Philippine Network War
Philippine Network War | |
---|---|
Petsa | 1462-2192 |
Lugar | Buong Pilipinas |
Resulta | Hindi malaman |
Mga sangkot | ABS-CBN, GMA 7, TV5 |
Mga kumander | ??? |
Puwersa | ??? |
Mga namatay/nasaktan | Doon mo itanong sa ospital |
Ang Philippine Network War ay isang MMORPG sa telebisyon na kinabibilangan ng mga pinakamalalaking kumpanya ng media sa Pilipinas, partikular na ang ABS-CBN, GMA 7, at ang nagladlad este ang nagbago ng pangalan na TV5. Ito ay unang pinasimuno ng AGB Nielsen.
Mga manlalaro[baguhin]
GMA Network[baguhin]
Ang GMA 7 ang kasalukuyang nangunguna sa conflict sa may Metro Manila area (pero dun lang). Nagsimula sila sa isang entrepreneur na tatawagin na lang nating Uncle Bob. Pagkatapos ay nagpasabog sila ng korning tagline sa ABS-CBN, ang "Where You Belong" (Nasaan Ka, Anak?). Kasama sa mga sundalo ng GMA 7 ay mga taong diwata, taong ibon, taong gagamba, taong robot, isang sirena-slash-best-slut-in-town, mga kopya ng 90's na telenovela, mga nakaw sa ABS, at isang newscaster na gurang na ewan.
Noong 2000's ay nagpasabog na naman ito ng bagong tagline, ang "Ka-uso" ("Ka-uso ng Bawat Pipino"), kasama ang bagong logo nito na piniping lumang logo nito na pinaghugis-puso. Creative, no? Sobra.
May underground deal din ang GMA 7 sa Jam kaya no choice ka kung Jam lang ang pwede mong sakyan.
ABS-CBN[baguhin]
Hindi matalo-talo ng ABS at ang CBN ang GMA noon dati sa mahabang panahon kaya sila ay nag-merger, sila ngayon ay tinatawag na (guess what?) ABS-CBN. Pinapakita nito ang sobra namang un-creativity nila. Acronym na nga pareho, pinagsama pa. Ngayon iniisip nila na nanalo na sila sa GMA 7 sa ratings, pero kailangan pa nilang ibalanse ang ratings nila sa Metro Manila.
Kasama sa hukbo nila ang napakaraming drama series, mga nakakalimutang constant ng Pinoy Big Brother, isang mataray na game show host, isang papaya, mga gurang na artista, mga boring na morning show hosts, at isang noontime game show host na 'di mo maiintindihan kung gusto bang magpatawa, magpaiyak o manlaglag.
TV5[baguhin]
Walang kamalay-malay ang ABS-CBN at GMA 7 na unti-unti na silang tinatalo ng isa pang pwersa sa digmaang ito, ang TV5. Noong 2008 ito ay nagpurga ng mga bulate sa tiyan, ang dahilan kung bakit hindi mataas ang ratings nito, at mula sa ABC at pinangalangang TV5. Kasama sa pwersa ng TV5 ay mga cartoon character mula sa Nickelodeon, isang taong umaapoy ang buhok, isang lider ng banda na iniwan ang banda, mga DJ ng katatakutan, at mga nakaw sa Studio 23 at GMA 7.
Mga highlight ng digmaan[baguhin]
Ratings controversy (GMA 7)[baguhin]
Dahil nga hindi maka-iskor ang GMA 7 sa labas ng MM, nagpadala ito ng secret agents upang i-tweak ang mga telebisyon ng mga panel homes sa may Bacolod. Early reports ng mga pamilyang nagrereklamo ng automatic na lumilipat ng channel ang kanilang telebisyon ang umusbong din sa may Iloilo. Sa dami naman ng trabaho ng TV repairman ay nagsumbong ito sa pulis. Itong pulis naman ay nagpadala ng secret agents na nag-imbestiga sa opisina ng AGB Nielsen. Nakarating ito sa General Manager's office, nakita siya ng manager pero takot na takot, kaya inamin niya na may ipinasa silang listahan ng mga panel homes sa isang undercover GMA asset na si Mike Enriquez. 'Di nagtagal at nag-leak ito sa buong Pilipinas, at nagbatuhan ng mga ugok na komersyal ang ABS-CBN at GMA 7 na pampalaglag sa isa't-isa.
Mga Masyadong Pilipinong Bagay | |
Ang bansa | Pilipinas - Pilipino - Maynila |
Mga tao | Corazon Aquino - Gloria Macapagal-Arroyo - Imelda Marcos - Manny Pacquiao - Michelle Malkin - Raganciano Kapitapitagan Junior - Renaldo Lapuz |
Kultura | Kasaysayan ng Pilipinong Emperyo - Spanish-American War - Kusina - Homosekswalidad sa Pilipinas - Jeepney - Jollibee - Mga Mail Order Bride - Philippine Network War - Relihiyon sa Pilipinas - Shake, Rattle and Roll |
Mga lokasyon | Ateneo de Manila University - Computer shop - Mindanao State University - Philippine Tourism - University of the Philippines |