? Malay niya. Basta alam niya ay wala naman itong obligasyon na sabihan siya sa mga gagawin dahil they are just friends kaya kahit ano pa man ‘yon, it is totally fine.

 

Pero kahit pa gaano kaayos ‘yon sa kanya, hindi niya maiwasang hindi mainis nang may makita siya habang papasok sana sila sa faculty lounge upang bisitahin ang dati nilang adviser na si Ms. Rodriguez.

 

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Of course, he knows the reason why. Hindi niya itatanggi sa sarili niyang he is falling for Chanyeol kaya nga apektado siya ngayong nakikita itong naglalakad habang ang braso ay nakapulupot sa bewang ng isang lalaking mas maliit dito na kilala rin niya.

 

Walang iba kundi ang ex-M.U. ni Chanyeol na si Mackenyu. Or siguro M.U. na ulit sila, baka nga official na, eh.

 

Ewan niya basta ang sigurado, eh, nagseselos siya. Nasasaktan siya.

 

Umiwas nalang siya ng tingin at sumunod sa mga kaibigan niya kahit nanlalambot ang mga tuhod niya,

 

Ito na ba ‘yon? His first heartbreak? Napakapangit sa pakiramdam.

 

Noong araw na ‘yon, umalis sila ng eskwelahan na hindi na niya nakita si Chanyeol pero siguro ayos na ‘yon. Hindi niya kasi alam kung paano ang magiging reaksyon, kung kakayanin ba niya, kung sakaling makita niya nga ito tapos sobrang sweet namang kasama iyong si Mackenyu.

 

Fine, magsama sila. 

 

Pero hindi pala ganoon kadali ‘yon kahit na sinabi na niya. Dalawang linggo makalipas noong nag-jogging sila hindi na niya muling nakita si Chanyeol.

 

Kinabukasan noong Biyernes na dumalaw siya sa alma mater nila, kahit paano ay umasa siya na tuloy ‘yung Starbucks date nila every Saturday morning pero wala si Chanyeol noong pumunta siya kaya inabangan niya ulit ngayong Sabado at ngayon ang pangalawang beses na wala ito.

 

Siguro hindi na nga siya dapat umasa pa. Baka siya lang ang nag-assume na may something pero para kay Chanyeol, it is just pure friendship.

 

Nalungkot siya. Sabado pa naman ang birthday ni Chanyeol. Next week ‘yon. Akala niya ay makakapagcelebrate sila kahit saglit lang. Hindi pala. Malamang ay may iba na itong planong kasama.

 

Pagkatapos bilhin ang paboritong almusal, naupo na muna siya upang hintayin na matawag ang pangalang ibinigay niya at muntikan na siyang mapatayo nang tawagin ang Loey until he realizes na hindi na iyon ang pangalang ibinigay niya sa crew kundi Baek na.

 

Nasanay lang kasi siya.

 

He frowns. May totoong Loey? Weird lang kung ‘yun nga talaga ang pangalan kaya out of curiosity, inabangan niya ‘yung taong lalapit sa counter at hindi niya alam kung paanong magrereact nang makita ang isang lalaking matangkad na nakasuot ng gray beanie, shorts, white shirt, at black slide.

 

Bumilis ‘yung tibok ng puso niya. Likod pa lang, kilalang-kilala na niya . Two weeks palang ang nakakalipas pero pakiramdam niya ilang buwan na.

 

Clingy ba siyang tatawagin kung sasabihing namiss niya? At least, clingy friend siya.

 

Hindi niya alam kung para saan siya kinabahan. Doon ba sa paglingon nito sa kanya at nang magtama ang mga mata nila o ‘yung fact na nafigure out nito kung saan nanggaling ‘yung Loey.

 

Siguro both.

 

Lumapit ito sa kanya. Halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya.

 

“Hi.” Ang sabi nito at pakiramdam niya ay iiyak siya lalo pa nang maalala ;yung huling beses niya itong nakita.

 

Mukhang hanggang friends lang talaga.

 

“Hello…” Nauutal pa siya. 

 

“Pwede ba akong umupo at makishare ng table?”

 

Tumango siya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.

 

Naupo na si Chanyeol sa tapat niya at napakafeeler niya pero pakiramdam niya isa siyang bida sa pelikula kung saan nameet ang ex niya.

 

My gosh, ex? Ni hindi nga magkaroon ng pag-asang maging sila, ex pa kaya. Kailangan niya siguro ng mainit na kape. Ang tagal naman ng order niya.

 

He clenches his fist na nakapatong sa lap niya, nakatago iyon sa mga mata ni Chanyeol since nasa ilalim ng mesa.

 

“Nandito ka pala. I didn’t know.”

 

“Oo naman… bakit hindi? Ginagawa naman talaga natin ‘to, diba? Nagulat nga ako nung hindi mo ako hinanap pagpasok mo katulad ng palagi mong ginagawa. Isang Sabado lang akong nawala...” Tunog nagtatampo si Chanyeol at ginawa niya ang lahat to remind himself na huwag siyang umasa kasi hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay.

 

Normal naman ang magtampo sa mga magkakaibigan.

 

“Last week ginawa ko ‘yan kaso hindi ka dumating.” Ang sabi niya. Alam niyang malungkot ang tono niya kaya para hindi maguilty si Chanyeol, inunahan niya na ito sa pagsasalita. “Pero okay lang naman. Hindi mo naman obligasyon na pumunta dito every Saturday. May mga iba ka ring ginagawa. Estudyante ka rin at bukod pa ron, boyfriend.

 

Bakas ang gulat sa mukha ni Chanyeol dahil sa huli niyang sinabi. Nakita niya ‘yon.

 

“Ano? Akala ko ba friends tayo? Bakit tinago mo pa sakin? Gulat kang alam ko ‘no.” He tried to sound as normal and casual as possible kahit ang sakit sakit na.

 

Kumunot naman ang noo ng confused na si Chanyeol. “Sandali. Ako?” Tinuro nito ang sarili. “Ako? Boyfriend?”

 

Tumango siya. “Oo! Huwag mo nang itago saakin. Nakita ko na kayo, eh. Ang sweet sweet niyo pa nga sa hallway. Grabe, ganon talaga makahawak sa bewang? Ang higpit? Nasa school kayo, uy!”

 

Lalong nagsalubong ang kilay ni Chanyeol at halos mapapalo sa mesa nang marealize ang tinutukoy ni Baekhyun.

 

“Dumalaw ka? Nandon ka nung araw na ‘yon?! Bakit hindi mo sinabi sakin?”

 

“Hoy, bata. ” Umirap siya. “Hindi ka kaya nagrereply sa chat.”

 

Napakamot naman si Chanyeol sa ulo. Totoo ‘yon. Guilty siya ron. 

 

“Sorry. Busy lang kasi sa training tapos last week nginarag kami ng leader namin sa research kasi may pre-defense sa first week ng December. Tsaka ‘yung sinasabi mong samin ni Mackenyu? Hindi kami. ” Tumalon ang puso ni dahil Baekhyun sa narinig pero hindi siya nagsalita. Inantay niyang matapos si Chanyeol. “Tinulungan ko lang siya ‘non kasi sakto pagkuha ko ng tubig don sa labas ng clinic, diba may water dispenser don, pinasabay na siya sakin ng nurse. Napilayan siya noong araw na ‘yon, natapilok.”

 

Hindi napigilan ni Baekhyun ang sarili. “Kailangan sa bewang?”

 

“Eh kasi nahihirapan siya kaya doon ko na hinawakan.” Sagot ni Chanyeol hanggang sa may marealize ito. “Teka nga…” A silly smile formed on his face. “Nagseselos ka ba?”

 

Halos maubo naman si Baekhyun sa tanong na ‘yon. “Ang kapal mo ah! Never!” Mabuti nalang at mabilis siyang nakaisip ng panibagong topic. “At huwag mo ngang iniiba ang usapan. Bat hindi ka nagrereply ‘non? Tapos isisis mo saaking hindi ako nagsabing dumalaw ako sa school.”

 

Hindi kaagad nakasagot si Chanyeol. Akala nga niya ay hindi na ito magsasalita, eh. Parang may dumaang anghel sa pagitan nilang dalawa dahil sa biglaang katahimikan nang ibuka nito ang bibig upang magsalita nang mahinang-mahina.

 

Mabuti na lang at trained siya ni Jongdae. Kailangan matalas ang pandinig kahit mahina ang boses para hindi mapagalitan sa tuwing nagdadaldalan sa loob ng classroom.

 

“Nagselos kasi ako.”

 

He frowns. Niloloko na yata siya ng tenga niya. “Huh?”

 

Bago pa man makasagot si Chanyeol, tinawag na sa counter ang pangalan ni Baekhyun. 

 

Muntik na niyang makalimutan na nag-order nga pala siya.

 

“Ah, saglit” Tumayo siya upang kuhain ‘yon kaso ngayon lang naipon ‘yung lakas ng loob ni Chanyeol. Paniguradong kung palalagpasin nito ang pagkakataon, hindi na ulit magiging matapang upang masabi kaya naman  bago pa siya makalagpas sa table kung asan sila, hinawakan na siya nito sa wrist. 

 

“Bakit?” Lutang niyang tanong, malakas ang kabog ng dibdib.

 

“Nagselos ako doon sa kaklase mo noong nakaraan sa subdivision niyo. Nagselos ako kasi gusto ko ako lang ‘yung ngingitian mo ng ganun, gusto ko ako lang magpapatawa’t magpapasaya sayo. Nagselos ako kasi gusto kita, Baekhyun . Tinignan siya nito sa mga mata. Halos manghina siya. Oh my god. “ At mawawala lang ‘tong pangit kong nararamdaman kung malalaman kong kahit sino pa ang magpatawa at magpasaya sayo, hindi magkakaroon ng iba dyan sa puso mo kasi nandyan na ako.”

 

Walang ibang nasabi si Baekhyun noong oras na ‘yon kundi, “Chanyeol...” kaya mas nilakasan nito ang loob at nag-tanong.

 

“Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?

 

My gosh, very high school! Feeling niya high school pa rin siya. Parang 16 lang.

 

Hindi niya napigilang ngumiti at tumango.

 

Kung dati pabebe siya, ngayon hindi na. Hindi na niya ito palalampasin pa.

 

It was one of the happiest days of their lives kahit nakalimutan nang kunin ang breakfast, pakiramdam ni Baekhyun ay hindi lang siya nakapag-kape at sandwich, buffet pa nga.



























“Nasaan ka?” Ang unang bungad ni Chanyeol nang sagutin ni Baekhyun ang tawag.

 

It has been three months of being in a relationship and so far, masasabi nilang sobrang saya. Rainbows and butterflies are everywhere. Ni hindi nga rin makapaniwala ang mga kaibigan nila lalong-lalo na sina Jongin at Sehun but nonetheless, masaya ang mga ito.

 

Sa wakas. Nag-aminan din ang mga pakipot.

 

Pero hindi lang sila kundi pati na rin si Yoora na naging close na kay Baekhyun, tho nahihiya pa rin ang huli at normal ‘yon sa tingin niya dahil professor niya pa rin ito at isa pa, palaging nanunukso si Yoora. Tinatanong pa si Baekhyun kung sigurado na raw ba sa mga desisyon sa buhay. 

 

Malaki talaga ang ambag ng Saturday mornings na patuloy nilang ginagawa hanggang ngayon. Nag-apply na nga rin pala si Chanyeol sa FEU at mag-eexam na lang sa March. He will be taking up Interior Design pero sa susunod na niya ‘yon aabalahin kasi this night is for him and Baekhyun alone.

 

“Nasa library pa.” Ang sagot ni Baekhyun. “Bakit?”

 

“Matatapos ka na ba?” 

 

“Malapit na.” Kumunot ang noo ni Baekhyun na lumabas ng library nang tumawag si Chanyeol dahil bawal siyang makipag-usap doon sa loob. Dumidilim na. Kumokonti na ang mga tao. Actually, hindi naman niya kailangan magtagal doon nang sobra. Pinili lang niyang tapusin ‘yung mga activities niyang malayo pa ang pasahan para may free time siya sa weekend along with his blockmates including Jongdae, kasi mas nakakagana at madali kung may kasama. “Bakit nga kasi? Diba prom niyo ngayon?”

 

It’s February. Panahon ng JS Prom. Nasa Sofitel sila Chanyeol at ang alam niya ay ganitong oras ang start ng entrance so bakit siya tinawagan ng jowa?

 

“Prom nila.” Ang sagot naman ni Chanyeol.

 

He frowns, “Ano?” Hindi niya gets. “Hindi ka ba pumunta?”

saa 

“Pumunta.” Sabi nito. “Pero hindi sa hotel.”

 

“Edi saan?” Ang tanong niya ulit pero instead na mula sa kabilang linya niya marinig ang sagot, sa likuran niya ito narinig, naramdaman pa nga niya ang hininga leeg niya.

 

Sayo.

 

He quickly turns around at halos paluin ito sa gulat.

 

“Bakit ka nandito?!”

 

Medyo napalakas ‘yung tanong niya. Mabuti na lang at walang tao sa hallway. Nakasuot ng tuxedo si Chanyeol at very pogi sa ayos ng buhok nito. Pang-prom talaga ang datingan kaya ganoon na lang ang reaksyon niya nang makita ito sa harapan niya kasi dapat nasa hotel si Chanyeol.

 

Napakamot naman ito sa batok. “Ayaw mo ba?”

 

“Hindi sa ganun pero prom niyo. Bat ka nanditi?”

 

“Parang ayaw mo naman akong makita nyan, eh.” Tunog nagtatampo ito kaya bumuntong hininga siya at nilapitan ang boyfriend.

 

Kinikilig talaga siya sa tuwing narerealize niyang boyfriend niya si Chanyeol. Hays .

 

“Hindi sa ganun.” Kinuha niya ang kamay nito at tinignan ito sa mga mata. “Nagtataka lang ako. Hindi ba tuloy?”

 

“Tuloy.” Ang sagot ni Chanyeol sabay hawak sa kamay niya pabali. “Pero ayoko ron.”

 

Muling kumunot ang noo niya. “Bakit?”

 

Ngiti ang isinagot ni Chanyeol sabay ayos ng buhok niya. Paborito nitong galawin ‘yung buhok niya. Ang cute cute niya raw kasi. Parang hindi daw siya older between the two of them.

 

Parang baby.

 

“Kasi hindi tayo nakapagprom together.” That’s true. Alternate kasi ang prom sa kanila. Ewan din nila kung bakit. Nagprom si Baekhyun noong third year kung saan hindi pa kasali sila Chanyeol dahil sophomore palang ito. Noong tumungtong silang dalawa sa senior and junior levels, wala namang prom kaya hindi talaga sila nagkaroon ng chance.

 

“And?” Ang tanong pa ulit ni Baekhyun.

 

Napapailing na lang si Chanyeol. Nakakaslow ba talaga ang college? O sadya nakakalutang ‘yung kapogian nito? Chos. “Kaya ako pumunta rito at hindi doon kasi gusto ko na itong first and last prom ko, ikaw ang kasama ko.” Ang sabi nito at halos parang gustong umiyak ni Baekhyun.

 

How could a young love like this be so real and sincere? Naramdaman niya ‘yon.

 

Hindi siya nakapagsalita. Tinignan niya lang si Chanyeol gamit ang makikislap na mga mata.

 

“Oh, bat parang malungkot ka?”

 

“I hate you.”

 

Chanyeol chuckles and says, “I love you.” Tapos ay ngumiti ito. Yung ngiting kahit sino ay hindi makakatanggi once may hilingin ito. “So ano? Can I have this dance?”

 

Baekhyun, being the ultimate pabebe ever since high school, rolls his eyes. “Dito? Loko ka ba?!”

 

“Hindi dito.” Ang sabi naman ni Chanyeol. “Aalis tayo rito at sasakay tayo ng jeep kahit nakatuxedo ako tapos pupunta tayo sa school, sa diamond field. ” Lumabas ang dimple ni Chanyeol at mas lalong nahulog si Baekhyun. Hindi lang dahil sa itsura nito kundi pati na rin sa kung paano nito sabihin ‘yung mga pinlano. Ang daldal! Hindi man lang siya sinurprise. Siguro excited si Chanyeol, siya rin naman. The latter looks so dreamy. “So ano? Tara na? Baka hindi na masarap ‘yung pagkaing binili ko. Iniwan ko ron kay kuya guard, eh.”

 

“Teka, kukunin ko lang ‘yung bag ko!” 

 

“Okay, bilisan mo. Mamimiss kita.”

 

Hindi niya na lang ito sinagot tapos ay nagmadali na pabalik sa loob ng library. He took his bag and things at sinabi sa mga kaibigan na kailangan na niyang umuwi. He has no time to explain.

 

Chanyeol muna for tonight.

 

Pagbalik niya, they walked hand in hand palabas ng campus at nag-jeep nga sila. Pinagtitinginan si Chanyeol ng mga tao dahil nakaformal attire ito pero wala silang pakialam.

 

All they know is that they are happy together.

 

“Ano nga pala ‘yung pagkaing binili mo? Pwede naman tayong sa bahay nalang mag-dinner.” 

 

Alam na rin kasi ng parents nila ‘yung tungkol sa kanila at wala namang kaso ‘yun as long as hindi nila pababayaan ang mga pag-aaral.

 

“Hindi feel ‘yon! Isasayaw pa nga kita, eh.” Natawa ang mga nakarinig sa loob ng jeep. Kahit sino maweweirdohan sa kanila ngayon sa jeep lalong-lalo na kay Chanyeol pero wala, eh. Tinamaan kaya hindi nagmamatter ang ibang tao. “At wala namang ganon sa bahay. Pwedeng gawin pero iba pa rin kapag ‘yung nakasanayan.”

 

“Edi ano nga ‘yon?” Baekhyun asks. Ang lapit lapit nila sa isa’t-isa kaya nang may makita siyang something na puti sa may mata ni Chanyeol, kahit super liit lang, nakita niya. He removed it as the younger answered his question. 

 

“Ano pa ba?” Chanyeol says, putting an arm over Baekhyun’s shoulder. “Ham and cheese croissant.”





Notes:

If you reached this part, that means you finished the story.

thank you for reading! comments are highly appreciated or you can tweet me @ravencloey.

keep safe. until the next one :-)

PS. sa med institute ako kaya hindi ko alam kung may Starbucks ba ang FEU Morayta so I didn't include which branch para hindi confusing at magulo. You can imagine any FEU you want haha!