Dual SIM
Ang dual SIM na teleponong selular ay isang kasanggkapan na kayang tumanggap ng dalawa o higit pang SIM card.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang naglabas ng dual SIM na telepono ang Benefon noong taong 2000,[1] ngunit noon lamang huling bahagi ng dekada 2000 nang naglabas ang mga kompanyang galing Tsina ng teleponong dual SIM taglay ang chipset na gawa ng Mediatek.
Noong una ay hindi naglabas ng dual SIM na telepono ang mga malaking kompanya kagaya ng Nokia, sa pangambang tututulan sila ng mga kompanya ng telekomunikasyon, pero noong 2010 ay inilunsad ng Nokia ang kanilang C2-00 at C1-00[2][3] and ang Nokia X[4], na sinundan pa ng mga katulad na telepono mula sa Samsung, Sony at iba pa.
Mga uri ng dual SIM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago lumaganap ang mga dual SIM na telepono, unang lumabas sa merkado ang mga adapter para makagamit ng dalawang SIM ang isang telepono, at magpalit ng linya kung kinakailangan.[5][6]
Ang mga dual SIM switch na telepono, tulad ng Nokia C1-00, ay kagaya din ng isang pangkaraniwang teleponong selular sa kadahilanang iisa lang ang ginagamit nitong radyo, at kailangang buksan ang kabilang SIM para magamit ito.[7] Iisa din ang radyong ginagamit ng dual-standby na telepono, ngunit parehong aktibo ang dalawang SIM; pero kapag ginamit ang isang SIM sa pagtawag ay pansamantalang mapuputol ang kabilang linya.[8]
Gumagamit ang dual SIM active na telepono ng dalawang radyo sa pagpapadala at pagtanggap ng tawag at mensahe, kaya ito ay maaring makatanggap ng tawag sa parehong linya.[9] Ngunit ito ay maaring kumunsumo ng higit pang kuryente, kaya ang ilan sa mga dual SIM active na telepono ay gumagamit ng bateryang may mas malaking kapasidad.[10][11]
Pagtanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging popular ang mga dual SIM na telepono, lalo na sa mga tagagamit mula sa mga umuunlad na bansa tulad ng India at Pilipinas at sa mga negosyante[6][12] dahil sa higit na mababang halaga ng pagtawag at dagdag na network coverage.
Kumakalat din sa merkado ang mga pekeng teleponong selular mula Tsina, na ang kalimitan ay kayang tumanggap ng dalawang SIM.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "BENEFON AND VLP INTRODUCE A WORLD INNOVATION: BENEFON TWIN DUAL SIM UTILIZES TWO SIM CARDS -- October 19,1999 /PR Newswire UK/". PR Newswire. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dual SIM Nokia C2 revealed". Nokia Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-14. Nakuha noong 18 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nokia C1 unleashed with double-SIM functionality". Nokia Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-14. Nakuha noong 18 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nazarian, Robert. "Nokia unveils 3 new Android handsets: Nokia X, Nokia X , and Nokia XL". TalkAndroid.com. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Duo SIM D2 converts a standard mobile phone to dual SIM phone in minutes". CELLPHONEBEAT. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Dual SIM review: Mobiles go two-in-one". GSM Arena. 3 Agosto 2007. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nokia C1-00 review: Dual SIM-phony". GSM Arena. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nokia Dual SIM Phones: Which one to buy?". Shout Me Loud. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2014. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HTC Desire 600 Review - Interface, Functionality, Dual SIM and Internet". 9 Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Abril 2014. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dual-SIM - Mobile terms glossary". GSM Arena. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is Dual SIM Dual Standby and Dual SIM Dual Active". Gadgets To Use. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HTC One Dual-SIM". 14 Disyembre 2013. Nakuha noong 27 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shanzai! (Wired UK)". Wired UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2013. Nakuha noong 5 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)